0

Green Card to your Heart Book 2 Chapter 11


Report

Ay 19 pala..
There she comes…
My past.. my present and my future..
And my nurse?… tila namamlikmatang napatitig sya sa puting uniform ni Danica habang papalapit ito sa kinauupuan nya.
‘Huy! Kanina ka pa jan?’
‘Ha ah yeah.. ah no .. ngaun ngaun lang.. ‘ napatayo sya sa kanyang kinauupuan at sinalubong ng mahigpit na yakap ang dalaga.
‘Huh?! Huy.. grabe sya.. isang taon tayong di nagkita?’
‘I miss you.. hindi mo alam kung gaano ako nag aalala sayo… How are you.. you look .. tired..’ nag aalalang pinagmasdan sya ni Clark.
‘Ta-talaga.. ang sama ba talaga ng itsura ko?’
Napangiti lang si Clark sabay halik nito sa pisngi nya.
‘Just kidding.. still you are most prettiest girl ive ever set my eyes upon..’
‘Hmm.. bolero.. ano yung dala mo..’nginuso nya ang paper bag na nasa tabi ng upuan ni Clark.
‘Ah yeah.. i got some food. Alam kong gutom ka na.. where do you want to eat?’
‘Wow.. oo gutom na gutom na ako.. kanina pa ako walang kain.. Naiiyak na nga ako kanina kasi akala ko aabutin pa ako ng magdamag dito..’
‘Shhh.. its okay.. tama na.. lets get inside of the car.. dun ka kumain.. okay?’ He gently hold her hand and he put a kiss at the back of it.
‘Clark ano ba.. pinagtitinginan na tayo dito..’
‘I dont care.. let them watch.. maiingit sila..’
‘Ewan ko sayo..’
Natatawang binitawan nya ang kamay ng dalaga at binitbit ang paper bag.
Naunang naglakad si Clark at pagkatapos ay sumunod sya.
Sandali syang napahinto ng paglalakad at napapngiting pinagmasdan ang nakatalikod na binata.
Hindi nya mapigilang humanga sa pinakikitang tyaga ni Clark.
It was warm and comforting more than just a simple kilig and somehow nagawa nyang pagaanin ang loob nya sa kabila ng hindi magandang ganap na naranasan nya nung araw na yun.
Napaka sweet naman pala ng taong to..
Sana lang.. hindi sya magsawa..
Lalo pat gantong klase ang trabaho nya.
Unpredictable ang schedule at halos kalahati ng buhay ay nakatali na sa isang sinumpaang propesyon.
‘Oh bakit nahinto ka? May problema ba..’tanong nya sa dalaga ng mapansing hindi ito nasunod sa kanya.
‘Napatitig sya kay Clark.
Bakit ba ako masyadong nag aalala.. kung talgang mahal nya ako matatanggap nya kung ano meron ako..at kung ano ako..
Kung hindi.. eh di hindi ..anong magagawa ko..
Pero sa ngaun feeling sya na nga talaga..
Hopefully sya na nga..
‘Ha? Ah wala may naalala lang ako…ano ba yang binili mo..’ tanong nya sabay kapit nya sa braso ng binata.
‘Secret..’
‘Ano nga..’
‘Kiss muna..’ si Clark
‘Busog na pala ako..’
‘Hahaaha..you’re so rude to me dont you know that?’
‘Ring….’
‘Huh?.. anong oras na..’ hirap ang mga matang napadilat si Danica.
Its 5 in the morning..
Starts na ang madugong schedule ….
Oh my gulay…. inaantok pa ako!!!
Katatapos lang maligo ni Danica nang biglan nang ring ang telepono nya.
‘Clark? Ang aga mo naman? 5:30 palang..’
‘Yah.. actually papunta na ako jan .. ill drive you to your work this time..’
‘Ha? Okay ka lang? Ano ka ba? You dont need to this.. anjan naman si Kuya Marco..’
‘No its fine… i told...


Marco that ill be doing this from now on.. bakit kailangang si Marco pa eh nandito naman ako.. dont worry.. im a better driver than Marco.. i can handle this..so wait for me there okay..’
‘Ha ah eh.. bahala ka na nga..’
‘Hahaha.. okay.. love you ..’
‘Bilisan mo.. baka malate ako..’
‘Yes ma’am.. youre sweet lover driver is on his way..’
Loko lokong ko to.. cge ka.. pag ako nasanay. Ikaw rin..
And then a beaming smile painted on her face
Naku Danica kilig na kilig ka naman…
hay naku Lord…
konting konti na lang talaga…
sasagutin ko na talaga toh!!!
Tok tok
‘Dani anjan na si Clark sinusundo ka na ‘
‘Eto na teh’
Gulat na napatitig si Fria sa kapatid nang lumabas ito ng kwarto na nakapustura kaagad.’Huh? Ang bilis mo ah.. parang kalalabas mo lang ng banyo kanina ah.
‘Hala …Mabilis lang talaga ako’
‘Nalaman mo lang na si Clark ang susundo sayo nagkandakumahog ka na jan.. umayos ka.. kayong dalawa.. naku pumayag lang ako this time dahil pinakiusap sya sakin ng kuya Marco mo pero pag nagstart na sa school si Marcky ako na ang maghahatid sundo sayo nxt time dahil maaga din ang schooling nung bata at maisasabay na din kita’
‘Si ate talaga.. napaka kj..’ pabulong na reklamo ng dalaga.
‘Ano!’
‘Wala.. sabi ko love you..’
‘Umayos ka ha… cge na larga na..’
‘Good morning..’ matamis ang ngiting bati sa kanya ng binata pagsampa nya sa kotse nito.
Grabe … Ang gwapo naman nya sa umaga..
Napatanga si Danica ng makita nya si Clark na naka casual na white tshirt at naka cargo shorts lang. he was wearing his usual aviator shades at tinernuhan pa ng pamatay nyang ngiti na lalong nagpaganda ng umaga nya.napaka presko nyang tignan.parang boy nxt door lang ang datingan. And oh my gulay…..those dimples.. parang ang sarap halikan..
Kung ganto ba naman ang babati sakin sa tuwing umaga kahit habang buhay na akong gumising ng alas siingko …kahit wala akong tulog….syet talagang babangon at babangon ako!!
‘Hello.. may dumi ba ako sa mukha’ he smirked
‘Ha ah eh.. oo.. may muta ka..’
‘Ha? Talaga..’ napakapa tuloy sya ng mata.
‘Hahaah joke.. good morning.. seryoso ka talagang gawin to.. grabe ang aga mo’
‘I told you i wanted to do this.. and i mean it.. nagbreakfast ka na ba..kasi ako hindi pa may 15 minutes pa naman tayo..’
‘Ah eh cge.. pero sandali lang.. medyo strict kasi yung head nurse namin..’
‘Okay.. ‘ he look out first to check if Fria is around and then as quickly as he could he stole a kiss to her lips.
‘Ay! Loko ka!’
‘Im done with my breakfast..lets go..’
Tigalgal na napasapo ng bibig si Danica, pero nakapagtataka imbes na mainis sya this time ay tila may kung anong kilig na lumukob sa buo nyang katawan.
Napatingin na lamang sya sa labas at hinayaan nalng yang mag init ang magkabilang pisngi nya sa sobrang hiya.
Ayos to ah.. nakaw na halik agad !!.. mag jowa na ba kami!!
Hmp! Buti nalmg.. buti na lang pogi ka..
Ang bilis ah..
hindi man lang tinagalan..
——-
Naku danica batukan kita jan eh!!!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.