0

The Battered Wife CHAPTER 15


Report

Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( ELISE – POV )
Nandito kami ngayon sa parke.Kapag kase pumupunta ako sa lugar na ito parang gumagaan ang pakiramdam ko.
Hindi ko alam kung ano ang naging kasalanan ko sa mundong ito para bigyan ako ng maraming problema .
” Bella , wag ka ng umiyak , ako ang nasasaktan kapag nakikita kitang ganyan.”
” Franco , pwede bang hayaan mo muna akong mag-isa ? ”
” Ayokong iwan ka dito.Delikado ang panahon ngayon baka kung anong mangyari sayo ”
” Please Franco , gusto ko munag matahimik kahit ngayon lang.Pangako babalik din naman agad ako sa bahay nyo ”
” Ikaw ang bahala,nirerespeto ko naman lahat ng desisyon mo basta mag-iingat ka dito ha.Tawagan mo ako kapag may nangyari sayo ”
” Opo ”
Hindi naman nagtagal ay nakita kong umalis na si Franco.
Mabuti nalang palagi siyang nasa tabi ko hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag wala akong karamay sa pagkakataong ito.
Dumidilim ang kalangitan.
Tila naghuhudyat ito ng malakas na pag-ulan.
Bakit ba sa tuwing malungkot ako , nakikisabay din ang panahon.
Hindi ko alam kung nasa maayos na kalagayan ang kapatid ko at ang anak nito.
Napakasakit para sa akin na malamang buntis siya at ikakasal pa kay Sky.
” Sa wakas nakita din kita.”
Napatingin ako sa lalaking nakatayo sa aking harapan.
” Anong ginagawa mo dito Sky ? Di dapat nasa tabi ka ng kapatid ko dahil sa nangyari kanina.”
” Elise , ano naman ang gagawin ko sa tabi ng babaeng iyon kung nandito naman sa harapan ko ang mahal ko.”
” Anong sinasabi mo ? ”
” Ang sinasabi ko ay mahal kita.”
” Ayoko ng lokohan Sky kaya kung maaari ay umalis kana dahil gusto kong mapag-isa.”
” Elise , ayusin natin ang lahat,ayusin natin ang naudlot nating relasyon ”
” Walang aayusin Sky dahil simula ng umalis ako sa bahay mo ay doon ko na tinapos ang namamagitan sa atin at kung ayaw mong umalis dito pwes ako nalang ulit ang lalayo sayo ”
Naglakad na agad ako palayo sa kanya ng bigla itong magsalita.
” Hindi ako ang ama ng batang sinadala ng kapatid mo ”
” Hindi mo na ako maloloko pa Sky ”
” Simula ng umalis ka at lumayo sa aming lahat ay ganong katagal ding nawala si Zeny.Nalasing daw siya isang gabi at may gumalaw sa kanya at nabuntis siya.Umuwi siya ng pilipinas para ayusin ang gulong naiwan niya.Tinapos na din ni Zeny ang lahat ng namamagitan sa amin.Hindi binigyan ng magulang mo ng pagkakataong magsalita si Zeny kaya ang alam nila ay ako ang nakabuntis sa kanya.Malapit na ding umalis ng bansa si Zeny para hanapin ang lalaking tuluyang sumira ng buhay niya.”
Umiiyak si Sky habang nagsasalita.
Ito ang unang pagkakataong makita...


ko siyang umiyak.
Kasabay ng luha niya ay umulan ng malakas.
Kaya pareho na kaming nababasa ng ulan.
” Sinasabi mo lang iyan para lokohin ulit ako.Kaya parang awa mo na Sky , itigil mo na ito. ”
Tumakbo na ako palayo sa kanya.
Pero napatigil ang pagtakbo ko ng naabutan niya ako.
Mula sa aking likod ay naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit.
” Noon nasaktan kita at binalewala.Masyado kong pinaniwala ang sarili kong mahal ko si Zeny.Pero ng umalis ka doon ko na-realize na mahal pala kita.At ngayong nasa tabi na kita , hindi na kita pakakawalan pa ulit.Mahal kita Elise.Mahal na mahal.”
Dahan dahan akong iniharap ni Sky sa kanya.
” Patawarin mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo.Simula ngayon ipinapangako ko na ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal.”
At hindi ko inaasahan ang mga sumunod niyang ginawa.
Hinalikan niya ako sa gitna ng malakas na buhos ng ulan.
Isang halik na talagang mararamdaman ko na totoo ang mga sinasabi niya.
Ang unang pagkakataon na may humalik sa akin.
( FRANCO – POV )
Umuulan na ng malakas at hindi pa rin bumabalik si Bella.
Kaya kahit delikado ang daan ay nagpasya akong balikan siya sa parke.
Akala ko mag-isa na naman siyang umiiyak pero hindi pala.
Kasama niya si Dominick.
Hinahalikan siya ng lalaking kaagaw ko sa puso niya.
Talo na ba ako talaga sa labang ito ?
Alam ko naman na si Dominick pa rin ang mahal ni Bella.
Pero kahit alam kong malabo na mahalin akong pabalik ni Bella , hindi ako susuko.
Handa akong maghintay kahit gaano pa katagal.
Mahal kita Bella.
Buong tapang akong lumapit sa kanilang dalawa.
” Bella , malakas na ang ulan.Umuwi na tayo ”
Agad silang naghiwalay.
Halatang nagulat silang dalawa sa biglaanb pagdating ko.
” Franco , kanina ka pa diyan ? ”
” Sapat na oras para makitang hinalikan ka ng lalaking ito , Bella pumunta kana sa kotse ko may pag-uusapan lang kami.”
” Franco , ikaw din ang may sabi malakas na ang ulan.Saka na kayo mag-usap.”
” Sundin mo muna ako Bella.”
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod sa pinag-uutos ko.
Muli akong humarap kay Dominick.
” Alam kong lamang ka ngayon sa oras na ito pero hindi ko hahayaang masaktan mo ulit si Bella.”
” Kung laban ang gusto mo Franco , hindi ko yan tatanggihan.”
” Mahal ko si Bella at alam kong hindi ko gagawin ang lahat ng ginawa mo sa kanya.”
Hindi ko na siya hinintay pang sumagot , umalis na ako sa kanyang harapan.
Pagkapasok ko sa kotse ay agad akong niyakap ni Bella.
” Franco , sorry hindi ko alam na hahalikan niya ako.”
” Saka ka na magpaliwanag sa akin Bella . Kailangan mo pang magbihis agad dahil baka magkasakit ka ”
To be continued …


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.