0

The_lost_daughter Chapter_10


Report

Pagpasok ko nang bahay,naabutan ko si inay na tinitingnan ang damit pambaby at lampin na lumuluha ang mga mata.
Inay bakit ka umiiyak,pag alala kung tanung..
Wala anak naalala ko lang itong damit na suot mo nung baby ka pa.
Tumingin ako kay inay at ngumiti,pero nagulat ako sa sunod niyang sabi.
Anak itong suot mong damit nung nakita kita sa kakahuyan.
Ano ho,inay! Ano hong Nakita gulat kung tanung.
Anak patawarin mo ko kung ngayon ko lang sinabi sau hindi ako ang tunay mong ina,anak.
Nakita lang kita sa kakahuyan malapit sa tinitirhan ko noon.
Inay may sakit po ba kayong naramdaman inay,wag naman kayong magbiro nang ganyan inay humahagolhol nku sa iyak.
Anak totoo ang sinabi ko,hindi ako ang tunay mong ina!
Sabi ni inay na umiiyak narin ito.
Sinasabi ko sayo to ngayon anak kasi pakiramdam ko di naku magtatagal.
Natatakot akong mawala na di man lang nasabi sayo ang totoo.
Tama na inay,sigaw ko.
Hinding hindi ka mawawala at hindi totoong hindi mo ko anak.
Bawiin mo sinasabi mo inay,hagulhol kung iyak..
Niyakap ako ni inay nang mahigpit.
Patawad anak patawad..
Pagkatapos ang usapan namin yun ni inay lumabas muna ko nang bahay.
Tulala at iniisip ang sinabi ni inay..
Kung hindi si inay ang totoong ina ko,sino mga magulang ko.
Bakit nagawa nila akong iwan sa kakahuyan..
Bakit ganun GoD, ok lang sakin tanggap ko na, na wala akong ama pero bakit kailangan ko pang malaman na ang inay kong sobra kung minahal ay hindi ang totoo kung ina..
Habang iniisip ko yun ang sakit sakit nang puso ko..
Ayoko,ayokong isipin na ang inay ko ay hindi ko totoong ina.
Ang inay ko lang ang nag iisang inay ko,siya ang nagluwal sakin at wala nang iba..
Kinaumagahan ay maaga ako gumising para pupunta nang palengke,pagkatapos kong gawin ang lahat nang gawain sa bahay ay nagpaalam narin ako kay inay..
Inay punta muna ko nang palengke para itinda itong mga kakanin..
Anak galit kaba sakin o nagtampo kaba sakin anak..
Inay kahit anong gagawin nyo o sasabihin ,hinding hindi ako magtatampo sayo o magalit inay,kasi mahal na mahal kita tyaka ko niyakap si Inay.
Anak mahal na mahal din kita yan ang lagi mo tandaan..
Sa Mansyon nang mga Fernandez.
Mabilis na pumasok si mang romy sa mansyon para sabihin kay Don Federico ang ibabalita niya.
Siguradong matutuwa nito si Don Federico at baka bigyan pa ko nang reward ngiti nitong sabi sa sarili.
Nang bigla siya kinamay ni Madam Mariel na nasa gilid nang bahay nakatayo.
Agad naman lumapit si mang romy kay madam mariel.
Madam Mariel bakit po,agad nitong tanung nang makalapit na.
Ah ei,romy wala kasi ngayon si Don Federico sakin mo na lang daw sabihin, ang sasabihin mo sa kanya..
Pero madam..
Hindi na natuloy ang sasabihin ni mang romy nang iniabot ni Madam mariel ang bag,laman nang maraming pera.
Yan daw reward mo,pinabigay ni Don federico.
Kalahating milyon yan,umuwi ka daw nang probinsya niyo gamit ang perang yan.
Para gumaling na nang tuluyan ang asawa mo.
Talaga...


madam,sabi iyan ni Don Federico.
Tumango na lamang si Mariel at ngumiti.
Ito madam ang lugar kung saan nakatira ang isa sa nawawalang anak ni Don.
Sigurado matutuwa nito si Don Federico..
Makakasama na niya ang matagal nang nawawalang anak..
Oo nga,sige umalis kana agad na sabi madami mariel.
In her dreams hanggat nandito ako sa mansyon,walang makakabalik isa man sa kanila.
Buti na lang tinawagan agad ako ni lito na may impormasyon nang nahanap si Romy.
Agad kinuha ang cellphone niya at tinawagan si lito.
Ibigay ko ang address gawin niyo nang maayos ang ipagagawa ko.
Na kahit anino nila o bangkay dina makakabalik pa dito sa mansyon.
Gabi nku nakauwi dahil sinamahan ko muna si Cynthia pumunta nang ospital..
Naglalakad naku sa daan nang biglang may humarurot na sasakyan sa harapan ko..
Kaya sa inis at gulat ko simigaw ako baka sakaling marinig nang nagmamaneho.
Hoy hindi ikaw ang may ari nang daan,magdahan dahan ka naman.
Mabangga ka sana sabi ko sabay talikod at nagulat ako nang marinig ang malakas na pagbangga.
Lumingon ako,kita ko ang sasakyang humarurot kanina nabangga sa poste,napatakip ako nang bibig ko.
Diyos ko lord,bakit niyo naman tinotoo biro ko lang naman yun.
Agad agad ako tumakbo sa kotseng nabangga para tulungan kung sino man ang sakay doon.
Kita ko ang harap basag na ang salamin.
Kaya kinatok ko ang nagmamaneho,pero hindi ito sumagot.
Sinubukan ko buksan ang pinto pero naka lock iyun.
Kita ko sa loob na nakayuko ang ulo nang nagmamaneho sa mobila nito.
Kaya dali dali akong kumuha na pwede ipang basag sa salamin.
Buti na lang may nakita agad akong malaking kahoy na pwede ipang basag sa salamin nang kotse.
Ilang minuto lang ay nabasag ko nga ito.
Mabilis ko itinaas ang ulo nang lalaki,nagulat ako nang makita ko ito,si Flower boy.
Ang lalaking bumili sakin nang bulaklak nun.
Nawalan siya nang malay at duguan ang kanyang ulo.
Dahil gabi na ay wala na masyadong tao sa daan.
Buti nalang may tumawag sa phone niya,tiningnan ko ang caller si Syra.
Agad ko naman sinagot..
Hello
Isang hello pa nasabi ko ay gulat na gulat na ito.
Sino ka bakit ikaw ang may sagot nang phone na yan,babae kaba ni Christian,sabi nito sa kabilang linya.
Christian pala ang pangalan nang lalaking ito,bulong ko sa sarili.
Hindi ho maam,nabunggo po kasi ang sasakyan nang may ari.
Nawalan po sya nang malay at duguan ang kanyang ulo.
Kaya bilisan niyo ho para dalhin siya sa ospital.
Pagkasabi ko ay agad naman inioff nang babae ang tawag niya.
Wala pang kalahating oras ay dumating na nga ang ambulansya at ang babae nun na kasama ni Flower boy nang araw na yun o Christian pala.
Siguro siya si Syra napakaganda niya bulong ko sa sarili habang nakatingin lang ako na binubuhat na si Christian pasakay nang ambulansya.
Pagkatapos masakay,ay sumakay narin doon si syra ,ni hindi ako nilingon o nag thank you man lang.
Pagka alis na ambulansya ay lumakad narin ako pauwi,nang bigla akong kinabahan sa nakita ko.
Nagtakbuhan ang lahat nang taong nakatira malapit samin,at may malaki na apoy at usok..
Itutuloy


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.