0

Incompatible Part 20


Report

Author: Ren Salazar
Kasaluluyang nasa honeymoon pa rin ang bagong kasal na sina Bekket at Schiyev. Isang linggo rin silang mananatili. Ikatlong araw pa lang nila ngayon at panay laro at pasyal ang gingawa. Wala ni anumang nangyayari.
” Bekki….” Tawag ni Schiyev. Ang dulo ng kanyang daliri ang ginamit niya para kalabitin si Bekket na kasalukuyang nakatingin sa hawak nitong telepono. ” Bekki…” Kinalabit niya uli ito.
” Ano ba kasi?kita mong may tinitingnan ako sa telepono ko ,oh! Hinihintay ko yong reply ni Dome tungkol sa transaksyon namin with the Tan Empire. Malaking deal to kaya kailangang kong tutukan.” Sagot niya sa babae at muling itinuon ang tingin sa telepono.
Nakadapa si Bekket sa kama habang si Schiyev naman ay nakasandal sa headboard. Magkasalungat na direksyon ang dalawa.
” Ganon ha….” Bulong ni Schiyev. ” Teka nga …..”
Bamangon si Schiyev at saka dinaganan si Bekket sa likod.
” Honeymoon natin pero trabaho pa rin iniisip mo. Tingnan mo nga ito. Sige na. Dalhin mo ko dito.” Idinikit pa talaga ni Schiyev ang kanyang telepono sa mukha ni Bekket. ” Sige na….” Pagmamakaawa nito. ” Hmm?” Nagpacute pa siya kay Bekket.
Imbes na magalit si Bekket sa asawa, natuwa pa siya rito. Parang wala lang kay Schiyev na bakla siya.
” Hmm…ang cute mo talaga ,girl. Pero mas cute pa rin ako sayo no..” sabi niya.” Saan ba iyan? Maganda ba diyan?” Kinuha niya ang telepono ni Schiyev at tiningnan ang gusto nitong puntahan.
” Sige na,Bekki. Ilang araw lang tayo rito kaya punta tayo diyan. Sulitin ko na habang nandito pa tayo. ” Pakiusap niya habang nananatili pa rin sa ibabaw ng likod ni Bekket.
” Ugh…ang bigat mo. Madami ba nakain mo kanina?”
” Iniiba mo naman yung usapan,eh.” Nagtampo kuno si Schiyev. Umalis sa ibabaw ng likod niya at nahiga. Nagtago sa ilalim ng kumot.
Bumangon si Bekket mula sa pagkakadapa sa kama.
” Uy…nagtampo ang bata..” tukso niya kay Schiyev. Ngunit walang reaksyon galing sa asawa. ” Uy,girl…alisin mo nga yang kumot.” Hinihila niya ng pababa ang kumot na nakatakip sa mukha ni Schiyev.
At sa ilalim ng kumot na iyon ay siyang mahina niyang tawa. Aaminin man niya o hindi,kinikilig siya ngayon dahil sa panunuyo ni Bekket. Kahit pala bakla, napapakilig siya.
” Ayaw mo? ” Sabi niya.” Ayaw mo talaga? Sige ka..baka magbago isip ko,uuwi tayo ng pinas ng wala sa oras.”
Inalis naman ni Schiyev ang kumot sa kanyang mukha at tiningnan ang naka upong si Bekket. Nakaharap ito sa kanya.
” Pupuntahan natin yon?” Tanong niya.
” Ah uh…” Sinabayan pa niya ito ng tango.
” Talaga? Talagang talaga?” Paninigurado niya.
” Oo nga! Ang kulit!”
” Yes! ” Sa saya niya ay napalo niya ang legs ni Bekket.
” A..araayy…” Hinipo hipo pa ni Bekket dahil sa sakit na palo ni Schiyev.
” Ay.. sorry…sorry…” Agad nyang niyakap ang bakla. ” Sorry,Bekki.” Ulit niya. ” Pero salamat ha..” sabay halik sa noo nito.
Pinuntahan nga nila ang lugar kung saan gustong marating ni Schiyev. Ang Venice. Sumakay sila ng bangka at namasyal sa paligid ng iyon. Naging abala sa pagkuha ng litrato ang babae. Panay selfie ang ginagawa. Nang makitang nakatingin sa kanya si Bekket. Dumikit siya rito at kinuhaan ng litrato silang dalawa.
” Bakit hindi ka nakatingin sa camera?”
” Wala lang. Mas gusto kitang tingnan kesa sa Camera. Natutuwa kasi ako dahil napakasaya mo. Hindi na bago sakin ang lugar na ito. Kaya mas gusto kong namnamin mo ang ganda ng paligid. Kumuha ka lang ng kumuha ng picture. Remembrance mo. Kasi ilang araw na lang uuwi na tayo.”
” Ang lungkot naman. Pero kapag nagkatrabaho na ko at malaki yung sahod ko,babalik ako rito. ” Saad ni Schiyev.
” Sana kasama pa rin ako kapag dumating ang araw na iyon.”
” Hmm..hindi natin alam. Pero sa ngayon,i enjoy ko muna habang nasa harapan ko pa.” At bumalik na sa pagkuha ng pictures si Schiyev.
Tuwang tuwa si Bekket sa kakamasid sa kay Schiyev. Nalungkot tuloy siya dahil pagkatapos ng dalawang buwan,hindi na niya masisilayan ang...


mga ngiti nitong nagpapagaan ng kanyang pakiramdam. Dahil pagkatapos ng dalawang buwan,alam niyang hihiwalayan siya nito.
Pagkatapos mamasyal sa Venice,nagpasya na silang bumalik ng hotel. Ngunit biglang pumangit ang mukha ni Schiyev nang makitang may ibang kausap si Bekket.
Isang grupo na may naggwagwapuhang lalaki at naggagandahang mga babae.
” Hi, Im Bekket Choi from Philippines. If you wish to go there, heres my calling card. Let me guide you. There are so many different beautiful places there.”
” Ofcourse…thank you.” Sagot ng isa sabay kuha ng calling card na inabot niya.
Sa likod naman niya ay ang nakatayong si Schiyev na halos hindi maipinta ang mukha dahil sa nalingat lang saglit heto at lumandi na si Bekket.
” Guide ha… ” Bulong niya.
Nilapitan niya si Bekket kasama ang iba pang kausap nito. Inakbayan ni Schiyev si Bekket sa harapan mismo ng mga taong kausap niya.
” Hi! Im his wife!” Pakilala niya sa mga ito na nakangiti pa na halos abot teynga.
” Hi…..” Ganti ng mga ito.
” Can i..can i excuse him for a while if its ok?”
” Sure…” Sabay sabay nilang tugon kay Schiyev.
” Thank you…”
Umalis ang mga kausap ni Bekket. Nang makita ni Schiyev na unti unti ng naglalaho ang mga ito sa paningin niya,binalingan niya si Bekket.
” Kelan ka pa naging guide?” Sarkastikong tanong niya kay Bekket.
” Ano ka ba ,girl. Arti ko lang yon. Nakita mo yong isang guy…”
” San don?”
” Yung naka blue..Shaakks…ang gwapo..aaahhh!!”
” Ayuunn….ang landi lang eh noh. ”
” Bakit mo pina alis?”
” Che! Ang landi nito parang hindi ako kasama.”
” Hey..sabi ko naman sayo diba? Kahit na kasal na tayo,malaya ka pa ring gawin ang gusto mo. At syempre…ako din.”
” Malaya kong gawin kung ano ang gusto ko? ”
” Yes!”
” Ok!” Biglang lumipat sa likod ni Bekket si Schiyev at saka tumalon.
” Ugh…anong ginagawa mo? Bakit nasa likod kita?” Bigla siyang nahirapang tumayo ng maayos dahil nakasampa sa likod niya si Schiyev.
” Sabi mo malaya kong gawin ang gusto ko. Eh,ito yung gusto kong gawin! Ang sumampa sa likod mo. Kaya…go Bekket. Takbo! Takbo papuntang room natin! Dali!” Pinalo pa niya pwet nito.
” Aray!!!”
Walang nagawa si Bekket kundi ang sumunod na lang kay Schiyev. Ewan ba niya kung bakit kapag ang huli ang nagsasabi o nag uutos,pinagbibigyan niya. Naging kabayo tuloy siya sa itsura niya ngayon.
Hindi eksaktong isang linggo ang pananatili nila sa honeymoon. Kailangan rin kasing humabol ni Schiyev sa mga leksyong na miss niya sa klase. At pagbalik niya,may exam pa siyang haharapin. Kaya umuwi na sila ng pilipinas.
Gabi na sila nakarating sa mansyon ng lolo ni Bekket. Sinalubong pa sila nito ng magarbong hapunan.
” Haraboeji….my wife needs to rest early tonight. She’ll be studying the whole day tomorrow for her exam.” Sabi ni Bekket sa Lolo niyang walang tigil sa kakausap kay Schiyev.
” Oh! Ok ok. You can rest now, Sche…” Kahit si Lolo nahihirapang banggitin ang pangalan niya.
” Thanks ,Lo. ” Nagpaalam na siya sa matanda at naunang umakyat sa itaas patungong silid nila.
Pagdating sa kwarto ni Bekket ay dagling natigilan. Mukha pala ng huli ang kailangan niya para mabuksan ang silid nito. Pero hindi na niya inabala pa si Bekket. Alam niyang may aasikasuhin pa itong trabaho kahit nasa bahay lang.
Naghanap siya ng ibang kwarto. Sa laki ng mansyon,hindi lang kwarto ni Bekket at kwarto ng lolo nito ang naroon.
Nakita niya ang isang pintuan. Malapit lang ito sa kwarto ni Bekket. Pumasok siya rito at nakita naman niyang malinis ang loob. Kaya dito na niya naisipang matulog. Kumpyansa naman siyang walang sinuman ang gagalaw sa kanya sa loob ng kwartong iyon.
Nagpasya na ring umakyat si Bekket. Nakalimutan niyang hindi pala mabubuksan ni Schiyev ang kwarto nya. Hinanap niya ang asawa sa katabing kwarto at doon nakita niya itong nakahiga at natutulog.
Tumabi siya rito at nahiga na rin. Pero bago non,sinara niya muna ang pintuan. Dito na lamang siya matutulog kasama ni Schiyev.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.