0

I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS


Report

πŸŽ€KABANATA IKA-LABING ANIMπŸŽ€
“Maligayang pag dating.. ” nakangising bumungad ang mukha ni Thalia pag pasok palamang ni Hayasein sa Gate ng East kasama ang dalawa pa nitong kaibigan at dalawang personal guards.
“Lady Nathalia..”nagbigay galang si Ging kay thalia, yumuko ito. “dadalhin ko po sya sa office ng East. “ani Ging, bagaman alam nyang anak si Hayasein ng taong pinaka kinatatakutan ng lahat ay ayaw nyang ipagpalagay ang loob at basta na lamang iwan ang dalaga sa kamay ni Thalia.
“wala ang mga Rank Student kaya’t ako ang bahala sa kanya. “ani Thalia, hindi na nakaimik pa si Ging nang dakmain si hayasein nang dalawang guard na kasama ni Thalia.
“Bakit narito ka sa East? “matapang na tanong ni Hayasein habang sumusunod sa paglakad kila Thalia.
“hindi ba obvious? Dito ko nag aaral.. “nakangiting sagot ni Thalia, hindi mahulaan ni hayasein kung ano ba talagang lugar ang napuntahan nya, nabasa nya man ang laman ng invitation card na ipinadala sa kanya noon ay hindi parin sya malinawan kahit narito sya ngayon.” sige, iwan nyo muna kami. “utos ni Thalia nang makalayo sila Kay Ging.
Kinorner si Hayasein ng tatlo kaya’t wala syang, nagawa kundi umatras. “sa lugar na ito, Queen Thalia ang itatawag mo sa’kin.. At isa ka lamang palamut naintindihan mo? ” nakataas ang kilay na anito tsaka dinuro-duro ang noo ni Hayasein.”kapag patuloy mong nilandi si Eight hindi ako mag dadalawang isip na ipapatay ka…”
“sa tingin mo ba talaga ay matatakot mo’ko sa ganian? ” sumiring si Hayasein tsaka umikot at pinatamaan ang kasama ni thalia sa panga dahil nasa gitna si Thalia ay inabot din sya ng paa ni Hayasein, aangal pa sana iyomg isa sa kanan pero wala itong nasabi nang aikmuraan sya ni Hayasein. “hwag mo kong dada-anin sa banta mo dahil dalawa lang ang kinatatakutan ko ang tunay kong ina qt ang Dyos. ”
“how dare you! “galit na saad ni thalia at sasampalin si Hayasein pero nasalag nya ang kamay nito, kasunod noon ang pagsuntok nya ng malakas sa pagitan ng ilong at bibig nito na ininda talaga ni Thalia ng sobra.
“awts! F*ck you b*tch! Ano pang ginagawa nyo itali nyo yan! ” galit na utos ni Thalia sa dalawang gwardya na kalalapit lang.
“pwede ba! Wag kayong makialam dito! “nag pupumulit na makawala si Hayasein ngunit wala syang magawa.
“malamang na nasabi na sa’yo ni Dean na kaya ka pinadala rito hindi dahil para mag aral, ipinadala ka rito para mamatay hahahahaha. ” maugong ang naging pagtawa ni Thalia kahit pa nag pasa ang pagkakasuntok ni Hayasein sa kanya na nakaagaw ng pansin ng mga estudyante.
May roong nag yoyosi, may babaeng naglalaklak ng alak may mga estudyanteng puno ng tatoo at mga piercing sa mukha ang lumapit sa kanila. “ikaw! ” tukoy ni Thalia Avanshien, “parusahan mo yan. “utos ni thalia tsaka ibinigay ang latigo dito.
“anong gagawin nyo? ” takot na saad ni Hayasein, “pakawalan nyo ko. ” nag pupumiglas sya ngunit isa ma’y walang naglakas na tumulong sa kanya, nagkataon na wala ang lahat ng Rank Students pati na ang...


Black Phantom kaya’t kinakailangan ni Hayasein mag tiis. “Ah! “daing nya nang buong pwersang hampasin sya ni Avanshien ng latigo sa braso ngunit umabot iyon sa dibdib ng damit nya kaya’t napunit iyon. “Ah.. “muli na namang daing ni Hayasein ngunit hindi pa nakuntento si Thalia dahil nagpakuha sya ng gunting. “Ano ba! Pakiusap!hwag!”nag mamakaawang aniya nang simulang putulin ni Thalia ang buhok nya hanggang sa balikat.
Hindi na napigil ni Hayasein ang pagpatak ng luha nya. “ganito ba talaga kahirap mabuhay? “nasabi nya kahit pa patuloy ang pag hagupit ng latigo sa katawan nya. “gusto ko lang naman na makilala ang tunay kong mga magulang..mali ba yon? ” inalala nya si Chairyl, ang babaeng nagpalaki sa kanya ang taong itinuring syang tunay na anak. “mommy.. “umiiyak na tawag nya kay Chairyl. Sumunod ay naalala nya si Ck .”Kuya… Sana ay nakinig na lang ako sayo.. “gusto man nyang pahidin ang luha nya ay hindi nya magawa dahil ganuon na lang kabilis na naubos ang lakas nya dahil sa daming sugat na tinamo ng katawan nya. Nang magbaba sya ng tingin ay umaagos na ang dugo mula sa katawan nya pababa sa paanan nya. “Ka-kapag n-naka-nakawala ako- i-isa-isahin ko-kayo. ” hirap man ay pinilit iyong sambitin ni Hayasein.
~
“Sabihin mo! Sino ang mga kasama mo! “ani Raizen sa lalake na hawak nya ang braso sa likod at nakadala sa sahig.
Narito sila sa abandonadong
“wala kang makukuha sa’kin! “nakangising saad ng lalake.
“Ganun? “nag iiisip waring saad ni Ivo. “Eight, ayaw umamin paano ba yan? ”
Nakacross legs si Eight habang nakaupo sa lumang sofa, narito sila sa abandonadong building dahil sa mga sumusunod kay Eight. “gawin nyo ang gusto nyo sa taong iyan wala akong panahon para sa kanya. “walang interes na anito palibhasa’y iniisip nya parin ang sinabi ng lolo nya tungkol kay Hayasein, malinaw na gusto nitong ipa-patay si Hayasein pero lubos nyang inaalala ang Ina nito pati na ang kapatid nya.
Inilabas ni Ivo ang isang bagay mula sa bulsa nya, pinindot nya ang button nito dahilan para lumabas ang kuryente sa dulo nito.
“a-ano yan! “takot na saad ng lalake tsaka mabilis na tumulo ang pawis nito.
“hindi ba obvious? “ani Ivo, muli nyang pinindot anf button at idinikit sa katawam ng lalake.
“Ahhhhhhhrggg! “daing nito. “ha…ha…..Ha….”habol hininga nito nang tumigil si Ivo.
“Seken.. “tawag pansin ni Eight kay Ck.
“hmm? May problema ba? “tanong nito.
“ano ang Kaugnayan mo kay Hayasein? ”
Bahagyang nagulat si Calvin sa tinanong ni Eight sa kanya. “paano mong nakilala ang- – -”
“wag na. “putol ni Eight dito. ‘sigurado wala syang kaide-ideya.’ ani Eight sa isip nya. “gusto kong pumunta sa barr, kalimutan muna natin ang Paaralan.” nakapamulsamg tumayo si Eight. “tapusin nyo yan kung ayaw talagang mag salita.”
Inilabas ni Raizen ang kutsilyo nya na may nakaukit na Magic Eight. “hindi kami sasama ni Ivo, papaaminin namin ang lalakeng ito.” ani Raizen.
Hindi sumagot si Eight at sabay silang lumabas ni Seken.
Wala silang kamalay malay na dalawang araw nang pinahihirapan ni Thalia si Hayasein sa East Bridge.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.