0

“TAYO NALANG DALAWA TAYO NALANG MAG SAMA”


Report

Sa tuwing kumakanta ako
Para sayo talaga yun
Kasi nakaloklok ka sa ipad mo
Kaya di mo alam hinaharana ka na
pala ng katabi mo

Minsan sinabi mo na mahina ka
uminom
At haggang tatlong bote ka lang
Naisip ko na sana ako nalang yung
pangatlong bote
Yung pangatlong bote na
pinakamatagal mong hahawakan
Yung pangatlong bote na hindi mo na kayang sundan pa

Sana ako nalang yung pusa mo na si liam
Na lalambing sayo
Sa mga asul na gabi mo

O pwede namang jowa nalang
Yung mag hahatid ng float at fries
Sa madudugong araw mo
At...


bibisita sayo
Sa hating gabi dahil na mimiss ang
presensiya mo

Pero utang na loob
Wag mo lang ako
Ikukumpara sa ex mo

Yung amoy ko
Na pilit kong binabago
Dahil sabi mo ka amoy ko siya

Yung buhok ko
Na nag kakasebo na
Dahil sa clay doh
Kasi sabi mo kapareho kami ng ayos ng buhok

Kasi kung nag ka mali siya
Mas mag kakamali ako
Kung nag kulang siya
Mas mag kukulang ako

Pero eto lang masasabi ko
Na lahat ng pag kakamali ko
Ay pipilitin kong itama
At lahat ng pagkukulang ko
Ay pipilitin kong punan

1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.