0

THE WILD SILENCE CHAPTER SIXTEEN


Report

Hindi pa man nakakalayo ang Chopper na sakay ng mga Vergara ay may mga nag paulan na naman ng Bala sa kanila.
*Bang!
*Bang!
Lahat sila ay Ginapangan ng Kaba, “Dumapa kayo! “matigas na utos ni Borex. “Cover them! Cover them! ” utos pa nito kay Kevin, patakbong tumungo si Borex sa Piloto. “ilayo mo ang Chopper sa kalaban madali ka! ”
Bahagya syang sumilip at natanaw niya ang dalawang chopper na sumusunod sa kanila, nagmamadaling kinuha ni Borex ang baril nya. “Kevin kuhanin po ang Sniper at targetin mo yung piloto! Master Jiro, tawagan mo Si Alexa sabihin mo ang lagay natin. ”
“pe-pero paano kung nakikipaglaban pa sya don? ” kabadong sagot ni Jiro.
“Just Follow my Order! Baka mapatay kami noon kapag may nangyareng masama sa inyo ni Mister Vergara.
“W-what happen! “utal na tanong ni Mister Vergara nang tumungo sya kila Jiro ngunit isa man ay walang sumagot sa kaniya.
*bratatatatatatatat
Sabay-sabay silang dumapa dahil sa muling pag papaulan ng Bala dahil doon ay nadaplisan si Mister Vergara sa balikat dahilan para bumagsak ito sa sahig ng chopper
“Daddy! ” nag aalalang saad ni Jiro.
“Bwiset! “ani Borex dahil wala syang magawa kundi ang mag mura, pumwesto si Kevin para mag paputok ng baril pero hindi nya pa naipapalabas ang unang bala ay muli na naman silang pinaputukan ng kalaban.
Dali-daling dinial ni Jiro ang Number ni Alexa. “Wala oang isang oras ay namimiss mo na’ko.” mayabang na saad ni Alexa habang nakahiga sa damuhan katabi ang walang malay na lalake na huling napatumba nya.
Inagaw ni Borex ang cellphone kay Jiro. ” Alexa! May Chopper sa’ming nakasunod, hindi kami makakatuloy sa Palao may Tama na din Si Mister Vergara! ”
Napabangon si Alexa.” ano! Paanong! ” nagbuntong hininga ang dalaga. ” Sige humanap kayo ng Ospital na mapaglalapagan ng Chopper i co-cover ko kayo! ”
“pero paano e nandyan ka sa baba.” ani Borex.
“nang tawagan mo ko ay hindi mo naisip yan! Ako ang bahala sige na! “ani Alexa tsaka pinatay ang linya.
Kaagad nyang tinipa ang cellphone nya para kumontak sa Alpha. ” it’s Captain Valdez! I need my Armor .” aniya matapos ay muling tinipa ang cellphone para tawagan si Amoriz. ” sunduin mo ko” iyon lang ang sinabi nya.
Samantala puro’s palitan naman ng putok ng baril ang paulit-ulit na naririnig ng binatang Vergara, Hindi nito malaman kung sino ang nakakalamang sapagkat hindi nya magawang silipin ang mga pangyayare dahil sa palagay nya ay delikado lalo pa at wala si Alexa.
Ngunit hindi nag tagal ay mas lumakas pa ang pag Sabog.
*Boogsh!
“Captain borex may Rocket Laucher sila! ” ani Kevin.
“haisst! Wala pa bang nahahanap na Ospital! ” hindi na malaman ni Borex kung ano ang iisipin, inis, syang tumungo muli sa piloto. “wala na bang ibibilis to! Ma-mamatay tayo kung patuloy tayong pasasabugan ng kalaban! ”
“o-opo… ” tarantang saad ng piloto.
Mabilis na pumarada ang kotse ni Amoriz para kay Alexa. “ang tagal mo!l inis na saad ni Alexa tsaka pumasok sa kotse, kinuha nito ang laptop ni Amoriz tsaka nag tipa sa keyboard noon at mabilis na narating ang satellite dahilan para matanaw nya sa screen ang tatlong chopper na nag hahabulan sa Ere.
Hindi malaman ni Amoriz kung dapat ba syang matuwa gayung napahanga na naman syang muli ng dalaga, ang, inaakala nya ay sa, patayan lang ito magaling ngunit nagkamali sya dahil maging sa pag po-program ay higit na maalam ito kaysa...


sa kanya gayung sa Harvard naman sya nagtapos iyon ay paaralan ng mga matatalinong Estudyante sa Ibang bansa.
“san tayo?”
“Ihinto mo Ako sa Mall ng mga Vergara.” utos ni Alexa, habang hindi inaalis ang mata sa Laptop, kinuha nya ang headphone tska iyon isinukbit sa ulo nya. “This is Alexa, Come in! I Repeat this is Alexa! ” sa saglit na minuto ay, nagawa ni Alexa na agawin ang linya nang piloto ng chopper nila Jiro. ” i command, Landing on The top of Vergara’s hospital ” utos ni Alexa sa piloto.
“i’m sorry, ma’am the space is to tight for your command! ”
“Letche! Sige, sa harap kayo ng Ospital bumaba sa loob ng dalawang minuto ay dapat makababa ang lahat ng Sakay mo. ”
Hindi mapakali si Alexa dahil hindi sya sigurado kung ayus, lang ba talaga sila Jiro Pati na ang dalawang tauhan ng phoenix.
Pagkababa ni Alexa sa kotse ni Amoriz ay sumilip pa ito sa bintana. “Contact-in moko at trace mo ang location ng kalaban .” bilin nito, tumango naman si Amoriz bago mag drive palayo.
Itinabingi ni Alexa ang ulo nya nang makarating sya sa parking area ng Mall, naroon ang isang toldang itim na palagay nya ay pag aari nya, inalis nya ang tabing noon dahilan para bumungad ang Motor nyang ECCOSE ES1 kulay itim iyon at napaka angas ng itsura, “sa wakas magagamit ko na ang one hundred and Eighty million ko ” nakangising aniya patungkol sa sasakyan na sa ganoong halaga nya nabili.
Naroon na naman ang atache case na ginamit nya noong salakayin sila borex ng kalaban sa Kumpanya ng mga Vergara.
Binuksan nya ito ngunit iba ang laman ng atache case na labis nyang ikinalukot ng noo dahil isa iyong Rocket launcher. “paano ko mag mamaneho kung ganito kabigat ang bitbit ko? ” hindi makapaniwalang aniya gayun pa ma’y hindi na sya nag sayang ng oras at mabilis syang sumakay sa motor nya.
*BROOOM! BROOM!
paangil nya sa motor bago tuluyang sumakay doon, nakasukbit sa likod nya ang armas tsaka kinambyo ang motor na kaagad namang umandar.
*tsug! tsug! Tsug!
Nag hahanda na ang piloto para sa paglanding ng Chopper pero alam nyang hindi sila aabot sa Hospital na naoag usapan nila Ni Alexa dahil umuusok na ang pwetan ng chopper matapos itong tamaan ng kalaban.
“Hello! Amoriz! “ani Alexa sa Earing device na naka kabit sa tainga nya. “anong lagay! ”
“alexa.. Hindi sila aabot sa Hospital dahil, may damage na ang Chopper.”
“mag drive ka papunta doon ako bahala don sa dalawang humahabol.” ani alexa. Nagawa pa nitong makipag usap, gayong dalawang daan na ang takbo ng motor nya.
Gumamit ng shortcut si Alexa para mas mabilis na makarating, ultimo sa mga matataas na building na nagawa nyang idaan ang motor nya sa bawat rooftop noon palibhasa’y makapal ang spring na naka kabit sa motor kaya’t nakakpag bounce ito kahit gaano pa kataas.
Nang matanaw nya ang mga chopper ay huminto sya sa lag d’drive at kaagad na kinuha ang Rocket launcher sa likod nya at nilagyan iyon ng bala na naka sinturon sa katawan nya. Ipinikit ng dalaga ang isang mata nya para sipatin ang chopper.
*Pseeeeeeew!
*Boogsh!
“woaaaah~” humahangang na sambit ng dalaga tsaka muling nagpatuloy sa pagmamaneho palapit sa chopper nila Jiro.
Halos mapangiti si Jiro nang matanaw nya si Alexa bitbit ang maangas na presensya nito. ” Wanna ride? ” nakangising saad ni Alexa tila walang panganib sa harap nila.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.