0

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 2


Report

ASHARI’S POV
Ingay ingay bwiset! Kung si Cha Eun Woo sana ‘tong kumakatok edi sana happy kaso puputi muna uwak bago mangyari ‘yon.
Ang sakit pa ng ulo ko, pati mata ko parang luluwa. Daig ko pa umiyak ng isang linggo. Ayan, kdrama pa more ha!
1 pm na, hindi pa ako nag-uumagahan, tanghalian. Kumakalam na sikmura ko. ‘Yung mga ganitong gutom yung nakakapang dilim ng paningin e.
Badtrip pa dahil ang gumising sa akin e yung walang tigil na kumakatok sa pinto ng bahay. Wala nga ako sa mood kaya tamad na tamad kong binuksan ang pinto.
Sino ba yung katok ng katok? Kanina pa ayaw tumigil!
“May katok ka ba sa utak at ayaw mong tumigil sa kakakatok ha?” singhal kong bungad pag bukas ko ng pinto!
Nagkunot ako ng noo ng makita na wala namang tao. Wala ni ha ni ho, kahit anino missing in action.
Agad kong kinalikot ang tenga ko, may mga tunog yata akong naririnig na hindi ko dapat marinig ah.
Multo ba ‘yon?
Minumulto ako?
Tanghaling tapat?
Ashari patawa ka sa sarili mo noh?
Umiling ako at kinumbinsi ang sarili ko na walang multo kasi tanghali palang. Sinong multo ang tanga na mananakot sa ganitong ka-init ng panahon? Pero sabagay, pwedeng nag migrate na dito yung mga multo dahil napagkamalan na nilang impyerno dito sa sobrang init!
Isasara ko na sana ang pinto at papasok na sana ako sa loob ng bahay ng biglang may maliliit na kamay ang humawak sa dulo ng short ko.
Dahan dahan kong ibinaba ang tingin ko.
Susginoo!
Halos himatayin ako ng makita ang isang gusgusing bata na may bitbit na nangungutim din na teddy bear! Akala ko chanak, sisigaw na sana ako sa takot e buti nalang naamoy ko siya agad. Amoy imbornal!
Nahulog ba’to sa kanal?
“Hoy bata sino ka? Maligno ka ba?” tanong ko sa kaniya. Hindi niya ako sinagot, naka-angat lang siya ng tingin sa akin.
Nagtitigan kaming dalawa ng bata. Mukha siyang dalawa o tatlong gulang palang. Nasaan ba magulang nito? Bakit ganyan itsura niya? Ang baho na nga, ang dungis pa. Kahit sampong safe guard yata ibuhos dito hindi pa din e-effect e.
At higit sa lahat, bakit sa dinami dami ng bahay dito sa bahay pa namin ‘to kumatok? Mukha bang welcoming bahay namin ng mga batang uhugin at gusgusin?
Nakipagpaligsahan ng titig sa akin yung bata! Sinamaan ko naman siya ng tingin.
Shooo! Umalis ka na!
Wala akong ipangpapakain sa’yo!
Bawal uhugin dito!
Ayaw magpakabog sa titigan ha!
Papalayasin ko na siya dahil bukod sa mukha siyang chanak e mukha din siyang malas. Ayokong magpasok ng kamalasan sa bahay noh!
“Shoo alis!” sita ko sa kaniya sabay palis ng maliliit niyang kamay na nakakapit sa shorts ko.
Ewwww! Nahawakan ko yung imbornal!
Humikbi naman ‘yung bata at umiyak na nga! Wow umiiyak pala ang mga chanak?
Itutulak ko na sana siya paalis ng bigla niyang yakapin ang tuhod ko sabay sabi ng…
“Mamhaaaaaa!” bulol pa.
Wala na! Finish na, ‘yung legs ko panay kanal na! YUCKKK!
18 na ako pero kapag ganitong puyat ako, pumapatol ako kahit batang hindi pa ipinapanganak, kahit batang sperm cell at egg cell palang papatulan ko talaga!!
MAMHA? As in MAMA WITH LETTER H?
MAMA NIYA MUKHA NIYA!
Kelan ako nagkaanak, bakit hindi ako nainform? Nung umire ba ako ng tibe years ago, hindi ba tae nailabas ko? Bata ba ha?
Jowa nga wala ako! Virgin pa ako kaya MAMA NIYA MUKHA NIYA!
SINO BA MAGULANG NITONG CHANAK NA’TO HA? ISUSUPALPAL KO LANG SA KANIYA ANAK NIYANG AMOY IMBORNAL!!
Aanak anak mga di naman kayang alagaan! Manong gumamit ng condom kung wala naman palang planong alagaan yung anak nila. Libre na nga lang sa DOH ‘yung condom hindi pa sila makahingi?
Diring diri ako habang nakatingin sa tuhod ko na punong puno na ng labak. Nakayakap pa din sa akin yung batang gusgusin. Ewwwww! Yuckkk! Feeling ko ang dumi dumi ko na!
Pilit kong tinatagan ang loob at pagkatao ko. Nandidiri kong hinila sa damit ‘yung batang gusgusin para ilayo siya sa tuhod ko.
“Mamhaaaa.” nagpumiglas siya nung naramdaman niya na hinhila ko siya palayo sa akin. Arrgghhh! Masasakal...


ko na’tong batang ‘to! Ang liit liit ng boses, nakakarindi sa tenga. “Mamha ayaw alis.”
Lalo pang yumakap sa akin! Bwisit naman! Sa sobrang inis ko na sa chanak na’to, kahit labag sa kalooban ko, ginamit ko na ang dalawa kong kamay para buhatin siya sa bewang at ilayo sa akin!
Akala niya bubuhatin ko talaga siya kaya kumawala siya sa pagkakayakap niya sa tuhod ko. Ha! Akala mo lang ‘yon, neknek mong chanak ka!
Mali ka ng taong nilapitan.
Bwisit ako at aminado ako doon. Wala akong bait sa katawan kaya sorry nalang sa’yo! Hmpf.
“Hindi ako mama mo! Umalis ka na shoo!” pagkababa ko kay chanak, mabilis pa sa kisap mata na nagsara ako ng pinto.
Kumaripas din ako ng takbo papunta sa CR! Maliligo na ako, ang bantot ko naaa! Bwisit kasi ‘yung chanak na’yon e.
Matagal akong naligo. Kinuskos ko talaga lahat ng bahid ng chanak na’yon sa katawan ko. Kahit mamula na’tong tuhod ko wala akong pake.
Happy happy na akong lumabas ng masiguro kong germ free at amoy fresh na ako. Pinupunasan ko pa ng tuwalya ang buhok ko at pinag iisipan ko na kung ano ang isusunod kong ima-marathon na kdrama.
Hmmm, sabi nila maganda daw ‘yung MR. Queen. Sige, yun na panonoodin ko.
Dumiretsyo ako sa kusina para maghanda ng pagkain. AlTangHap ko na’to (Almusal, Tanghalian, Hapunan). Ininit ko lang ‘yung natirang adobo na niluto ko pa kaninang madaling araw.
Susubo palang sana ako ng pagkain ko ng biglang marinig ko nanaman ‘yung katok with matching… “Mamha, bukas pinto ikaw.”
Nanlaki butas ng ilong ko!
“Hindi pa din umaalis ‘yung chanak don?” aish! Ang tagal ko na nga sa CR, halos isang oras ako mahigit doon. Akala ko paglabas ko wala na siya.
Nakaka-inisss!!!
Bahala siya diyan, manigas siya kakakatok niya. Hinding hindi ko siya papapasukin sa bahay kahit umulan kumidlat bumagyo pa, wala akong pake–
“AY KULOG KANG MAHABAGIN SA CHANAK!”
Nagulat ako at kamuntik pang ma-itsya ang plato ng biglang kumulog ng malakas.
Agad akong napatingin sa labas ng bintana. Nge, bakit biglang kumulimlim? Parang ang init lang kanina ah.
Sabi na e, sinusundo na ng mga masasamang elemento yung chanak sa labas kaya biglang nagkaganyan ang panahon.
Char, alam ko naman na uulan talaga ngayon, narinig ko sa balita na pinapanood ni tatay kagabi. Kaya nga sobrang init kanina e kasi biglang bubugso ang ulan.
Speaking of ulan, bumagsak na ang malakas na ulan. As in sobrang lakas na nakakabinge na ‘yung tama nito sa yero.
“Mamhaa. Mamhaaa!” may narinig akong sigaw na halos parang pabulong na dahil nasasapawan ng malakas na tunog ng ulan.
Umihip pa ang malakas na hangin. Sumabay pa yung kulog na may kasamang kidlat.
“Mamhaaaaaa!” palahaw na iyak nung chanak sa labas.
Ahhh iyakin belat!
Kumakain ako ng adobo, huwag mo akong gambalain!
“Mamhaa takot ato!” pahina na ng pahina yung boses nung chanak sa labas. Bulol pa nakakairita!
Paubos na din naman ng paubos ‘tong adobo with rice ko. Palakas din ng palakas ang ulan, hangin, kulog at kidlat.
“Mamha pasok ato, behave ato primise.”
Nakatitig lang ako sa plato ko na wala ng laman. Bakit ba ayaw tumigil ng chanak na’yon? Sinabi hindi nga ako Mama niya e!
“Mamhaa plit, takot na ato–”
Inis na tumayo ako at dimiretsyo sa pintuan. Binuksan ko iyon at halos maligo ulit ako sa lakas ng ulan na dala ng hangin na pumapasok dito sa loob.
Ganito pala kalakas ang ulan sa labas?
Ibinaba ko ang tingin ko kay Chanak.
Basang basa na siya at nanginginig na. Inaanod na nga yung mga putik at dumi niya sa katawan dahil sa sobrang basa siya.
“Mamha.” mahina niyang bulong habang nanginginig sa ginaw.
Napakagat nalang ako sa labi ko bago ko siya binuhat papasok sa loob ng bahay. Naramdaman ko na yumakap siya sa leeg ko at ibinaon ang mukha dito.
“I yab (love) you, Mamha” bulong niya sa akin.
Aish, ang bantot pa din niya! Lalong nanapak amoy niya ngayong buhat buhat ko siya.
Hays, ayan na Ashari, nagpapasok ka na ng Chanak sa bahay mo. Ano na ngayon mangyayari huh? Kapag ikaw talaga minalas, ewan ko nalang!
Writens by VictoriaGe


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.