0

Incompatible Part 4


Report

Author : Ren Salazar
Isang malinsangang gabi….nasa labas nun si Schiyev at nakatanaw sa madilim na kalangitan. Maliwanag ang buwan. Maraming butuin ang kumikislap sa langit.
” Aning…anong ginagawa mo diyan sa labas?” Nasa bintana naman ang kanyang ina at sumisilip.
” Nag iisip lang po ,nay.”
” Anong iniisip mo? Kung kelan ka makakapunta ng langit?”
” Heto na naman si Nanay. Sinisimulan na naman akong biruin. ”
Hindi pa kuntento ang kanyang ina. Lumabas ito saka tinabihan siya.
” Eh,kanina ka pa nakatingala sa langit. Ano? Hinahanap mo ba ang bituin na par sayo?”
” Nanay talaga? Bakit ko hahanapin?”
” Syempre..lahat tayo may mga pangarap na bituin. Eh,yung akin,dumaan lang. Nanatili sandali saka umalis din. Hindi ko alam kung kelan babalik.”
” Si papa po ba ang tinutukoy nyo?” Tinanguan siya ng kanyang ina.” Kung ganoon,hindi mo na makikita yung butuin mo kasi dumating na pero umalis din.”
” Mali ka pa rin anak. Para sakin,bawat tao may kanya kanyang bituin na nais makuha o maabot. Nawala yung akin pero tiyak naman na may darating pang bagong bituin para sakin.”
” Ako kaya ,Nay. Kelan kaya darating yung para sakin. Pero ayoko yung kagaya nyo po na bituin na ang tukoy ay si Papa. Gusto ko yung bituin na isasalba tayo sa kahirapan. Yung pangarap ko na……makatapos at makatulong sa inyo.”
” Sipag at tiyaga anak. Yan ang kailangan mo para makamtan mo ang iyong pangarap na bituin. At syempre,samahan ng tiwala at pananalig sa itaas. ”
” Ang ganda namang sagot yan nay. Hindi nakapagtatakang nagmana po ako sa inyo.” Niyakap niya ang ina. ” Eh pero nay, graduation ko na sa susunod na dalawang buwan. Dito pa rin ba ako magkokolehiyo?”
” Pwede naman. Pero kung sa tingin mo ay mas hahasa ang kaalaman mo dun sa maynila….ayos rin naman yon.”
” Kaya nyo po ba? Naglalabada lang po kayo at sabi mo nga po ko konti pa lang po iyong naipon mo.”
” Kaya ni nanay yan. Para sayo. Kakayanin ko. Walang kayang gawin ang isang ina para sa isang anak. Kung kailangan kong gumapang ay gagawin ko para sayo.”
” Nay,ayoko naman pong gumapang kayo. Paano kung gagapangin nyong daan ay lubak lubak. Ayoko po non. Masakit po sakin na makitang ang aking ina na nahihirapan dahil sa kin. ”
” Eh,sa ganyan talaga ang papel ng isang ina.”
” Ang gusto ko po ,nay. Sabay tayong gagapang. Malubak man o maayos na daan ang tatahakin natin. Basta’t kasama kita. Magagawa natin iyon.” Wika niya ng buong pagmamahal sa ina.
” Pero,Aning…hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ko. Pagdating ng araw,kakailanganin mong magdesisyon ng mag isa. Maniwala ka lang sa sarili mo at magagawan mo ito ng maayos.”
” Sige po. Pag iisipan ko kung mananatili ako dito o sa maynila po ako mag aaral.”
Nasa kalagitnaan sila ng kanilang pag uusap nang biglang nag brown out.
” Naku! Ang dilim!” Napasigaw si Schiyev at napayakap ng mahigpit sa ina.
” Sandali. Papasok ako sa loob. Hahanapin ko lang yung flash light. ” Binitiwan siya ng ina at agad na pumasok sa loob ng bahay.
Naghintay si Schiyev sa labas. Pero hindi nakatiis at sumunod rin sa ina dahil sa napakadilim ng buong paligid.
Pumasok siya ng bahay. Kinakapa kapa ang bawat madadaanan niya.
” Nay…..nakita nyo na po ba?” Sigaw niya sa ina. ” Nay…” Ulit niya nang hindi pa ito sumasagot.
Ilang hakbang pa ang ginawa niya.
” Nay!!”
Pero hindi pa rin sumasagot ang kanyang ina. Nakaramdam na siya ng takot at panginginig.
” Naayyy……” Mangiyak ngiyak niyang turan.
” WAAAAHH!!!!”
” Ahhhh!!!!!”
Abot hanggang sa labas ang ginawang pagtili ni Schiyev. Nakakita siya ng nakakasilaw na mukha at napakalapit pa nito sa kanyang harapan.
Sa taranta ay napatakbo takbo si Schiyev sa loob ng kanilang bahay kahit na nagkauntog at nababangga sa hindi nakikita.
” Naayyyy!!!” Mangiyak ngiyak na kanyang sambit.
” Aning!! Uy! Ako to. Si nanay mo!”
” Eehh…..nanay naman. Papatayin nyo po ako sa nerbos!”
” Hahahhahahha!! ” Walang tigil sa pagtawa ang kanyang ina. ” Hanggang ngayon,matatakutin ka pa rin. ”
” Kasi naman hindi ko kayo nakilala. Tinapat mo po kasi sa baba niyo ang flash light kaya lumiwanag po mukha ninyo.” Halos maiiyak iyak na sabi niya.” Bakit hindi na lang po kayo mag asawa ulit at nang maranasan niya naman ang pinag gagawa mo po sakin.”
” Aba! Ayoko nga. Mawawalan nako ng atensyon sayo. Haa! Iba ako mainlab anak. Lahat binibigay ko agad. Kaya huwag mo kong biruin ng ganyan.”
” Kasi naman kayo. Binibiro nyo po ako lagi. Paano po kaya ako makakaganti sa inyo?”
” Ahhahaha..hindi mo ko maiisahan anak. Mas matalino ako sayo. ”
Biglang nagka ilaw….
” Oh! May ilaw na.”
” Maiwan ko na po kayo. Matutulog na ako.” Akmang tatalikuran ang ina.
” Sandali! ”
” Ano naman po?”
” Yung halik ko. ” Lumapit ito sa dalagitang anak. ” Tsupp…” Kiss sa noo ang ginawa nito. ” Pampaswerteng halik galing sakin para sayo.”
” Swerte nga ba?”
” Sigurado! Sige na. Pasok na sa kwarto mo. Matulog ka na.” Utos ng ina.
” Opo. Magandang gabi po.”
Kinabukasan sa school….
Nakita ni Zuriel si Schiyev na naglalakad. Subalit nagtaka ito nang makitang hawak ang tuwalyang pagmamay ari niya.
” Paano napunta sa girl na iyon ang tuwalya ko?” Bulong...


na naman niya habang naka kubli sa likod ng building.
Sa kabilang dako….
” Hindi mo pa ba nasasauli yan?” Tanong ni Rhea kay Schiyev at ang mga mata at nasa tuwalya.
” Kanina sana. Pero nakalimutan ko. Nalampasan ko lang bahay ni Aling Lilian.”
” Nalabhan mo na ba iyan?”
” Oo,syempre. Amuyin mo pa?” Pinalapit pa sa ilong ng kaibigan.
Balik kay Zuriel…
” Aba! Ang mga bruhang iyon. Inaamoy amoy pa yung tuwalya ko. Nakakainis,masisimot nila amoy ng Kobe kwo….”
Balik kina Rhea at Schiyev…….
” Hmm..ang bango nga. ” Ani ni Rhea. ” Akin na lang yan.”
” Uy! Hindi ah. Hindi pwede. Isasauli ko pa to kay Aling Lilian. Iniisip ko nga na baka sa anak niya to. Kaya isasauli ko.”
Balik kay Zuriel…….
” Nakakairita yang girl na iyan. Matapos kong maibigay ng di sadya ang first kiss ko sa kanya na dapat kay Kobe lang…heto at pati tuwalya ko hawak niya.”
Balik kina Rhea at Schiyev….
” Akin na lang yan!” Sapilitang hinablot ni Rhea sa kamay ni Schiyev ang tuwalya at tumakbo. Nagpapahabol sa kaibigan.
” Hoy! ” humabol naman siya.
” Ahahha! Kunin mo nga sakin,Aning! Hahahha! Akin na to! Ang cute ng kulay. Blue..”
” Rheang,akin na. Ikaw saka si nanay pareho. Lagi akong inaasar.”
” Uy! Ngayon lang kita binibiro ha..kaya habol pa….” Iwinawagayway pa nito sa ere ang tuwalya.
Habulan silang dalawa. Tuwang tuwa sa kanya si Rhea. Nang hingalin si Rhea ,nagawa niya itong agawin.
” Yes!! Blee…talo ka!” Kantyaw ni Schiyev. Saka tumalikod sa kaibigan para siya naman ang tatakbo.
Pero pag talikod niya,isang lalaki ang umagaw sa tuwalyang hawak niya at itinaas sa ere. Sa tangkad ng lalaki,napatingala ang dalagita. Ang sama pa, napasubsob pa siya sa dibdib nito sa ikalawang pagkakataon.
” Eherm..paano napunta sayo ang tuwalyang ito?” Titig na titig si Zuriel sa kanya. Nagbaba pa ng mukha.
Hindi naman mapakali si Rhea sa nakita.
” Huwaaaa!!! Si swerte ko…..” Mapupungay na mga mata ang taglay nito habang nakatingin kay Zuriel.
” Akin na nga yan! Hindi ka naman kasali , nakiki ano ka.” Lumayo si Schiyev sa kanya. ” Dali! Akin na!” Inilahad pa niya ang kanyang kamay.
” Paano napunta sayo ang tuwalya ko?”
” Ha?! A..ano? Tuwalya mo? Paano kaya yon? Eh si Aling Lilian ang……” Huminto siya nang maka alala. Nasa kolehiyo din pala anak ng Ale.
” So paaano?” Ulit ni Zuriel. ” Pinahiram ba ni Nay Lilian sayo?”
Tama nga ang iniisip ni Schiyev.
” Ah…nabasa ako ng nanay mo nung isang araw kaya pinahiram niya sakin yan. Huwag kang mag alala. Nilabhan ko na yan.”
” Anwoo!!”
Biglang natigilan si Schiyev…
” Ah! Ano?! ” Ulit ni Zuriel sa makapal na boses. Saka nag isip.
(” Shaakks..nilabhan ng babaeng ito ang tuwalya ko. Ang tuwalya ko na may amoy ni Kobe ko. Hindwee……” Turan niya na sa isip lang. )
” Pakisabi kay Aling Lilian,salamat.” Yun lang at tinalikuran na niya si Zuriel at hinila si Rhea na nakatulalang nakatingin kay Zuriel.
Nakatingin lang si Zuriel sa papalayo na si Schiyev. Hinayaan niya na lang na umalis ang babae dahil nakuha na niya ang kanyang tuwalya.
Tatalikod na rin sana siya nang biglang natanaw niya ang grupo nina Kobe.
” Shaakks….ang gwapo talaga niya.” Umiiral na naman pagkabading niya.
Umayos siya ng sarili nang makitang papalapit sa kanya sina Kobe.
” O! Nakita ko yung babaeng nakasalamin . Kayo na ba,Zuriel?”
” Ha? ”
” Nakita kasi kitang kausap siya at parang..uy!! Naglalaro pa…”
” Ang daya mo naman ,Zu. Pinakilala ko sayo girlfriend ko pero hindi mo pinakilala yung sayo…”
” Ha? Ahh….” sabay kamot sa ibabang bahagi ng ulo.
” Sige na. Tawagin mo siya ulit. Ay hindi ako na lang…” Kumilos ang isang barkada nila saka hinabol si Schiyev.
🐰🐰🐰🐰🐰🐰🐰🐰🐰
” Ang gwapo niya diba?”
” Tumigil ka nga. Halata ka masyado,Rheang…..”
” Ah. Sandali lang mga miss.” Pigil sa kanila ng isang barkada ni Kobe. ” Hi? ” Bati nito kay Schiyev. ” Hello,babaeng nakasalamin. Pinapatawag ka ng boyfriend mo..”
” Ano?! Boyfriend? ” Nagulat si Rhea sa sinabi nito saka binalingan si Schiyev.
” Hoy! Tumigil ka…ang bata bata ko pa para magkaroon ng…..” Hindi rin natuloy ni Schiyev ang sasabihin dahil bigla siyang inakbayan ni Zuriel.
” Tol,may klase pa yung sweetie ko kaya hayaan na lang muna natin silang umalis.” Sabi niya. Alam niyang tinitignan siya ngayon ni Schiyev ng masama kaya idiniin niya ang kanyang kamay sa balikat nito. ” Diba,sweetie…may klase pa kayo. Am..Rhea,pakisamahan naman si Sweetie…”
” Ha?! Si..sige. Halika na.” Kahit na nalilito ,binulungan pa rin niya si Schiyev na umalis na.
” Bye ,sweetie….hehhehe” ngumiti pa ito sa dalagita.
” Tara na…” Hinila na lang ni Rhea si Schiyev. Naramdaman niya kasi ang init nito. Init na nais lumiyab dahil sa pagsisinungaling ni Zuriel sa harap ng barkada ni Kobe.
” Bye!!! ”
Hanggang sa malayo ay nakakaway pa rin si Zuriel sa dalawang babae.
” Hanep ah..sweetiee….”
” Oo eh. Ang bata pa kasi. Pero hihiwalayan ko rin yan kasi nga napakabata pa.” Nasabi na lang niya kahit na hindi naman talaga niya Gf si Schiyev.
Nakumbinsi naman niya ang kabarkada ni Kobe. Saka bumalik na sila sa mga ito.
——–End of Part 4——–
Ps: Update will be on August 17
Thank you po….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.