0

Ang malambot kong pag-ibig Chapter 9


Report

Rodolfo : Anak, dumating ka na pala, halika sabayan mo akong kumain wala akong kasabay eh..
Vince : Busog po ako papa.
.
Ang totoo gusto lang umiwas ni Vince, dahil mamaya maging topic na naman nila ng papa niya ang pag aasawa niya, ngunit nagtaka si Vince dahil mukhang maganda ang araw ng papa niya, at saka tinatawag siyang anak,.dati Vince lang, at saka kaoag kakausapin siya nito, ay laging parang galit pero ngayon daw ang hinahinahon..
.
Rodolfo : Sige na anak, matagal na din tayong hindi nagkakasabay kumain..
.
Pinagbigyan niya ang ama, nahiling ni Vince na sana ay wala silang pagsimulan ng pagtatalo ng ama, sa totoo nasasabik na din naman siya sa ama, yun nga lang madaming bagay ang hindi nila pagkakaunawaan..
.
Rodolfo : Kumusta ka na anak?
Vince : ayos lang namam po pa!
Rodolfo : pasensiya ka na sakin anak ha, kung minsan may mga bagay ako na ipinipilit sayo, balang araw din mauunawaan mo lahat ng mga ginagawa ko para sa inyo.
.
Blanko sa isip ni Vince kung bakit nagiging masyadong mahinahon ang papa niya.
.
Rodolfo : basta lagi mong iisipin na anak na mahal na mahal kita..siya nga pala anak, alam mo naman na malapit na yong birthday ko, baka naman pwede mo naman ipakilala sakin yong Babaeng nagpapatibok sa puso mo.
.
Biglang nasamid si Vince sa sinabi ng kanyang papa.
.
Rodolfo : Gusto ko naman anak makilala ang girlfriend ng anak ko, kaya sana idala mo siya dito sa birthday ko, ha anak, aasahan ko yun ha.
Vince : Papa, paano po ninyo nalam—
Rodolfo : Nalaman ko kay Natalie(sagot agad niya)
Vince : N-Natalie p-po?
Rodolfo : Oo, nagpunta dito si Natalie at nagbuhos ng sama ng loob sa mama mo, ang sabi niya Kaya daw pala tinanggihan mo siya dahil may iba ka daw ibang mahal, at sabi pa niya hinalikan mo pa yong babae sa harap pa niya mismo, ayun naiiyak sa galit si Natalie, ano na nga ang pangalan ng Girlfriend mo anak?
.
Hindi makasagot si Vince, hindi niya alam ang sasabihin.
.
Rodolfo : sige na anak, sabihin mo na kung anong pangalan ng Girlfriend mo.
.
Vince : A-A-Abby po, Abby Gaile po papa!!
Rodolfo : oh Abby, sana makita ko na si Abby. Kaya anak sana sa Birthday ko ay naririto siya ha, siya ang aking special guest sa aking kaarawan.
.
.
Hindi alam ni Vince ang sasabihin, at hindi na siya makapag dahilan pa dahil nag ring ang phone ng ama at may kinausap ito, noon napag alaman ni Vince na kaya pala ito magiliw sa kanya ay dahil sa natuwa ito sa kanya, at sa mga oras na iyon ay sumakit ang ulo ni Vince dahil napakalaking problema ang kanyang kinakaharap, hindi niya alam na aabot sa kaalaman ng papa niya ang ginawa niyang kasinungalingan kay Natalie, labis tuloy siyang namomroblema, at hanggang sa paglipas ng mga araw, nagkrus ang landas ng magkaibigan sa isang department store, nagkabungguan sila, parang sa una lang nilang pagkikita sa National Bookstore, na nagkabungguan din..
.
Abby : V- Vince!!
Vince : A-Abby!
.
Hindi maintindihan ni Vince ang kanyang nararamdaman nang makita si Abby, parang iba ang tuwa ang nararamdaman niya ng masilayan niya ang magandang mukha ni Abby, at ganun din naman si Abby, nagwawala din ang puso ng masilayan niya ang itinatangi ng kanyang puso, ngunit di siya nagpahalata, walang alam sabihin ang dalawa, parang kapwa nagkakailangan na ang dalawa, hindi nila alam kung ano ang kanilang sasabihin, at hanggang sa nalaman ni Vince na may ibang kasama si Abby at iyon ay ang kasama dati ni Abby na lalake.
.
Jayvee : Abby, tingnan mo to mukhang mas maganda itong—
.
Nahinto sa pagsasalita si Jayvee ng makita niyang may kasama si Abby.
.
Abby : Ah Jayvee siya nga pala si Vince, Vince si Jayvee classmate ko.
Jayvee : kumusta pare.
Vince : Ayus lang pare.
.
At hanggang sa nagulat sina Vince at lalo na si Abby ng lumapit sa kanila ang isang lalake, at tinawag si Vince na anak.
.
Vince : Papa!!!(gulat niyang sabi)
Rodolfo : anak, nandito ka din pala.
.
At noon ay nakatuon ang paningin ni Rodolfo kay Abby, si Abby naman, ay parang may dagang naghahabulan sa kanyang dibdib dahil sa kaba, nag alala siya na baka, magka ugali ang papa ni Vince at ang mama nito na mukhang matapobre.
.
Rodolfo : may kasama ka palang magandang dilag anak.
.
Labis na nag aalala si...


Vince sa mga sandaling iyon, hindi niya alam kung paano sisibat ng alis sa mga sandaling iyon.
.
Rodolfo : Hija ikaw ba si Abby?
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Vince, dahil patay na daw siya..
.
Abby : O-opo sir!(kinakabahan niyang sagot)
.
Nagtataka si Abby, bakit daw ba kilala siya ng papa ni Vince, ngunit ikinagulat ni Abby ang sinabi ng papa ni Vince.
.
Rodolfo : Ah, ikaw pala Hija ang Girlfriend ng anak kong si Vince, masaya akong makilala ka Hija.
.
Nanigas si Abby sa kanyang kinatatayuan, tama daw ba yong narinig niya sa papa ni Vince na girlfriend siya ng anak nito.
.
Rodolfo : Anak, ang ganda ganda naman pala ng girlfriend mo..
.
Kahit si Jayvee ay gulat sa sinabi ng papa ni Vince.
.
Vince : Ah p-papa–
Rodolfo : siya nga pala Hija sa kabilang buwan kaarawan ko, sana makapunta ka ha.
.
Abby : p-po??
.
Gulong gulo si Abby ng mga samdaling iyon, hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa papa ni Vince, kung itatanggi ba niya na hindi siya ang Girlfriend ng anak nito, walang alam bigkasin ang bibig niya na parang umurong pa ang dila niya, si Vince din ay hindi alam ang sasabihin, nahihiya siya kay Abby.
.
Vince : Anong gulo tong pinasok mo Vince, dinamay mo pa si Abby!!(sabi sa sarili)
Abby : Ako girlfriend ni Vince!!(sa isip)
.
May kilig sa puso ni Abby, ngunit sa isiping hindi naman totoo ay naroon ang lungkot, nahiling na lang niya na sana nga, kaso daw ay hindi..
.
Rodolfo : oh paano mauna na ako sa inyo ha, basta Abby Hija, huwag kang mawawala sa Birthday ko.
.
Hindi makapaniwala si Abby na bigla na lang siyang napa Opo sa sinabi ng papa ni Vince, bakit hindi daw siya tumanggi..At Hanggang sa makalipas ang mga sandali ay Solo na nila Abby at Vince, sakay sila ng kotse ni Vince, walang naglakas ng loob na magsalita, kaya sila nagsolo dahil para makapag usap sila ng sarilinan, dahil sa kagagawan nilang pagpapanggap, si Vince ang unang bumasag sa katahimikan sa pagitan nila..
.
Vince : I’m sorry Abby.
.
Ngunit buntong hininga lang ni Abby ang narinig ni Vince, nagalala si Vince dahil baka daw nagagalit si Abby sa kanya.
.
Abby : Ayos lang!
.
Nagluwag ang dibdib ni Vince ng marinig niya ang sinabi ni Abby.
.
Vince : Hiyang hiya na talaga ako sayo Abby, pati ikaw nadadamay sa problema ko.
Abby : diba sabi ko nga sayo, kaibigan mo ako, at kahit na anong tulong naman gagawin ko, hanggat kaya ko, dahil kaibigan kita.
.
Nagulat si Abby, dahil kinuha ni Vince ang kamay niya, at hawak ni Vince ng mahigpit ang kamay niya.
.
Vince : salamat abby, masaya ako dahil nakilala kita, abby huwag mo akong iiwanan ha, kailangan kita.
.
Hindi napigilan ni Abby ang mga luha, hindi niya alam kung anong ibig sabihin ng mga luhang iyon, lungkot ba o saya, basta naiiyak siya dahil sa isiping Hanggang kelan siya magtitiis sa kinikimkim niyang nararamdaman na pagmamahal kay Vince, kaya lagi na lang siyang napapatangay sa mga agos, dahil sa pagmamahal niya sa kaibigan, ikinukubli ni Abby ang mga luha kay Vince, dahil ayaw niyang malaman ni Vince na umiiyak siya dahil kung tatanungin siya nito ay hindi niya alam ang isasagot.
.
Vince : Abby hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka, kaya nagpapasalamat ako sayo dahil nandiyan ka palagi para sakin, salamat.
.
At hanggang sa nagulat na lang si Abby dahil ang mga kamay niya na hawak ni Vince ay dinampian ni Vince ng halik.
.
Vince : Thank you.
.
Sobrang bilis ng tibok ng puso niya, dahil dama niya sa kanyang mga kamay ang malalambot na labi ng kaibigan, at nakita niya si Vince na may mga luha din ang mga tama nito, umiiyak din ito, at dahil dun hindi napigilan ni Abby ang kanyang emosyon na kanina pa niya ikinukubli..
.
Abby : a-ah Vince ano ka ba bakit ka ba umiiyak!!
.
At haggang sa nagulat na lang si Abby dahil kinabig siya ni Vince at niyakap siya nito, lalong bumuhos ang luha ni Abby dahil sa sayang nararamdaman ng puso niya sa mga sandaling iyon dahil yakap-yakap siya ng lalakeng itinatangi ng kanyang puso.
.
Itutuloy..
.
Hays ano ba Author nakakabitin naman!!!!πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
Next please..πŸ˜‚
Sorry po sa mga nabitin diyan, yan lang po nakayanan ng isip ko!!πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚
Salamat po sa mga nagbabasa..πŸ₯°πŸ₯°πŸ₯°


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.