0

What a Girl wants CHAPTER TWELVE


Report

What a Girl wants πŸ’•πŸ₯°
🍬 CHAPTER TWELVE 🍬
NGUMITI nang matamis si Claribelle at ikiniling ang ulo. “They are my sponsor. Gusto po nilang nandito ako para i-represent ang brand. Please don’t make a scene. Sayang ang pinakaiingitan ninyong career ni Reymart kung gagawa kayo ng eksena. Have a seat.” At inilahad niya ang kamay sa bakanteng upuan sa tapat niya.
Mariing nagdikit ang mga labi ni Mrs. Ferrer, parang pinipigilan ang galit. Akala ni Claribelle ay lalayasan na lang siya ng ginang pero umupo ito sa bakanteng Queen Anne’s chair sa tapat niya. She looked like a haughty queen with an invisible crown.
“Ang lakas talaga ng loob mo at tinapatan pa ng cheap mong show ang timeslot ng anak ko.”
Nagkibit-balikat si Claribelle. “Desisyon po iyon ng management.”
Dumukwang sa mesa ang ginang mariing bumulong. “And what will you do next? Idadamay mo ang pangalan ng anak ko? I will ruin you once you do that. Idedemanda kita. Hihilahin ko ang buong istasyon ninyo pababa.”
Tinitigan ni Claribelle ang ginang. “Sana, nagiging mabait kayo sa akin para huwag kong idamay si Reymart. Hindi naman yata tama na magmataas kayo sa akin.”
“I will never bow down to a low-class girl like you. “Bugawserye” ang tawag sa palabas niyo.”
Bumuntong-hininga si Claribelle. “Hindi ko po alam na pambubugaw na pala ang tawag sa dating game ngayon. Ibig sabihin, pati pala ang ibang dating game noong araw, pambubugaw na. Ang alam ko po kasi sa pambubugaw, iyong ibinubuyo ang isang tao para sa pera. Parang ex-boyfriend ko na ipinipilit siya sa babaeng hindi niya gusto pero mapera. Labag sa kalooban niya dahil ako naman talaga ang mahal niya. Kaso, wala naman akong pera.”
Namula sa galit si Mrs. Ferrer. “You bitch!” At itinaas ang isang kamay para sampalin siya.
Tinignan lang ni Claribelle ang kamay ng ginang na biglang tumigil ilang pulgada mula sa pisngi niya. “Pag itinuloy niyo yan, papalag ako. Makakaladkad ang pangalan ni Reymart at kasalanan niyo yon.”
“You provoked me,” sabi nito at binawi ang kamay.
“Kahit nanay ko, hindi ako sinasaktan. For your information, I signed a non-disclosure clause with the network. Hindi naman pag-uusapan ang ex-boyfriend ko.”
“Y-you signed an NDC?” sabi nito na parang hindi makapaniwala.
Tumango si Claribelle. “Gusto niyo bang ipadala ko sa inyo ang kopya at ipa-check sa abogado ninyo? Importante kay Reymart ang career niya. Pinaghirapan niya iyon. Kung may sisira doon, sinisiguro kong hindi ako iyon. Tinitiis ko ang pambabastos niyo sa akin dahil kay Reymart pero huwag niyo akong pupunuin.”
Kumuyom ang mga kamay ni Mrs. Ferrer at saka biglang lumabas ng boutique.
Humahangos na nilapitan si Claribelle ng mga staff.
“Ma’am, okay lang po ba kayo? Sino po ba ang customer na iyon at basta na lang kayong sinungitan?”
“H-hindi ba ninyo regular customer yon?” tanong ni Claribelle.
“Bago pa lang po kasi kami dito,” sabi ng pangalawang babae at tumingin sa kasama. “Nakakahiya po talaga sa inyo.”
“It’s okay. Wala naman siyang ginawang masama sa akin.”
“Malapit na pong matapos ang paghahanda namin sa mga damit ninyo.”
“Okay,” sabi niya at muling naghintay.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
NAG-RING ang cellphone ni Claribelle. Pumunta siya sa balkonahe at hinayaan ang mga staff na ayusin ang mga damit na pinamili. Nanginig ang kamay niya nang makitang si Reymart ang tumatawag.
“Claribelle, I am sorry. Nalaman ko mula sa driver na kinompronta ka raw ni Mommy. I sincerely apologize.”
“Sanay na ako, Reymart. Hindi na bago sa akin iyon. Dati pa namang mainit ang ulo sa akin ng nanay mo. Iyon lang ba ang sasabihin mo?”
“Y-you looked good on TV. You looked like a princess.”
Nahigit niya ang hininga. “P-pinanonood mo ako?”
“Yes. I-I also saw the pictures on the Internet. Mataas din ang ratings niyo. Magkakatapat pa tayong dalawa mula sa isang Lunes.”
“G-galit ka ba sa akin dahil magkakatapat ang mga program natin?”
“No. I am just glad that you are doing great. I hope you are happy.”
Gusto sanang sabihin ni Claribelle na mas masaya siya ngayong kausap si Reymart. At sasaya pa kung sasabihin nito na sana ay isa pa rin ito sa mga manliligaw niya. Na mag-e-effort pa rin ito sa sariling paraan.
“Rey, I cooked beef asado for you. Sino pa yang kausap mo sa phone?” sabi ng boses ng isang babae sa background.
“Just a minute, Darling.”
“Good-bye, Reymart,” sabi ni Claribelle at dali-daling pinutol ang tawag. Pumikit siya nang mariin habang mahigpit na hawak ang cellphone. Gusto niyang umiyak dahil sa hindi maipaliwanag na selos na nararamdaman. Selos na hindi niya naramdaman noong boyfriend pa niya si Reymart. Dahil ngayon ay wala na siyang karapatan sa lalaki gaya ng wala na itong karapatan sa kanya.
Kaya kung sasagutin niya ang tanong ni Reymart kanina, ang isasagot niya ay : “Hindi ako masaya.”
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
“GUSTO kong tanggalin si Jaime,” sabi ni Claribelle at itinuro ang glossy picture ng modelo. “Hindi ko po matatagalan ang ugali niya.” Nasa meeting sila para sa mga desisyon na gagawin sa elimination night. She had her own choices. Ang isa ay si Heiru na unang gabi pa lang ay napatunayan na niyang matalikod lang ang isang babae ay may iba na agad kakalantariin. Pare-pareho sila ng desisyon doon. Pero nang banggitin ni Claribelle ang pangalan ni Jaime ay nakita niya ang pagtutol sa mga mata ng mga nasa paligid.
“Di mo pwedeng alisin si Jaime,” sabi ni Kara.
“He is a jerk. Napakayabang din niya. I-I can’t stand him,” sabi ni Claribelle at sinuklay ng mga daliri ang buhok sa sobrang frustration. “Bastos din siya. Nakita naman ninyo, he tried to make a pass on me. I am sure nakita rin iyon ng audience.”
“It was not exactly a heavy pass,” sabi ng direktor na si Calvin. “He cornered you at the hallway, he tried to kiss you and you said “no”.”
“At pinilipit ko po ang braso niya,” sabi ni Claribelle na humihingal na sa panggigigil. “Pasalamat nga siya dahil hindi ko binali ang buto niya.” Kung hindi siya lumaban, ewan lang niya kung ano ang ginawa ng lalaki sa kanya.
“He apologized,” sabi ng talent coordinator na si Bruno at siyang kumuha kay Jaime para sa show. “Nangako siyang hindi na gagawin sa susunod. Hindi ka raw niya hahalikan hanggang ikaw mismo ang magmakaawa sa...


kanya. He is just a typical guy. Gusto lang niyang subukan kung hanggang saan ang charisma niya sa isang babae. Hindi rin naman lalabas ang video na iyon kaya wala ring sasabihing masama ang audience sa kanya.”
“A-ano?” bulalas ni Claribelle. “At bakit hindi ninyo ilalabas?”
“Siya ang paborito ng mga tao. He is charming and gorgeous. Kahit na sabihin mong mayabang siya, gusto pa rin siya ng mga babae,” sabi ng creative director na si Rio. “He is perfect, handsome, rich and cool. Kahit nga ang mga lalaki ay nanonood na rin ng show natin para daw makakuha sila ng makikisig na moves mula kay Jaime.”
“If we take him out now, bababa ang ratings natin,” sabi ni Kara sa malamyos na boses saka hinaplos ang buhok ni Claribelle. “At hindi natin iyon gustong mangyari lalo na’t kalilipat lang natin ng timeslot at kailangan nating talunin ang kalabang istasyon. Trust me, Claribelle. Bilang parusa kay Jaime, siya ang maglilinis ng restroom at maghuhugas ng mga plato sa loob ng isang linggo. Di rin siya basta-basta makakalapit sayo. Bahala ka rin kung ano ang gusto mong iutos sa kanya para maturuan ng leksiyon.”
“At kung ulitin na naman niya?” tanong ni Claribelle.
“Ako mismo ang babali sa buto niya at kakaladkad sa kanya sa presinto,” sabi ni Kara at pinisil ang kanyang kamay. “Jaime knows that he can’t mess this up.”
Sa huli, walang nagawa si Claribelle dahil ang mabait at tahimik na contestant na si Earl ang pinili ng mga ito na alisin niya. Pagkatapos ng meeting ay nagpaalam siyang magkukulong muna sa kuwarto. Labag sa loob niya ang nangyari kaya iniiyak na lang ang sama ng loob. Wala siyang pakialam kahit makita pa iyon ni Abegail na naghatid sa kanya sa kuwarto.
“Miss Claribelle, sorry kung hindi ko kayo matulungan man lang. Lahat kasi kami nakasalalay ang trabaho dito. Hindi puwedeng basta-basta kantiin si Jaime. Kamag-anak kasi siya ng isa sa network executive,” sabi ng babae.
“A-ano? Kamag-anak siya ng network executive?” bulalas ni Claribelle. “Ay! Anak naman ng patis, oh!”
“Kaya kailangang alagaan ang reputasyon niya. Nandito lang siya dahil gusto talaga niyang pumasok sa showbiz.”
“Wala naman talaga akong choice. Pare-pareho lang kaming umaarte sa kung ano ang gustong makita ng mga tao. Hindi ito totoo,” sabi niya habang lumulutang ang isipan sa pagkadismaya. “Iwan mo muna ako.” Gusto niyang tawagan si Reymart at magsumbong kung ano ang nangyayari sa kanya. Kung paanong pakiramdam niya ay isinangla niya ang kaluluwa. Pero ano ang magagawa ng lalaki para sa kanya? Sarili nga nito ay hindi matulungan. Pareho lang silang bilanggo ng industriyang iyon.
Tumunog ang messenger ng Facebook ni Claribelle. Nang buksan ay may message si Totoy Biloy.
MESSAGE
πŸ§‘ TOTOY BILOY : kumusta?
Ibinuhos ni Claribelle ang lahat ng sama ng loob na nararamdaman.
πŸ‘© CLARIBELLE : Ganito ba talaga ang mundong ito? Kahit kailan hindi ka pwedeng maging totoo?
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Anong problema?
πŸ‘© CLARIBELLE : Kailangan ko lang magdesisyon sa mga bagay na hindi ko naman gusto. Wala akong karapatan na gawin kung ano ang tama para sa akin at kung ano ang nararamdaman ng puso ko. Madaming kailangang i-consider. I know, this is a show. Pero pakiramdam ko, hawak na nila ang buhay ko.
πŸ§‘ TOTOY BILOY : I know the feeling.
πŸ‘© CLARIBELLE : Anong ibig mong sabihin?
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Minsan, kailangan nating isakripisyo ang kalayaan natin para sa mga taong mahalaga sa atin. It is not easy. Pakiramdam mo, pinapatay ang kaluluwa mo pero wala kang magagawa dahil kailangan. You have no choice but to suck it up.
πŸ‘© CLARIBELLE : True 😩
Sino ba naman siya sa industriyang iyon? May mas malaking kamay na nagpapagalaw ng lahat at para siyang puppet na kailangang sumunod. Lahat ng nasa ilalim ng production ay may kanya-kanyang intensiyon sa pagsali. Kailangan niyang sumunod sa script dahil iyon ang trabaho niya.
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Pero sabihin mo sa akin kung may maitutulong ako. Kung sa pakiramdam mo hindi mo kaya, baka magawan natin ng paraan. Sabihin mo kung gusto mo nang umalis diyan.
At ano naman ang magagawa nito para sa kanya? Sisirain niya ang kontrata? Mawawalan ng trabaho ang ibang mga tao dahil sa kanya? Isa pa, hindi rin naman niya maasahan ang isang taong hindi niya alam kung sino talaga. Si Totoy Biloy ay isa lang poser ni Reymart.
πŸ‘© CLARIBELLE : I can handle this. Malaki na ako at kaya ko nang panindigan ang mga desisyon ko. Kailangan ko lang ng kaibigan na makakausap kahit na hindi ko masabi sa iyo ang lahat.
πŸ§‘ TOTOY BILOY : Salamat dahil pinagkakatiwalaan mo ako.
Pakiramdam ni Claribelle ay mas matapang na siya pagkatapos nilang mag-chat. Pinasok niya iyon kaya kailangan niyang tapusin. Kailangan niyang maging matatag para sa sarili.
🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬🍬
PINAGKISKIS ni Claribelle ang mga palad habang hinihintay ang pagsisimula ng susunod na game kasama ang mga manliligaw. Mahigit isang linggo na rin silang magkakasama sa mansiyon kaya kahit paano ay alam na nila ang ugali at hilig ng isa’t isa. Ngayon magkakaalaman kung sino ang talagang nagbibigay ng atensiyon sa mga gusto at ayaw niya bilang babae.
“Malaking puntos para kay Claribelle at sa kahit sinong babae kung binibigyan ng atensiyon ng lalaki ang mga gusto at ayaw nila. Boys, we always need to consider our girls feelings,” sabi ni Vhon na nakatayo sa tabi niya na nakaupo sa stool. “Time to prove how well you really know Claribelle.”
“Ang unang makakakuha ng five correct answers ay makaka-date ko kasama ang ilan sa malalapit kong kaibigan,” sabi niya at tumango kay Vhon.
“Very good, Claribelle,” sabi ni Kara sa earpiece niya. Pinupuri nito ang hosting skills niya na makakatulong daw sa kanya pagdating ng panahon.
“First question. Ano ang paboritong pagkain ni Claribelle bukod sa pastillas?” tanong ni Vhon.
Halos lahat ay tama ang sagot (BEEF ASADO) maliban kay Jaime. Adobong hito ang sagot ng lalaki.
“Jaime, hindi ako kumakain ng hito,” sabi ni Claribelle.
Kakamot-kamot naman sa ulo ang lalaki. “Akala ko kasi nagbago na ang isip mo mula nang malaman mo na iyon ang paborito ko.”
“Asa,” mahinang sabi niya habang nakangiti. Kahit kailan talaga ay sarili lang ng lalaki ang iniisip. Tignan lang niya kung may tumama sa mga isasagot nito.
—————————-
Malapit ku na kagabi to matapos πŸ˜… Kaso nakatulog na naman ako πŸ˜‚


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.