0

Aking Prinsesa Chapter 19


Report

Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 19
.
Kinusot niya ang mga mata, baka daw dinadaya lang siya ng kanyang paningin dahil sa lagi niyang nasa isip si Nico, at hanggang sa napag-alaman niya na talagang si Nico, at hindi siya dinadaya ng paningin niya, bumilis ang tibok ng puso niya, pero may kalakip na sakit sa dibdib niya dahil mukhang sweet sila ng babaeng nakabunggo niya, naka-abrisyete pa ito kay nico na animoy parang mawawala ng mawawala sa kanya ang lalake..naglalakad ang mga ito at hanggang sa malapit na ito sa kinalulugaran nila, halos parang gumuho ang kanyang mundo sa nakikita niya na may kasamang ibang babae si Nico, nagkubli si Yna sa. Mga empleyado niya,.at hanggang sa ang empleyado niya ay biglang nagsalita ng malapit na sa kanila si Nico..
.
Empleyado : Guys bigyan nio ng pulutan si Ma’am Yna..(malakas na pagkakasabi nito)
.
Ngunit tumalikod si Yna at lalo pa siyang nagkubli sa mga empleyado.
.
Yna : ah pasensiya na kayo, parang masama yong pakiramdam ko.
.
Ibinaba ang iniinom na beer, at dali dali siyang umalis sa cottage. At nagpunta siya sa kaniyang suite, hilam na ang mga mata niya sa mga luha, ang sakit sakit daw ng nararamdaman niya sa mga sandaling iyon, sinasabi na nga ba niya eh, masasaktan siya ng sobra kapag nalaman niya na may iba na itong minamahal, at ayun nga daw kitang kita ng dalawang mga mata niya, may iba na nga itong mahal..at sa pag-iyak niya ay narinig niya ang boses ng papa niya kumakatok sa pinto niya, natataranta siya, ayaw niyang malaman ng papa niya na umiiyak siya, kaya nag-isip siya ng paraan upang hindi siya makitang umiiyak ng papa niya. Naisipan niyang nagpunta ng banyo at naligo.
.
Ferdie : aba, wala naman yata yong bata na yun dito, ang sabi nandito daw, bakit wala namang sumasagot.
.
At muling kumatok si Ferdie.
.
Ferdie : anak, nandiyan ka ba?
Yna : opo papa, nasa banyo po ako..naliligo.(sigaw niya)
Ferdie : nakapaligo ka na ba sa dagat? Naroon na ang tita bel mo at Tito robert mo, kasama si Gino, bakit di ka muna maki-join sa kanila..
Yna : tapos na po akong maligo papa, kaya nagbabanlaw na ako..
Ferdie : tapos? Eh sabi ni tita bel mo, hindi ka pa nga daw lumulusong sa dagat ah..
Yna : mamaya na lang po uli papa..
Ferdie : o sige.
.
At umalis na ang papa niya, naka-isip siya ng paraan kung ano ang gagawin niya.dahil gusto na niyang umalis sa lugar na iyon, gusto niyang lumayo..yong malayo kay Nico, yong malayong malayo kay Nico, at haggang sa nakaisip na siya ng paraan, pinuntahan niya ang papa niya.
.
Yna : papa, aalis po ako.
Ferdie : ha, san ka pupunta anak?
Yna : m-may i-mimeet lang po akong mga investor papa, biglaan po, kaya hindi ko po pwedeng ipagpaliban..
Ferdie : pero anak..
Yna : papa, kailangan ko na talagang umalis mali-late po ako sa oras ng usapan namin..
Ferdie : eh teka anak, yong driver mo ayun oh ang sarap ng paliligo sa dagat..
Yna : ako na lang po ang magmamaneho..
Ferdie : hindi pwede anak.
.
Pero tuloy tuloy ng umalis si Yna, nagtaka naman si ferdie sa anak, kung bakit sobra naman yata sa pagmamadali.nag
mamadaling umalis si Yna, halos lakad takbo ang ginagawa niya,at palingon lingon siya at iginagala niya ang mga mata, dahil daw baka mamaya, masalubong niya ito, at dahil nga sa palingon lingon niya ay hindi niya napansin ang isang lalake at nabunggo niya ito, dahil sa pagmamadali niya at kalilingon niya, at ganun nalang ang pagkabigla niya ng mapagsino ang lalake si Nico ito.
.
Nico : Sorry miss, hindi ko sinasadya..
.
Parang nanigas ang mga katawan niya sa pagkakabungguan nila ni Nico, at nagpasalamat siya at hindi siya nakikala nito dahil nakasuot siya ng hat at naka-shade siya dahil ayaw niyang makita siya ng papa niya na maga ang mga mata sa pag-iyak.
.
Nico : miss nasaktan ka ba?
.
Magsasalita sana siya ngunit nakita na niya ang babaeng nakabunggo niya kanina lang.
.
Babae : Nick, doon tayo sa gawi doon mas maganda ang view doon(malambing na sabi nito)
.
Nagmamadali ng umalis si Yna dahil babagsak na naman ang luha niya.
.
Nico : miss, miss sandali yong scarf mo, nahulog!!!
.
Pinulot ni Nico ang scarf ni Yna, ngunit hindi na nilingon ni Yna si Nico nagmadali na itong umalis, tumatakbo na siya, wala na siyang paki-alam sa,scarf niya, kahit na may alaala pa ang mama niya sa scarf na iyon, bigay din iyon ng mama niya, at may burda iyon ng pangalan niya na kapares ng panyo.
.
Nico : pambihira naman yun, iniwanan na lang niya yong gamit niya..
Babae : marami talagang tatanga tanga dito.
Nico : nagmamadali yata siya..sayang naman yong scarf niya, maganda pa naman..
Babae : eeww..ano bang klaseng scarf yan, old fahsion naman yong girl na yun, di maganda ang taste sa mga gamit!!
.
Napailing na lang si Nico sa sinabi ng babaeng kasama niya, at minsan pang tiningnan ni Nico ang hawak na scarf iniisip niya kung saan niya ilalagay iyon, at hanggang sa mahagip ng paningin niya ang nakaburda roon, napaawang ang labi niya dahil sa nakita niya na nakaburda roon ay ang pangalang Yna, at kaparehas din ng burda ng panyo ni Yna na iniingatan niya, kaya lang daw ay naiwaglit niya ito..bumilis ang tibok ng puso niya.
.
Nico : Yna!!!
.
Nairita naman ang babae ng marinig niyang banggitin ni Nico ang pangalang Yna, at nakita din ng babae ang pangalan na nakburda sa scarf kaya ang ginawa ng babae ay hinablot iyon kay Nico at inihagis niya ito..
.
Nico : Melanie!! Bakit mo naman hinagis?
Melanie : ano kaba, kadiri naman yong scarf na yun, baka mamaya may sakit na nakakahawa yong babaeng may ari niyan, mahawa pa tayo, halika na uli, mamasyal.
.
Ngunit nagmadali si Nico na pulutin iyon, at susundan niya ang babaeng nakabunggo niya, na baka daw si Yna iyon.
.
Melanie : Nick saan ka pupunta?
.
Ngunit di na niya pinansin si Melanie, nagmadali siya sa paglalakad at nagbabakasakali na makita niya ang may ari ng scarf at dahil gusto niyang siguruhin kung yong nabunggo nga niya ay si Yna..
.
Melanie : Nick. Bumalik ka dito, huwag mo akong iwanan dito..(sigaw niya)
.
Naiwang na-iinis si Melanie na nakatayo roon wala siyang nagawa kundi sundan ng tingin si Nico, at naiinis si Melanie na,mukhang hinahanap pa niya ang babaeng may ari ng scarf, at nakaramdam ng kaba si Melanie dahil sa nakita niya rin ang pangalang nakaburda sa scarf at Yna ang nakaburda roon, kaparehas ng panyo na laging iniingatan ni Nico, at minsang natulog sila sa bahay ng kakilala ni Nico na mga katutubo, ang panyo ay lihim niyang kinuha sa kamay ni Nico habang nakatulog ito sa duyan, sa bahay nila Mara at Ka imong, dahan dahan niyang kinuha ito at saka siya umakyat sa kubo upang matulog na din,,at iniwan niya sa kubong tinulugan niya ang panyo, at natuwa naman siya ng hindi na naalala ni Nico ang panyo..nangangamba siya dahil baka daw kaya si Yna na yong babae na ang may ari ng scarf, na pilit niyang pinapalitan si Yna sa puso ni Nico, pero hindi niya iyon mapagtagumpayan, dahil mahal na mahal ni Nico si Yna..kahit anong gawin niya ay si Yna padin ang tinitibok ng puso nito..
.
Melanie : hindi ako susuko nick gagawin ko ang lahat, para mahalin mo ako.
.
Sa inis ni Melanie ay umalis na roon, at nagpasya siyang pumunta na lang sa kaniyang suite, at sa paglalakad niya ay nagkataong may tumama sa kanyang bola, bola ng Voleyball.
.
Melanie : ouch!! Hoy mag-ingat ka naman bata..
.
At ang bata na iyon ay si Gino.
.
Gino : pasensiya na po kayo ate hindi ko po sinasadyang matamaan po kayo ng bola..
Melanie : (dinuro niya si gino)..sinadya mo yun eh, alam mong dadaan ako dito, pinagpatuloy mo pa yang paglalaro mo..busit ka talaga..
.
Umiiyak na si Gino, dahil sa natatakot na siya kay Melanie, at hanggang sa lumapit si Belinda..
.
Belinda : Gino, anak bakit anong nangyari.
Melanie : pagsabihan nio naman yong anak nio walang modo..pinatamaan ako ng bola..
.
Nakaramdam ng irita si Belinda kay Melanie, pero nagtitimpi si Belinda, nagpakita pa din siya ng kahinahunan kay Melanie.
.
Gino : mommy hindi ko po sinasadya..
Belinda : ganun ba anak. Sige huwag ka ng umiyak…ah miss pasensiya ka na ha, pagpasensiyan mo na yong bata, hindi ka nga lang talaga siguro napansin na dadaan..
Melanie : hay talaga naman, napakadaming bwisit dito sa lugar na ito..(sabay alis)
Belinda : aba!!
Gino : mommy tama na po..huwag nio na po siyang patulan..
Belinda : oo anak, hindi dapat pinapatulan ang umaaktong parang bata,,halika na doon kay daddy anak.
.
At nagpunta na sina Gino at Belinda sa cottage nila kung saan ay naroon si Robert.
.
Robert : sino yong kausap nio doon honey.
Belinda : ah wala yun honey, babaeng may Topak!!
Robert : ano yong topak honey?
Belinda : ah may sira ang ulo..
.
Naiinis si Belinda sa babae. Kaya kung ano ano na ang nasasabi niya.
,
Belinda : anak kumain tayo, eto yong pagkain mo at nakakagutom yong paglalaro natin sa tubig..
.
At hindi nagtagal ay dumating si Ferdie.
.
Belinda : kuya, kumain na tayo..nasaan ba si Yna?
Ferdie : ewan ko ba sa bata na yun..bigla na lang umalis, ang sabi may imi-meet daw siyang investor, tinanong ko yong secretarya niya, wala naman daw siyang appointment ngayon..umalis nagmamadali pa nga..
Belinda : ganun ba kuya..eh baka nga may bigla sa kanyang tumawag, alam mo naman yong anak mo na yun walang pinalalampas yun, basta tungkol sa negosyo..
Ferdie : sabagay nga..mas dinaig pa nga ako nong bata na yun.
.
At samantala naman si Yna sa mga sandaling iyon ay sakay na siya ng kotse niya, hindi niya alam kung saan siya pupunta sa mga oras na iyon, ang gusto lang niya ay makaalis at makalayo sa lugar na iyon..at samantalang si Nico palakad lakad siya dahil hinahanap niya ang babaeng may ari ng scarf ngunit matagal na siyang palakad lakad ay hindi pa niya ito nakikita, kaya nagpasya na lang siyang bumalik at nagpunta na siya sa kaniyang suite..nagpasalamat na lang siya at hindi siya nakita ni Melanie na pumasok sa kanyang suite, dahil gusto daw muna niyang mapag-isa..naupo si Nico sa kama..at pinagmasdan pa niyang muli ang nakaburda doon, ang pangalang Yna..tatlong taon ng mahigit na hindi nakikita si Yna, sa tatlong taon na iyon ay wala pa ding nagbago sa nararamdaman niya kay Yna..hanggang ngayon ay nasa puso pa rin niya ito, halos gabi-gabi niya ding kaulayaw sa isip niya ang babaeng minamahal, ang kanyang Prinsesa..at lagi niyang hinihiling na sana ay magkita na silang muli.
.
Nico : Yna, magpakita ka na sakin mahal ko, ang aking prinsesa, mahal na mahal kita.(naiiyak niyang sabi)
.
at hanggang sa inalala niya ang mga kalungkutan niya noong panahon ng iwan siya ni Yna..pagkagaling niya ng airport ay hindi muna siya umuwi, blanko ang mga utak niya sa mga sandaling iyon.basta ang alam lang niya ay sobrang bigat ng nararamdaman niya dahil sa sobrang lungkot dahil lumayo sa kanya ang pinakamamahal, kaya nagpalakad-lakad lang siya wala siyang pakialam kung hanggang at kung saan siya makarating, at hanggang sa nasumpungan na lang niya ang sarili na naroon na siya sa isang bar, at umiinom ng alak, nilunod niya ang sarili sa alak, hindi na niya inisip ang sarili na siya ay maaaring mapahamak,at ng sobra na ang lasing niya ay nagpasya na siyang umalis sa lugar na iyon na susuray suray, at sa di inaasahan ay may nakabunggo siyang isang lalake at pinagsalitaan siya ng hindi maganda, hindi niya nagustuhan ang sinabi ng lalaki at dahil sa siya ay kargado ng alak ay hindi siya nakapagpasensiya, inundayan niya ito ng suntok, at parang nakikita pa niya ang mukha ni Poli sa lalaking sinuntok niya, binigyan pa niya uli ito ng suntok, Kya ang mga kabarkada naman ng sinuntok niya ay pinagtulungan siya, nagkagulo sa bar na iyon dhil pinagtulungan na siya ng mga barkada ng lalaking sinuntok niya, at hanggang sa sumulpot si Melanie at inawat ang mga lalaki, tinulungan niya si Nico.. naki-usap siya sa mga lalaki na huwag na siyang patulan dahil lasing na lasing na ito, at idinahilan niya na boyfriend niya si Nico at may hidwaan lang sila nito kaya nagpakalasing ng sobra.
.
Lalake : ilayo mo yang boyfriend mo, kundi malilintikan yan sa amin.
Melanie : oo, pasensiya na talaga.
.
nagkaroon kasi ng interes si Melanie kay Nico, naroon din si Melanie sa bar nang nagkataong pumasok si Nico sa loob ng bar, kung anong pakiramdam ang bumalot sa puso ni Melanie ng makita si Nico, hindi umaalis si Melanie sa bar na iyon hanggang sa hindi umaalis si Nico, at nahimigan ni Melanie na mukhang May problema si Nico, kaya naglakas loob na siyang lapitan ito, nagpakilala siya ngunit di siya pinansin ni Nico, bagkus tumayo na ito at aalis na, at yun na nga, nasabak na ito sa gulo..at sa paki-usap ni Melanie ay pinagbigyan naman siya ng mga bumugbog kay Nico, tinulungan niyang tumayo si Nico at inakay na niya ito sa labas, at dahil hindi niya alam kung saan ihahatid si Nico ay inuwi niya ito sa condo niya..at dahil sa kalasingan ni Nico ay nasukahan niya si Melanie, kaya napilitan siyang asikasuhin at alagaan si Nico, dahil sa kalasingan.. at lumipas ang magdamag at si Nico ay unti unti ng nagmulat ng mga mata, nagulat na lang si Nico ng mamulatan niya ang hindi pamilyar na lugar, nasa isang malamig at magandang silid siya at may malambot na kama, at nagtaka siya dahil iba na ang damit niya, at nakaramdam siya ng sobrang sakit ng ulo, halos di siya makabangon dahil Hilong hilo siya, dahil sa hang over, nagtatanong ang isip niya kung nasaan at kaninong bahay siya naroon, at hanggang sa narinig niyang nagbubukas ng pinto..at dahan dahan na sumilip si Melanie..at ng napag-alaman ni Melanie na gising na ito ay pumasok siya..
.
Melanie : hi, good morning! pasensiya ka na ha pumasok na ako.. ako nga pala si Melanie.
.
pinilit ni Nico na bumangon, pero napatutup siya sa sintido niya dahil masakit ito at hilo pa siya.
.
Melanie : huwag mong piliting bumangon kung hindi mo pa kaya..sobra ka kasing nalasing kagabi.
.
at naalala na nga ni Nico ang nangyari sa kanya ng nagdaang gabi, na may nakaalitan siya sa bar kaya medyo masakit ang katawan niya dhil sa mga tama ng suntok ng mga barkada ng sinuntok niya, at naalala niya na tinulungan siya ng babae, at hanggang sa hindi na niya alam ang nangyari dhil sa hindi na niya nakayanan ang pagkalasing niya..
.
Melanie : pasensiya ka na ha, hindi ko kasi alam kung saan kita ihahatid kaya isinama na lang kita dito sa bahay ko..
Nico : salamat nga pala—
Melanie : Melanie Bustamante,
Nico : salamat Melanie, nakakahiya naman sa’yo dito pa ako sa kama mo natulog..
Melanie : okay lang yun, ano nga pala ang pangalan mo?
Nico : ako si Nicolas De Jesus, ah ikaw ba yong nagpalit sa akin ng damit?(nahihiyang tanong niya)
Melanie : oo(nangingiti niyang sagot)..pero nakapikit ako habang pinapalitan kita, promis!!(tinaas pa ang kamay)..puro suka ka kasi, kahit nga ako nagpuro suka mo?
Nico : naku, pasensiya ka na ha, hindi ko alam, nahihiya tuloy ako sayo..tinulungan mo na nga ako, sinukahan pa pala kita..
Melanie : ayos lang yun, eto oh pinagtimpla kita ng kape magkape ka muna..
Nico : salamat..
Melanie : walang anuman Nick..
Nico : Nick?
Melanie : Nick, diba sabi mo nga ikaw si Nicolas,. O kaya Nick, short for Nicolas..
Nico : ah, oo nick..pwede din Nico..
Melanie : parang mas gusto kitang tawaging Nick..
Nico : okay..pasensiya kana melanie ha.hiyang hiya talaga ako sayo..
Melanie : ayos lang yun, sige magkape ka na, para mainitan yong sikmura mo.
.
naging magkaibigan sina Nico at Melanie..naging malapit sila sa isa’t isa..
.
Melanie : Oh malungkot ka na naman, naiisip mo na naman si Yna!
Nico : hindi ko siguro siya makakalimutan..
Melanie : talagang hindi mo siya makakalimutan kung lagi mo siyang iniisip..
Nico : miss na miss ko na siya Melanie..
Melanie : bakit kaya di mo puntahan sa bahay nila, tanungin mo na baka nagbalik na siya..kung gusto mo tayo ngayon sa bahay nila, baka sakaling dumating na siya..
Nico : talaga! Sasamahan mo ako..
Melanie : oo naman..syempre sino pa ba ang karamay mo sa kalungkutan mo kundi ako lang..
Nico : salamat Melanie, salamat.
.
At nagpunta nga sina Nico at Melanie sa bahay nila Yna..
.
Melanie : buti pa ako muna ang bababa na magtatanong..magpapanggap akong kaibigan ni Yna.
.
At sumang ayon naman si Nico sa suhestiyon ni Melanie, at nagpunta na nga si Melanie sa malaking gate at nagdoorbell ito.
.
Guard : sino po ang kailangan nila?
Melanie : ah. Kaibigan ako ni Yna, gusto ko sana siyang surpresahin. Nandiyan ba siya?
Guard : ah wala pa po siya nasa america pa..
Melanie : ganun ba! Kelan kaya ang balik niya?
Guard : naku, hindi ko po alam, nandiyan po yong papa niya, buti pa po ay doon kayo magtanong..
Melanie : ah, di bale na lang sige, tatawagan ko na lang.
.
At bumalik na siya sa kotse, at naghihintay si Nico na may excitement na nadarama.
.
Nico : ano ang balita Mel?
Melanie : nakakalungkot isipin Nick na hindi na pala diyan nakatira ang mag-ama, ibinenta na daw nila ang bahay nilang iyan, at sa America na daw sila naninirahan..me
ron na daw bagong may-ari ang bahay na yan..
.
Laglag ang mga balikat ni Nico sa nalaman, pero ayaw pa rin niyang mawalan ng pag-asa.
.
Melanie : alam mo ang dapat nating gawin uminom nalang tayo para naman medyo makapag relax ang mga utak natin kahit konti ay makalimutan natin ang mga dinadala nating bigat sa dibdib..
Nico : ha, ngayon ko lang alam na may bigat din pala sa dibdib mo..
Melanie : oo kita naman diba..sa laki ng—-
Nico : ikaw talaga, napaka-kalog mo talaga.(sabay tawa)
Melanie : pinapatawa lang kita, o tingnan mo natawa ka..
Nico : salamat Melanie ha, dahil lagi kang nandiyan para damayan ako..
Melanie : siyempre naman, lagi akong nandito para sa’yo..(sa isip..gusto kita Nick at gagawin ko ang lahat makalimutan mo lang yang Yna na yan..)
.
At dahil sa pagsisinungaling ni Melanie, ay nawawalan na ng pag-asa si Nico dahil sa pinaniwalaan niya si Melanie na sa America maninirahan sina Yna at ang papa nito.
Nico : Yna, sana nga nandito ka na sa pilipinas, gusto na kitang makita.
.
At ngayon, nagkakaroon na uli siya ng pag-asa. Hinihiling niya na sana nga ay si Yna na yong nakabunggo niya kanina dahil dun ay nagkaroon ng katuwaan ang kalooban niya dahil nasa pilipinas na daw yata ito..at kailangan niya itong mahanap, dahil sabik na sabik na siya sa pinakamamahal niya..at inalala ni Nico ang mga masasayang araw na magkasama nila ni Nico, lalo na yong mga yakap at mga halik ni Yna na hindi niya nakalimutan, dahil araw at gabi na hindi niya ito naiisip..at sa pag-iisip niya ay hindi niya namalayang nakatulog siya..at samantala naman si Yna. Ay naisipan nalang niyang umuwi sa bahay nila..gusto niyang magkulong sa kwarto niya.
.
Yaya : oh hija, akala ko sa isang araw pa ang uwi ninyo, bakit nandito ka na?
Yna : ya, pagod po ako, gusto ko po munang magpahinga.
Yaya : o sige, ano ba yong gusto mong ulam na lulutuin ko.
Yna : ya, kahit ano na lang po, at yaya huwag nio na po akong tawaging kumain mamaya, ako na lang po ang bahala mamaya kapag nagising ako.
Yaya : o sige..pahinga ka na at mukang pagod na pagod ka nga.
.
Nagkulong nga lang si Yna sa kanyang kwarto, at doon malaya niyang ibinuhos ang luha na kanina pa niya pinipigilan, dahil sa siya ang nagmamaneho ng sasakyan niya, dahil kahit papano ay ini-ingatan din niya ang sarili niya dahil sa papa niya. Masaya sana siya dahil nakita na niya si Nico. Pero hindi saya ang nararamdaman, kundi sakit at panibugho ang nararamdaman niya, dahil nakita niya mismo na meron na nga itong kasintahang iba..parang binibiyak ang puso niya sa nakita niya na masayang magkasama sina Nico at ang kasintahan nito, dahil sa sakit ng kaloobab niya ay hindi niya alam kung kelan mauubos ang luha niya, at hanggang sa nakatulugan na niya ang pag-iyak niya..hindi na niya nagawang kumain ng hapunan, dahil parang wala siyang gana.
.
Yaya : aba. Pambihirang bata iyon, hindi kumain kagabi.
.
At si Ferdie naman ay umuwi na din, dahil nag-aalala siya kay Yna..dahil hindi siya naniniwala na meron itong ka-meeting, kaya tinawagan niya si Yaya Meding at noon lang siya napanatag ng makompirma na nakauwi na ito sa bahay nila, kaya nagpalipas na lang muna si Ferdie ng magdamag sa beach resort, naiwan pa ang mag-anak na Bel at Robert at si Gino,sa resort..
.
Meding : don Ferdie, nariyan na pala kayo. Kaaga naman po ninyong umalis doon..
Ferdie : oo, nagmadaling araw ako, si Yna kumusta siya?
Meding : tulog pa, hindi nga siya kumain kagabi..
Ferdie : ganun ba..
Meding : ano na naman kaya ang problema ng batang iyan..
Ferdie : ewan ko nga ba..bigla nalang niyang naisipang umalis sabi may imi-meet daw siyang investor, tapos dito naman pala siya tumuloy..
Meding : baka naman, tungkol na naman kay Nico, kaya siya nagkakaganyan na nanaman..
Ferdie : ewan ko nga ba.
.
At samantalang si Yna ay nagising siya na medyo mabigat ang kanyang pakiramdam, parang wala siyang ganang bumangon, pero ng marinig niya ang boses ng ama, at kumakatok ito sa pinto niya ay naubliga siyang bumangon para pagbuksan ang ama.
.
Yna : pa dumating ka na pala..
Ferdie : oo anak, halika na anak mag-breakfast na tayo.
Yna : pa mmaya na lang po ako, mauna ka na papa.
Ferdie : wala naman akong kasabay anak, halika na sabay na tayo.(pagsusumamo niya)
.
walang nagawa si Yna kundi sabayan ang ama sa pagkain, pilit niyang pinapasigla ang sarili sa harap ng kanyang papa, ayaw niyang malaman ng papa niya na balik na naman ang kalungkutan niya..kaya ang ginawa niya ay lalo niyang isinubsob ang sarili sa trabaho, madalang na niyang utusan ang sekretarya niya, halos siya na ang gumagawa ng karamihan, at halos gabi na siya kung umuwi at kahit gabi ay abala pa din siya dahil mag-uuwi siya ng mga office work.. ayaw niyang mabakante ang isip, at gusto niya paghiga niya ay makakatulog na siya agad, dahil ayaw niyang maisip si Nico dahil nasasaktan lang siya kapag naiisip niya si Nico dahil May iba na itong mahal..at hanggang sa hindi na nakatiis si Ferdie sa ginagawa ni Yna na pinapatay ang sarili sa trabaho.
.
Ferdie : anak, madaling araw na hindi ka pa natutulog? ano ba yang mga ginagawa mo.
Yna : binabasa ko lang po Yong mga pinipirmahan ko papa..
Ferdie : bakit hindi mo sa secretary mo pina-review yan..
Yna : hayaan mo na pa, mas gusto ko po na ako ang makabasa para maging abala Yong utak ko kasi- – – (hindi itinuloy ang sinasabi)
Ferdie : kasi ano anak?
Yna : wala po papa.
Ferdie : kasi, ayaw mong maisip si Nico! gusto mo abala Yong utak mo para hindi magkaroon ng puwang si Nico sa isipan mo..akala mo ba anak hindi ko nararamdaman yong lungkot mo..anak nandito naman si Papa para sabihan ng mga problema mo..huwag mong solohin yan anak.
.
hindi na napigilan ni Yna ang mga luha niya, kailangan niya talaga ng may mahihingahan..at narito...


ngayon ang papa niya.
.
Yna : papa, nakita ko na po siya..
Ferdie : nagkita na kayo?
Yna : opo..
Ferdie : nagkausap na kayo?
Yna : hindi po papa, wala naman na siguro kaming dapat pag-usapan pa, May iba na siyang mahal papa..
.
naawa naman si Ferdie sa anak, naiiling na lang siya sa isip niya, iba daw pala kung mag-mahal ang anak.. napaka-swerte ng lalaking mamahalin ng kanyang anak dahil kung mag-mahal ang anak ay Wagas at totoong nagmamahal.
.
Ferdie : anak siguro, dapat mo na ngang kalimutan si Nico, panahon na din siguro na dapat mo na ding bigyan ng kalayaan ang sarili mo, huwag mong ikulong ang puso mo sa pagmamahal mo kay Nico anak. kasi anak, si Nico masaya na siya sa bago niyang mahal, Samantalang ikaw eh nariyan kang nagmumukmok..tama na anak..tingnan mo yong mukha mo, stress na stress ka anak.
.
napa-isip si Yna, tama nga naman Yong papa niya, masaya na si Nico sa piling ng bago niyang mahal, dapat nga talaga ay kalimutan na ng puso niya si Nico.
.
Ferdie : buti pa ay lumabas ka naman kasama ang mga kaibigan mo.hindi ka na sumasama sa kanila..kahit paminsan minsan naman sumama kang gumimik sa kanila.
.
Sa isip ni Yna bakit nga ba pahihirapan niya ang sarili niya.. tama na daw yong pagiging bitter niya..kailangan na daw niyang mag-move on..at sana daw ay kayanin niya.
.
Yna : tama ka papa, nakakapagod na din..ang hirap na..sobra na talagang nakakapagod, ayoko ng umiyak..
Ferdie : oo anak tama na yang iyak iyak na yan, tingnan mo yong mukha mo sa salamin ang pangit mo na.
Yna : eeiihh..papa naman eh, totoo ba? Mapangit na ako?
Ferdie : hindi, biro ko lang yun..maganda kaya ang anak ko..
Yna : papa naman eh…
Ferdie : halika nga dito anak, payakap naman ako.
.
Naibsan ng konti ang nadaramang bigat sa kalooban ni Yna ng ihinga niya sa papa niya ang sakit na nararamdaman niya, sabi niya sa sarili niya..ayaw na niyang maging malungkot, gusto naman niyang maging masaya..kaya ang ginawa nga niya ay pinagtatawagan niya ang mga kaibigan niya..at nakipagkita siya mga ito..
.
Ferdie : aba, may lakad yata ang dalaga ko.
Yna : ah opo papa, lalabas kami ng mga kaibigan ko..
Ferdie : mabuti nga yan anak..para naman marelax ka naman.
Yna : pa salamat ha.
Ferdie : saan anak?
Yna : sa lahat po..sa pagmamahal nio sakin pa..at napaka-swerte ko at kayo po ang naging ama ko.
Ferdie : yong anak ko nagdadrama, syempre naman anak, mahal na mahal kita.
Yna : Mahal na mahal din kita papa.
Ferdie : o siya sige na, pumunta ka na at baka hinihintay ka na ng mga kaibigan mo.
Yna : sige po pa, alis na po ako..
Ferdie : sige anak, mag-iingat ka..
Yna : opo papa..
.
At umalis na nga si Yna, hindi pumayag yong papa niya na hindi siya magsama ng driver..at hindi nagtagal ay naroon na sila sa meeting place nila ng kaibigan niya sa isang restaurant..
.
Yna : Hi girls!!
Betty : oh, hello!
Ruffa : hay, salamat naman at makakasama ka na namin, grabe ka akala namin ayaw mo na kaming makasama..
Betty : oo nga, tapos nagpunta ka ng america di ka man lang nagpasabi..
Ruffa : oo nga. Akala ko tuloy pati sa amin galit ka na.
Betty : kung alam lang namin na may hindi magandang intensiyon yang mitch na yan. Di na sana natin siya tinanggap..tinuring natin siyang tunay na kaibigan, tapos ganoon pala ang gagawin sayo..oh my God. Kamuntikan mo ng ikamatay yong pinag-gagawa ng poli at Mitch na yan..
Betty : oo grabe.,natakot kami nun nong mapanuod namin sa TV yong balita, mabuti na lang at may gwapong nagligtas sayo..
Ruffa : korek!! Grabe kung ako yun, kahit araw araw akong makidnap..
Betty : ay grabe ka naman Ruffa, eh paano kung napatay ka di tapos ang maliligayang araw mo..
Ruffa : ay grabe ka naman sa patay!!
Betty : eh kumusta ka naman ngayon Yna?
Yna : eto, okay lang naman..sobrang busy sa opisina, kaya di na ako masyado nakakasama sa inyo..
Ruffa : kahit kami din naman naging busy na kami., good girl na din kami, going straight na din ang mga lola mo..
Betty : tama. Kasi nagkaka-edad na tayo. Kailangang magseryoso na tayo sa buhay..
Yna : tama kayo.
Ruffa : grabe na miss ka namin..
Betty : oo, sobrang namiss ka namin..lagi na lang sa telepono ka namin nakakausap..
Yna : hayaan nio lagi na tayong magkakasama ngayon..
Betty : mabuti yan, dapat mag-set tayo ng araw na pwede tayong gumimik..
Ruffa : ay masaya yan..
Betty : umorder na muna tayo ng pagkain natin, bago tayo mag-chikahan..
Ruffa : buti pa nga, at marami tayong pag-uusapan ngayon.
.
At umorder na nga sila ng pagkain nila..at habang hinihintay nila ang inorder nilang pagkain ay tuloy pa din ang kwentuhan ng magkaka-ibigan, at hanggang sa sini-serve na ang kanilang pagkain, at habang kumakain ay patuloy padin ang kwentuhan nila, masaya silang nagkukwentuhan at kahit papano ay nakakangiti na din si Yna dahil sa mga presensiya ng mga kaibigan niya..
.
Ruffa : Yna, ano nga pala yong pangalan ng bodyguard mo?
.
Nasamid si Yna sa tanong ni Ruffa. Sa halip na nawawala sa isip niya si Nico ay naaalala niya tuloy.
.
Betty : bakit type mo ba, kukunin mo din bang bodyguard?
Ruffa : uy hindi, tinatanong ko lang naman..
Yna : Nicolas De Jesus.
Ruffa : ah Nicolas, ang gwapo niya ano, buti hindi ka niya niligawan..
.
Nasamid na naman si Yna sa sinabi ni Ruffa.
.
Betty : naku, may naka-alala sayo sis.
.
Uminom muna si Yna ng tubig bago nagsalita. At ipinagtapat niya lahat lahat, at nalungkot naman ang dalawa niyang kaibigan ng malaman nila ang nangyari sa buhay pag-ibig ng kanilang kaibigang si Yna.
.
Ruffa : grabe ka naman Yna, hindi mo manlang sinabi sa amin..meron ka na palang problema di mo sinasabi sa amin..
Berry : oo nga naman, sinasarili mo yong problema Samantalang nandito naman kami para damayan ka..
Ruffa : sigurado ka bang girlfriend niya Yong kasama niya?
Betty : oo nga, bka nman kaibigan lang.
Yna : hindi, girlfriend niya yun.
.
at sa di inaasahan, sa restaurant na iyon ay naroon din sina Nico at Melanie, kakarating lang nila ng mga oras na iyon, at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Yna, kitang kita niya na pumasok ang dalawa sa pintuan at umupo sa di kalayuan sa kinalulugaran nila..hindi niya alam Kung ano ang gagawin kung aayain na ba niyang umalis roon ang mga kaibigan.
.
Ruffa : Yna may problem ba?bakit parang natulala ka, sino ba yong nakita mo?
Yna : si N-nico!!
Betty&Ruffa : saan?
.
At itinuro nga ni Yna sa dalawa kung saang gawi nakapwesto si Nico at Melanie.
.
Ruffa : ay siya yun!!
Betty : ang liit ng mundo, talagang pinagtatagpo yata ang landas nio..
Ruffa : korek, ano kaya kung kumustahin natin siya..
Betty : tama. Lapitan natin, baka sakali na malaman natin ang totoo kung girfriend nga niya yong kasama niya..
Yna : uy, yan ang huwag niong gagawin.
.
Nagkaroon ng pagkakataon si Yna na matitigan ang mukha ni Nico, nagpasalamat siya na hindi pansinin ang kinalulugaran niya, kaya titig na titig siya sa mukha ni Nico kahit na medyo malayo sa kanya ay kitang kita pa din niya ang gwapong mukha nito..parang malaki ang ipinagbago ni Nico, mas naging maayos ang pananamit nito at mas lalong gumwapo ito sa paningin niya, parang nakaramdam ng ligaya ang puso ni Yna ng masilayan niya ang lalaking nilalaman ng puso niya mula noon, magpahanggang ngayon..parang gusto niyang puntahan at yakapin ito, dahil sabik na sabik na siya kay Nico na sa halos magaapat na taon na niyang pinapangarap na makita at mayakap muli.
.
Betty : okay ka lang ba Yna? Kung gusto mo umalis na tayo ngayon..
Yna : hindi okay lang ako..sayang naman yong mga inorder nating pagkain oh kung aalis tayo..
Ruffa : sure ka?
Yna : oo naman..okay lang talaga ako.
.
At samantalang sina Melanie at Nico naman ay omorder na sa waiter ng pagkain nila..masayang nagkukwento si Melanie kay Nico, samantalang si Nico naman ay wala sa ikinukwento ni Melanie ang isip niya, kundi na kay Yna..hindi pa din makalimutan ni Nico ang babaeng nakabunggo niya noon sa resort at pilit niyang kinukumbinsi ang sarili na si Yna na iyong babae na may scarf na nakabungguan niya sa resort, ang babaeng minahal niya nang buong buhay niya..at hanggang sa muli niyang binalikan ang mga panahong siya ay binatilyo palang…..
.
.
Leo : oh kulas ano ba iyang hawak mo at lagi kang nakatitig.
Nico : ah wala tay..(sabay bulsa sa hawak na larawan ng anak ng amo ng tatay niya. At iyon nga ay larawan ni Yna)
Leo : anong wala. Kanina ka pa tumititig sa hawak mo tapos ngingiti ka.
Nico : wala po talaga tay, may naaalala lang ako..sige po tay ako na ang maglilinis ng kotse..
Leo : ako na lang anak, napagod ka na nga lang sa gawaing bahay dito.
Nico : ah hindi po tay, hindi pa naman po ako napapagod, ako na po ang maglilinis at ng sa ganoon po eh makapag-pahinga po kayo, at mamayang gabi sasabak ka na nanaman sa pagmamaneho..
Leo : sige anak, inaantok nga ako eh, nasaan ba yong kapatid mo?
Nico : nandiyan lang po sa loob.
Leo : yong nanay mo naka-inom na ba ng gamot?
Nico : opo tay..
Leo : sige anak, pahinga muna ako sa loob, sabi mo ikaw na ang bahala diyan ah.
Nico : opo tay ako ang bahala..
.
At mabilis na nagtungo si Nico sa kotse para linisin, gustong gusto niyang maglinis ng kotse dahil nagbabakasakali na meron uli siyang makitang larawan ng anak ng amo ng tatay niya, minsan kasi naglinis siya ay nakita niya roon ang picture ni Yna nagka-crush na siya dito, lagi niyang tinitingnan ang picture, at hinihiling niya na sana balang araw ay makita niya ng personal ang anak ng amo ng tatay nito..at minsan nagpunta sa kanila ang amo ng tatay niya at kasama nga si Yna. hindi naman siya nagpakita dito dahil hiyang hiya siya, hindi na niya nakalimutan pa si Yna noon, at parang hindi na crush ang nararamdaman niya kundi mahal na niya ito..hanggang sa magretiro na ang tatay niya sa pagmamaneho, at siya na ang papalit sa tatay niya sa paninilbihan kay Don Ferdinand Villaroman, kaya excited siya noon na magtrabaho dahil sa makikita niya na si Yna, at umaayon naman sa kanya ang pagkakataon, ina-assign siya ni Don Ferdie na mag-bodyguard kay Yna, kaya ganon na lang ang saya ng puso niya, at lalo na nong naging sila ni Yna, yoon na ang pinakamasayang araw ng buhay niya na kahit nalalagay na sa panganib ang kanyang buhay..at sa kanyang pagmumuni-muni niya ay hindi na niya nabibigyan ng atensyon ang pagkukwento ni Melanie..
.
Melanie : Nick, saang mundo ka ba ngayon at hindi ka naman nakikinig sa mga kinukwento ko sa’yo!
Nico : sorry, naalala ko lang si Yna..
.
nakaramdam ng inis si Melanie..
.
Nico : Sorry na huwag ka ng magtampo kumain na tayo..
Melanie : nakakainis ka kasi eh, dami dami kong kinukwento sa’yo di ka naman pala nakikinig..
Nico : sorry na..(sabay hawak sa baba nito)
Melanie : sige na nga, kumain na tayo..
.
at masayang kumakain sina Melanie at Nico., sinusubuan pa ni Melanie si Nico, at ganun din naman si Nico ginagantihan niya ng subo si Melanie..at di din nakaligtas sa paningin ni Yna ang ka-sweetan ng dalawa na parang hindi na niya kayang magtagal pa duon dahil parang sinasaksak ang puso niya sa nakikita.
.
Betty : ang mabuti pa ay umalis na tayo dito ngayon na.
.
at sinenyasan ni Betty ang waiter para sa kanilang bayad sa pagkain, nag-iwan na ng pera si Betty sa table at dali daling umalis na roon natuwa pa ang waiter ng makita ang iniwang pera sa lamesa dahil malaki ang magiging tip niya, nagmamadali silang lumakad upang makalabas na sila sa restaurant na iyon.. at sa pag magmadali ni Yna ay hindi niya namamalayan na nahulog na niya ang pitaka niya..at hanggang sa makalabas na sila sa restaurant.
.
Ruffa : ano dating gawi?
Betty : sige!
Yna : ha., sige matagal na din akong hindi nakaka-inom ng alak.
Ruffa : ay ang saya nito!
Yna : sandali lang nagpapaalam muna ako sa driver ko..
Betty : ha, hindi mo ba siya tatakasan tulad ng ginagawa mo nun.
Yna : hindi na iba na ako ngayon.
Ruffa : ay good girl na nga ang lola natin!!
.
nagtatawanan ang magkaka-ibgan..
.
Yna : hoy grabe kayo, good girl naman ako ah.
.
at nagpalam nga si Yna sa driver na sa sasakyan ng kaibigan siya sasakay, pinasusunod na lang niya ang driver sa kung san sila pupunta..at samantala naman si Melanie at Nico ay naroon pa din sa restaurant.. naiirita na si Melanie dahil walang bukang bibig si Nico kundi si Yna..
.
Melanie : my God Nick, puro ka na lang Yna, Yna, Yna na lang..kelan ka ba titigil sa kakaisip mo diyan sa Yna na yan..Nick wala na si Yna, sa palagay mo ba mahal ka nun ha, sa palagay mo ba Makita mo pa siya. hindi na Nick..Nakita mo oh iniwan ka na lang niyang bigla nagpunta siya sa America na hindi man lang nag-paalam sayo, dahil hindi niya matanggap na body guard ka lang niya..
Nico : Melanie!!
Melanie : bakit ganun Nick, nahihirapan na ako di ko alam kung kaya ko pang itago Yong nararamdaman ko sa’yo, napaka manhid mo..
Nico : anong ibig mong sabihin..
Melanie : hindi pa ba maliwanag sa’yo na mhl kita..
Nico : M-melanie!!
.
nabigla si Nico sa sinabi ni Melanie.
.
Melanie : mahal kita Nick..
Nico : magkaibigan tayo diba..
Melanie : Nick ayoko na magkaibigan lang tayo.hindi mo ba ako kayang mahalin?
Nico : alam mo naman na si Yna ang mahal ko.
Melanie : wala na sa buhay mo si Yna Nick, wala na..baka nga sa panahon na ito ay may pamilya na siya, huwag ka ng umasa sa kanya, kasi masasaktan ka lang.nandito ako Nick, ako na lang yong mahalin mo.
Nico : Melanie, bakit?
Melanie : bakit? anong bakit?
Nico : bakit hinayaan mong mahalin ako, Melanie simula’t sapul alam mo naman na may mahal akong iba diba.. alam mo naman na si Yna lang yong itinitibok nito, lagi kong sinasabi sayo.
Melanie : Nick, kalimutan mo na si Yna, yan ba Yong gusto mong laging maramdaman ang malungkot kapag inisip mo siya, dahil nawawalan ka ng pag-asa na hindi mo na siya makikita, Nick ngayon pa lang gawin mo na ang pag limot sa kanya dahil mas masasaktan ka kapag nalaman mong may iba na siyang mahal..ako Nick nandito lang ako palagi, hindi kita iiwan tulad ng ginawa sa’yo ni Yna..dahil hindi ka niya totoong mahal, ginamit ka lang niya, kinailangan ka lang niya dahil sa kaligtasan niya..
Nico : Mahal ako ni Yna (mariin niyang sabi) dahil ramdam ko yun..
Melanie : mahal, bakit ka niya iniwan, bakit lumayo siya sa’yo? Kung talagang minahal ka nun sana hindi ka niya iniwan, sana pinahalagahan ka niya..
Nico : Ihahatid na kita sa inyo.
.
hindi alam ni Nico kung ano ang mararamdaman niya ng mga sandaling iyon kung maiinis o maaawa kay Melanie, di niya akalain na umiibig si Melanie sa kanya..ng makapagbayad na si Nico ng kinain nila ay umalis na din sila, at sa paglalakad ni Nico ay may bagay siyang natapakan natapakan sa sahig, at ng tingnan niya ito ay isang wallet..kinuha niya ito, at binuklat ganun na lang ang bilis ng tibok ng puso niya ng makita niya roon ang picture ni Yna.
.
Nico : Yna!! nandito ka ba?(nagpalinga-
linga siya at umaasa na naroon si Yna)
.
Galit na galit ang kalooban ni Melanie dahil sa reaksiyon ni Nico ng makita nito ang wallet ni Yna, halos natataranta ito sa paghahanap, sinusuyod ni Nico ang kabuuan ng restaurant para makita si Yna, ngunit bigo siya na makita ito..si Melanie ay nagpupuyos sa galit ang kalooban, sana daw ay hindi na lang nagbalik si Yna.
.
Nico : Melanie pasensiya ka na, kailangan ko talagang Makita si Yna..gusto ko na siyang Makita..
Melanie : kailangan ba talagang Saktan mo ako ng ganito ha Nick..nasasaktan na ako..
Nico : ihahatid na Kita Melanie..
Melanie : no, makakauwi ako kahit mag-isa lang ako..(at nagmartsa palabas ng restaurant)
.
hinabol naman siya ni Nico..
.
Nico : Melanie please naman, huwag ka naman ganyan..unawain mo naman ako..
Melanie : Nick ako ang unawain mo, mahal kita..
Nico : Melanie please, naman huwag mo naman pahirapan yong kalooban ko.
Melanie : bakit ako ba hindi ba nahihirapan yong kalooban ko..Nick mahal kita..
Nico : mahal din kita, pero bilang kaibigan lang.
.
Sa sinabi ni Nico ay dali dali ng sumakay si Melanie sa kotse niya, at pianadar niya agad ang makina at agad na inarangkada ng mabilis ang sasakyan..nakaramdam naman ng pag-aalala si Nico..napatutup na lang si Nico sa kanyang noo dahil nadagdagan tuloy ang mga alalahanin niya..masaya na sana siya dahil nagkakaroon na siya ng pag-asang makita niya ang pinakamamahal na babae..at samantalang sina Yna at mga kaibigan nito ay nasa isang bar. At doon ay masaya silang nag-iinuman, pilit na inaalis ni Yna sa isipan niya si Nico, gusto niyang maging masaya ayaw na niyang makaramdam ng lungkot, kaya inubos niya ng mabilisan ang alak na nasa baso, at ng maubos ay kumuha pa siya sa bartender.
.
Yna : woah..,na miss ko to!!
Ruffa : oy sis, hinay hinay ka lang ha, hard yang iniinum mo.,
Betty : oo nga, baka malasing ka ng maaga niyan.
Yna : ano ba kayo. Kayan kaya ko yan..nakalimutan nio ba na malakas akong iinum.
Betty : noon..eh ngayon baka mabilis ka ng malasing..
Yna : hindi yan, sige inum na tayo.ngayon na nga lang uli tayo nagkasama, sulitin na natin.
.
At hanggang sa kumuha na sila ng kanilang table at umorder si Yna ng alak, at dahil sa napasarap ang inuman ng tatlong magkakaibigan, kapwa na sila nawawala sa sarili, isa na din sila sa mga sumasayaw sa may dancefloor, at hanggang sa ang dalawa niyang kaibigan ay meron ng mga nakilalang lalaki na kanila ng kasayaw..at Samantalang si Yna naman ay nakaramdam ng hilo dahil sa napagod siyang sumayaw kaya bumalik siya sa table niya, at sumimsim muli ng alak, at hanggang sa may lumapit sa kanyang lalake.
.
lalake : hi, pwedeng maki-upo?
Yna : sure..
lalake : thanks!
Yna : welcome.
lalaki : by the way, I’m Neil..(nilahad ang kamay..)
Yna : I’m Y- – K-kris!
Neil : are you alone?
Yna : nope!
Neil : ah, May kasama ka pla!
Yna : oo mga friends ko.
Neil : friends?
Yna : Yup, Friends..
Neil : walang boyfriend na kasama?
Yna : wala akong boyfriend.
Neil : wow!! wla palang susuntok sakin dito..
Yna : ha, merong susuntok sa’yo kapag mambabastos ka..
Neil : uy, mukha ba akong bastos?
Yna : hindi naman!
Neil : ubos na yata Yong iniinom mo?
Yna : oo nga eh, pero okay lang..
.
at si Ruffa at Betty ng makita si Yna na may kausap na lalake sa table nila ay pinuntahan nila ito..
.
Betty : hi guys!
Ruffa : who is he?
Yna : girls siya si Neil, Neil sila yong mga kaibigan ko.
Neil : hi..mkiki-share ako sa table nio..
Ruffa : okay, basta ba ililibre mo kami..
Neil : no problem..sagot ko yung inumin nio..
Betty : idagdag mo na yong pulutan..
Neil : sige ako ang bahala..
Yna : baka malasing na tayo niyan.
Ruffa : okay lang yan, nandiyan nman Yong driver mo diba?
Betty : oo nga Yna, hindi mo na ba kasi kaya?
Yna : kaya pa naman..
.
at umorder pa nga si Neil ng alak.. at masayang nakikipag-kwentuhan ang tatlong magkakaibigan kay Neil. si Neil nman sa tatlong magkakaibigan kay Yna siya nagkaka-interes. dahil ang tipo daw niyang babae ay katulad ni Yna na may magandang pangangatawan at may magandang mukha..aliw na aliw naman ang tatlo kay Neil dahil masarap kausap hindi daw boring..at hanggang sa napaparami na ang naiinum nila.
.
Neil : Girls lasing na yata kayo..
Yna : Ha, shi-nong la-shing bak-ka ik-kaw ang la-shing..
Ruffa : oo nga, gushto kong shumayaw, shayaw tay-yo..
Betty : Uwi na k-ko, bala kak-yo di-yan..bashta ko uwi nak-ko..
Yna : huu-wag ka-k pang um-muwi in-num pa tay-yo…
Neil : ano girls order pa ako ng alak?
Ruffa : hah..bash-ta ak-ko gush-to kong shu-mayaw..sha-yaw tayo Neil..
Betty : ak-ko gush-to ko ng um-muwi, la-shing na ak-ko…(napadukdok na sa lamesa)
.
Samantalang si Yna naman ay nakaramdam ng tawag ng kalikasan..kaya pupunta siya sa cr, halos hirap na siya sa paglalakad.
.
Neil : Kris san ka pupunta?
Yna : sa ladiesh room, bak-kit sha-ma ka? gush-to mong shumama..
Neil : samahan na kita..
Yna : huoy!! wag mo na ako shamahan..kala mo dik-ko alam yong mga ugali niyong mga lalake kayo, shi-na-shamantala nio ang mga kahinaan naming mga babae, ulol!! nashan na ang ladiesh room?
Neil : samahan na kasi kita, baka mabuwal ka pa.
.
pumayag naman si Yna na samahan siya ni Neil, pero hindi namamalayan ni Yna na maling direksyon siya ipinupunta ni Neil, papunta na sa labas yong nilalakaran nila.
.
Yna : sha-an mo ba ako dadalhin..hin-di naman shi-ar to ah..parking area to ah..
Neil : sa cr tayo pupunta..
Yna : May c-r ba dito?
Neil : oo.
.
at hanggang sa binubuksan na ni Neil ang kotse niya.
.
Neil : sakay ka na..
Yna : ayoko nga..
Neil : sakay na sabi eh..
.
pilit na pinasasakay ni Neil sa kotse, ngunit nanlalaban si Yna.
.
Yna : gago ka ah, hayop ka..sabi mo sha-shamahan mo ako sa cr..bakit mo ako isa-shakay sa kotshe mo!(malakas niyang sabi)
.
hindi maisakay ni Neil si Yna sa kotse dahil, lumalaban si Yna, nagsisigaw na si Yna humihingi siya ng tulong, dahil nasasaktan na siya sa ginagawa ni Neil sa kanya, pinuwersa na siyang isinasakay sa kotse..takot na takot na si Yna dahil baka kung anong gawin sa kanya ni Neil, at nakadagdag ng takot niya ay madilim sa lugar na iyon.. nanghihina na ang pakiramdam niya dahil sa takot nerbiyos, at isa pa ay lasing siya..at laking swerte ni Yna ng may lalake na lumapit sa kanila..
.
lalake : Hoy bitawan mo siya!
.
sa narinig ni Yna ay parang naalala niyang nangyari na sa kanya iyon dati..naalala nga niya Yong time na hinoldap siya, at bigla uling pumasok sa isipan niya si Nico..nahiling niya na sana ay naroon si Nico para iligtas siyang muli.
.
Neil : Hoy pare, huwag mo kaming paki-alaman ng girlfriend ko..
Yna : anong girlfriend..kpal ng mukha mo..hindi ko siya boyfriend, gusto niya akong gawan ng masama..
lalake : bitawan mo na siya..
Yna : bitawan mo na ako sabi..
lalake : kapag hindi mo siya binitawan, mapipilitan akong iputok sa’yo ang hawak ko..
.
nabuhayan ng loob si Yna dahil may pang depensa pala ang lalakeng tutulong sa kanya, hindi niya nakikita ang lalake dahil nakatalikod siya dito..at parang pamilyar kay Yna ang boses nito..at natakot naman si Neil..binitawan niya si Yna..at nagmadaling sumakay si Neil sa kotse niya at mabilis na pinaandar ang kotse. dahil sa takot ni Yna ay unti unti na siyang nanghihina dahil na din sa hilo..at hanggang sa lapitan na siya ng lalaking tumulong sa kanya at hanggang sa laking gulat ni Yna ng mapag-sino ang lalake.
.
Yna : N-Nico!!!
Nico : Yna!!
.
at hindi nagtagal ay sa halo halong emosyon ni Yna ay nawalan na siya ng malay.
.
Itutuloy…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.