0

Incompatible Part 2


Report

Author: Ren Salazar
Mula sa di kalayuan ay natatanaw na niya ang kaibigan niyang si Rhea. Kahit medyo malayo pa ay natatanaw niya ang tila kay tamis na ngiti habang may tinitingnan sa cellphone na nasa kamay nito.
” Naku si Rheang..aga aga,kinikilig na ang puwet. Pihadong si Zuriel na naman yan.” Bulong niya sa sarili nang papalapit sa kaibigan.
Ni hindi man lang naramdaman nito ang paglapit niya.
” Uy!! ”
” Ayy! Ba’t nangugulat ka?” Muntik pang mahulog sa kamay nito ang telepono. Sabay lingon sa nagsalita.” Aning! Nandito ka na pala!”
” Kararating ko lang. Mga…dalawang oras lang naman.”
” Hmmp…kararating pero dalawang oras na.”
” Hehe..biro lang. Kararating ko lang talaga. O,tara na. ” At nagsimula nang maglakad.
Mabuti na lang at maayos ang kalsada sa bayan nila kaya mabilis silang nakakalakad.
” Rheang…..”
” Hmm?” Sagot nito na ang mga mata at nakapako sa telepono.
” Hindi ka ba nagsasawang tingnan yang mukha ni Zuriel? Tingnan mo oh..naka wall paper mo pa.”
” Aning…..ang guwapo niya kasi. Yung bawat araw na nakikita ko siya,parang ang swerte swerte ko.” Kinikilig nitong sabi. Parang may kung anong bulate sa katawan dahil sa nagtatalon talon ito.
” Paano kaya yon?”
” Naku!!!! Magkagusto ka kaya sa isang lalaki at nang malaman mo kung totoo. Eh,malas yata ang araw mo ngayon. Tingnan mo. Basa yang ibabang bahagi ng palda mo. May baha ba sa inyo?”
” Isshh…wala no. Si Aling Lilian kasi natapunan ako ng binanlawan niyang tubig kanina.Kaya pinahiram niya ko ng tuwalya para mapunasan ko.” Saka niya naisip ang halik ng kanyang ina. Yun ang swerte niyang maituturing pero hindi yata kinaya ang dala nitong swerte laban sa malas na natamo niya ngayon.” At saka,tama na sa kin ang halik ni nanay na pampaswerte ko pero hindi naman gumagana.” Sinabayan pa niya ng maliit na tawa. Nakihagikhik naman ang kaibigan niya.
Nagpatuloy lang sa pagkukuwentuhan ang dalawa hanggang sa makarating sa gate ng kanilang school at tuluyan na ring pumasok diretso sa room nila.
” Tamang tama,maaga pa kaya mag rereview muna ako. May exam yata tayo mamaya.”
” Pwede bang sumabay sayo?”
” Uh ah! Hindi pwede Rhea. Hindi ako sanay na mag aral na may kasama. Sorry. At saka alam ko namang hindi ka mag aaral dahil mas gusto mo pang tignan yang Zuriel sa telepono mo. ”
” Hmmp. Mag aaral din ako no.”
” Kelan? Bukas? Pag tapos na ang exam?Rheang mag aral ka nga. Baka nakakalimutan mong matalino yang crush mo. Baka mapahiya ka lang.”Realtalk yun galing kay Schiyev.
” Heto na nga,mag aaral na. ”
” Simulan mo na habang may oras ka pa.”
Nasa corridor silang dalawa nang mapadaan si Zuriel. Ang kolehiyong crush ni Rhea. Nag sasaulo si Schiyev non na nakatanaw sa iba iba ng building kung saan ang room nila nang mahagilap ng kanyang mata ang lalaki.
Namilog ang kanyang mga mata. Aaminin niyang may itsura nga ito kahit na parang mahinhin kung kumilos. Simple lang ang lalaki. Matangkad at payat. Katamtaman lang ang kulay ng balat.
Siniko niya si Rhea na kasalukuyang nagbabasa.
” Rheang….Rheang tingnan mo. ”
” Alin? Saan? ”
” Ayun oh!” Ngumuso pa si Schiyev sa naglalakad na si Zuriel.
” Wuhaaaa!!!! Ang swerte ko..ayan na ang naglalakad kong swerte!” Tili nito.” Siguradong papasa nako ngayon sa exam natin mamaya,Aning!”
” Hmmm…” Tugon ni Schiyev na suot ang nag aalangang ngiti. Saka bumaling na sa librong hawak para ipagpatuloy ang pag aaral.
” Haaayyy…..” Itinukod pa ni Rhea ang dalawang kamay sa pisngi. ” Zuriel….”
Samantalang si Schiyev ay patuloy lang sa pag aaral. Inayos pa niya ang kanyang salamin sa kanyang mga mata.
Oras ng exam. Dahil sa nakapag review si Schiyev,naging madali lang...


ito sa kanya. Sa bawat tanong ay madali niyang nasagutan ng walang pagaalinlangan. Nasagutan rin naman ni Rhea ang exam nila na may buong tiwala sa sarili.
Matapos ang exam ay inutusan na silang ipasa ang mga ito sa kanilang subject teacher.
Natapos ang isang araw ng kanilang klase nang maayos at walang anumang problema.
Kinabukasan,panibagong araw na naman para kay Schiyev.
” Aning…nagugutom ako.” Pumulupot pa ito kay Schiyev.
” Eh,punta ka ng canteen. Bumili ka ng pagkain.” Sagot ni Schiyev. Nagbabasa na naman ito ng libro.
” Libre mo ko.” Hirit nito.
” Tumigil ka. Wala akong extra ngayon. Nag iipon ako.” Sabi nito nang hindi man lang tinatapunan ng tingin ang kaibigan.
” At saka hindi ako mayaman no.”
” Pero teka..” humarap si Rhea sa kanya. Ibinaba pa ang librong hawak ng kaibigan.” Banyaga papa mo diba?”
Tumingin si Schiyev sa kanya.
” Ano ngayon?”
” Aahmmm….napaisip lang naman ako. Diba bago kayo napadpad dito,galing kayong maynila. Nalaman ko rin na may kaya ang estado ng buhay nyo noon ni nanay. Naghirap lang nung iniwan kayo ng papa mo. At baby ka pa noon.”
Sumeryoso ang mukha ni Schiyev.
” Sorry ..sorry.. curious lang ako. Bakit hindi mo hanapin ang papa mong British? Tulungan ka kamo na makapag aral ng mabuti. Hindi yong naghihirap kayo ni nanay.”
Sinara niya muna ang librong binabasa pagkatapos humarap uli sa kaibigan.
” Sabihin mo nga..paano ko hahanapin ang tatay ko? At saka..kapag ba magpapakilala akong anak niya,makikilala kaya niya ako? Kita mo naman. Wala siyang naiwan samin ni nanay. Pati itsura niya hindi ko nakuha. Yung kulay ng balat,at saka yung tindig niya. Ang pandak ko kaya. At sa pagkakaalam ko kay nanay,matangkad raw tatay ko.”
” Mali ka rin no. Eh ano pala yang kulay ng buhok mo?”
” Huu!! Madali lang kulayan ang buhok kaya iisipin niyang peke lang tong buhok ko.” Sabay hawak sa buhok niya.
Naputol ang pag uusap nila nang pumasok ang kanilang subject teacher.
” Class…hawak ko na ang results ng exam nyo kahapon.”
” Ayan na..Perfect ako!” Sabik na bulong ni Rhea kay Schiyev.
” Shh!! ” Pinatong ni Schiyev ang hintuturo niya sa kanyang labi.
Ilang sandali pa’y nagpatuloy na sa pagsasalita ang kanilang teacher. Nakagawian nito na tawagin ang mataas ang puntos hanggang pababa. At nang…..
” Rhea…..”
” Yes maam! Thank you po! Perfect ako! Sabi na nga ba, swerte si Crush sakin eh.” Nagpalundaglundag pa .
” Teka….anong perfect? Eh..kabilang ka mga nakakuha ng mababang puntos.” Hayag ng teacher na ikinagulat ni Rhea.
” Pero maam. Diba simula sa matataas na puntos papuntang mababa?”
” Oo. Noon pero iniba ko ngayon. Pababa na papuntang mataas na puntos. Kaya kung ako sayo mag aral ka at nang hindi ka manatili sa mababang marka.”
” O..po.” nakayukong tugon ni Rhea. Lumaho ang panandaliang saya kanina.
Hindi tuloy mapigilan ng buong klase ang tumawa.
” Hahhahahha!”
” Tahimik! ” Saway ng teacher nila.
Si Schiyev naman ay pigil ang tawa. Ayaw niya kasing makita siya ni Rhea na pinagtatawanan ito. Lumapit ang huli sa kanya saka naupo.
” Swerte ba kamo?” Pero nagawa pa rin niyang tuksuin ang kaibigan.
” Che….” Inirapan naman siya ni Rhea. Pero ngiti lang ganti ni Schiyev sa huli. ” Hindi ko kasi kiniss wall paper ko kaya hindi tumalab.”
” Reason….” Bulong ni Schiyev.
As usual…mataas pa rin ang puntos na nakuha ni Schiyev
Nagsimula na ang kanilang klase sa paksa ng Agham. Matamang nakikinig si Schiyev sa guro nila. Interesado sa kanilang araling tinatalakay. Inisip niyang pagtuunan ng mabuti ang pag aaral niya para makatulong sa kanyang ina. Na siyang nais rin ng ibang anak na katulad niyang laki sa hirap.
——–End of Part 2 ———


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.