1

ANG AMAZONANG CUTE CHAPTER TWO


Report

“HERE.” inilapag ni Jiro ang dalawang tray na may lamang pag kain. “Treat ko wag kang mag alala.” saad pa nya ng tignan lang sya ni Alexa. “Maupo ka. ” anyaya pa nya.
Nasa kanila ang pares ng mga Mata ng Estudyante, ang mga babae ay tutok kay Jiro dahil sa ka gwapuhan nito. Samantala mabilis na umugong naman ang pangalan ni Alexa dahil sa ginawa nyang pamamahiya sa nag tangka kay Jiro.
“Nilibre mo ba ko kahil nagugustuhan mo na ko? “walang bahid ng malisya ang pag kakabigkas noon ni Alexa kasabay ng pag subo nya ng isang hiwa ng brocolli.
*Cough! Cough!
Kamuntikan nang maibuga ni Jiro ang kanin sa bibig nya dahil sa sinabi ni Alexa. ” nag papatawa ka ba? “nakangiwing aniya.
“oh bakit? Anong masama? “natatawang saad ni ALexa. “pinakita ko naman na sayo na kaya kitang protektahan, kung pwede nga ibigay ko ang buhay ko para sayo.” pahabol pa nya tsaka siniringan si Jiro.
“Tungkulin mo naman talaga yun, kaya’t bakit kita magugustuhan? ”
Napalingon si Alexa sa Kanya. Tsaka ito natawa, ngayon nya lang kasi napah tanto na iba ang pag kakaintindi ng binata sa sinabi nya. “Ang ibig kong sabihin, nagugustuhan mo na ko bilang personal Guard mo hindi kung ano pa man.” nakangising saad ng dalaga.
“haisst! Ayusin mo kasi! “inis na saad pa ng binata palibhasa’y ganun nga ang intindi nya.” teka, pwede bang turuan mo ako nun? ”
“nang alin? ” kunot noong tanonf ni Alexa.
“iyong mga moves mo sa kalaban”
“Ayako., kapag tinuro ko yun sayo ay mawawalan ako ng trabaho. ”
“bakit? Hindi ko naman sasabihin kay Daddy.”
“Kapag maalam ka nang lumaban ay hindi na kita kayang protektahan at ayokong mangyari yon dahil mawawalan na ko ng ganang Saklolohan ka. ” simpleng saad ni Alexa.
Ayaw mang aminin ni Jiro ngunit unti-unti na syang napapahanga sa kakakilala lang na babae sa harap nya, pati na ang paraan nito ng pananalita ay maihahambing sa payapang pag agos ng tubig, mahinahon at walang halong galit o pag tataas manlang ng tono.
“Baka langawin yung pag kain mo, hwag mo akong titigan dahil araw-araw mo akong makakasama.” nakangising saad ng dalaga.
Nginusuan lang sya ng binata tsaka nag patuloy sa pagkain. ” ano palang ginawa mo dun kay Ricky? ”
“yung malaking tao? “tanong pa ni Alexa. Hindi pa man nya nasasagot ang tanong ay napalibutan na ng bulungan ang buong cafeteria.
“Hala bat ganian ang itsura nyan? ”
“si Ricky ba yan. ”
Naglakad ito palapit sa kinauupuan nila Jiro.
“na-nagawa ko na.” utal-utal na saad ng lalake habang tumutulo ang pawis nito.
“Hwag mo nang uulitin to maliwanag. “hindi inalis ni Alexa ang mata nya sa pagkain. “Dahil kung may mga kasama ka pa iisa-isahin ko kayo. ” saad ni Alexa tsaka pa lang lumingon sa lalake na syang nagbalak naanakit kay Jiro.
“O-Oo hindi ko na uulitin. ” saad pa nito tsaka tarantang tumakbo palabas ng Cafeteria.
“hala takot...


na takot sya oh. ”
“ang cool nung babae no. ”
“feeling ko nga ay maiinlab na ako dun sa Guard ni Jiro.”
Padarag na lumingon si Jiro sa huling nag salita.
“Kumalma ka, hindi ako aalis hanggat hindi tapos ang kontrata ko sayo. ” kalmadong saad ni Alexa
“Hindi ako nagagalit dahil iniisip mong mag seselos ako, naiinis ako dahil bakit ka nila magugustuhan eh mukha kang si Pocahontas amazona na kayang bugbugin ang isang daang katao. ”
“tsk. Kinausap ko yung lalake, sabi ko ireport nya sa Dean na balak ka nyang bulihin kapag hindi nya ginawa ay isasabit ko sya sa roof top iyon ang kasunduan namin. ”
“Isa pa, dapat masanay ka nang palagi akong nasa tabi mo kahit pa mag cr ka ay bubuntot ako sayo. ”
“Eh hugasan mo narin kaya yung pwet ko? ” nakataas ang ngusong saad ni Jiro.
“pwede naman basta triple ang bayad ko. ”
“Gagawin mo nga?” nanlalaki ang mata ni Jiro sa sinabi ni Alexa.
“Oo,, pagtapos ay hahatiin ko ang katawan mo sa dalawa sakto may pattern na sa pwet diba? ” pinigil na matawa ni Alexa sa Reaksyon ni Jiro, paniwalang-paniwala ito na magagawa nya iyon kaya’t ang mukha nito ay hindi mawari kung nandidiri ba o maiiyak.
” napaka Dugyot mo talaga! ”
“diba may kasabihan? Konting Dugyot impressive ang Dulot.”
“anong klasing kasabihan yan! ” angal ni Jiro.
Hindi na aya nasagot ni Alexa nang mag ring ang phone nito.
*BOREX CALLING
“OH?problema?”tanong nya pag sagot ng linya.
“We need back up na trap kami sa Company ni Mister Vergara at kasalukuyang pinapaulanan ng mga bala! ” dire-diretsong saad ni Borex sa gitna ng malalalim nyang pag hininga.
“Ano?”Tanong ni Alexa, gayun pa may nanatiling kalmado ito upang hindi mag alala si Jiro.”Lalabas ako saglit, may Siraulong tumawag sakin. ” nakangiting paalam nya kay Jiro.
Tumango si Jiro at na patuloy sa pag kain.
“Sinong suraulo hah! ! “galit na tanong ni Borex sa linya.
“Haisst, nakakainggit ka.. naging kapitan din ako ng grupo pero hindi ko naramdaman ang ganyang klase ng Excitement.” patungkol ni Alexa sa paraan kung paano mag salita si Borex, batid nyang nanginginig ito pero hindi dahil sa Excitement kundi sa takot. “saan nag mumula ang mga Bala? ” tanong ni Alexa.
“sa Kaliwang gilid kung saan naroon ang abandonadong building. ”
“Tatlo-tatlo kayo dyan tapos naisahan pa kayo ng Kalaban? Sige sampung minuto pa at nandyan na ko… Sabihin mo kay Kevin at Amoriz na wag alisin ang mata nila kay Mister Vergara. ”
Pinatay ni Alexa ang Linya tsaka pumasok sa Cafeteria. ” May project ako, baka gusto mong sumama? “tanong ni Alexa kay Jiro pero puzzle ang mukha nito at hindi maintindihan si Alexa. “Halika na. ” hila nya dito patayo.
“Ano ba? San mo ba ko dadalhin! Bitiwan mo ko mag aaral ako ! “sigaw ni Jiro.
“tuturuan kita kung paano bumaril. ” nakangising ani Alexa na nag patigil sa Binata.


One Comment

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.