0

TOO MUCH LOVE Two


Report

by: Gail Montenegro
“Hi…” simpleng bati ni ace sa tatlong lalaki na kanina pa naghihintay sa pagdating nya
“You’re late! Nanaman” ani ni jake ,kuya ng girlfriend nyang si jade
“As usual..” nakangiting sigaw ni jaspher na may kasama pang ligaw na babae
Samantala tahimik lamang sa isang tabi si jerhon na walang ibang ginawa kundi ang pagmasdan ang ibabang bahagi ng bar kung saan may mga nagsasayawan at nagsisigawang mga taong parang mga baliw hayok sa pag indak habang sinasabayan ang maharot na tugtuging nakabibingi sa pandinig “ikaw.. wala kaman lang bang sasabihin..” wika ni ace na tumabi pa sa katabing couch na kinauupuan ni jerhon
“Anong gusto mong gawin ko ,ihug kita tas halikan..” ngisi nitong sagot sakanya na tinawanan naman ng malakas ni jaspher
“Hindi kana nagbago ,ganyan kana noon after 2months ganyan ka parin, ano kaya kung tawagan ko si belle at papuntahin dito, miss kuna ang kakulitan ng batang iyun..” nakangiti nyan wika sa harapan ni jerhon na ang tinutukoy ay ang nakababatang kapatid ng mga na sa pantaha nya’y kinababaliwan nito.. kita nya ang nanlilisik nitong mga mata ,pati ang mariing pagkuyom nito sa hawak na baso “hey..ganyan kanaba kapikon..” di nya napigilang ibulalas
“Manahimik ka!!” MaAutoridad nitong tinig
Itinaas nya ang dalawang kamay at natatawang tumitig dito ,kapagkwan ay nakita na nya ang pilit na ngiti ng pinsan “masyado kang seryoso jerhon ,alam naba yan nila tita bella at tito clark?” Seryoso nyang tanong dito
“Hindi ko kailangang ipaalam sa kanila ,as long as wala naman akong ginagawang di maganda sakanya sa ngayun..” ani ni jerhon sakanya na ang tinitukoy ay si belle ang ampon sa pamilya weaver
“Sa ngayun! , paano kapag dumating ang time na may mahalin si belle—–”
“Tingin mo mangyayare yun ,tingin muba hahayaan ko ang bagay na yan..tssk!!!” Ngisi nitong baling sakanya “bat ba ako ang pinaguusapan dito ,di ba dapat ikaw..” diin nito sakanya
“Ou nga naman ,anu nang label nyu ,tantantaran naba ,magiging abay naba kami nila jake at jerhon hmm” si jaspher na panay ang tawa
“Kamusta kayu ni jade ,nagpropose kanaba ng kasal sakanya ,bat ba ang bagal mo ,madaming lalaki ang umaaligid sa kapatid ko baka naman mabingwit pa iyun ng iba..” banta ni jake sa kaibigan
“Gagawin ba nya iyun saakin ,sobra sobra ang pagmamahal ko sa kapatid mo jake ,alam mu kung paano ako maglaro ,wag lamang may maiinvolve na iba sa pagmamay ari ko papatay talaga ako..” natatawa nyang biro ,ngunit may katotohanan
“Nagbibiro lang ako ,magpinsan talaga kayu ni jerhon parehong seryoso sa buhay ,haixt ,jan na talaga kayu tatanda ,buti pa itong si jaspher pagetsing getshing nalang ,hindi nyu tularan.” Malakas na ani ni jake sabay tawa ng nakakasuya
“Mga bangag!!!” Irap ni jerhon
Nagpatuloy...


ang inuman ,kulitan at asaran sa pagitan ng magkakaibigan ,unlimited ang saya at halakhakan pribado ang bar na kinaroroonan nila dahil pagmamay ari ito ni jake ay malaya silang maglulunod sa alak hanggang sa hindi na nila kayanin ,ngunit natigil ang masaya nilang kwentuhan ng bigla ang pagtayu ni jerhon at jake.. pati si jaspher at ace ay napatingin narin sa ibabang bahagi kung saan naroon ang tingin ng dalawang kaibigan
“Naku nalintikan nah ,kuya mukhang tumakas nanaman si belle sa bahay..” kakamot kamot na wika ni jaspher sa kapatid ,naroon sa baba ang dalawang babae sina belle at clearah nakasuot ng maiikling dress na hapit sa sexy nilang katawan na ngayun ay unti unti ng nilalapitan ng mga hayuk na kalalakihan
“Ako ng bahala!” Pagpipresinta ni jake ngunit hindi na napigilan si jerhon mas nauna na itong bumaba kesa kay jake na sumunod na lamang sa kaibigan nila
“Bro… be careful mga princesa yang mga yan..” sigaw nya sa mga ito ,binalingan ni ace si jaspher na ngayun ay matamang nakatitig sa ibabang bahagi habang kunot na kunot ang nuo
Mula sa kinaroroonan nila ay nakita ng mga mata nila kung paano kaladkarin ni jerhon si belle at ni jake naman ay si clearah
“Nu nah kaya paba?” Agaw pansin sakanya ni jaspher ,tinanguan nya ito saka umupo narin “babe ,magdisco ka muna !” Rinig nyang bulong ni jaspher sa katabi nitong babae
“Girlfriend mo?”
“Nope ,girl ko!” Ngisi nitong sambit kaya pagak syang napatawa
“Kailan kaba magseseryoso. Huh.” Seryoso nyang baling dito bago isinandig ang likod sa kinauupuan
“Kapag nawalan na ng pake si kuya kay belle.” Makahulugan nitong sabi
Lalong kumunot ang nuo nya dahil sa hinayag ng pinsan “what do you mean?” Naguguluhan nyang tanong dito ,ngunit tumawa lamang ito ng malakas bago biglang sumeryoso na parang baliw “wag mong sabihing—”
“Yup…” mabilis nitong putol sa sasabihin nnya
“Mapapatay ka ng kuya mo jaspher kung ako sayu kalimutan mo yang nararamdaman mo at ibaling na sa babaing kasama mo..” payo nya dito bago inisang lagok ang basong puno ng alak
“Nakahanda ako ,naghihintay ako ng pagkakataon na bitawan nya.” Hibang nitong sagot ,malaking gulo ang maaaring mangyare sa pagitan ng dalawa nyang pinsan pag nagkataon sa isip isip ni ace…”how bout jade” tumatanda na kayu bat dipa kayu magpakasal” baling tanong nito sakanya
“Susubukan kong pilitin sya..” tangi nyang naisagot sa tanong nito
“Pikutin muna! Kapag nabuntis mo wala ng kawala..” payo nito sakanya
“Baliko ka talaga magisip jaspher ang layu mo sa kuya mo..” di nya napigilang ibulalas at tumawa lamang ng nakakaloko ang hudas ,naglagi pa sila ng isang oras sa loob ng bar alam nilang hindi na babalik pa ang dalawang kasama nila kaya nagkanya kanya na sila paglabas ng jake’s bar…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.