0

MY DEAREST ENEMY TEASER!!


Report

GENRE: ROMCOM
WRITTEN BY: SKYLINE
“ALAM mo ba kung anong gamot ang ibinibigay ko sa babaeng talak nang talak? Niyayakap ko at hinahalikan hanggang sa manahimik.”
Nicole Samantha Allarcon apo ng isang pinakamayamang tao sa probinsya ng Batangas. Lahat ng karangyaan ay nasa kanya na, magandang mansyon, mamahaling sasakyan, lahat ng gusto ay nakukuha niya dahil nang iisang apo at taga pagmana ni Don Pelipe Allarcon. Ulilang lubos dahil dalawang taon pa lamang siya ng maaksidente ang sinasakyang kotse ng kanyang mga magulang. Namulat siya sa pangaral at pagmamahal ng kanyang abuelo.
Sa edad na 16 umibig siya kay Red Khian Molina anak ng kanilang kusinera. Mula pagkabata lihim na niyang minahal ang lalaki.
Sa murang edad niya naging magkasintahan sila ni Red. Minahal niya ng sobra ang lalaki kahit langit at lupa ang agwat nila sa buhay, para kay Nicole hindi importante ang status sa buhay basta mahal ninyo ang isa’t isa.
Naging masaya ang kanilang relasyon, nilihim nila ang kanilang relasyon sa kanyang lolo. Ngunit isang araw bago sumapit ang...


ika-labing walong kaarawan niya. Nakipag hiwalay si Red at pinamukha sa kanya na hindi siya nito minahal kahit minsan. At harap-harapan na hinalikan ang kanyang bestfriend .Ginamit lang siya nito para mapalapit sa bestfriend niya.Dahil sa sobra siyang nasaktan tinuring n’yang kaaway si Red.
Makalipas ang sampung taon, muling nang krus ang landas nila ni Red.Ibang-iba na ‘to sa dating Red na minahal niya dati. Lalo itong naging isang makisig at gwapong lalaki.
Sa pagbalik niya ng Pilipinas, bumalik din ang isang alaala na pilit n’yang kinalimutan sa ibang bansa. Sa muling pagkikita nila hindi niya mapigilan ang sarili na muli itong mahalin. Pero nangingibabaw pa rin ang sakit at galit sa kanyang puso.
Makakaya mo ba na makasama siya sa isang bubong kung ang nararamdaman mo ay pangkamuhi at galit. Handa ka bang sundin ang hiling ng iyong abuelo. Kung ang kapalit nito ay masasaktan ka muli? Isusugal mo ba muli ang iyong puso sa taong tinuring mong kaaway?
Oh, mananaig ang tawag ng pag-ibig?
Permission to post admin 😘


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.