0

HIS HEARTLESS LOVE CHAPTER 13


Report

( PAUL SANTIBAN )
_____________
——-continueFlashBack——
Naka tulalang naka upo si Sherin sa tabi ng kaniyang ate na hindi parin nagigising. iniisip parin niya yung ginawa niya kanina dun sa babaeng ng away sa kaniyang ate .
‘Bakit ganun ? Pag nagagalit ako mawawala ako sa tamang pag iisip , hindi ko nakokontrol ang sarili ko ‘ nag tatakang sabi ng kaniyang isip.
Nag paalam saglit sakaniya si Paul na may pupuntahan lang kaya naman
Nag prisinta siyang siya muna ang mag babantay sa kaniyang ate na hindi parin nagkakamalay. Ngunit hindi naman sinang ayunan ni Paul. Pinaiwan parin nito ang Mommy Paulyn at ang mama Sofia ni Josef.
Naputol sa malalim na pag iisip si Sherin ng gumalaw at magising ang kaniyang ate. Dali dali niyang tinawag ang dalawang ginang at kaagad. Namang lumapit ang mga ito. , sobrang saya ng Dalawang Ginang Habang kinakausap ang kaniyang ate tungkol sa Pag bubuntis nito. Unang apo ng Follox at Santiban Family kaya sobrang saya ng dalawang ginang. Tinawagan ni Sherin si Josef at pagka tapos ay kaagad naman niyang tinawagan si Paul Para ibalitang gising na, ang ate Sharina niya.
📞hello Baby
“Tandang Sungit nasaan kana ba? Sabi mo sandali kalang. Bumalik kana dito nagising na si Ate ”
📞saglit lang akong nawala namiss mona kaagad ako. Sige po kamahalan babalik na ako ” sagot ng binata sa kaniya.
Kahit hindi niya ito nakikita alam ni Sherin na naka ngisi ang Binata. Lihim namang napapangiti at kinikilig si Sherin dahil sa Sobrang ka Sweetan ng binata.

Naka ngiting ibinaba ni Paul ang Kaniyang phone At deretsong Lumabas na ng Silid na kung saang naka kulong ang babaeng matagal ng nag pahirap sa kaniyang kapatid.
“Hala ngumiti si Boss
” seryoso? Tama batong nakita natin ngumiti si Boss
“Mukhang inlove ang boss natin dahil may nag papangiti na
Hindi maka paniwalang sabi ng mga Tauhan ni Paul ng makitang Ngumiti ito.
“Boss anong gagawin dito sa babae? ” pahabol na sabi ng Tauhan ng makitang palabas na si Paul.
” iwan niyo nalang dyan. Wag niyong pakainin at painumin. Hayaan niyo Yang mamatay sa Gutom at maubusan ng Dugo. ” mahabang sabi ni Paul sa mga tauhan. At tumalikod na para bumalik sa Hospital dahil lagot nanaman siya kay Sherin pag nainip ang Dalaga.
“Kawawa naman siya Sir Jayson. Hindi ba pwedeng Paliguan at iyalis Yang Mga Siling Labuyo sa Gitna niya , sobrang sakit niyan dahil hindi Pa natatanggal ang Bala ng Baril ” ani ng isang tauhan na na siya namang kina Taas ng kilay ni Marco at Rayan.
” kung gusto mong mamatay sige gawin mo paliguan mo siya at e gamutin mo ang sugat niya ” naka taas kilay na sabi ni Rayan
” narinig niyo naman ang sinabi ni Boss. Gusto niyo bang maunang mamatay sa Babaeng yan “. Sabat naman ni Jayson.
“Marco diba kapatid yan ni Jeppy? ” takang tanong ni Rayan
” kaya pala sobrang pinapa hirapan ni Boss dahil kapatid pala ng Kaaway. “Sabat naman ni Jayson.

Maka lipas ang Limang araw.
Bumalik si Paul sa Hideout para tignan ang babae. Nakita nga niya itong ng hihina na at nilalangaw na ang Gitna nitong may Sugat ..
“P-pa-ta-yin mo n-na-lang ak-ako” mahinang sabi ni Carla
” hindi kita papatayin. Dahil ikaw mismo ang papatay sa Sarili mo ” sagot ni Paul. Sabay kuha sa Baril nitong kalibre 45 at ipinahawak sa babae habang naka tutok sa panga nito.
Pagkatapos ay tumalikod na si Paul at wala namang nagawa si Carla kundi tapusin nalang ang Buhay niya dahil alam niyang hindi narin siya mag tatagal at hindi rin siya bubuhayin ni Paul Santiban.
BANG * putok ng baril ang nag patigil sa pag lakad ni Paul at hinarap ang gawi ng Babae. Nakita niyang Naka Higa na ito habang punong puno ng Dugo ang ulo nito.
” boss anong gagawin namin dito ” tanong ni Jayson ng paalis na si paul
” ilagay niyo sa kahon at ipadala mo sa Mga Roichi. ” sagot ni Paul at tumalikod na.

todo Bantay naman si Sherin sa kaniyang ate dahil nga sa Buntis ito. Sobrang alaga nilang lahat si Paula.
“Ate ito oh pinag Balat kita ng Orange ” naka ngiting sabi ni Sherin sa Kaniyang ate naupo sa Tabi nito.
” salamat bunso. ” naka ngiting sabi ng Kaniyang ate habang nasa Garden Area sila.
“Bunso sa Makalawa na pala ang Kaarawan mo. 18 birthday mona. Nako Dalagang dalaga kana talaga. Wag muna mag Boboyfriend at Focus kana muna sa pag aaral mo , kailan kanga pala papasok ? ” ani ng kaniyang ate habang kumakain ng Orange.
‘Wala nga akong Boyfriend ,Pero may asawa na kaagad ‘ ani ng isip ni Sherin
” 2weeks Pa ate. Saka ate pano kung may magustuhan ako ? ” kinakabahan niyang tanong. Hindi niya tuloy alam kung paano niya sasabihin ang tungkol sa kanila ni Paul.
” emmp basta bata kapa wala munang Boyfriend boyfriend nayan. Pag nasa 20 kana saka kita papayagang maki pag Boyfriend . Magagalit talaga ako sayo kapag sinuway mo ang sinabi ko...


bunso ” naka taas kilay na sabi ng kaniyang ate Sharina.
Bigla namang natahimik si Sherin at hindi maka tingin sa kaniyang ate. Paano kapag nalaman nitong sa edad na Seventeen ay may Asawa na siya at maraming beses na silang nag Halikan ni Paul.
“Bunso pansin kulang. Mula ng Dumating ka dito. Napaka laki ng ipinag bago ni Kuya Paul. Nagka kilala naba kayu nuon? Kahit nung nasa mindoro Pa tayo? ” curious na tanong ni Sharina
” ha eh emmmp hi-hindi ate wa-wala “. Utal niyang sagot.
” sige ate maiwan na kita. Ohh nandyan na pala si Kuya Josef. “. Mabilis na sabi ni Sherin para maka iwas sa mga tanong sa kaniya ng kaniyang ate. Naka ngiting Tumango siya sa parating na nobyo ng kaniyang ate. At mabilis na pumasok
” ohh sherin bat ka namumutla? Ang ate mo nasaan? ” tanong ni Paulyn
“Wa-wala po mama at nasa Garden po si ate kasama ni Kuya Josef ” sagot niya.

“Jeppy tumawag naba sayo ang Kapatid mo? ” tanong Ni Vea sa Anak.
” no mom. ” maikling sagot ni Jeppy. Sabay subo ng pagkain nito.
“Gustavo limang araw ng hindi nakokontak at hindi nakikita ang anak natin. Baka napano nayun ” nag aalalang sabi ng Ginang.
” Darling kilala mo naman ang anak mong yun palaging mga kaibigan ang kasama. ” sagot ni Gustavo.
“Jeppy kumusta ang mga Droga naideliver naba ng maayus sa Japan? ” baling ni Gustavo kaya Jeppy na Seryoso lamang na kumakain.
Iniisip nito ang sinabi sa kaniya ni Vanessa. Hindi lang pala ang mga Santiban ang Kaaway nila maging ang Grupo nila Vanessa ay Makakalaban rin nila ..
” hindi kopa nakakausap ang mga tauhan ko dad ” sagot ni Jeppy.
Nasa Kalagitnaan sila ng Hapag kainan ng may biglang mag Doorbell .
” manang paki buksan nga po ” magalang na Utos ni Jeppy sa kaniyang kasambahay.
Ilang minuto lang ay bumalik rin ang katulong at mabilis na lumapit sa kaniya.
“Sir may Package po para daw ho kay Senior Gustavo ” ani ng matandang katulong.
“Package ? Galing saan? ” kunot nuong tanong ni Gustavo
” wala Hong sinabi sir. Ang sinabi lang ay para daw ho sa inyo ”
Tumayo naman si Jeppy kasunod ng kaniyang ina at naunang lumabas si Gustavo para tignan ang Package na para sa kaniya.
Tumambad sa kaniyang harapan ang malaking Kahon kaya nagka tinginan sina Gustavo at Jeppy.
” dad walang naka sulat na kahit na ano . Masama ang kutob ko. Wag mo munang buksan. mommy pumasok muna kayo sa loob. . Dad ipautos mo sa mga tauhan ang pag bukas niyan. “. Seryosong sabi ni jeppy.
Kaagad namang dumating ang Limang Armadong mga tauhan nila at ipinag utos nilang buksan ang nasa Malaking Kahon.
“Mommy pumasok na kayu sa loob. ”
” no Jeppy . gusto Kong makita ang Laman ng Kahon nayan. ” pagalit na sagot ni Vea.
Ng matapos ng buksan ang Malaking kahon ay mabilis silang napa takip kaagad ng ilong dahil sa Sobrang Lakas at sama ng Amoy na nanggagaling sa malaking Kahon.
“Sir si seniorita !” Malakas na Sabi ng Tauhan ng Makita ang laman ng Kahon.
Nagka tinginan naman silang tatlo at mabilis na lumapit sa Kahon. Kahit na sobrang Baho nito ay Hindi nila ininda
” ahhhhhh!!! Ang Anak ko. Ahhhhhh Gustavo ang Anak natin ” gulat at napa sigaw si Vea kasabay ng pag iyak nito ng makita ang anak nitong Duguan at nilalangaw na sa Loob ng Kahon punong puno ng Dugo ang Ulo nito at naka Hubad , walang kahit na anong saplot sa Katawan.
Kitang kita nila kung paano pinahirapan si Carla habang si Gustavo naman ay Nanginginig sa Galit kasabay ng pag tulo ng Luha nito.
” mag babayad ang may gawa nito ” galit na sabi ni Gustavo habang naka tingin sa Bangkay na nag iisang anak at yakap yakap ito ng kaniyang asawa.
Halos madurog naman ang puso ni Jeppy dahil sa Sinapit ng kaniyang nag iisang kapatid. Kahit magka iba sila ng ama ni Carla ay sobrang mahal na mahal niya ito.
Bigla naman nag Vibrate ang Phone ni Jeppy kaya mabilis niyang sinagot ang Unknown number na tumawag.
📞 natanggap niyo naba ang special gift ko? ” sabi ng lalaking nasa Linya. Mahigpit na napa kuyom ng kamao si Jeppy dahil kilalang kilala niya ang nasa Linya.
” P*TANG*NA MO ! SANTIBAN. HUMANDA KA LALO NA ANG BUONG PAMILYA MO. PAPATAYIN KO KAYUNG LAHAT ! ” sigaw ni Jeppy sa kausap.
Rinig naman niyang Tumawa ng nakakainsulto si Paul. Kaya mas lalo siyang nagalit.
📞 hahaha walang kahit na isang Balahibo ko ang Natakot. Jeppy Dalgan ano na ngayon ang itsura ng Tatay tatayan mo. Nanginginig naba sa Takot at Galit si Mr Roichi. ?”
sasagot Pa sana si Jeppy ng ibaba na ni paul ang tawag.
//Next 14
********
NAKO. !! PAINIT NA NG PAINIT ANG STORY. 🤦‍♀️🤣 SORRY LATE AKO MASYADO MAG UPDTAE MGA LABS. SOBRANG BC LANG TALAGA labyu 💕


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.