0

VANESSA CHAPTER 12


Report

THIRD-PERSON POV—
Pumasok sa Mansyon ng Sandoval si Rita para puntahan si Sebastian. Dahil kaarawan nito ngayon at gusto niya rin makuha ang atensyon ng lalake na matagal na niyang gusto mula pagka bata palang gustong gusto na niya si Sebastian. Pero hindi siya pinapansin nito dahil palagi nalang si Vanessa ang kasama ng lalake.
Nuon paman ay selos na selos na sya kaya Vanessa lahat ng Gusto niya. Lahat nasa kay vanessa na ,ilang beses narin niyang sinira ang relasyon ng dalawa sadyang matindi ang pag mamahalan ng Dalawa.
Naka pasok na si Rita sa pintuan sa mansyon ng naka salubong niya ang dalawang Parents ni Sebastian. Mukhang may lakad Pa ang mga ito dahil may dala silang isang maleta medium size.
“Hi tito tita kumusta po ” medyo ngumiti sya ng peke dahil alam niyang hindi sya gusto ng mga ito.
“Anong ginagawa mo dito? Kung ang anak ko ang pinunta mo, wala siya dito at hindi rin namin alam kaya makaka alis kana dahil walang maiiwan dito dahil aalis rin kami. ” mahabang salita ni Mrs Sesilia Sandoval.
Pero ang totoo alam nila kung nasaan ang anak nila dahil birthday nito at may hinandang Suprise party para sa anak nila. Tumawag sa kanila ang pamangkin nilang si Jego para sabihin ang magandang balita, na buhay si vanessa at gawing birthday party reunion narin nila. Kaya masayang masaya silang mag asawa sa magandang balita. At pupunta narin sila sa isla.
“Ganon ba sige po aalis na ko ” mahinang salita ni Rita na tama lang para marinig ng mag asawa.
Pasabog na naupo si Rita sa kaniyang kotse at malakas niyang binalibag ang pag Sara ng Pinto. Galit na galit at inis sya. Sa nararamdaman. ilang beses na syang pabalik balik sa mansyon at Kompansya lalake pero hindi talaga niya ito makita. Ang huling kita niya lang kaya sebastian nung pinahiya sya ng lalake sa Kumpanya ni Vanessa.
Sobrang galit na galit si Sebastian at sinugod si Rita sa Kompanya ni Vanessa. Dahil nalaman ng binata na kinukombinsi ni Rita ang mga Bord members para malipat sa kaniya ang position bilang CEO ng kompanya. Kaya galit na galit si Sebastian sa nalaman. Ayaw na ayaw niyang pinapakelaman lahat ng napag iwanan ng kaniyang mahal na vanessa. Kaya ganun nalamang ginawa ng...


binata kaya Rita Kinaladkad niya ito palabas at tinulak dahilan para madapa sa sahig si Rita.
Yun ang huling beses na makita ni Rita si Sebastian.
SOMEONE POV——
Pumasok sa White House Mansyon ang lalake para sunduin si Sebastian. Tinawagan kasi siya ng kapatid niyang si Jego para sunduin ito. Napahilot ng sintido ang lalake habang naka tingin sa maraming Kalat. Parang dinaanan ng bagyo ang Loob ng Bahay. Nagkalat na mga Bote pagkain at mga chichiriya . nakita niya sa may sulok ang pinsan niya, awang awa sya sa itsura nito. Masyado ng napabayaan ang sarili .may balbas na ito at medyo mahaba narin ang buhok pumayat rin.
” ohhhhh my Favorite cousin Jerick Come here samahan moko ” lasing na sabi Ni Sebastian.
Lumapit si Jerick at nag isip . Paano ba niya mapapasama ito sa isla sa ganitong itsura at lasing Pa. Kaya wala siyang ibang Choice kundi patulugin nalang ang kawawang pinsan.
Tumayo si Jerick at kumuha ng beer can at lahat binuksan niya ang isa nilagyan niya ng Gamot pampatulog. At inabot yun kay Sebastian ,agad naman nito inilagok na parang tubig ang beer.
Ng pamansin niyang naka tulog na ang pinsan niya tinawagan niya ang mga tauhan niya para mag patulong ayusan at dalhin sa isla si Sebastian.
MARGARITA POV
pumunta ng kompanya si margarita para kausapin ang asawa na ilipat ang ibang ari arian ni Vanessa sa pangalan ni Rita. Pag dating nya sa Opisina wala duon ang Don.
“Madam pasensya napo kakaalis lang po ni Sir bukas padaw po sya makakabalik ” ani ng Secretary ng don.
“Sinabi ba niya kung saan sya pupunta?! ” pagalit na ani ng ginang.
Umiling lang ang babae bilang sagot natatakot kasi sya Asawa ng Amo palagi syang sinisigawan nito.
Pumasok sa opisina ang ginang at pinakelaman niya ang mga gamit at papeles. Nakita niya ang Folder sa ilalim kaya kinuha niya ito at binasa. Ganon nalamang nag Alab ang Galit niya sa nabasa ang LAST WILL TESTAMENT ng don at naka lagay duon na Lahat lahat ng ari arian ay naka pangalan kaya Vanessa. At kahit pisong Duling ay walang binigay sa kanila si Rafael.
Kinuha niya ang kaniyang Cellphone sa Bag at may tinawagan.
“Mag kita tayo may ipapagawa ako sayo ngayon na! “


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.