2

WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 68


Report

SANDRA’s POV:
NANLULUMO pa rin ako sa katotohanan.
Pero walang patutunguhan ito kung hindi ako gumagalaw at naghahanap ng ebidensiya.
I need to do something to know the whole story.
Litong-lito ako sa mga nangyayari.
Hindi ko na matanong pa si nanay dahil patay na ito.
Yung papa ko rin, matagal na akong tinalikuran. Hindi ko nga siya kilala dahil tinakbuhan daw nito ang responsibilidad bilang ama sa akin.
Kaya sa murang edad, nagtrabaho na ako.
At dahil do’n, nakilala si Derick na binigyan akong Michael sa buhay ko.
Kaso sa isang iglap, namatay ang anak ko.
Namatay siya sa mismong kamay ni Katrina.
All this time, kapatid ko pala ang may kagagawan.
“Shit! Bakit ba ang bagal mong mag-isip ngayon, Kate?!”, I said.
I’m facing the mirror while talking to myself.
I don’t know how to start my new plan.
Plano ko kasing kausapin si Katrina at magpapanggap ako bilang si Sandra. Total, Sandra ang mukha na ginagamit ko ngayon dahil sa surgery.
“Bahala na!”, sambit ko muli.
Kinuha ko na ang wallet sa kama matapos kong mag-ayos.
Umuwi kasi ako sa bahay para maligo at magpalit ng damit dahil nga nag-stay ako kagabi sa mismong clinic.
Busy ako sa araw na ‘to, so wala na akong oras para intindihin si David.
Hindi niya sinunod ang utos ko, kaya wala na akong pakialam sa kanya.
Magkanya-kanya na kaming kilos, total nagmamagaling masyado ang binata.
Tsk.
Sumakay ulit ako sa kotse ko at drinive ito sa bahay na tinutuluyan nila Katrina.
Medyo nahihilo na ako dahil wala pa akong pahinga simula pa kahapon.
Pero gano’n talaga, kailangan kong magtiyaga para makuha ang hustisya na inaasam-asam ko.
Ang bahay na hinintuan ko, ay yung bahay mismo kung saan, dito ako dinala ni David noon.
Ito yung bahay na inenjoy namin noon nung nabubuhay pa si Michael.
Ang saya sana namin, kaso ang saklap ng kapalit.
BUMABA na ako sa aking sasakyan at lumapit sa doorbell para pindutin ito.
Isang katulong ang bumukas ng gate kaya nakapasok na ako sa loob.
“Ma’am, sandali lang po. Sino po kayo?”, pagpipigil niya habang hinahabol ako.
Tuloy-tuloy naman ako sa paglalakad at nagbibingi-bingihan.
“Teka lang po Ma’am.”, she said again.
But she’s too late kasi tuluyan na akong nakatuntong sa mismong bahay.
Binago na ang design ng bawat sulok.
Kaya hindi ko maramdaman ang totoong saya dito.
Napadako naman ang tingin ko sa sala, dahilan para mabigla ako sa aking nasilayan.
Umiinom ng alak si Katrina na tila lasing na lasing na ito.
Tamang-tama pala ang dating ko.
Sabi kasi ng matatanda, nagsasabi raw ng totoo ang lasing.
Nalalabas nila ang saloobin na tinatago nila.
Kaya humakbang agad ako patungo sa tapat ng babae.
“Kumusta?”, tanong ko sa maayos na paraan.
Bahagya itong napatingin sa gawi ko, na medyo tiningala niya ang ulo para makita ako.
“I’m just here to visit you. And aside from that, we need a model in my company. So ikaw ang naisip ko, kasi marami ka ng experience about modeling.”, turan ko para lang makaisip ng sasabihin.
Yung pinaplano ko sa kanya noon na papahiyain, hindi na matutuloy dahil nga umalis na ako sa pagiging CEO.
Kaya nagsisinungaling ako kay Katrina, para hindi ito magduda.
“HAHAHAHAHAHAHAHA.”, malakas na tawa ang pinakawalan niya dahil sa sinabi ko.
Tipsy na ang galawan nito. And the way she laughed, halatang nilamon na ng kalasingan.
“Tangina HAHAHAHA. Si David ang inaasahan ko na pumunta, pero ikaw ang nagpakita? Isa pa nga, tangina mo, Sandra! HAHAHAHA!”, muli niyang saad na hindi mawala ang pagtawa.
“Excuse me?”, taas-kilay kong bigkas.
Ayoko pa naman sa lahat yung minumura ako.
“Oh bakit? Di ba tangina ka? May boyfriend ka na, tapos nilalandi mo pa rin ang asawa ko! Hindi ka man lang nahiya!”, usal na sigaw ni Katrina.
“Wala akong nilalandi.”, kalmadong wika ko.
“Talaga ba? Anong tawag mo sa...


paglapit ng asawa ko sayo?”, mapanghamon na sambit niya.
“Mrs. Katrina, si David ang may gustong lumapit sa akin, hindi ako. So be careful with your words. Lasing ka na talaga.”, mataray kong turan.
Hindi ganito ang gusto kong marinig sa kanya, pero mukhang imposible yata na umamin ito.
“Well, kagaya ng sinabi ko, para sa kompanya ang pinunta ko. Kaya kung ayaw mo, aalis na lang ako. I don’t want to waste my saliva to the toxic people like you.”, diretsang litanya ko.
I was about to turn my back pero may salita itong binitiwan.
“Ano ba kasing meron sayo, Sandra? Wala na nga si Kate sa pesteng mundo na ‘to, tapos ikaw naman ang pumalit?! TANGINA LANG!”, malutong mura ni Kat.
So I gave her a cold look, nang sa gano’n, hindi nito isipin na interesado ako sa pinagsasabi niya.
“You know what, I’m really tired! Mahal na mahal ko si David. I can’t lose him. I c-can’t also live without him.”, umiiyak na turan ng babae.
Para siyang bata na nagmamakaawa ngayon sa akin.
Nakayakap kasi ito sa aking tuhod na animo’y pinipilit ako na layuan ang lalaki.
“Please, ‘wag naman ang asawa ko. Kasal na kami. Huwag mo sanang agawin si David sa buhay ko.”, bigkas nito ulit.
“Katrina, wala akong inaagaw.”, malamig na pahayag ko.
“Sandra, alam kong mabait ka. Kaya sana hayaan mo na kami ni David. Huwag mo ng sirain ang pamilya ko.”,
“Hindi ko sinisira ang pamilya mo, Katrina. Dahil hindi ako gano’n na tao. How about you? Tinanong mo na ba ‘yan sa sarili mo?”, balik na saad ko.
“Wala. Wala akong sinira. Patay na si Kate nung kinasal kami ni David. Si Kate, inu-uod na siya. At masaya ako na gano’n ang nangyari sa kanya.”, wika nito na tila baliw na.
Wala akong magawa kundi ang tingnan at pakinggan siya.
“At alam mo ang nakakatawa? Matagal ko ng alam na kapatid ko si Kate, hahaha. Kasi sabi ni Daddy, nung pinanganak kaming dalawa, ako lang daw ang nakuha niya hahahahaha.”, natatawang kwento ni Katrina.
“What? K-kapatid mo si Kate na minahal ni David?”,
“Oo hahaha, kapatid ko ‘yon. Kaso nga lang, hindi niya alam na kapatid niya ako. Pero okay na rin ‘yon kasi hindi ko naman tanggap na kadugo siya. Mabuti nga at nahiwalay ako sa kanila. At sinama ako ni daddy sa kabit niya. Kaya ayon, maganda ang buhay ko.”, she said again.
Gusto kong magsalita pero pinigilan ko ang aking bunganga dahil si Sandra ako sa paningin niya.
Lumagok ulit siya ng alak, sabay tingin ulit sa akin.
“Kaya wala akong sinira na pamilya. Hindi ko sinira ang pamilya ni Kate dahil patay na siya. Patay na siya!”, bulyaw nito.
Nagawa niyang ibato ang bote dahilan para mabasag ito.
“Kaya kung hahayaan mo kami at lalayuan mo ang asawa ko, magiging happy family kami nila David at— Michael.”, turan niya na lalong ikinagulat ko.
Did she mentioned my son’s name?
“A-anong sabi mo?”, I asked.
Sa puntong ito, feeling ko, tumigil ang tibok ng puso ko.
“Hindi patay ang anak nila. Hindi patay si Michael, hahahahaha. Pinalabas ko lang na patay para sa gano’n mamatay talaga si Kate sa pagluluksa. Kaya ayon, nagtagumpay ako dahil namatay nga siya. Ang galing ko diba? Masyado akong mautak. Hindi niya alam, ibang bata ang iniyakan niya HAHAHAHA! Woaaahh!”, paninigaw nito sabay palakpak.
“Katrina.”, madiin na sambit ko sa pangalan ng babae.
Imposible ang sinasabi niya.
Nakita ko ang mukha at labi mismo ng anak ko. Si Michael yung iniyakan ko. Si Michael yung niyakap ko. Kaya paanong buhay ito?
“Nasa’n si Michael?”, tanong ko rito.
“Bakit ko naman sasabihin sayo? Hindi tayo close, Sandra. Nye nye! HAHAHA tsupi!”, wika nito na may pang-iinis.
Hindi na ito nakasalita pa dahil tuluyan na siyang nakatulog sa sobrang kalasingan.
END OF CHAPTER 68
Β©Binibining_Timoji


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.