0

TOO MUCH LOVE Three


Report

by: Gail Montenegro
Araw ng linggo walang pasok sa trabaho kaya naisipan ni jade na gumala kasama sina clearah at belle ,mga kaibigan na nanaisin nyang makasama kesa sa sarili nyang nobyo ,kung saan sya mas masaya ay doon sya ganoon paman ay sinabi parin nya kay ace para malaman nito ng sa gayun ay hindi sya nito pupuntahan ngayun ,humarap sya sa isang malaking salamin at pinagmasdan ang kanyang sarili ,nakasuot lamang sya ng simpleng outfit skiny jeans na pinaresan ng v-neck shirt at sneakers na sapatapos ,napangiti sya ng makita ang itim nyang cup at agad iyung isinuot sa ulo kahit na basa pa ang kanyang buhok “astig..!” Bulalas nya sa sarili bago isinuot ang kanyang shoulder bag ,palabas na sana sya ng biglang may kumatok sa pintuan ng silid nya
Bumukas iyun at dumungaw ang ulo ng kanyang daddy ,tuluyan itong pumasok ,kunot nuo syang pinagmasdan mula ulo hanggang paa “saan ka pupunta?” Matamang tanong sakanya ng kanyang ama
“May lakad ako kasama sina clearah at belle ,may problema ba dad” ani nya dito
“Ou..dahil nandyan ang tita claire mo ,gusto la nyang makita anak ,icancel mo ang lakad nyu ng mga kaibigan mo dahil di hamak na mas mahalaga ang bisita mo ngayun kesa sa lalakarin nyu ,tyaka magpalit ka bago lumabas huh ,nagmumuka kang lalaki dyan sa suot mo jade umayus ka’t bilisan mo..harapin mo ng maayus ang mommy ni ace..bilisan mo—”
“Dad nandyan naman po si mom ,kayu nalang muna dahil araw ko ito ,tyaka si mommy naman po ang binisita nya hindi ako” putol nya sa mga sinasabi nito
“Jade mahiya ka naman ,tingin mu talaga ang mom mulang ang ipinunta dito ng tita claire mo eh gusto ka daw nya makita ,basta bilisan mu na dyan ,magpalit ka at sumunod agad ,wag mo silang paghintayin doon anak..” saad nito bago sya mabilis na iniwan
Bagsak ang balikat na napaupo sya sa kanyang kama hinagis ang sobrero sa kama saka ginulo ang kanyang buhok ,wala syang magagawa kundi harapin ang bisita nila ,kaya mabilis nyang tinungo ang dressingroom at agad na nagpalit ng dress kagaya ng gusto ng kanyang dad at baka mayare sya dito oras na tokong ang isuot nya katulad ng nakaraang bumisita ito at ang asawa nito, pagkauwing pagkauwi nila ay sermon ang inabot nya sa magulang dahil sa isinuot nya
“Jade… ano na, antagal mo!!” Boses ng kanyang ina kaya nagmadali syang lumabas agad ng maisuot ang kanyang sandals
“Mom ,hindi kayu makapaghintay kainis naman..” maktol nya sa kanyang ina
“Antagal mo kasi kanina kapa hinihintay ng tita mo ,halika na nga..” kaladkad sakanya ng mommy nya “pasensya na best at napakakupad ng anak ko..” rinig nyang sabi ng mommy nya
Inirapan nya ang likod ng mom nya na huling huli naman ng tita claire nya ,nginitian lamang sya nito saka inayang umupo sa tabi nito na kaagad naman nyang ginawa “pasensya na ho tita natagalan ako!” Hinging paumanhin nya dito ,hinawakan ng ginang ang isang palad nya saka pinagsalikop sa pagitan ng palad nito
“Angsaya ni ace pag uwi nya kagabi ,sinagot muna ba ang propose nya tungkol sa pagpapakasal nyu..” nakangiti nitong tanong sakanya
Umawang ang bibig ni jade dahil sa narinig ,wala pang nababanggit sakanya si ace pero hindi nya alam na may ganoong plano pala ang kasintahan ,mariin syang napapikit saka muling nagmulat at nilingon ang kanyang ina ,”pero wala pa ho kaming napag uusapang ganyang bagay tita ,alam nyung...


wala pa sa isip namin ang ganyan..” wika nya na sa mommý nya nakatingin dahil nahihiya syang salubungin ang mga nagtatanong na mga mata ng mommy ni ace
“Ganoon ba!! Pasensya kana kung nagmamadali kami ,yaan mo at kakausapin ko si ace tungkol dito” malungkot na saad ni claire
“Claire hindi mu sya kailangang kausapin.. jade anak ,tumatanda kana baka mahirapan kanang magbuntis nyan kapag 30’s kana..”
“Mommy please!!” Pakiusap nya sa ina na sana ay manahimik na
“Its ok tanya ,wag natin ipressure ang mga bata ,siguro nagienjoy palang sila ,mas mainam na masulit nila ang kabataan bago sila magpamilya.. i’ll talk ace about this hija ,wag kanang magalala ok..” hagod nito sa likod nya ,mabuti pa ang mommy ni ace ay inaalala sya kesa sa sarili nyang mga magulang na palagi syang itinutulak mag asawa na..
Nagbonding maghapon ang mommy nya at ang mommy ni ace kasama sya ,marami silang ginawa kagaya ng pagbibaked ng ibat ibang klase ng cakes at kung anu ano pang mga pagkain na ang iba ay iuuwi ng tita claire nya para ibigay kay ace lalo na ang ginawa nyang yema cake na paborito ni ace ,ilang sandali lamang ay narinig nila ang ilang ugong ng sasakyang pumasok sa bakuran ng kanilang mansion.. minuto lamang ay ang boses ng mga lalaking nagtatawanan at nagbibiruan ,marungis sya kaya pinauna nya ang dalawang matanda na lumabas na ng kitchen habang sya ay inaayus ang mga nagamit nila ,ng bigla ay may yumakap mula sa likuran nya kaya ganoon na lamang ang pagsinghap nya “hey…” pilit nyang kawala dito
“Baby its me!!” Baritonong boses ni ace kaya tumigil sya sa pagpalag ,saka ito pilit na nilingon ,ngunit sinalubong nito ng mabilis na halik sa labi nya
“Ano ba ,bitawan muna ako!” Irap nya dito ,tinangka sya nitong muling halikan pero inilagay nya ang marurumi nyang kamay sa dibdib nito para hindi nito magawa ang nais
“Nadumihan muna! Linisin mu yan!” Maktol ni ace
“Kasalanan mo ,pangahas ka kasi… palagi nalang” bulong nya bago ito tinalikuran pero sinundan pala sya nito ng maghuhugas na sya sa lababo ay di nya alam na nasa likod lang pala nya ang lalaki ,kinorner sya nito doon mismo kaya halos nakayakap na ito ng mahigpit sakanya “ace ano ba!!” Inis nyang wika
Pinilit nyang makaalpas mula sa lalaki pero anu bang lakas nya dito ,basta naramdaman na lamang nya ang labi ng nobyo sa kanyang batok ,nangingiliti at parang nangaakit “ace…” hindi boses ng taong ayaw ang ginagawa ,kundi ungol ng babaing nagugustuhan ang nnangyayare
“I love u baby.. please come with me ,doon ka naman sa bahay matulog please..” pakiusap nito sakanya
“Ace.. maaga ako bukas!!” Angal nya dito
“Please naman.. pagbigyan muna ako ,miss na kitang makatabi jade.. ngayun nanaman ako humiling sayu baby please..please” pagmamakaawa nito ,hindi man nya lubusang nakikita alam nyang kawawa na ang itchura nito pero paano ba ang gagawin nya ,kayhirap iwasan ni ace ,parang lalo sya nitong kinokorner para tuluyan syang makuha nito
“Ok fine ,itigil muna yan..” naiinis nyang wika na ang tinutukoy ay ang paggapang ng halik at mga palad nito., tumigil naman ang lalaki at nakangiti syang hinarap
“Thank u ,lets go babe ,ipinagpaalam na kita sa mom at dad mo..”
“Tapos ipinamigay nanaman nila ako na parang cake..” irap nya dito habang nagpupunas ng kamay
Kagaya ng napagusapan sumama nga sya dito at doon sa bahay ng mga ito matutulog ngayung gabi..


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.