0

Incompatible Part 3


Report

Author : Ren Salzar
Palabas na ng gate si Schiyev nang makita niya sa di kalayuan ang nag uumpukang grupo ni Kobe. At kasama nila si Zuriel. Tantya niya ay para itong pinagtatawanan nina Kobe.
” Naka ilang girlfriend ka na ba? Ha..Zuriel?”
Tumingin si Zuriel sa nagtatanong na si Kobe.
(” Girlfriend? Haay Kobe..ikaw lang ang gusto ko.” Sabi niya pero sa utak lang.)
” Wala. ” Totoo namang wala siya nun dahil nga sa bakla siya.
” Wala? Bakit naman? Malapit na nating lilisanin ang kolehiyo ,wala ka pa ring naging girlfriend kahit isa lang?” Pagak na tawa ni Kobe.
(“Ikaw lang kasi gusto ko.” Sa isip pa rin ni Zuriel.)
” Ayoko pa. ” Tipid na sagot na lamang niya.
” Ahaha..kobe ,baka naman bakla tong si Zuriel. Tingnan mo naman o. May itsura saka mahinhin kung makakilos. Hindi tulad natin na halatang lalaking lalaki.” Saad ng isa nilang kabarkada.
Pero si Zuriel,nanatiling tahimik lang. Matagal na niyang kabarkada sina Kobe. Pero bakla pa rin ang tingin nito sa kanya. At iyon ay totoo.
” Zuriel…bakla ka ba? Tama bang iniisip namin tungkol sayo?” Si Kobe. Inakbayan pa niya si Zuriel at siya namang lakas ng kabog ng dibdib nito.
” Hindi,Kobe. Wala pa talaga sa isip ko ang ganoon. Saka,madami namang babae diyan. Madali lang makakuha ng isa kung gugustuhin ko.” Seryoso namang anas ni Zuriel.
” Ows..talaga? Pero..hindi kasi ako kuntento sa sagot mo.”
Hindi pa rin kumbinsido si Kobe sa sagot ni Zuriel kaya naman inutusan niya itong halikan ang isang estudyanteng may hawak na libro.
” Kung talagang straight ka,halikan mo nga yung babaeng iyon?” Tinuro ni Kobe ang isang teenager na girl na paparating sa pwesto kung saan sila nag uumpukan kasama ang barkada.
Nilingon ni Zuriel ang babae. Nag aalangan man pero kailangan niyang gawin upang hindi siya pagdudahan ni Kobe.
(” Nakuu..kainis naman.” Bulong ni Zuriel sa kanyang isip.” Iki kiss ko talaga ang bruhang ito?” May kasama pang pandidiri na turan. ” Bahala na…” )
Bigla niya itong kinabig sa beywang saka pinalapit sa dibdib niya. Tinitigan nang mabuti.
(” Heto na…” Pagpapatuloy niya sa pagiisip.Saka pikit matang kinitlan ng halik ang babaeng nakadikit sa kanyang dibdib.)
Tssuupp!!!
Nang makabitiw sa halik,sandali silang nagkatitigan. Si Zuriel na may halong takot at hiya ang titig at ang babae na kahit nakatago ang mga mata sa salamin nito ay halata ang pagkagulat. Ang babaeng teenager na iyon ay si Schiyev. Mabuti na lang at hindi niya kasama si Rhea dahil kapag nagkataon,masisira ang pagkakaibigan nila dulot ng eksena ngayon.
Nakabawi si Schiyev mula sa pagkagulat at umayos sa pagkakatayo saka tinuhod ang ibabang bahagi ni Zuriel pagkatapos nya itong binigyan ng malutong na sampal.
Paaakkk!!!
” Ouchh” daing ni Zuriel sa kanyang isip.
(” Ang lakas nun girl ha..” nasa isip pa rin niya. Hindi siya pwedeng magpahalata.)
Booogg!!
(” Hmmmp!” Pinigil ni Zuriel ang daing na ” ang balls ko.” Impit na turan niya pero siya lang ang nakakarinig.)
Gusto niya ring patunayan na kaya niyang isa walang bahala ang sakit na natatamo ngayon mula sa dalagitang mabagsik ang naging turan dahil sa ginawa niya.
” Hahahahhah!!! Nagtawanan ang mga kabarkada nila. Lalo na si Kobe.
Pinukulan ng masamang ng tingin ni Schiyev ang mga ito. Saka tumalikod at tuluyang umalis.
” Isshh…ang lalaking iyon! Kapal ng mukhang halikan ako. ” Sabi nya habang hinahawakan ang kanyang labi.
Samantalang,tuloy tuloy pa rin na pinagtatawanan nina Kobe si Zuriel.
” Hahahah!”
” O ayan,Zu. Wala ka ngang girlfriend pero may nahalikan ka na. Hanga rin ako sayo no. Ang lakas ng loob mong sundin ang pinagagawa ko.”
(” Gusto kasi kita…” Bulong pa rin nito sa sarili.)
” Pinatunayan ko lang na..hindi ako bakla.” Yun na lang ang sinabi niya.
Inakbayn siya ni Kobe. Kinilig naman pwet ni Zuriel sa pag akbay sa kanya.
(” Shaakkkss…ang bango niya.” Kausap pa rin ni Zuriel ang sarili.” Mmm..” sabay amoy na hindi pinapahalata.)
” Alam ko. Nakita ko naman. Diba mga tol?”
” Tama…tama.” nagpatango tango pa ito.” Akala kasi namin bakla ka kaya pasensya na.”
” Wala iyon.”
” O,ano Kobe? Susunduin ba natin girlfriend mo?” Wika ng isang barkada nila.
Napatingin si Zuriel kay Kobe. Naka akbay pa rin ito sa kanya.
” May….may girlfriend ka na?” Nalungkot si Zuriel sa kanyang narinig.
” Oo. Sa guwapo kong ito,imposibleng wala no. Sumama ka samin. Pakilala kita sa girlfriend ko.”
” Haa?? Ahh..sige.” alinlangan niyang sagot.
Pinakilala ni Kobe ang girlfriend niya kay Zuriel. Ang huli naman,kahit na parang tinutusok ang kanyang puso,umaakto pa rin siya ng maayos.
Matapos masundo at mapakilala ni Kobe ang girlfriend nito,nagpasya nang umuwi si Zuriel.
At sa bahay…..
” Nay..mano po.”
” Kawaan ka ng Diyos ,anak.”
” Akyat lang po ako sa itaas. Magpapalit po.”
” Sige.. ”
Hindi nahalata ni Zuriel ang kalungkutan sa mukha ng ina. Ang tanging laman kasi ng isip ni Zuriel ay ang...


girlfriend ni Kobe. Ang totoo kasi niyan,crush niya si Kobe. Matagal na. Hindi niya lang malapitan noon dahil natatakot siya na baka mabuko nito na bakla talaga siya.
Humarap sa salamin si Zuriel. Sinipat ang sarili.
” Hmmp. Mas maganda naman ako don ah. Saka mas payat. ” Para siyang sira ulong nagsasalita. ” At saka may….may…” Bigla siyang natigilan. ” Hmmpp..dibdib lang ang laban niya no…” Nayayamot na pagpapatuloy niya.
Umalis na sa salamin at nagpasyang magpalit ng damit pambahay. Itinaas na niya ang kanyang sando nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto niya.
” Naayy!! ” Wika niya sa baklang tinig.
Ngunit bigla ring binawi.” Ehermm…Nay! ”
” Hindi ka pa ba tapos?” Sabi ng nanay niyang bahagyang nagulat.
” Ahmm…magpapalit pa lang po.”
” Ganon ba? Sige. Maghihintay ako sa baba. Kakausapin kita.”
Yun lang at sinara na ng kanyang ina ang pinto.
” Shaakks…ano yun? Katapusan na ba ng pagiging bakla ko?” Sabi niya habang kinakagat kagat ang kanyang kuko. Nababakas ang takot sa mukha. ” Nahalata na ba ni nanay? Paano na?”
Lumabas si Zuriel sa kanyang silid. Inihanda ang sarili sa sasabihin ng ina. Kung anuman iyon, handa niya itong sagutin at pananagutan ang magiging resulta.
Pagkababa ng hagdan ay diretsong kusina si Zuriel. Nadatnan nyang naghahanda ng pagkain ang ina.
” Nay….” Mahina niyang tawag.
” Maupo ka na. ” Utos nito na hindi man lang siya tinitingnan.
” Opo..” hinila niya ang silya saka umupo.
Pagkatapos sa ginagawa ay naupo na rin ang kanyang ina.
” Anak…”
” Nay….bakit parang ang lungkot ng mga mata mo?” Nahalata na rin niya sa wakas.
” Zuriel,anak….Pumunta rito kanina ang sekretarya ng Appa mo. Sinabi niya na papagaralin ka niya sa korea. ”
” Pumayag po ba kayo?”
” Eh …oo. pumayag ako.”
” Nay..bakit po kayo pumayag nang hindi man lang inalam ang magiging pasya ko?”
” Anak….naisip ko kasi na mas magiging mabuti ang estado mo kapag nasa kay appa mo ikaw. ”
” Nay,malapit na po akong makatapos sa kolehiyo. Isang taon na lang.”
” Anak…dadalhin ka ng appa mo doon para mas lumawak ang kaalaman mo. Kaya ok lang sakin na kunin ka niya.”
” Pero nay,maayos naman ang pag aaral ko dito. Kaya bakit sasama….”
” May sakit ang appa mo ,anak.”
Natigilan si Zuriel sa hinayag ng kanyang ina.
” Gusto niyang umuwi sa korea at gusto niyang isama ka niya. Nag iisa ka lang niyang anak at walang sinumang makakapagmana ng lahat ng meron siya bukod sayo.”
” Paano po ang ipinalit niyang pamilya satin?”
” Alam naman nating pareho na walang ibang anak ang Appa mo. Matanda na rin ang asawa niya. At ayon sa sekretarya niya,ang asawa niya mismo ang nagsabi na isama ka sa Korea. ”
Natahimik si Zuriel. Nagaalangang sumama sa tatay niyang Koreano na ipinagpalit sila ng kanyang ina sa asawa nitong bago.
” Pagbigyan mo na si Appa mo anak. Para na rin sa kinabukasan mo.”
” Paano po kayo?”
Ginanap ng kanyang ina ang kamay ni Zuriel.
” Babalik ka naman diba? Kaya kong magtiis at maghintay sayo,anak. Ang hindi ko lang kaya ay yong mamuhay ka ng simple na kasama ako gayong may naghihintay sayo na mas magandang buhay.”
” Nay….”
” Kaya ko anak. Magtiwala ka sakin.”
” Kelan ho ako kukunin?”
” Sa susunod na linggo. Inihahanda lang nila ang mga kakailanganing papeles para sayo.”
” Eh,nay…may sasabihin rin po ako sa inyo. Sana po huwag po kayong magalit.”
Nagpasya na rin siyang ipagtapat ang kanyang pinakatatagong lihim simula pa noon.
” Ano? Sasabihin mo na bakla ka?” Inunahan na siya ng kanyang ina.
” Alam nyo na po?” Namilog ang kanyang mga mata. Hindi niya akalaing nahahalata na pala siya ng ina.
Ngumiti ang kanyang ina sa kanya.
” Paano ko ba hindi malalaman ,eh..may nakita akong picture ni Kobe sa drawer mo. Saka nakita ko rin ang kulay pink na panloob mo no. Sayang nga lang,may itsura ka pero mareng naman.”
” Naaayy…..sorry po.”
” Huuu…ano ka ba? Ok lang sakin na bakla ka. Anong magagawa ko kung ganyan ka? Baka nga pagdating mo ng Korea,magbabago yang katauhan mo. Ang dinig ko maraming magaganda don..”
” At marami rin pong gwapoo…ayyyy!!” Kilig na kilig naman si Zuriel. Lumantad na talaga.
” Naku…kung pwede lang ay yung magagandang babae lang ang titingnan mo dahil baka lumabas ang pagiging lalaki mo na totoo. ”
” Nay naman….lalaki po ang gusto ko. Hindi po babae.”
” Magbabago rin yan. At pag nangyari iyon,ay…may apo nako pagbalik mo.”
” Ewws…hindi mangyayari ,Nay. Never. ”
” Huwag kang ganyan ,anak. Baka kainin mo mismo ang sinasabi mo ngayon.”
” Nay..wala po akong ibang kakainin ngayon kundi ang luto po ninyo. Kaya itigil na muna natin ang pag uusap na ito at nang makakain na.”
“Mabuti pa nga. Kampante nako at hindi nako mag aalala dahil nakumbinsi na kitang sumama sa Appa mo.”
——End of Part 3——–


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.