0

πšπ™°π™Έπ™½ π™΅πš„π™΄π™½πšƒπ™΄π™±π™»π™°π™½π™²π™° β„™β„π•†π•ƒπ•†π”Ύπ•Œπ”Ό


Report

“Nasaan ba yung impaktong sinasabi mo Jellaine? Ituro mo nga sa akin yang manlolokong boyfriend mo?!” nandun sila sa loob nang mamahaling restaurant kung saan nakita ni Jellaine na may ka-date na iba ang impaktong boyfriend niya. Naiiyak na itinuro niya kung nasaan ang jowa niya. At ayun! May kasama nga itong iba.
Akmang lalapitan ni Claire ang dalawa nang hawakan siya sa braso ni Jellaine.
“A-anong gagawin mo best?” kinakabahang tanong niya.
“Tuturuan ko ng leksiyon ang impaktong yun!” sabi ni Claire at sinugod ang dalawa.
Tinapik niya sa balikat ang jowa ni Jellaine na enjoy na enjoy sa pakikipag-usap sa kalandian nito.
Nagtatakang tumingin ang lalaki kay Claire.
πŸ’­ OMG! Hindi ko alam na ganito pala kagwapo ang lalaking ito. πŸ’­
“Sino yang babaeng yan ha?!” sigaw niya sabay turo sa kasama nitong babae. Napatingin na sa kanila ang mga tao sa restaurant. Napatayo naman ang lalaki.
Napansin ni Claire na sinesenyasan siya ni Jellaine, na para bang pinapatigil siya sa kung ano man ang plano niyang gawin.
πŸ’­ Tss! Ayan talaga mahirap kay Jellaine, eh. Masyadong mahina ang loob!) πŸ’­
“Who the hell are you miss?” naiiritang tanong nang lalaki sakanya.
“Wow, ha?! Matapos nang mga nangyari satin ay kakalimutan mo na lang ako ha! At makikipaglandian ka sa babaeng yan!” sabay turo niya sa babae. Parang napapaiyak na ang babae.
“F*ck! Ni hindi nga kita kilala miss! What the f*ck are you talking about?!” naiinis na ito kay Claire.
“Akala ko ba mahal mo ko! Akala ko ako lang. Paano mo nagawa sakin to, ha?! Pinagkatiwalaan kita,...


alam mo ba yun? Sinakripisyo ko ang lahat para sayo!” sabi ni Claire habang nagkukunwaring umiiyak. Buti na lang magaling siyang umacting πŸ˜…
Biglang tumayo ang babae at sinampal ang lalaki.
“Break na tayo!” sigaw nito sa lalaki at umiiyak na lumabas ng restaurant.
Bigla naman si Claire hinila ni Jellaine. At nagtago sila sa sulok na parte ng restaurant. Naiinis na tumingin si Jellaine kay Claire.
“Bakit ganyan ka makatingin, ha? Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, bruha ka!”
“Ang tanga mo best! H-hindi siya ang boyfriend ko!” Naiinis na sigaw ni Jellaine.
πŸ’­ So? πŸ™„ Ano naman —- ano? 😲 πŸ’­
“Anoooooo?!! Pinagtitripan mo ba ako, best? Siya diba yung tinuro mu sakin?”
Tinuro ni Jellaine ang katabi ng table ng lalaki kanina.
“Siya! Siya ang boyfriend ko!” Naduduling ka na yata, eh!”
Feeling ni Claire pinagbagsakan siya ng langit at lupa! Ang tanga nga niya! πŸ˜… May nasira siyang relasyon nang walang kamalay-malay na magsyotang yun!
πŸ’­ Ang tanga kooooo!! πŸ€¦β€β™€οΈ πŸ’­
Nahintakutan si Claire ng lumapit yung lalaki kanina sakanya. Masamang masama ang tingin nito sa kanya. Para bang gusto nitong patayin siya. Nakatingin din lahat sa kanila yung mga taong nasa restaurant.
“Hilingin mo na hindi na ulit tayo magkikita, dahil pag nagkita ulit tayo sisiguruhin kong magdudusa ka!” malamig na sabi nito at tumalikod na. Feeling ni Claire nakahinga siya ng maluwag dahil umalis na.
Pero humarap muli ito sa kanya at masama ang tingin.
“Remember my name miss, πšπšŠπš’πš— π™΅πšžπšŽπš—πšπšŽπš‹πš•πšŠπš—πšŒπšŠ.” sabi nito kay Claire na may diin at nakakatakot na tono.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.