0

Incompatible Part 1


Report

Author : Ren Salazar
” Aning!!!Aning!!!!”
Ito ang sigaw ng nanay ni Schiyev. Ganda ng pangalan niya pero hindi mabigkas bigkas ng tama ng kanyang ina kaya minabuting sa palayaw na lang siya nito tinatawag. Pero ang layo naman sa tunay na pangalan ng anak. Kasalanan kasi ng tatay niyang British sapagkat ito ang nagbigay ng kanyang pangalan.
Ang tatay niyang matagal nang nagpaalam na babalik sa bansa nito pero umabot yata ng ilang taon hindi pa rin umuuwi sa kanila.
” Aning!!!hay nakong bata ka. Maaga pa pasok mo tapos tutulog tulog ka pa. Malayo pa lalakarin mo papunta sa eskwelahan.” Parang manok na putak ng putak ang bunganga ng ina ni Schiyev habang abala sa kakahiwa ng sibulyon. Na panay naman ang luha nito. Magluluto ng pang almusal. ” Aning!! Ano ba?! ”
” NAY!! ”
“Ay palaka!” Nagulat ito dahil sa ang lapit lang ni Schiyev na sumagot.” Bakit ka ba sumisigaw at malapit pa sakin?”
” Nay naman kasi. Kanina pa po ako sa likod nyo nag iingay pa rin po kayo.”
” Abay malay ko ba na nasa likod ko lang ikaw.”
” Paano naman kasi putak po kayo ng putak kaya hindi mo po naramdaman ang pagbaba ko.”
” Hay nako. Maligo ka na nga doon. Nakahanda nako ng tubig para sayo. ”
” Salamat po.”
Tinungo ni Schiyev ang banyo. Nakahanda na nga ang pampaligo niya. Napangiti tuloy siya sa naramdaman niyang saya dahil sa kabaitan ng kanyang ina. Kahit lagi sumisigaw ang kanyang ina pero nararamdaman niya pa rin ang pagmamahal at maayos na pag aalaga nito.
Inilusob ni Schiyev ang dulo ng kanyang hintuturo. Tinatanya kung gaano kalamig ang tubig.
” Grrr….ang lamig..grr..” turan niya na nanginginig pa.
Maya maya ay inulusob niya ang isang buong kamay sabay pisik sa mukha.
” Yan..konting pisik muna.” Sabi niya na pangiti ngiti pa.
Saka inilusob ulit ang kamay. Pero….
SPLAAASSSSSHHHH……..
” Hu!! Inay naman eh! ”
” Hindi ka matapos tapos sa pagliligo kapag pisik lang ang ginagawa mo. ”
Tahimik lang si Schiyev at mas lalong nanginginig. Paano naman kasi, ang bilis ng kamay ng kanyang ina. Inunahan siya sa pagbuhos ng tubig sa katawan at isang balde pa. Kaya hayun at napahinga ng malalim dahil sa lamig.
” O! ” Sambit niya nang makitang bubuhusan uli siya ng ina. ” Ako na po. Kaya ko na po ang lamig. Salamat po sa inyo.”
” O,sige. Bilisan mo na diyan. Itutuloy ko lang ang pagluluto ko at nang makakain ka bago pumasok.”
” Mabuti pa nga po.” Sagot niya. ” Nanay talaga.” Saad niya nang maka alis ang ina at nagsimula nang maligo.
Pagkatapos maligo,nag ayos na rin ng sarili.
” Tapos ka na ba? Maupo ka na at lagyan mo na ng laman yang tiyan mo.” Aya nito at inabutan siya agad ng plato.
” Opo nay. Salamat po.”
” Damihan mo ang kain ha! Napaka sexy mo na.”
” Talaga po?”
” Oo. Talagang talaga. Nakikita na nga yang buto mo sa leeg. Para kang kalansay sa itsura mo.”
” Nanay naman. Ang hilig nyo pong mangantyaw sakin.”
” Aba anak..totoo naman. Ito paalala lang ha. Kapag naglalakad ka at parang nakikinita mo na may malakas na hanging dadaan sayo,lumapit ka agad sa puno. Kumapit ka ng mabuti para...


hindi ka matatangay.”
“Naayy…..”
” Pero sisiguraduhin mo na yung puno na kakapitan mo ay mas malaki at mataba pa sayo ha.”
” Sige lang ,nay. Asarin mo pa ako. Keri ko lang. ”
” Huu!! Ito naman,pinapasaya ko lang ang araw mo. Alam mo naman na kahit inaasar kita,mahal na mahal kita.”
” Alam ko po yun kaya pinapabayaan ko lang po kayo na asarin ako. Daan mo lang yan para ipakita ang pagmamahal mo po sakin. ”
” Tama. Kaya hala…kain na ng kain. Maglalakad ka pa papuntang school mo.”
Tama. Maglalakad pa si Schiyev ng dalawampung minuto bago makarating sa kanyang school. Kaya maaga siya kung ginigising ng kanyang ina.
At ilang sandali pa……
” Nay,alis na po ako. Mag aalas seis na. ”
” Sige anak. Mag iingat ka. Yung baon mo?”
” Nandito na po sa bag ko.”
” Yung panyo mo?”
” Handa na rin po.”
” Eh yung perang baon mo?”
” Nasa bulsa ko na po.”
” O sige. Lakad na. Mag iingat ka ha. Eh,may kasabay ka ba?”
” Si Rhea po. Kaklase ko. Maghihintay raw po siya doon sa malaking puno.” Ang punong sinasabi niya ay ilang metro lang ang layo sa kanilang bahay.
” Sige..”
Papalabas na ng pintuan si Schiyev nang biglang hinarap muli ang ina.
” Bakit? ”
” Yung salamin ko po. Nakalimutan ko sa kwarto.”
” Ako na ang kukuha. Sandali.”
Nang makuha ay bumalik ito kay Schiyev
” Heto na ,Aning. Mag iingat ka. O ! Yung halik ko. Pampaswerte pa naman to.”
Hinawakan pa ng ina ang kanyang noo saka hinalikan ng mabilis.
” Ayan…ingatan mo yung halik ko anak. Pampaswerte yan.” Paalala nito.
” Opo….” saka tuluyang umalis.
Bago makarating ang dalagitang kinse anyos pa lang na si Schiyev,dadaanan muna niya ang bahay ni Aling Lilian. Na kasalukuyang naglalaba ng maaga at matatapos na.
Lagi nitong ginagawa ang paghagis ng pinagbanlawan na tubig sa harapan ng bahay nito. Saktong padaan na si Schiyev nang hindi sinasadyang matapunan siya ng pinagbanlawang tubig ni Aling Lilian.
” Eeehhh…Aling Lilian naman eh. ”
” Naku ,anak. Patawarin mo ko. Hindi ko naman alam na dadaan ka. ”
” Paano nyo po malalaman..eh abala po yung mga mata nyo sa mga nilalabhang damit po.” Mangiyak ngiyak niyang gawi.
” Naku,aning. Pasensya na. ” Lumapit ito saka pinupunasan ang uniporme ng dalagita. ” Sandali,kukuha lang ako ng tuwalya. Ipapahiram ko muna sayo. ”
” Huwag na po. ” Tanggi niya. Ayaw niya kasing mahuli.
” Hindi! Sandali lang ako.”
Walang nagawa si Schiyev kundi ang hintayin na lamang si Aling Lilian. Pagbalik nito ay dala na ang isang bagong tuwalya. Halatang hindi pa nagagamit.
” O,heto. Gamitin mo muna.” Iniabot nito ang kulay bughaw na tuwalya. ” Pasensya ka na talaga ha.”
” Ayos na po yun. Alis na po ako. Naghihintay na sakin yung kaibigan ko.”
” Ahh..sige.Pero nandyan pa yung anak ko baka gusto mong sumabay sa kanya.”
” Naku..huwag napo.”
Ang tinutukoy ni Aling Lilian na anak niya ay nasa kolehiyo na at limang taon ang agwat nito sa dalagita. Alam ni Schiyev na may anak itong mabait at hindi palagala. Pero hindi niya ito kailanman nakikita dahil ang alam niya,mas gusto nitong manatili sa loob ng bahay nila.
———-End of Part 1———–


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.