0

The_lost_daughter Chapter_12


Report

Nasa palengke ako nang lumapit sakin si Manang Flor.
Chuchay muzta kana iha,bungad nitong tanung sakin.
Ok lang po ako manang,kayo po kamuzta?
Ito namiss ka ngiti nitong sabi,dalawang linggo na kasi kitang hindi nakikita dito sa palengke at nalaman ko rin ang nangyari sa inay mo.
Nalulungkot ako para sayo.
Salamat po manang flor, sigurado masaya na po ngayon si inay na nakikitang maraming nag aalala sakin kagaya niyo, ngiti kung sabi kay manang flor.
Tama yun iha,kung kailangan mo nang ina na makakausap nandito lang ako.
Natigil ang usapan naming iyun ni manang flor,nang may lumapit sa amin na apat na lalaki ang isa ay napakalaking tao.
Kinuha agad ang paninda kung kakanin at itinapon.
Teka,teka ano problema niyo bayaran niyo yang paninda ko,galit kung sabi.
Anong bayaran,may kasalanan ka pa nga samin.
Anong kasalanan ko sa inyo,taas noo kung sinabi..
Bigla ako kwenelyuhan at inangat,ang tapang tapang mo ha,maganda ka sana kaso pakialamera ka.
Dahil sayo nakulong ang isa naming kasama,sabi nito at akma akong sasampalin.
Nang biglang may bumato sa malaking tao nang isda.
Paglingon namin si Ondo,dala dala ang malaking bilo bilong kutsilyo na lumapit samin.
Subukan mo lang saktan ang babaeng mahal ko babalatan kita nang buhay,sabi nito habang itinutok ang dala dalang kutsilyo.
Na halatang may takot itong naramdaman kasi nanginginig pa ang mga kamay nito.
Kaso mabilis kumilos ang malaking tao at binali ang kamay ni ondo,kinuha ang dala dalang nitong kutsilyo,at pinagsusuntok si ondo.
Lumapit ako para pigilan sila,pero mabilis ako itinulak nang malaking tao dahilan nang pagkakabagsak ko nang upo sa sahig..
Lalapitan pa sana ako nang malaking tao,kaso biglang lumapit ang ibang mga tindero nang isda dala dala ang mga kutsilyo nila.
Kaya napahinto ang mga ito.
Hindi kayo aalis dito o pagtutulungan namin kayong kaliskisan nang buhay,sigaw nang isang tindero.
Dumating naman si Cynthia sa palengke,at agad sumigaw.
May pulis,may pulis!
Hindi pa tayo tapos,sabi nang malaking tao bago nagmamadaling umalis.
Mabilis ko agad nilapitan si ondo para alalayang tumayo,na duguan ang bibig.
Ok ka lang ba chuchay,agad na tanung ni cynthia..
Oo ok lang ako,si ondo ang nabugbog..
Sandali lang kuha ako ng yelo at bimpo,agad na sabi ni Cynthia.
Inabot agad sakin ni Cynthia ang dala niyang yelo at bimpo,nilagay ko naman agad sa mga pasa ni Ondo.
Chuchay nag aalala ako sayo,panu kung balikan ka nang mga yun,agad na sabi ni manang flor.
O di kaya doon ka muna sa pinagtatrabahuan ko chuchay,tamang tama kakaalis lang nang tagalinis doon dagdag pa nitong sabi..
Oo nga chuchay sabat...


naman nila Ondo at Cynthia..
Baka kasi sa gabi,pagtinda mo nang bulaklak bigla ka nila tambangan,pag aalalang sabi ni Cynthia.
Wag kayong mag,alala kaya ko ang sarili ko.
Pero chuchay..
Hindi na natuloy ang sasabihin ni ondo nang magsalita ulit ako.
Ikaw sa susunod wag kang magpaka bayani,ha! Ang bayani nasa luneta hindi ikaw yun.
Tingnan mo tuloy mukha mo,ginawang punching bag nang damuhong yun.
Hindi ko naman kasi kayang tumingin lang na sinasaktan ka nang mga yun chuchay,mahinang sabi ni ondo na nakayuko.
Kahit di mo matanggap pagmamahal ko sayo,nandito lang ako bilang kaibigan mo ngiti nitong sabi.
Ouucchh sigaw ni ondo dahil napadiin ko sa mukha niya ang bimpo.
Ok lang naman sakin na basted ako sayo chuchay,wag mo lang pag initan pasa ko biro nitong sabi..
Tinapik ko ang balikat ni ondo at pinahawak ko ang bimpo,sa kanya..
Hindi ako karapat dapat sa pagmamahal mo ondo,balang araw mahahanap mo rin ang babaeng yun,ngiti kung sabi.
Tama na nga yang emote ondo,sabat ni cynthia!
oh ano chuchay ano disesyun mo,tama si manang flor,doon ka muna sa kanya.
Oo chuchay pag doon ka safety ka,libre pa lahat kaya siguradong makakaipon ka,agad na sabi ni manang flor.
Ok sige po manang subukan kong magtrabaho sa inyo..
Pag uwi ko nang bahay ay inihanda ko na agad ang mga gamit ko para sa pagkikita namin ni manang flor,susunduin niya lang daw ako sa palengke.
Habang inaayos ko isa isa ang mga gamit ko,bigla kung natanaw ang kahon kung saan nkalagay ang mga gamit ko nung nakita ako ni inay.
Binuksan ko ulit at isa isa kung tiningnan,nang may nakita akong sulat sa ilalim..
Sulat ni inay..
Anak chuchay aalis ako sa mundong ito na walang pinagsisihan,aalis ako sa mundong to na masaya.
Kasi sa buhay ko nkita at nakasama kita anak.
Hindi man ako ang totoo mong ina,sa puso ko ikaw ay tunay kung anak.
Pangako mo sakin anak na hahanapin mo ang tunay mong mga magulang at maging masaya ka sa piling nila.
Siguro may dahilan sila anak,kung bakit nagawa ka nilang iwan.
Maging matapang ka anak,kahit waka ako sa tabi mo.
Mahal na mahal kita anak..
Inay…
Pagkatapos kong mabasa ang sulat ni inay ay di mapigil ang pag agos nang mga luha ko.
Habang nakahiga ako ay yakap yakap ko parin ang sulat ni inay,hanggang sa tuluyan na nga akong nakatulog…
Itutuloy….


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.