0

I’LL NEVER GO CHAPTER 12


Report

Dahil nga sa napatawad ko si Tatay ay madalas kaming magbonding,tulad ng mamasyal,kumain sa labas at magshopping.Ang sarap pala sa pakiramdam na meron kang isang ama na poprotekta at mag aalaga sayo.
Napakabait naman pala ng Tatay ko,dalangin ko lang ay sana mapatawad sya ni Nanay.
Sobrang saya ko ng mga nakaraang araw.Muntik ko ng makalimutan na me boyfriend nga pala ako.
Pero teka,hindi ko na kasalanan yun kung bakit nakalimutan ko sya.
Di na rin kasi sya dumadalaw dito sa bahay ni Tita.Kahit tumawag ay di na magawa.Ayaw ko namang ako ang maunang magtext o tumawag sa kanya para magtanong.
Bahala sya sa buhay nya.Siguro sa umpisa lang talaga.Kapag nanliligaw pa lang ay halos araw araw ka gusto makita pero ngayon wala ng paramdam.Porke ba naging kami na.
Bakit kaya?
aniya sa sarili.
Samantalang kina Markus naman ay…
Nalaman ng parents nya na me girlfriend na ang anak,pero ng malaman ng mga ito na nagtatrabaho sa flower shop si Xandie ay di nagustuhan ng mga ito.
Tumawag kasi ang Tita nya sa magulang nito me pagkamatapobre pa naman ang Mama ni Mark.
“Ate sabihin mo dyan kay Mark na kapag di nya hiniwalayan ang babae na yan ay mapipilitan na talaga akong dalhin sya dito at wag na bumalik dyan.Alam mo naman Ate na nakapangako nako sa kaibigan ko na ipakasal ang anak ko sa anak nya.”
“Hayaan mo at sasabihin ko sa kanya.”
“Salamat ate,tsaka tigil tigilan nya na yang pagbabanda na yan at pagbabarkada,mapapabayaan nya lang ang trabaho nya.”
Yun ang sinabi sa kanya ng Tita nya,kaya di muna sya nagpakita kay Xandie baka malaman ng mga ito at pauwiin nga sya sa States.At ang masaklap pa ay naipagkasundo na sya sa ibang babae.
Miss na miss nya na ang girlfriend pero titiisin nya muna ito.Tutal malapit na rin...


itong makatapos sa pag aaral.Sa gayon ay maipagmamalaki nya rin ito sa parents nya.
Kaya si Xandie ay kahit nasasaktan itinuon nya na lang oras sa pag aaral nya.
“Makakalimutan din kita Mark,akala mo siguro maghahabol ako sayo.Nekn*k mo!”
Minsan napag usapan nila ni Cassy ang tungkol sa di pagpapakita sa kanya ng nobyo.Hangga’t maaari kasi ay ayaw nya ng maalala pa ang nobyo.
“Beb,kumusta ka na?
Pareho kayong dalawa ni Mark na di na sumasama sa gimik ng tropa.Ano ba nangyari sa inyo?”
“Ewan ko ba,basta di na lang sya nagpakita sa bahay.Dati halos dun na tumira ngayon ay nawala na lang parang bula’.”
“Hayaan mo at tatanungin ko si Kuya,baka me alam sya.”
“Salamat,balitaan mo na lang ako Beb.”
Napagpasyahan ni Tatay na bumili ng bahay dito sa Manila.Ayaw sana pumayag ni Tita na umalis ako sa kanila pero gusto ko din makasama ang Tatay ko,kaya lumipat na kami.
Napakalaki ng bahay namin actually mansyon na tawag dito.Sana naman ay mapatawad kaagad sya ni Nanay para sama sama na kami dito.Para naman makaranas sya ng kaginhawahan sa buhay.Kapag naaalala ko kasi ang naging buhay namin ay awang awa ako sa kanya.
Nasabi ko din na me pamilya na si Kuya kaya bibigyan nya din daw ito ng sariling bahay.
Masaya na ko dahil kahit hindi ako nakapag asawa ng foreigner na mayaman ay natupad pa rin ang pangarap ko.
Teka! masaya na nga ba ako? Yumaman nga ako pero ang lalaking una kong minahal ay wala naman sa tabi ko.
Wala na sigurong pag asa na maging kami dahil bumitaw na sya sa relasyon namin.
Sana naman ay masaya sya,kahit ganito ang nangyari sa amin.Kahit paano ay naranasan ko din ang magmahal.Dahil sabi nga nila sa pag ibig ay di lang puro saya meron din kalungkutan at minsan kelangan mo din masaktan.😔


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.