0

“YUNG IKAW ANG HINDI PINILI PERO NAGAWA MO PARING NGUMITI”


Report

╭────────༺♡༻───────╮
➥written by: Tragic Manunulat✍︎
╰────────༺♡༻───────╯

“Rence!” Tawag sakin ni Bea.

“Hmm!” Wika ko.

“May itatanong ako sayo. Okay lang ba?” Tanong n’ya sakin.

“Ano ‘yon?” Seryusong wika ko sa kanya.

“Parang ang seryuso mo naman masyado Rence.” Wika n’ya.

“No! I’m just curious kung anong itatanong mo sakin.” Wika ko sa kanya at saka ngumiti.

“Ganon ba!” Ani n’ya kaya tumango ako sa kanya.

“What if magkakagusto ako sa kaibigan mo? Anong gagawin mo?” Tanong na medyo nagpagulat sakin. Pero hindi ko pinakita yung pagkagulat ko.

“Edi hahayaan kita kung saan kasasaya.” Malungkot na wika ko sa kanya.

“Hindi moko ipaglalaban sa kanya?” Takang wika n’ya. Kaya umiling nalang ako sa kanyang tanong.

“Hindi! Hindi kita ipaglalaban kung alam kong talo na ako.” Malungkot na wika ko.

” Bakit naman?” Takang tanong n’ya.

“Dahil mahirap lumaban ng mag-isa, kung alam kong mahal n’yo ang isa’t-isa. Saka alam ko rin na hindi ka pababayaan ng kaibigan ko kung sakaling s’ya man ang pipiliin mo kaysa sakin.” Wika ko na pilit na huwag umiyak. Matagal ko naring alam na may pagtingin sila sa isa’t-isa dahil ramdam ko sa kanilang pagtitinginan.

“Paano kung ikaw yung pipiliin ko? Lalaban ka parin ba?” Tanong n’ya. Umiling parin ako.

“Hindi ako lalaban. Dahil alam kung napipilitan kalang na piliin ako. Mas pipiliin ko nalang na masaktan ako kaysa makita kitang nahihirapan, ganon kita ka mahal.” Wika ko. Kaya medyo nagtaka s’ya sa aking naging sagot.

“H-ha? A-anong pinagsasabi mo Rence?” Tanong n’ya kaya napatawa nalang ako sa kanyang naging reaction.

“Kung Mahal mo s’ya, then s’ya ang piliin mo at ipaglaban mo. Huwag mong ipilit ang iyong sarili sa taong hindi mo naman kayang mahalin pabalik.” Wika ko.

“Ren-”

“Shhh!! Hayaan mokong magsalita para matauhan ka naman.” Putol ko sa kanyang sasabihin. Kaya napatuloy ako sa aking sasabihin.

“Huwag mong hayaang saktan ang sarili mo dahil lang sa iniisip mo ang nararamdaman ko. Naiintindihan kita, pero sana this time mas unahin mo ang sarili mo. Kung masaktan mo man ako. Okay lang dahil mas tatanggapin ko na ako yung masaktan kaysa makita kitang nasasaktan mas nasasaktan ako. Dahil ayoko dumating sa point na magsisisi ka na nasa iba na yung taong mahal mo at ako yung pinili mo. Oo ako yung kasama mo pero yung puso at isipan mo ay nasa kanya.” Wika ko at saka tumayo.

Aalis na sana ako ng maramdaman kong hinawakan n’ya ang kaliwang kamay ko, kaya napatigil ako sa paghakbang ko pero hindi ako...


tumingin sa kanya, dahil sa hindi ko pa kaya. Nabigla ako sa kanyang pagyakap sa’kin habang umiiyak narin. Ayoko ko mang gawin ‘to pero mas mabuting itigil na namin kung anong meron sa amin. Dahil ayoko na makitang nasasaktan s’ya.

Rinig na rinig ko ang kanyang paghikbi. Kaya kinalas ko ang pagkakayakap n’ya sakin at saka hinawakan ko ang kanyang mukha at pinunasan ang mga luhang nagsisilabasan galing sa kanyang mga mata.

“Bea, please!” Pilit na huwag umiyak sa kanyang harapan.

“N-no! Bakit mo sakin ginagawa to?” Umiiyak na tanong n’ya.

“Dahil ito ang tama Bea, dahil ayoko na nakikita kitang nasasaktan. At alam kong mahal mo s’ya kaya ngayon hahayaan na kitang mahalin s’ya.” Wika ko na pilit huwag umiyak.

“At kapag sinaktan ka n’ya dito lang ako nasa likuran mo handang tulungan at pakinggan ka. Ngayon malaya kana.” Wika ko sa kanya. At saka hinalikan ang kanyang nuo at ngumiti sa kanya at saka tumalikod sa kanya papalayo at sa paglayo ko sa kanya ramdam na ramdam ko ang puso kong dinudurog-durog.

Masakit man pero kailangan kong gawin to para sa kanya dahil hindi ko kayang nakitang nasasaktan s’ya, mas mabuting ako yung masaktan huwag lang s’ya. Nakita ko ang kaibigan kong papalapit sa akin kaya tumingin ako sa kanya at saka ngumiti.

“Pre! Malaya na s’ya, sana huwag mong hahayaang saktan at paiyakin s’ya. Dahil hindi ko kaya na makitang nasasaktan s’ya. Kaya ko s’ya pinalaya dahil mahal n’yo ang isa’t-isa.” Wika ko at saka tinapik ang kanyang balikat.

“Salamat pre, hindi ko man maipapangako na hindi ko s’ya papaiyakin pero ang maipapangako ko lang ay mamahalin ko s’ya hanggang sa aking makakaya.” Isang ngiti at tango nalang aking naisagot.

“Masaya ako para sa inyo pre! Sige na puntahan mo mya s’ya, siguro umiiyak parin yon hanggang ngayon.” Wika ko sa kanya at lumisan na sa lugar na para sa kanilang dalawa.

Tumingin ako sa langit at saka ngumiti at nagsalita ng katagang

“TAMA NA RENCE MASAYA NA SILA SA ISA’T-ISA. DIBA ITO NAMAN ANG GUSTO MO, KAYA HAYAAN MUNA SILA.”

At masaya na akong lumakad pauwi sa amin. Masakit man pero mas lamang sa aking puso ang kasiyahan dahil nagawa ko din kung ano yung tama.

________
➥THE END.

➢PHOTO NOT MINE.
➢WORK OF FICTION.
➢OPEN FOR CRITICISM.
➢PLAGIARISM IS A CRIME.
➢TYPOS AND GRAMMATICAL ERRORS AHEAD!!!
➢DON’T COPY OR REPOST WITHOUT MY PERMISSION.

➻Kindly add/follow me for more updates.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.