0

*2U* Chapter 2


Report

(Tanya POV)
= pano ka namin macocontact nyan Miss. Sy? Kung naiwala mo ang Cellphone mo?
Tanya- uhmm, k-kasama ko naman po ang cousin ko sa bahay, number na lang po nya ang ibibigay ko sa inyo.
= o sige, pero hindi ko sasabihing asahan mo ang trabahong to, hindi sapat ang degree mo para sa position na napili mo, yung iba nga tapos pa ng BS Math or Management hindi parin nakukuha.
Tanya- naiintindihan ko po. Salamat po.
= okay. Thats good. NEXT!!
+ lumabas nako ng office na yun. Pang limang kompanya na to sa araw nato at wala parin akong siguradong apply. Nakakaramdam nako ng gutom kaya naghanap ako ng makakainang karinderya sa harap ng building nato. At buti naman meron. Pumasok nako at umorder ng pagkain. Pagdating ng order agad nakong kumain dahil sa gutom.
=okay lang tumabi?
+ napatingin ako sa nagsalita, isang lalake. Hindi gaanong katangkaran ngka t-shirt na blue at naka short. Tumango na lang ako dahil puno ng pagkain ang bibig ko. At dahil nga dun, muntik nakong mabilaukan!!
= o! Okay ka lang miss? Eto tubig oh.
+ kinuha ko yun at uminom, ng maalis na ang bumara sa lalamunan ko, napahinga ako ng malalim.
= ahahaha. Magdahan dahan ka kasi Miss.
Tanya- S-salamat ha.
= gutom na gutom ka ah. Sabagay alas 3 na ng hapon, late na para sa tanghalian.
Tanya- hehe.
= ow, ako nga pala si Enzo Velasquez.
Tanya- ahh, Tanya Sy.
Enzo- Chinese?
Tanya- a, hindi, malayo na.
Enzo- ahhh.
+ buti naman may nakakausap ako. Madaldal sya kaya naenjoy ko ang pagkain, pagkatapos ay nagbayad na kami, nagulat nga ako ng bayaran nyarin pati yung akin. At sabay kaming naglakad palabas.
Enzo- by the way, dyan ka ba nagtatrabaho sa building nayan?
Tanya- hindi, actually nag apply ako.
Enzo- talaga. Kamusta? Natanggap ka ba?
Tanya- uhmm, hindi ko sigurado eh, sana.
Enzo- hmm, ano bang inapplyan mo?
Tanya- Kahit Organizer lang sana o kaya Auditor.
+ tumigil sya at humarap sakin.
Enzo- uhmm, Tanya. Gusto mo bang mag apply sa Business ng family namin?
Tanya- ha?
Enzo- Ay! hindi ko pala nabanggit sayo, we are on house and lot business. Kaylangan namin ngayun ng organizer. Tamang tama ah.
Tanya- T-talaga???
Enzo- ahh, hehe, pasensya na, wala ba sa itsura? Mas komportable kasi ako pag ganto ang suot ko eh.
Tanya- hindi naman sa ganun, ang ibigsabihin ko, talaga bang pwede akong mag apply?
Enzo- hindi na kaylangan. Nakilala na kita dahil sa mga kwento mo eh. Ganto na lang. Ito ang business card namin. Text or call me kapag okay sayo then ill bring you sa bahay bukas para ipakilala ka sa parents ko.
+huh?
Tanya- ipakilala??
Enzo- I mean bilang bagong Organizer.
+oo nga naman. Ano bang iniisip mo Tanya?
Enzo- pano? Pauwi ka na ba? Hatid na kita.
Tanya- naku hindi na, may dadaanan pako eh.
Enzo- edi hatid na kita sa dadaanan mo.
Tanya- ok lang talaga. Hehe.
Enzo- o sige. I’ll go ahead, nice meeting you. Ingat ka.
Tanya- ikaw rin.
+ naglakad na nga sya palayo. Grabe, biyaya na talaga ang mismong lumapit sakin. Salamat Lord!! ngingiti na sana ako ng maalala ko na naman ang lalaking nasa bahay ngayun. Syto nga ba yun? Nagsimula na namang sumama ang pakiramdam ko. Uuwi bako? Sa di kalayuan may nakita akong landline telephone, siguro kaylangan ko ng tumawag sa bahay para humingi ng tulong. Tumakbo ako palapit dun at dinial ang landline sa bahay. Agad namang may sumagot.
Nanay- hello?
+ nanghina ako at napaiyak ng marinig ko ang boses ni nanay.
Nanay- hello???
Tanya- N-nay?
Nanay- Tanya? Anak kamusta ka na dyan? Tinatawagan ka namin sa number mo pero di mo sinasagot.
+ hindi ko mapigilang maiyak.
Nanay- umiiyak ka ba? Tanya? Ok ka lang ba dyan?
Tanya- o-ok lang po Nay, pasensya na po, naiwan ko kasi ang cellphone ko eh kaya hindi ko nasasagot ang tawag nyo.
Nanay- ganun ba? Eh, ok ka lang naman ba dyan? Di ka naman nahihirapan dyan sa bahay ng tiya mo?
Tanya- *siff* ok lang po.
Nanay- eh bat ka umiiyak? Anak sabihin mo lang at pupunta kami agad dyan para siguraduhing maayos ka.
Tanya- hindi na kaylangan nay. Natutuwa lang po ako kasi, may mapapasukan na po agad akong trabaho.
Nanay- mabuti naman. Wag pababayaan ang sarili ha, tumawag ka lang kapag may problema.
Tanya- opo. Uhmm, sige na nay. Landline po kasi ito eh, may naghihintay din po na iba.
Nanay- sya sige magiingat ka dyan.
Tanya- opo.
+ binaba ko na nga. Pinunasan ko ang luha ko at naglakad na uli papuntang sakayan pauwi. At nabigla ako ng makita ko sa relo ko na mag aalas singko na pala kaya nagmadali nako. Bakit ba ko natatakot??!! Nagdalawang isip pako pero heto ako nagmadaling kumuha ng taxi para mas mabilis pauwi sa bahay. At pagdating ko sa harap ng pinto. Napabuntong hininga ako. Tama pa ba to? Papasok pa ba ako sa loob ng bahay nato? Hahayaan ko na lang ba na may hindi ko kilalang lalaki ang pumasok at makialam sa buhay ko? Tanya, oras na pumasok ka sa loob ng bahay nayan, paninindigan mo lahat ng mga pinagkasunduan nyo! Huminga muna ako ng malalim, at hindi ko man ginusto ay pumasok akong muli sa loob ng bahay nato. Nakita ko agad sya na palapit sakin.
Tanya- uhmm, a-andito—
*PAK!! *
+ isang malakas na sampal sa muka ang natanggap ko sa kanya, napahawak ako sa pisngi ko at dahan dahang tumingin sa kanya.
Syto- nahuli ka ng limang minuto!!
+ naramdaman ko na naman ang luha ko.
Syto- anong iniiiyak mo??!!
Tanya- ANONG KARAPATAN MONG SAKTAN AKO?!!!
+ tinabig ko ang kamay nya at bubuksan sana uli ang pinto pero pwersahan nyakong hinigit at isinandal sa gilid ng pinto. Sa puntong to umiiyak nako habang tinitingnan sya.
Syto- Tandaan mo, may usapan tayo, at nangako ka.
Tanya- pero wala sa usapan na sasaktan moko!!
Syto- ano pa bang inirereklamo mo ha? Minsan na kitang tinutukan ng kutsilyo, nilagyan ng tela sa bibig at tinakot. Simpleng sampal lang ikinagagalit mo??
Sige!! Umiyak ka pa, pag may nakarinig sayo, sinisigurado kong katapusan mo na!!
+ itinulak ko sya at nagtatakbo pataas sa kwarto, nilock ko to at humiga sa kama habang umiiyak. Pilit nyakong kinatok ng kinatok pero hindi ko balak buksan yun.
Syto- pag hindi moto binuksan sisirain koto!!
TANYA!!!
+ hindi ko sya pinakinggan, ewan ko! Bahala na kung anong mangyare, pero hinding hindi ko bubuksan ang pinto. Pagkaraan ng ilang minuto, tumigil na sya at mukang wala ng balak ipilit na buksan ko ang pinto. Maya maya may narinig akong naguusap sa harap ng bahay kaya sumilip ako sa bintana habang nagpupunas ng luha. At nakita ko dun na kausap ni Syto si Tessie na kapit bahay namin. Halatang maayos ang usapan nila. Sigurado akong puro kasinungalingan ang sinasabi nya. Kaya umupo na ulit ako sa kama. Dapat talaga hindi nako bumalik dito! Napahawak muli ako sa pisngi ko na nasampal at napaiyak. Humiga uli ako at niyakap ang mga binti ko hanggang sa makatulog nakong muli.
(8 pm)
+ nagising ako dahil sa katok sa pinto, hanggang ngayun wala paring nagbubukas kaya pakiramdam ko wala sya, kaya dahan dahan akong bumaba ng kwarto at binuksan ang pinto.
= Mineral Delivery po.
Tanya- salamat. Magkano po?
= ahh, monthly po ang bayad nyan pero, kanina lang po nakabayad na kayo diba binigay na po ni Maam Tessie, sya po ang nangongolekta diba?
+ bigla kong naalala na magkausap kanina si Syto at Tessie.
Tanya- ahh, oo nga pala, sige salamat.
+ umalis na yung...


delivery boy kaya kinuha ko na yung tubig at sinarhan ang pinto. Hindi naman ganun kalaki ang lalagyan kaya nagawa ko naman syang buhatin at ipatong sa gilid ng lababo. At inayos, ng bigla na lang naramdaman kong may yumayakap sa bewang ko mula sa likod at bumulong sa tenga ko.
Syto- dapat pag mga gantong bagay, tinatawag moko.
+ ramdam na ramdam ko ang hininga nya sa tenga ko kaya kumawala agad ako sa kanya!
Tanya- ANO BA?! MANYAK KA BA??
+ inisnob nya lang ako at umupo sa kainan.
Syto- kumain ka na! At sa susunod, wag mo ng uuliting i lock ang sarili mo sa kwarto! Umupo ka dito!!
+ at dahil kaylangan ko nga syang sundin, umupo nako sa harap nya.
Syto- kain na! Ubusin mo yan ha.
+ huminga muna ako ng malalim bago sinimulang kumain, pero hindi ko magawang kumain ng ayos dahil alam kong nakatitig sya sakin.
Tanya- Pano ako kakain ng ayos kung bawat galaw ko tinitingnan mo!
Syto- ngayun ko lang napansin, maganda ka naman pala kapag tahimik ka!
+ kinikilabutan nako sa kanya, feeling ko manyak talaga to, at wag naman sana, umabot dun, dahil ikamamatay ko talaga, siguro hindi nya lang ginagawa sakin ngayun dahil kinukuha nya ang simpatya ko. Hindi hindi ko ibibigay ang sarili ko sa gantong klaseng tao!! Mamamatay muna ako!!
Syto- ano namang nasa isip mo at nakatitig ka sakin?
+ napatungo ako bigla.
Syto- tss! Marunong karin palang mahiya.
+ tumayo sya at yumuko palapit sakin. Hinawakan nya ang baba ko at iniangat ang ulo ko paharap sa kanya. Ngayun ko lang napagmasdan ang muka nya. Kahit napaka dark ng awra nya, may kagwapuhan din naman pala syang taglay, matangos nga talaga ang ilong nya katatamtamang laki at pungay ng mata, makinis na balat, hanggang sa mapadpad ako sa labi nya, napaka ganda ng korte nun hindi ko maiwasang mapatitig, hanggang sa magising ako sa katotohanan at tinabig ang kamay nya.
Tanya- ano bang problema mo?!!
+ bumalik na sya sa pagkakaupo nya at tumawa ng bahagya.
Syto- Ayos ba?
Tanya- ha?!
Syto- ginawa ko yun para ianalyze morin ang itsura ko. minsan ka lang makakakita ng gantong muka, kaya magpasalamat ka.
Tanya- ang lakas rin pala ng bilib mo sa sarili mo nho??
Syto- ang totoo hindi! Pero hindi magsisinungaling yang pisngi mong namumula! Wag mong sabihing sa sampal ko pa yan kanina?
+ napahawak ako sa magkabila kong pisngi at ang init nga nito pareho. Tumayo sya at kinuha ang black leather jacket nya.
Syto- binayaran ko na ang tubig, ikaw na ang bahala sa kuryente. Nasakin parin ang wallet at cp mo.
Tanya- sandali! Kaylangan ko ang cellphone ko.
+ lumapit sya sakin.
Syto- para san?
Tanya- para macontact ko ang inapplyan ko.
Syto- sigurado ka?
Tanya- oo.
Syto- siguraduhin mo ha! Oras na malaman ko na nagsumbong ka at humingi ng tulong, hindi ka na nila aabutang buhay.
+ ipinatong na nya sa harap ko ang cellphone. Bago sya lumabas ng bahay. Tinitigan ko ng matagal ang cellphone ko, iniisip ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Pero hindi ko sigurado kung anong mangyayari pag nagsumbong ako. Hindi! Pinasok ko to! Ako ang aayos nito, ayokong may madamay pang iba, kaya nag txt na lang ako sa number na binigay ni Enzo sakin. Nagreply naman sya ng see you, kasama ng address ng bahay na pupuntahan ko bukas. As long as wala naman syang ginagawa saking masama at pakiramdam ko okay naman basta nagkakasundo kami gagawin ko na lang ang mga bagay na naplano ko na simula pa nung una, yun ay ang magtrabaho dito at makapag padala ng allowance sa probinsya.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga nako sa taas. At dahil pagod ako mabilis akong nakatulog.
(KINABUKASAN)
+ Nagising ako mula sa sinag ng araw sa bintana. Dahan dahan akong bumangon at tumayo, humarap muna ako sa salamin at nagsuklay ng buhok, napatingin naman ako sa damit na nakapatong sa lamesa ng salaminan ko.
Tanya- damit ko to ah, pero bat nandito to?
+ napansin kong may sulat sa papel sa gilid nito.
“yan ang gusto kong isuot mo!”
Tanya- PATI BA NAMAN SA DAMITAN KO NAKIKIALAM KA HA?!!!
+ umiinit ang ulo ko, ang aga aga. Pero alam kong wala naman akong magagawa kundi isuot to. Pagkatapos kong magbihis ay nagmeryenda na uli ako at nakita kong may nakahanda ng pagkain. Hindi ko sya maintindihan. Siguro nga sira ulo sya, at habang ginagawa nya to mas lalo akong kinikilabutan sa kanya!! Pagkakain ko, lumabas nako at pumunta sa address na binigay sakin ni Enzo. Pagdating dun, nakita ko agad sya na nag aayos ng kotse nya.
Enzo- Tanya. Ang aga mo nman. Ang inaasahan ko mamaya ka pa eh.
Tanya- ah, wala naman akong masyadong ginagawa eh.
Enzo- ganun ba? Halika pasok ka. Takot ka ba sa aso?
+ napatigil ako.
Tanya- may aso??? !!!
Enzo- ahahaha, walaaa.
Tanya- eh bat tinanong mo pako?
Enzo- wala lang gusto ko lang malaman kung takot ka sa aso.
Tanya- hayyy, akala ko naman meron.
Enzo- well actually meron talaga.
Tanya- enzo naman eh!!
Enzo- ahahahahaha. Nakakatawa yang itsura mo. Oo meron pero mabait yun kahit yakap yakapin mo pa. Hahahaha.
Tanya- Pinagtitripan mo bako?
Enzo- hindi ha. To naman. Binibiro lang kita. Halika na sa loob.
+ sumunod na nga ako sa kanya paloob ng bahay nila. Ang laki ng bahay nila, mansyon na ata to eh. Hindi naman nakakapag taka kasi mayaman naman sila.
Enzo- Mom, Dad. Si Tanya, our new Organizer.
Mom- ow, hi Tanya, nice to meet you.
Tanya- nice to meet you po.
Enzo- Dad.
+ tumango lang ang daddy nya.
Dad- as expected, nag desisyon ka na naman ng sarili mo. But still welcome here Tanya.
Tanya- s-salamat po.
+ tumalikod na ang daddy nya.
Mom- oh, I need to go, Enzo ikaw na ang bahalang magpaliwanag kay Tanya ng trabaho nya okay?
Enzo- Okay Mommy.
+ umalis narin ang mommy nya. Halata kay Enzo na medyo nalungkot sya pero energetic parin nyakong inentertain.
Enzo- lets go?
+ ipinaliwanag nya na sakin lahat ng gagawin ko, binigay nya narin ang ang files ng house and lot na on sale. Pakuramdam ko kaya ko naman ang trabahong to. Kaylangan ko ring sumama sa kanya anytime na kakaylanganin nyako sa mga presentations. Pagkatapos nun ay nagyaya syang kumain muna sa labas. Kaya isinama nyako sa restaurant na madalas daw nyang kainan. At yun yung resto na kinainan nmin kahapon.
Enzo- kumain ka ng marami ha, its my treat.
Tanya- na naman? Hindi ba dapat oras din ng trabaho ko ngayun?
Enzo- ok lng yan, wala pa namang upcoming presentations kaya, wag kang masyadong magmadali sa pag aayos nyan.
+ tumango na lang ako at nagsimula nang kumain, gusto ko sanang magtanong ng tungkol sa kanina pero baka ayaw nyang pag usapan.
Tanya- uhmm, Enzo?
Enzo- hm?
Tanya- salamat ha.
Enzo- wala yun, tsaka matagal narin akong walang nakakasabay sa pagkain eh.
+ naisip ko baka, hindi nya rin nakakasabay ng pagkain ang parents nya.
Tanya- hmm, wag ka mag alala pag nsumweldo nako ako naman ang manlilibri sayo okay
Enzo- sabi mo eh. Yung mahal ha.
Tanya- ahahaha, o sige.
+ ang cute nya pag ngumingiti. Masaya na sana ako ng may napansin ako sa labas ng restaurant sa may upuan sa gilid.
Tanya- What the hell!!
Enzo- hm? Tanya bakit?
Tanya- ah, wala wala.
+ napatingin uli ako sa labas at laking gulat ko ng makita ko sya na naka upo at naka crossed arms at legs. Bahagya nyang itinaas ang sumbrelo nya at tumingin sakin. Nakaramdam tuloy ako ng kaba. Ngumiti sya ng bahagya at tinaasan ako ng isang kilay. Umiwas ako ng tingin sa kanya. Anong ginagawa nya dito? Sinusundan nya bako? Bakit?!!!!
Itutuloy……


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.