0

𝚈𝚘𝚞 π™±πšŽπš•πš˜πš—πš πš πš’πšπš‘ π™ΌπšŽ CHAPTER THIRTEEN


Report

“LADIES and gentlemen, I would like to present to you the new face of Garden of Eden….”
Pinindot ni Sam ang Enter button sa keyboard at sa pamamagitan ng projector ay lumabas ang napaka-gandang mukha ni Aica sa white cloth. Magdamag na ginawa niya ang powerpoint presentation na iyon dahil gusto niyang makita ng lahat kung gaano kaganda ang modelong kinuha niya. Gusto niyang bago lumabas si Aica para pormal na ipakilala niya ay makita na muna ng mga ito ang magiging papel nito sa kompanya.
“Stolen shots pa lang ang mga iyan,” paliwanag niya habang isa-isang lumalabas ang mga larawan ni Aica. “Kinunan ko siya ng litrato nang hindi niya nalalaman. But look, she’s natural. Kagaya ng ating mga produkto, she’s fresh, she’s vibrant, and she’s young.”
“Saang modeling agency nanggaling ang modelo mo? Is it a prestigious modeling agency?” tanong ni Roselyn na alam niyang sinadya ang tanong para gumawa ng intriga sa ibang naroon.
“No. Isang advantage na hindi nagmula sa anumang modeling agency ang modelong ito dahil nakatitiyak tayo na hindi pa nakita sa kahit anong ad ang mukha niya. She will be exclusive to us.”
“I think mas makakatulong sa produkto natin kung isang modelo ang kukunin natin as product endorser. May followers na kasi. And everyone would want to be like her—–pretty and famous. Sino ang magkakagusto sa isang unknown?”
“Malaki ang tiwala ko na with the help of our creative team ay makikilala ang mukhang ito kasabay sa pagkilala ng consumers sa ating mga produkto. Ang kailangan natin ay isang epektibong advertising campaign.”
“I agree with Sir Sam,” sabi ni Winnie, head ng creative team na inatasan niya para sa promotion. “Hindi natin kailangan ng isang modelong kilala na. We need a fresh face. At saang anggulo man tignan ang mukha ng modelong ito ay napakaganda niya.”
“We all agree,” sabi ng lima pang kasama nito sa team.
Ang head ng ibang department ay sumang-ayon din sa naging desisyon niya. Maliban, siyempre, kay Roselyn.
“This is absurd! Bakit ba ayaw ninyong makinig sa akin? Jinx ang babaeng iyan! Hindi ko ipinapanalangin, pero parang nakikini-kinita ko nang malulugi ang kompanya natin dahil sa maling desisyon na gagawin mo!”
“Kung wala kang nagandang masasabi, Miss Allequir, makakalabas ka na!” bulalas ni Sam. “Get out now!”
“Pagsisisihan mo ang desisyon mong iyan, Sam!” banta ni Roselyn bago nagdadabog na lumabas ng conference room.
“I’m sorry. Mainit lang siguro ang ulo...


ni Miss Allequir kaya hindi niya nakikita ang punto ko. Let’s continue…..”
πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨πŸ‘©β€β€οΈβ€πŸ’‹β€πŸ‘¨
“ATE AICA, pwede bang maupo ka? Kanina pa ako nahihilo sa kapapabalik-balik mo. Para kang pusa na hindi mapaanak,” biro ni Kylie sa kanya. Nakaupo ito sa executive chair sa likod ng malapad na mahogany table.
Nasa loob sila ng opisina ni Sam at naghihintay. Pagkatapos ng presentation nito ay saka lang siya pormal na ipakilala ng binata sa mga naroon.
“Kylie, ninenerbiyos ako! Baka hindi nila ako magustuhan. Baka pintasan lang nila ako.”
“Hay, naku, sa lahat naman ng magandang babae, ikaw ang insecure. Bakit ka kakabahan?”
“May rason para kabahan ang babaeng iyan!” sabi ni Roselyn na animo’y bagyong pumasok sa opisina. “You good-for-nothing bitch! Ano ba ang ipinakain mo kay Sam, ha? Mangkukulam ka ba at ginayuma mo siya?”
Tinangka siyang lapitan ni Roselyn at hatakin pero mabilis itong naawat ni Kylie.
“Ate Roselyn, huwga mo siyang sasaktan!”
“Sige, magsaya ka ngayon! Pero ito ang tandaan mo, hindi ka magtatagumpay na maagaw siya sa akin! Ibabalik kita sa lupalop na pinanggalingan mo! Bitch!”
“Pwede ba, umalis ka na bago pa dumating si Kuya! Kung ayaw na sa iyo ng kapatid ko, huwag mo siyang pilitin!”
“Isa ka pa!” Binalingan nito si Kylie. “May araw ka rin sa akin, makikita mo!”
Pagkasabi niyon ay mabilis na itong lumabas ng opisina.
“Grabe talaga ang babaeng iyan! Sa lahat ng mga babae ni Kuya, iyan ang parang tuko kung makakapit. Ayaw na nga sa kanya ni Kuya ay mapilit pa rin.”
“Ibig mong sabihin, Kylie, marami pang Roselyn ang darating para awayin ako?”
“Hindi, ano? Bakit ka naman aawayin ng mga girlfriend ni Kuya? Si Roselyn lang naman ang may pakialam dito sa kompanya kasi anak siya ni Mr. Adorable, iyong business partner ni Kuya. Iyong iba naman ay karaniwang sang-ayon at tiwala sa pagpili at desisyon ni kuya pagdating sa kukuning modelo.”
Aywan kung bakit nanlamig siya sa natuklasang iyon. Pakiramdam niya ay malaking problema ang kakaharapin niya kung itutuloy pa niya ang pagiging modelo ng Garden of Eden.
“Ate Aica, saan ka pupunta?” tanong ni Kylie nang humakbang siya palabas ng opisina.
Pero hindi niya sinagot ito. Tuloy-tuloy siya hanggang makalabas ng building. Pinara niya ang nagdaang taxi at sumakay. Nagpahatid siya sa address ng bahay nina Sam. Sigurado siya sa gagawin niya. Kahit ano pa ang sabihin ni Sam ay hindi na magbabago ang isip niya.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.