0

“I’M THE MASTER OF THE CEO CHAPTER 2


Report

(PRIMO POV)
+ nasa taping ako ngayun, pero break kaya nakaupo lang ako sa ilalim ng malaking payong katabi ng tent ko, nakatutok sa cellphone ko habang naglalaro ng picture puzzle, pampatanggal ng inip, mejo mahirap na level na ih kaya nakakalito na, seryosong seryoso ako ng maramdaman kong may humihinga sa gilid ng leeg ko, kaya lumingon ako ng bahagya.
Primo- bakit?
+ nandun pala si Aya na pasilip silip sa nilalaro ko, napa atras sya
Aya- wala po.
+ hindi ko na lang sya pinansin at bumalik uli sa paglalaro.
Aya- maganda ba yan?
Primo- ewan ko.
Aya- eh bat nilalaro mo?
Primo- gusto ko.
+ diretso lang ang tingin ko sa cellphone ko. Hays, mahirap din pala to.
Aya- mali, dapat dun sa taas.
Primo- dito?
Aya- hindi, dun sa isa pa.
Primo- dito?
Aya- hindi, ipod mo pa.
Primo- ahh dito?
Aya- ang kulit naman, hindi dyan!
Primo- e sa—
+ napatigil ako.
Primo- Anong sabi mo??
Aya- ha?
Primo- makulit ako?!!!
Aya- h-hindi po, yung puzzle mali mali.
+ tiningnan ko sya ng masama.
Aya- hehe.
Direk- okay lets continue guys! Get back to work.
Primo- o!
+ iniabot ko sa kanya ang cellphone. Ngumiti naman sya
Aya- lalaruin ko?
Primo- bahala ka.
+ iniwan ko na sya dun, para syang bata, total di naman sya masyadong kaylangan sa set, tanging make up artist lng, pero nakita kong tinago nya na lang din sa bag nya ang cellphone ko at sumunod sakin.
Direk- okay, Carmen are you ready?
Carmen- Yes Direk.
Direk- Primo.
Primo- Yes Direk
Direk- okay like what is on the script, yayakapin mo sya sa likod Primo tapos magugulat ka Carmen at masasampal mo sya, pero dahil makikilala mo sya, yayakapin mo ng mahigpit sabay maiiyak ka.
Carmen- okay lets do it.
(AYA POV)
+ nandito kami ngayun sa reserved part ng perya para sa taping ng isang scene sa Movie ni Primo, nakapanuod lang ako sa gilid katabi ni Steff. Sa totoo lang yang mga ganyang scene, sisiw na lang yan kay Primo, pero si Carmen mejo nag aadjust pa, kasi pangalawang acting project pa lang nya to.
*pak*
+ ayun na nga na sampal na si Master, pero wala lang yun, diretso lang sa acting.
Direk- Cut!
+ napaiktad naman ako.
Direk- Carmen, boost your emotion, kaylangan namin makita ang luha.
Carmen- okay, sorry Direk.
Direk- okay take 2, lights, camera, Action!
+ ayos din talaga to si Primo eh, magaling talaga.
*PAK! *
+ aray kupo. Sabay yakap.
Steff- iyak Carmen, iyakkk…
Aya- sshh.
Direk- Cut!!
+ napabuntong hininga na lang ako haha.
Direk- Carmen, I sait boost your emotion!
Carmen- okay, sorry po uli Direk. Primo sorry.
+ mapula na pisngi nung isa.
Steff- ano ba yan, konting luha lang ih, tingnan moko Aya, kayang kaya ko yun.
Aya- haha wag ka maingay.
+ at ayun nga nakalima sigurong sampal ang inabot ni Primo bago ma accept ang scene na yun. Kumuha agad ako ng tubig para iabot kay Primo pero hinarang ako ni Carmen at kinuha sakin yun.
Carmen- ako na.
+ nagulat ako pero napatawa na lang. Iniabot nya yun kay Primo. Nakasunod lang ako, baka kasi kaylanganin nyako.
Carmen- uhm, Primo, tubig.
Primo- salamat.
Carmen- No worries. Sya nga pala, pasensya na ha, mejo masakit ata yung mga sampal ko kanina.
Primo- okay lang, its part of the act.
Carmen- ahh, okiee.
Primo- Aya.
Aya- po?
+ lalampasan na sana sya ni Primo.
Carmen- Uhm, Primo?
Primo- m??
Carmen- uhm, after this shoot, pwede ba kita imbitahan for dinner?
+ nakatingin lang ako sa kanilang dalawa, wushuuu. Mukang nagiisip si Primo.
Primo- we’ll see.
+ nginitian naman sya ni Carmen. Nilampasan na sya ni Primo.
Primo- Aya.
+ nakangiti ko syang sinalubong.
Aya- may kaylangan ka po ba?
Primo- ihanda mo susuutin ko mamaya sa Condo, uuwe agad ako after this
Aya- Para san po? Sa pagkaka alam ko wala naman ako kayo schedule na sunod.
Primo- may schedule dinner ako mamayang gabi.
+ wow, sana all.
Aya- ahhhh, okay po, ihahanda ko ang pinaka plantsado nyong damit para sa dinner date nyo tonight.
+ kinunotan nyako ng noo tapos ay bumalik na sa set. Tss, baka naman pati sa valentines gawin pakong chaperone, alam ko naman na natural nato sa mga artista, minsan for attention, issue and famousity, dahil nangarap narin akong sumikat dati, pero bakit nakaka loka parin yung masaksihan mo ang kalandian nila hahaha, inihanda ko na ang kotse agad. Nag antay lang ako ng mga 30-40 Minutes at natapos na nga sila, nag drive na agad ako papuntang Condo nya, pagdating don, mabilis kong hinalungkat ang damitan nya para maghanap ng masusuot nya. Sya naman naligo saglit. Ganun sya ka excited? Parang kanina lang namumula ang pisngi nya dahil sa sampal. Ng makahanap nako, ni ready ko na yun sa kwarto nya at nagprepare ng sapatos pati pabango na gagamitin nya ako nadin ang pumili, maya maya pa, lumabas na sya sa kwarto suot ang mga yon sanay naman nako sa itsura nya. Lumapit ako sa kanya at inayos ang buhok nya, nakatingin lang sya sakin.
Primo- ako na dyan.
+ hinila ko uli sya palapit.
Aya- sandali lang, alam mo, malaki ang points ng buhok kapag maganda ang pag kaka ayos nito.
+ dahil may katangkaran sya ng konti, tumingkayad ako ng bahagya.
Aya- ayan, tapos sprayan natin ng konti mamaya.
+ tumingin ako sa kanya, at napaatras ako bigla ng ma realize ko na sobrang lapit ko pala, tapos nangangain pa yung tingin nya.
Aya- sorry po.
Primo- Anong points points ang sinasabi mo?
Aya- wala po, baka hinihintay na kayo ng ka dinner nyo, ihahatid ko na kayo.
Primo- No, maiwan ka na lang muna dito at ayusin yung mga regalo ng fans, nasa table ko, dadalhin ko ang kotse, pagkatapos mo, umuwi ka na.
Aya- po?
Primo- para ka laging bingi.
Aya- sorry po.
Primo- tatawag nako ng Cab on the way, ako na bahala sa fee, baka wala ka ng pera.
+ meron kaya.
Primo- magluto ka na lang dyan kung nagugutom ka, basta linisin mo ha.
+ kelan bako nag iwan ng kalat dito sa Condo nya.
Primo- naiintindihan mo bako?
Aya- opo.
Primo- okay, alis nako, I lock mo ang pinto.
+ aba, nag aalala din naman sakin eh.
Primo- pag hinayaan mong bukas baka manakawan...


ako.
+ adik! Ibigay ko pa sa magnanakaw yang gamit mo. Tuluyan na syang umalis. Hay nako pag ako tinopak, kakainin ko yung mga bigay ng fans nya.
(PRIMO POV)
+ nasa isang restaurant ako ngayun na pina reserve ko habang may hinihintay. Syempre ayoko naman na may nakasunod pang fans sakin sa mga oras nato. Mejo late na sya ng 20 minutes eh. Ring ng ring ang phone ko, tawag kasi ng tawag si Carmen, pero di ko na lang muna sinasagot.
[Primo? ]
+ napatayo ako.
Primo- Dad!
+ lumapit ako at niyakap ko sya. Sya si Luis De Chavez, daddy ko.
Luis- kanina ka pa ba nagaantay?
Primo- hindi dad, sakto ka lang.
Luis- pasensya ka na, natagalan kasi ako ng pamimili ng susuutin kong damit, nahihiya kasi ako na ang gwapo gwapo ng anak ko tapos ako hindi man lang maayos tingnan.
+ napangiti na lang ako, sya ang daddy ko, unang asawa ni Mommy na hiniwalayan nya dahil hindi gaano kayaman at pinagpalit nito sa isang negosyante na minsan lang naman nya makita sa isang buwan. Mahirap lang si Daddy, at wala masyadong nakaka alam na sya ang ama ko, maliban samin ni Mommy at ng pangalawang asawa nito.
Primo- Dad, mas pogi ka pa sakin eh.
Luis- hahaha, ikaw talagang bata ka, atsaka wag ng daddy ang tawag mo sakin anak, tatay na lang, hindi naman bagay sakin yun eh.
Primo- ayoko dad, ikaw lang ang nag iisa at original kong daddy.
+ ngumiti naman siya, nakita ko na mejo marami na syang wrinkles sa mata, masakit sakin na hindi ko sya lagi nakakasama.
Primo- kamusta ang trabaho mo dad?
Luis- okay nman anak, Ikaw? Mag iipon talaga ako para mapanood ang Palabas mo.
+ napatungo na lang ako.
Primo- tanggapin nyo na kasi ang panggastos na binibigay ko sa inyo.
+ umiling iling siya
Luis- wag na, kaya ko naman anak. Ano? Kumain na muna tayo?
Primo- sige po.
+ humingi muna kami ng Menu.
Primo- dad, piliin mo yung pinaka gusto mo ha, kakain tayo ng marami ngayun.
+ tinitingnan nya lang ang menu. After 3 minutes.
Primo- dad nakapili ka na ba?
Luis- ahh, anak yung gusto mo yun na lang din ang akin.
Primo- daddy naman, basta pumili ka dyan.
Luis- ano kasi anak eh. Yaangg….
Primo- dad, wag nyong isipin ang presyo, ako ang bahala
Luis- hindi anak, malabo na kasi ang mata ko eh.
+ napatigil ako bigla, gano ba kalabo yun kung ganun kalapit ay hindi na nya makita at mabasa?
Luis- kanina nga muntik pako maligaw anak, hindi ko kasi mabasa yung pangalan ng restaurant anak hahaha pasensya ka na.
+ gusto ko umiyak, ang sakit sa dibdib. Pinigil ko na lang at ngumiti ako sa kanya.
Primo- uhm, eto na lang po ang order namin ni daddy.
+ umorder ako ng 5 dishes. Kinuha na yun ng waiter. Tumayo ako at pumwesto sa gilid ni daddy, tumagilid din sya sa pagkakaupo para humarap sakin. Hinubad ko ang coat ko at isinuot sa kanya, sabay lumuhod.
Primo- Dad, next next week, aalis tayo, magbabakasyon tayo okay, dun sa makakapag enjoy ka, tayong dalawa lang.
Luis- hindi ba marami kang Ginagawa anak?
+ umiling na lang ako at niyakap sya. Maya maya pa ay dumating na ang order namin, masaya na lang kaming nagkwentuhan hanggang mabusog, inihatid ko si daddy pauwe para masigurong ligtas sya. Inorderan ko pa sya ng maiuuwe nya sa bahay nyang pagkain, ngayun lang tumulo ang luha ko ng makita ko na syang pumasok sa bahay, masaya ako kasi nayakap ko na naman sya. Umuwi nako at mag aalas onse nadin ng gabi. Teka lang, hindi man lang naguupdate yung Aya na yun kung na kauwe na sya, tigas ng ulo. Pumasok nako at nagtanggal ng sapatos, inaalis ko na ang necktie ko ng mapatigil ako. Nasa sofa kasi si Aya at tulog na tulog, hindi pa sya umuuwe, napatingin ako sa lamesa at may mga lutong pagkain don. Mejo naghihilik pa sya, pagod siguro. Umupo ako sa gilid ng sofa kung san sya nakahiga.
Primo- Aya.
+ umuungot lang sya pero tulog padin, napatawa naman ako. Hinawi ko ang buhok na nakaharang sa muka nya, napangiti ako kasi napaka simple nya tingnan. Iniangat ko saglit ang ulo nya at nilagyan ng unan yon. Nakatitig lang ako sa kanya ngayun, hinaplos ko ng kamay ko ang pisngi nya, parang kelan lang ng nag apply sya sakin bilang PA, kahit na ni minsan hindi ako naghanap ng PA, tinanggap ko padin ang application nya. Dumako ang tingin ko pilik mata nya, hindi ganun kahaba pero bagay sa kanya, may matangos na ilong at tamang korte ng ng muka, bat ngayun ko lang to nakikita? Hindi ko alam kung bakit sakin nya napiling mag apply pero masaya ako na sakin sya nagtrabaho kahit na minsan sumasakit ang ulo nya sakin. Tumayo ako at binuhat sya papuntang kwarto para dun sya ihiga, kinumutan ko sya pagkatapos kumuha ako ng kumot ko at unan, dun na lang ako matutulog sa sofa, ayoko narin kasi syang gisingin, alam kong pagod sya, nilagay ko sa ref lahat ng niluto nya, marami narin kasi akong nakain. May nakita pakong note na nakalagay sa ilalim ng plates ” Sir Primo, alam kong inlove ka pero isusuko ang bataan” hahahahha. After ilang minutes natulog na din ako, kaylangang kaylangan ko ang pahinga nato.
(AYA POV)
+ napatayo ako at nagising dahil sa alarm ko sa cellphone, mabilisang balikwas ang nagyare. Hindi ako makatingin sa bintana dahil silaw sa araw. Araw?
Aya- Shiiiiiii*** tirik na ang araw!!!
+ dali dali sana akong babangon ng mapansin kong iba ang kama.
Primo- kape.
+ napatingin ako sa lalakeng nakasandal sa gilid ng pinto at nakatingin sakin.
Aya- Sir! Anong ginagawa mo dito?
Primo- Condo ko to, tas tatanungin moko kung anong ginagawa ko dito, gusto mo bang kaladkarin kita palabas? Ha?!
+ Shemay, sabi ko papahinga lang ako saglit kagabi, napahaba na ang tulog ko.
Aya- sorry po.
Primo- di bale, kumain ka na at magkape.
+ hala
Aya- hindi na po.
+ dali dali akong bumaba ng kama at lumabas ng kwarto sabay bitbit ng bag ko.
Primo- Aya!
Aya- una na po ako babayyy!!!!
Primo- hoy!!!
+ mabilis akong lumabas ng kwarto nya at Condo. Ngayun lang nangyare sakin to!!! Bobo ka Aya, bobo. Hinanap ko ang cellphone ko at ng makita ko may 12 missed calls galing kay Troy. Lagot.
itutuloy….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.