0

MISTAKEN WIFE •|Continuation|•{Offer}


Report

(by: HeavenInHell)

Maang na nakatitig lamang siya kay Mrs. Villanovan na nananatili pa ring nakatingin sa kaniya, marahil ay naghihintay sa kasagutang maaari niyang ibigay.
Alam niya sa sarili niyang hindi niya dapat tanggihan ang ganitong mga bagay, ang ganitong mga pagkakataon. Lalong-lalo na sa sitwasyon niya ngayong kailangan na kailangan niya talaga ng pera.
Ngunit hindi kaya niya pagsisihan sa huli ang magiging desisyon niya? Mukhang wala namang masama kung tatanggapin niya ang alok ng ginang. Malaking tulong na rin iyon para sa kaniya at sa pag-aaral niya sa kolehiyo. Pero merong isang bagay na bumabagabag sa kalooban niya, hindi niya lang malaman kung ano.
Isang buntong-hininga muna ang kaniyang pinakawalan bago muling tumingin sa taong kaharap.
“O-okay po Ma’am. Payag po ako.” medyo nagaalinlangan pang sambit niya.
Halos hindi na rin siya makatingin dito sapagkat nahihiya siya sa maaaring maipintas sa kaniya ng ginang.
Marahil ay isipin na nitong isa siyang mapagsamatalang babae kung kaya’t bigla-bigla niyang sinunggaban ang alok nito dahil lamang sa pera.
Ngunit mabilis din niyang pinalis ang isiping iyon. Alam naman niyang hindi ito ganoong klaseng tao. Unang kita niya pa lang sa ginang ay alam niya niyang napakabuti nito.
“Alright! It settled then, by the way, wag mo na akong tawaging Ma’am. Just call me Mama or Mommy na lang iha.”
Isang tipid na ngiti lamang ang isinukli niya dito. Napakabait talaga ng matandang ito, tuloy ay hindi niya lubos maisip kung paanong nagkaroon ito ng anak na kagaya ni Dhelord. Walang duda, malamang nagmana sa ama.
Napa-iling iling na lamang siya nang biglang may sumagi sa kaniyang isipan.
Napatingin siya sa kaniyang relo bago mariing napapikit. Hindi niya man lang namalayan ang oras.
‘Mag-aala singko na pala?! Sh*t! Kailangan ko nang umuwi at maghanda. Baka ma-late na naman ako nito sa trabaho.’
Mabilis niyang kinuha ang kaniyang shoulder bag na ang tanging laman lamang ay ang kaniyang cellphone at wallet.
“A-ahmm… magpapaalam na po sana ako Ma’am ay este M-mama pala. Kailangan ko na pong kasi talagang umuwi.”
Mapagpaumanhing saad niya. Akmang tatayo na sana siya ng bigla itong magsalita.
“W-wait! What! Hindi ka pa pwedeng umalis iha!”
Pigil sa kaniya ng ginang. Malumanay na nakahawak ang kanang kamay nito sa braso niya. Kitang-kita niya sa mukha nito ang pag-aalala.
‘Teka lang? Bakit pag-aalala?’
“You can’t go home right now, iha? Natutulog pa ang anak ko.”
“Ano pong kinalaman ng anak niyo sa pag-alis ko?” nagtataka kong tanong.
“You see, maaari na namang magwala ang anak ko kapag hindi ka niya nasilayan sa paggising niya. And I can’t barely see him like that anymore. Tama na sa’kin ang halos ilang taong paghihirap ng anak ko.”
“P-pero kaila…”
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng...


may isang butil ng luha ang pumatak mula sa mga mata nito. Hindi niya kayang makita ang anyo ng ginang dahil ayaw na ayaw niyang makakakita ng isang magulang na umiiyak.
“O s-sige po. Wag na po kayong umiyak M-mama.” hindi pa rin talaga siya sanay na tawaging Mama si Mrs. Villanovan.
“Okay po hindi na lang po ako uuwi sa ngayon. I’ll just stay here for tonight po.” dagdag pa niyang sabi.
Suminghot-singhot muna ito bago nagsalita. “Hindi ka lang ngayong gabi mags-stay dito iha. You’re living here with my son.”
Nanlalaki ang mga matang napatitig siya sa matandang kaharap. Titira siya sa bahay na’to kasama si Dhelord?! My god!
“A-ano po?!”
“Ang sabi ko’y dito ka na titira simula ngayon kasama ang anak ko-your husband. You’ve already agreed, na magiging ikaw muna si Cristina, right iha?”
“O-opo…” parang walang buhay niyang sabi.
Nakita pa niya sa kaniyang peripheral vision ang bahagyang pagsupil ng isang ngiti mula sa mga labi ng ginang.
Kung makangiti ito’y parang hindi lang umiyak kanina ah!
‘Ang tanga niya talaga! Bakit ngayon lang niya na-realize na kailangan nga pala talaga niyang tumira sa iisang bubong kasama ang anak nito? At ngayon lang din sumagi sa isipan niyang hindi niya alam kung paano pakikitunguhan si Dhelord bilang asawa! Arghhh!’
Mahabang kastigo niya sa sarili.
“At siya nga pala iha, don’t worry about your stuff. Ipapakuha na lang natin sa driver bukas or pwede rin namang kayong dalawa na lang ng anak ko ang kumuha. For now, you need to go back to your husband’s room.”
Para siyang lantang gulay na nagpahila na lamang sa ginang. Ang daming gumugulo sa isipan niya. Like what duhh?! Her husband’s room!
“Tatawagin ko na lang kayo if ready na ang hapunan. Okay?”
Mabilis na nawala ito sa kaniyang tabi. Halos hindi na nga niya namalayang nakarating na pala sila sa kwarto kung saan natutulog si Dhelord.
At heto naman siya, parang nanlalambot ang mga tuhod sa isiping makikita na naman niya ang gwapong mukha ang estrangherong asawa na niya ngayon.
MULA sa pinagkukublihang pader ay unti-unting napangiti si Mrs. Villanovan habang patuloy na pinagmamasdan ang dalagang makailang beses na bumuntong-hininga bago pinihit ang pinto papasok sa silid ng anak niya.
“I’m so sorry iha pero hindi ako maakakapayag na hindi mo mapakasalan ang anak ko. And I’ll do everything just to make it happen.”
Mahinang sambit ng ginang bago tumalikod at nagpatuloy sa pagbaba.
_____
-work of fiction-
-no too plagiarism!-
A/N:
Sorry po dahil paasa si Author😅. Sorry din po dahil ngayon lang ulit naka-UD. Medyo lutang lang po kaya hindi makapag-isip ng maayos para sa ia-update ko. Btw, here it is! Hope you’ll enjoy reading. Lovelots😘😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.