0

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 1


Report

ASHARI’S POV
Ngumangata ako ng Chicharon ni Mang Juan habang nakadapa sa kama at kukuyakoy ang paa.
Yesss! Heaven ang feeling, walang pasok dahil may teacher’s conference. At anong ginagawa kapag walang pasok?
Manonood ng kdrama at anime YEYY! Iyong mga assignment at take home activites? Sus, easy lang mangopya, matatalino naman mga kaklase ko.
“Ihhhhh kilig si akuuu!” ihh ang arti ku, bakit kasi ang pogi ni papa Cha Eun Woo dito sa True Beauty. Kilig to the bones tuloy tumbong ko. “Kyaaaaahhh!”
Sa sobrang kilig ko sa kagwapuhan ni Cha Eun Woo, gumulong gulong ako sa kama. Hindi ko na naramdaman na pumasok pala si Tatay sa kwarto ko.
“Hoy babae!” sabay binato niya ako ng unan sapol tuloy ako sa mukha.
Pinause ko ng mabilis ang pinanonood ko at masamang tumingin kay Tatay. “Bakit ba!?” sigaw ko sabay dampot sa unan na ibinato niya sa akin! Ibabato ko din sa kaniya ‘to, lintik lang walang ganti!
“Sige subukan mong itapon ‘yan sa akin ikaw itatapon ko sa imbornal diyan sa gilid!” pananakot sa akin ng magaling kong ama. Sumalampak ako sa higaan, sumimangot ako at inirapan siya.
“Anong oras na, alas onse na ng gabi tili ka pa ng tili diyan. Para kang naipitan ng pekpek.”
“Bastos talaga ng bunganga mo tatay!” lalo akong sumibangot. Ayan, diyan ako sa tatay ko nagmana, balahura bunganga.
“Matulog ka na! Hindi ako makatulog sa ingay mo e, maaga pa akong ba-byahe bukas tatlong araw akong wala.”
Delivery truck driver kasi si Tatay. Kaming dalawa nalang dito, wala na si Nanay e. Love na love kasi siya ni Lord kaya kinuha agad siya ng maaga.
Itong tatay ko ewan ko kung sino may love dito. Haba ng buhay e. Imagine araw araw pa ‘yang bumabyahe ha, si kamatayan na nahiya sa kaniya kasi never pa siyang na-aksidente.
“Edi bumyahe ka lang, papaalam pa e lagi din naman ikaw wala.”
Duh, minsan nga isang buwan yan di umuuwi sa bahay. Nasanay na din ako noh. Kayang kaya ko ng mabuhay mag-isa, pero syempre susustentuhan pa din niya ako dapat. Ano ako, maagang maghahanap buhay? NO WAY! Sarap kaya manood ng kdrama.
“Wala ka talagang kwentang anak! Sabihan mo man lang sana ako ng ‘Ingat ka tay ha’. Wala ka talagang pusong bata ka! Ginigigigil mo ko e!”
Ewww, cringe! Nagbaby voice pa siya sa ‘Ingat ka tay ha. YUCK! AS IF SABIHAN KO SIYA NG GANON.
“Sige na sige na! Shooo alis na, matutulog na ako!”
Pinandilatan lang ako ng mata ni Tatay. Pag ganon ibig sabihin, nagbabanta na siya na matulog na talaga ako.
Tumango tango ako. Shooo! Alis na!
Isinara na ng tatay ko ang pinto.
Nagbilang ako ng tatlo kasi baka mamaya bumalik nanaman e.
Isa, dalawa, tatlo….YES!!!!
Hindi na bumalik tatay ko. Anong ginagawa ng mababait na anak pagkatapos sabihan ng magulang na matulog na???
Syempre manonood pa din ng kdrama HAHAHA!
Akmang babalik na ako sa panonood ng bigla nanamang pumasok sa kwarto ko si Tatay.
Mabilis pa sa alas kwarto...


na nagtalukbong ako ng kumot para kunwari tulog na talaga ako.
“Oi Ashari huwag kang plastic, alam kong gising ka! Ipagluto mo nalang ako ng babaunin ko bukas kaysa nagpapanggap kang tulog diyan.”
Inis na bumangon ako. “Anong oras na paglulutuin mo pa ko? Anak mo ako, hindi katulong!”
“E kesa manood ka diyan, sige na bilisan mo na ng may magawa ka namang tama!”
Kapag nagpaluto na ang tatay ko, wala na akong kawala kasi hindi niya ako titigilan hanggat hindi ako bumabangon.
Kung bwisit ako, mas bwisit talaga tatay ko. Walang tatalo sa kasamaan ng budhi niya!

Lahat na ng pwede kong ibagsak kalabog dito sa kusina ginawa ko na!
Maliit lang ang bahay namin kaya magkatugon ang kusina at salas. Kung gaano kalakas ang pagdadabog ko dito habang nagluluto, mas malakas naman ang sounds ng tv ng magaling kong tatay.
“Hoy akala ko ba matutulog ka na, bakit nanonood ka pa ha?” ibinagsak ko ang kaldero.
“Binabantayan kita! Atsaka manahimik ka nga, nanonood ako ng balita.”
Kita mo? Balita na ng pang alas dose ng gabi tapos ako nagluluto pa din dito? Ibinagsak ko naman yung kawali. Kung hindi ko lang siya tatay ibabato ko talaga sa kaniya ‘tong kawali na hawak ko.
Natapos ko na ang pagluluto sa wakas. ‘Yung magaling kong ama nanonood pa din.
Lumapit ako sa kaniya para sabihing “Tapos na, initin mo nalang bukas bago ka umalis.”
Nagsenyas naman siya na pwede na akong lumarga. Umirap ako.
Aalis na talaga sana ako ng bigla akong mapukaw ng balita sa pinapanood ng Tatay kong kinulang sa aruga at pagmamahal.
“BREAKING NEWS: IPINAGHAHANAP NG AUTORIDAD ANG BATANG LALAKI NASA LARAWAN. SIYA AY SI GALILEO ARTHFAEL MARCHESE, “GALI” FOR SHORT, DALAWANG TAONG GULANG. PINAPANIWALAANG SIYA AY NAKIDNAP FOR RANSOM. LIMANG DAANG MILYONG PABUYA ANG IBIBIGAY SA KUNG SINO MANG MAKAKAPAGBALIK NG BATA.”
Nanlaki ang mata ko sa pabuya.
“LIMANG DAANG MILYON? WOWWW! ANG YAMAN NG MAGULANG NG BATANG ‘YAN HA!” nagningning ang mata ko sa pabuya.
“Gaano ba ka-espesyal yang batang ‘yan? Naka national TV pa talaga.”- tatay ko
“True, samantalang ako nung nawala ako nung bata ako sampong flyer lang tapos nakaxerox pa.”
Nawala kasi ako nung bata ako mga 5 years old siguro ako non. Pinaghanap naman ako ng tatay ko, nagpaxerox siya ng flyer, sampong piraso ganern.
“Pasalamat ka nga pinaghanap pa kita.”
Kita mo?
Ganyan kagaling ang tatay ko!
Parang kasalanan ko pa na ipinanganak ako dito sa mundo noh. Edi sana ipinutok nalang niya ako sa kumot! Kaka-inis!!!!
“Bwisit ka talaga kahit kaylan. Kapag ako nagkaroon ng isang daang milyon, lalayasan talaga kita! Hinding hindi na ako magpapakita sa’yo kahit kaylan!”
Inirapan ko ang tatay ko bago lumayas at padabog na bumalik sa kwarto.
Dahil nabwisit ako, magdamag akong nag kdrama marathon.
Napuyat ako.
Kinabukasan, wala pa sana akong balak na bumangon kaso may katok ng katok sa pinto! Ang ingay leche.
Anong oras na ba?
Ala una na ng tanghali, sino naman kakatok sa bahay ng ganitong oras?
Aish!
Writens by VictoriaGe


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.