0

BABYSITTING THE MAFIA KID’S CHAPTER 5


Report

ASHARI’S POV
“La~la~la~la~” maligayang maligaya ang kalooban ko habang iniikot ko ang pinakamalapit na grocery store sa bahay. Napapakanta pa ako ng wala sa oras. Whoo, ang sarap pala sa feeling na parang may living banko ka na naiwan sa bahay.
“La~la~la~la”
Lahat ng makita kong masarap, bibilhin ko na. Uubusin ko na ang 3k na iniwan sa akin ng magaling kong tatay! Chocolates, chichirya, soft drinks, lahat!
Habang masayang namimili, bigla kong naalala si 500 M! Awwe, ang cute niya talaga! Nasa ilong ko pa din ‘yung amoy niyang mabango. Pati pisngi niya na mamumula mula at matambok, hindi pa din mawala sa puso ko.
“Ihhhhh! Mayamaaannn na akoo!” tili ko sa gitna ng grocery store. Napatingin sa akin yung ibang bumibili. Imbis na mahiya, inirapan ko lang silang lahat. Hmpf, ano tinitingin tingin niyo diyan ha, mayaman ako! Kaya ko kayong bilhin.
Nag flip ako ng hair at itinulak na ang cart ko. Puno na ng mga chichirya at kung ano ano pang pagkain na bet ko ang cart.
Time to buy gatas na for 500M. Kumakain kaya ng Cerelac ang 500M ko? Naku, dapat bilhan ko siya ng nutritious food. For sure gutom na ‘yung batang cutie na’yon.
Dimiretsyo ako sa stante ng mga gatas. Tumingin ako sa presyo…ANG MAMAHAL NAMAN NG NAKA CAN NA MALAKI. 2K higit. Hmpf, humanap ako ng pinaka mura, buti nalang at nakakita ako.
Tatlong Birch Tree yung tig 8 pesos na nakasache ang kinuha ko. Oha, wag ng mag iinarte si 500M dito mas mahal pa nga to ng 2 pesos sa Alaska powdered milk e. Dumampot na din ako ng cerelac na nakasache din. Pinag isipan ko pa kung dalawa ba o tatlo ang kukunin ko, kaso mejo mahal kaya isa lang kinuha ko.
“Mag fasting ka muna 500M ha, naubos na pera ko pang bili sa mga chichirya ko e.” pagkumbinsi ko sa sarili ko kasi parang nanghihinayang pa ako na bilhan ng cerelac si 500M.
Ibabalik ko na din naman siya bukas ng umaga e! Hindi niya kaylangan ng sandamukal na pagkain noh. Pero syempre dapay pagtagalin ko muna siya sa akin kahit hanggang ngayong gabi para naman masabi ko na inalagaan ko talaga ng mabuti si 500M sa loob ng mahaba habang oras.
Na-i-imagine ko palang kung gaano kaligaya ang mga magulang ni 500M pag ibinalik ko na ang anak nila e kinikilig na kaagad ako. Na-i-imagine ko na yung scenario na i-a-abot nila sa akin ang isang malaking bag na puno ng pera tapos kapalit ay i-a-abot ko naman sa kanila si Chanak-este si 500M.
Haysss, nakakakilig talaga!!!
Pagkatapos ko sa gatas, bumili na din ako ng tingi na diaper. Yung pinaka mura din, tatlong piraso binili ko kasi kung ihihiga ko siya sa tabi ko mamayang pagtulog, e baka ihian ako non. Baka mapatay ko siya ng wala sa oras edi tegi 500 Milyones ko, nakulong pa ako. Mainam ng mag-ingat. Kaylangan niya ng diaper.
Napkin nalang kaya ibili ko kay 500M para mas mura? Hmmm, wag na nga, baka di pa masalo ihi niya.
Pagkatapos mamili sa grocery, agad din akong naglakad pauwi sa bahay. Gabi na at madilim na ang daan pauwi!
Grrr, bakit ba kasi pinanganak akong hindi mayaman e. Ayan naglalakad tuloy ako! Kaunting tiis nalang mga kalyo at t-bak ko sa paa, oras na makuha ko ang 500 milyones ko, bibili agad ako ng kotse! Yung mahabang Lamborghini para agaw pansin! Gusto kong ma-inggit sa akin lahat ng makakakita! MWAHAHAHA!
Habang naglalakad pauwi bitbit ang dalawang eco bag ng groceries, hindi ko mapigilang luminga linga sa paligid ko.
Bakit ba pakiramdam ko e may umaaligid sa aking masamang elemento?
Nagtuloy lang ako sa paglalakad pero iba talaga ang nararamdaman ko.
Alam niyo, ramdam ng masamang kagaya ko kapag may masamang umaaligid din sa kaniya. Radar to radar na’to.
Agad akong huminto at pilit na dinama ang paligid.
“Hoy kung sino ka mang sunod ng sunod, huwag mo ng ituloy dahil pag nakita kita ihaharap kita kay kamatayan ora mismo!” sigaw ko. Di ko naman alam kung may sumusunod talaga pero para sure lang tayo noh, sindakin na kaagad natin! Mwahahaha.
Nagtuloy na ako sa paglalakad. Nawala na din yung pakiramdam ko na may sumusunod sa akin.
Excited na excited akong nagbukas ng pinto. Iniwan ko lang kasi si cutie patootie...


500M dito sa salas. Sabi ko wag siyang maglilikot at makipag laro lang siya don kay Winnie. Sabi niya bago ako umalis “Okey Mamha. Behave ti ato!” bulol na bulol. Sino kaya language teacher ng batang ‘yon, di manlang marunong magturo ng tama.
“500 EM, nandito na si Mamha mooo!” excited kong sigaw.
Pagbukas ko ng pinto…
Nawala lahat ng excitement sa katawan ko at halos manginig ang buong katawan ko ng makita ang makalat at gulo gulong salas. Parang ni-ransack, ni-rape, binastos at inalipusta ang lugar na tumambad sa akin. Sobrang gulo! Yung mga news at magazine ni tatay nakakalat sa sahig. ‘Yung mga unan na nakalagay sa sala set nakalaglag. Yung iba punit punit pa at nakakalat sa sahig ang mga cotton. Anong nangyari? Pati yung ilaw kikindap kindap!
Agad akong binuhusan ng kaba. Hinanap ng mata ko ang pinaka mahalagang bagay para sa akin ngayon. Nawawala! Nawawalaaaaaa!
Nasaan ang 500 milyon ko?
Ibinagsak ko ang dalawang supot ng eco bag sa sahig at nanginginig na tumakbo papasok sa bahay.
“Aahhhhhh! 500 milyon ko nasaan ka na????” nawawala! Nawawala siyaaaaaa!
Leche, ‘yung 500 million ko magiging bato pa yata!
Lahat ng sulok ng salas, hinanap ko siya, wala. Sa kusina hinanap ko, sa mga cabinet baka nagtatago, WALA! NAWALANG BIGLA ANG 500 MILYON KO!!!!!!!!!
Halos bumagsak ang buo kong pagkatao habang pinagmamasdan ang makalat na salas. Maiiyak na yata ako huhu. Lahat ng pangarap ko, lahat masasaya kong imagination, unti unting naglalaho sa memorya ko.
“500 million huhuhuhu.”
Iyak lang ako ng iyak. Ang sakit sakit ahhhh! Mas masakit pa to sa heartbreak ng jowa mo na niloko kaaa!
Huhuhu, nasaan na nagpunta ang 500 Milyon ko!
Bakit nawala na parang bula huhu.
“Mamha?”
Agad akong nag angat ng tingin ng marinig ang maliit na boses na’yon.
Lumingon ako sa likudan ko at nakita ang 500 Milyon ko! Pupungas pungas ang mata niya, magulo ang buhok at bitbit si Winnie. Humikab pa siya bago nag-a-alalang tumingin sa akin.
“Mamha, bat itaw iyak?” maliliit ang hakbang na tumakbo siya palapit sa akin. Hila hila niya si Winnie kaya kamuntik muntik pa siya madapa.
Nakasalampak ako sa sahig ngayon kaya abot niya ang mukha ko. Agad niyang pinunasan ang luha ko gamit ang maliit niyang kamay.
Hindi pa din ako maka get over. Akala ko talaga nawala na siya.
“Mamha tahan na itaw.” sabi niya sa akin. Hinimas pa niya ang ulo ko pagkatapos niyang punasan ang luha ko.
Lalo akong naiyak.
“Ahhhhhhh! 500 Milyon kooooo!” hinigit ko si 500M at niyakap ng mahigpit. “Waaahhh, akala ko mawawala ka na! Saan ka ba nagpunta ha? Diba sabi ko sa’yo dito ka lang sa salas. Akala ko mawawala na yung 500 milyon ko huhu.”
Nakaka-iyak pala lalo yung akala mo mawawala na sayo yung pinakamahalagang bagay na inaasam mo noh. Ganito pala pakiramdam nun huhu.
“May puta (pusa) kati na nakapatok Mamha,”
“Minumura mo ba ako?” kumalas ako sa yakap kay 500M. Aba, minumura ata ako ng batang to e.
Umiling naman siya ng umiling. Yung pisngi niyang matambok sumasabay sa pag iling niya. Sarap lamukusin!
“May cat po na nakapatok.”
“Ahhh, pusa.” bwisit akala ko minumura ako e.
“Talawa tila na puta, nag patong tila dito ta tala tapot nag gulo tila. Natatot ato kaya takbo ato kwarto Mamha. Nakatulog na ato intay.”
(Translation, “Dalawa sila na pusa, nagpatong sila dito sa sala, nag gulo sila. Natakot ako kaya tumakbo ako sa kwarto mo Mamha. Tapos nakatulog na ako kakaintay sayo”)
Muli kong iniikot ang tingin ko sa salas. Hay nako, nakapasok nanaman pala yung mga malalanding pusa ni Aling Marites dito sa bahay namin. Nung nakaraan sa kusina nagwala ‘yon, bagsak lahat ng kasangkapan tapos ngayon dito naman sa salas.
Sa susunod na maabutan ko dito yung dalawang pusa na’yon, gagawin ko na silang siopao.
Ibinalik ko naman ang tingin ko kay 500 M. Nakahinga na ako ng maluwag. Hays, yung mga pangarap at imagination ko na naglalaho na sana, muling nagbalik sa utak ko.
“Tahan na itaw Mamha.” sabi niya sa akin at muli akonh niyakap.
“Oo naman, tatahan na talaga si Mamha. Bumalik na ang 500 Million ko e. Mwahaha!” niyakap ko pabalik si bebe 500M. Bukas na bukas din milyonaryo na akoooo!
“I yab you, Mamha. Huwag mo iwan ti ato.” bulong niya sa tenga ko.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.