2

When a Single Mom meet the Hot CEO CHAPTER 67


Report

DAVID’s POV:
ALAM kong galit na galit kahapon si Sandra dahil sa biglaang desisyon ko.
I trust my brother again. And gave him another chance, para patunayan sa akin na wala siyang kinalaman sa pagpatay kay Michael.
–FLASHBACK:
“Sa tingin mo ba, kaya kong pumatay? Gago ako at babaero, pero hindi ako pumapatay ng tao.”, bigkas nito habang nakaupo ako sa gilid.
Tahimik kaming dalawa kanina.
Walang sino man ang gustong magsalita, pero sa huli, siya ang unang kumausap sa akin.
Gabing-gabi na at pinapapak na rin ako ng lamok.
Tinitiis ko lang dahil gusto kong sundin ang utos ni Sandra.
I really feel the pain that she’s suffering right now. Lalo pa’t sinabi ni Deo na kapatid ni Kate si Katrina.
Maging ako, nagulat ng husto nang ibulgar niya ito.
I can’t imagine na magkadugo silang dalawa.
“Kung aalisin mo ang tali sa kamay at paa ko, matutulungan kita na ituro sayo ang kasabwat ni Katrina.”, aniya ng kambal ko.
Umiigting na ang aking panga dahil sa mga sinasabi nito.
“Shut the fuck up, Deo!”, singhal na sigaw ko.
Ayoko ng pakinggan siya dahil baka nga pinapaikot niya lang ako.
Minsan niya ng sinira ang buhay at ang pangalan ko sa mismong mata ni Kate. Kaya sapat na sigurong dahilan ‘yon para hindi na ako magkaroon ng tiwala sa binata.
“Lahat ng tao, pwede magbago. David, kahit hindi tayo magkasundo, kapatid pa rin kita. Pamilya tayong dalawa. So let me fix this problem. Ako ang nagsimula, kaya ako ang tatapos.”, wika niya na may pangungumbinsi.
Para siyang tuta dahil sa maamo nitong mukha.
The way he said it, I feel the sincerity.
“Paano ako makakasiguro na gusto mo ng magbago?”, I asked him.
“Gaya ng sinabi ko sayo, handa akong ituro ang kasama ni Katrina.”, litanya nito.
“Bakit mo pa ituturo? Kung pwede mo namang sabihin ngayon.”, wika ko muli na may kainisan sa boses.
“Kapatid, ayokong mabigla ka. Dahil hindi mo magugustuhan kapag binanggit ko ang pangalan niya.”, turan niya sa akin.
“Tangina Deo! Ginagawa mong komplikado ang lahat! Sasabihin mo ba o hindi?!”, I shouted.
Napapakuyom na ako ng kamao dahil sa umaapaw na gigil sa katawan ko ngayon.
Wala pa kasi akong balita na natanggap mula sa binayaran ko tungkol sa pag-iimbestiga.
Kaya hindi ko mapigilan ang emosyon ko sa tuwing binibigkas ni Deo ang tungkol dito.
“Ayoko sa lahat yung binibitin ako. So just tell me who’s that fucking person!”, bulyaw ko ulit.
Napatayo na ako sa pagkakaupo at tumayo sa harapan ng kapatid ko.
“Handa ka bang marinig kung sino siya, kambal?”, taas-kilay na tanong niya.
“Sino ba kasi ang hayop na tinutukoy mo! Diretsuhin mo na lang ako, Deo!”, mariin na sambit ko sabay higit ko sa kanyang t-shirt.
“Kalma. Hindi ako ang kalaban mo.”, he said.
Kaya inalis ko ang kamay ko sa lalaki at marahan na huminga para pakalmahin ang sarili.
“One last question, sino siya?”, mahinahon na tanong ko rito.
He looked at me and then he smiled.
“Si mom. Siya ang may pakana ng lahat. She’s also the one who told to Katrina to kill Michael.”, mahinang sagot niya.
Nanliit naman ang aking mata at halos malunok ko ang buong laway ko dahil dito.
“Damn it! Paano magagawa ni Mom ‘yon?”, bigkas ko naman.
Alam kong ayaw niya kay Kate, pero yung patayin niya ang bata para lang paghiwalayin kami ay sumusobra na.
Hindi na ito makatarungan pa.
“Believe it or not, silang dalawa ang...


nagplano. Tinulungan ko lang si Katrina dahil nga matagal ko na siyang gusto. Nasilaw ako sa pagmamahal noon, pero ngayon, hindi na. Nagsisi na ako sa kasalanan ko. Nilamon na rin ako ng konsensya ko, kaya sinasabi ko ‘to.”, mahabang kwento nito.
Sarili kong magulang, nagawa niyang guluhin ang pamilyang binubuo ko.
And fuck! It hurts!
“Palayain mo lang ako, sasamahan kita sa bahay bukas.”, wika niya muli.
Pinag-isipan ko munang mabuti kung paniniwalaan ko siya o hindi.
But at the end, pinalaya ko pa rin siya.
Wala naman sigurong mali kung magbago ang isang tao na nagkasala.
“I want justice to my son. Mabait na bata ang anak namin ni Kate. Kahit hindi ko siya kadugo, tinuring ko siya na parang akin.”, pahayag ko nang pakawalan si Deo.
“Huwag kang mag-alala, babawi ako sayo. Babawi ako bilang kapatid mo. Yung gusot na pinasok ko, aayusin ko para maging okay na tayo.”, tugon niya at tinapik ang aking braso.
–END OF FLASHBACK–
Heto na kami ngayon, nasa bahay ng magulang ko.
Katabi ko si Deo habang hinihintay namin na lumabas si Mom mula sa kanyang kwarto.
Hindi na ako nagtaka pa nung tumawag si Kate sa akin. Hinahanap niya kami ng kambal ko. At base sa pananalita nito, halos hindi niya makontrol ang inis at galit.
Pero hinayaan ko na lang dahil para din sa amin ang ginagawa ko.
Sa madaling salita, isinantabi ko muna ito.
SABAY naman kaming napatayo ni Deo sa kinauupuan, nang bumaba si Mom.
Nakangiti siya at isa-isa kaming niyakap.
“Nakakatuwa! Pareho kayong dumalaw para kamustahin ako. Ang sweet niyong magkambal.”, malambing na sabi nito.
Hindi ako umimik at pinagmasdan ko muna siya.
Paano niya kaya nagawang patayin ang kaligayahan ng mismong anak niya?
“Teka nga, nagkabati na ba kayo?”, usisang tanong nito.
“Oo. Nagkabati na kami. Maayos na kami ni Deo. Ikaw ba? Kailan mo ba aayusin ang pagkakamali mo?”, sakrastikong saad ko.
Hindi ko na napigilan ang bunganga ko at kusang bumuka ito.
“What are you talking about, David? Pumunta ka ba dito para lang inisin ako?”, she raised her left eyebrow.
“I know everything. So don’t act as if you’re inoccent.”, diretsang turan ko sa magulang na kaharap ko.
Nawala na rin ang respeto ko sa kanya.
And I don’t care anymore about her feelings.
She doesn’t deserve the word respect.
“Deo, kausapin mo nga ang kapatid mo. Dahil hindi ko gusto ang nilalabas ng bibig niya.”, pagbabaling nito sa lalaking nasa tabi ko.
“Mom, I’m sorry. Let just accept the fact na may mali ka.”, tugon ng kambal ko.
“What the hell, Deo?! Pati ba ikaw na paborito ko, magagawa mong sabihin ‘yan sa akin?”, sambit niya na may kalakasan ang boses.
“Sinabi ko na kay David ang nalalaman ko. Katulad mo, mautak akong tao. Kaya nagawa kong imbestigahan ka. At sinabi rin mismo ni Katrina ang tungkol sa ginawa niyo. Inutusan mo siya na lasunin si Michael diba? So she killed the child, para mapunta si David sa kamay niya.”, wika muli ni Deo.
“Wala akong alam dyan. Kaya kung meron man na dapat sisihin, baka si Katrina ‘yon. Dinadawit niya lang ang pangalan ko para sa akin mabaling ang galit ni David.”, she said.
“Stop that nonsense explanation. Wala ng makikinig sayo. Tapos na ang kasinungalingan mo. At kahit nanay kita, handa akong ipakulong ka.”, madiin na turan ko kay Mom.
“So mark my words.”
END OF CHAPTER 67
©Binibining_Timoji
A/N:
4 chapters left na lang❤


2 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.