0

When a Single Mom meet The Hot Seo Chapter 13


Report

Kate’s POV:
“Ganito ba ang mga tao dito sa kompanya? Kung makatingin sa akin, akala mo may virus akong dala!”, inis kong turan nang ilapag ko ang kape sa mesa ni David.
Utos niya kasi ito sa akin dahil marami siyang papeles na inaasikaso.
Okay na sana eh.
Nakaya ko naman na labanan yung mga babae sa C.R, pero yung mga tinginan nila sa akin, daig pa nila ang killer.
“What do you mean? May ginawa sila sayo?”, he asked me.
“Pa’no kung sabihin kong oo? Ano ang gagawin mo?”, balik na bigkas ko sa binata.
Hininto nito ang pagpipirma at tumayo para pantayan ako.
“Tinatanong pa ba ‘yan? You’re now my wife, remember? Kaya hindi ko hahayaan na tumagal sila rito.”, he said at naramdaman ko ang init ng palad niya.
“Wife? Wait, kailan mo pa ako naging asawa?”, sambit ko sa kanya na tila sinusuri ko kung seryoso ba siya.
“Masyado kang slow, Kate. Simula nung tanggapin ko kayo sa bahay ko at nung tanggapin ko na maging papa ni Michael, ibig sabihin no’n, tinatanggap ko na maging asawa mo ako.”, nakangiting sabi ni David.
Medyo nagulat ako ng konti dahil hindi ko inaasahan na ganito na pala ang tingin niya sa akin.
Pero hindi tama ‘to. Hindi tama na maniwala agad ako.
Mahirap na, masakit pa namang umasa.
“Sir, hindi mo kailangan na ituring akong asawa. I’m just your secretary, not your wife.”, pagtuturan ko kasabay no’n ay inayos ko ang polo niya.
“So continue your work and just call my name if you need me, okay?”, taas-noo na patuloy ko.
“Fine. Sh*t! Ikaw lang ang tumanggi sa karisma ko.”, inis nitong saad dahilan para matawa ako.
Tinalikuran ko na siya at muling bumalik sa aking pwesto.
Sa totoo lang, wala akong idea kung ano ang gawain ng pagiging secretary.
So in short, tunganga lang ako.
Boring tuloy ang araw ko dahil hindi ako sanay na naka-steady lang.
“Psst.”, sitsit na tawag ko kay David.
Nilingon niya naman ako pero yung titig nito, masyadong masama.
“What?”,
“Pwede ba akong gumamit ng phone? Magpapamusic lang sana.”, pagpapaalam ko.
“Go on. Pero music lang ha? At ayokong makita na nakikipagtext ka.”, he replied.
“Yes boss!”, tugon ko with matching salute pa.
Kaya heto, kinuha ko ang cellphone na nakatago sa aking bra.
Dito kasi ang secret pocket ko para hindi ito manakaw.
Ang bongga noh?
Ganyan talaga kapag mautak ka at maalaga sa bagay.
___
At dahil nga pumayag si Sir na magpamusic ako, mabilis kong plinay ang budots song.
Hindi ako nakapag-exercise kanina, and I think, pwede ko ‘tong gawin dito.
Tumayo ako at inistretch ang aking mga braso, kasabay nito ay...


sinabayan ko na ang tugtog.
Pababa ng pababa ang sayaw ko na animo’y nakainom ako ng alak.
“Tot tot tot tooot tot tott tott!”, pagkakanta ko na rin at hindi pa rin ako humihinto sa pagsasayaw.
Kaso nga lang, narinig ko ang pigil na tawa ni David dahilan para magtaka ako.
“Pinagtatawanan mo ba ako ha?”, asar na tanong ko na may panghahamon.
“Of course not. I’m just enjoying watching you. So go on, just dance.”, kindat na bigkas niya.
“H’wag na. Sinira mo na ang mood ko! Peste ka!”, pagtataray ko at bumalik sa aking upuan.
But still, rinig ko pa rin ang tawa ni David. Kaya tinapon ko na sa kanya ang papel.
“G*go! ‘Wag ka ng tumawa! Para kang demonyo eh!”, pagsisigaw ko.
I don’t care if I act like this.
And I don’t care anymore kahit na boss ko siya.
“Hi Bro! Goodmorning!”, bating saad ng isang lalaki mula sa pinto.
Kaya yung atensyon ko, napunta rito.
“Hindi ba uso sayo ang kumatok bago pumasok?”, balik na turan ni David sa binata.
Ang sungit niya ha?
At ang bilis magbago ng mood niya.
“Bro, wala sa vocabulary ko ‘yan. Besides, kaibigan mo ako. At walang mali kung pumasok na ako.”, wika nito at napabaling ang tingin sa akin.
“Oh, new secretary mo na naman?”, he asked.
“Anong pake mo?”, turan ulit ni David.
Grabe! Napakasungit niyaaa!
“Oo, bago niya akong secretary. It nice to meet you.”, masayang saad ko.
“Me too, Miss. By the way, I’m Edward.”, pagpapakilala nito kaya nakipagshake-hand naman ako.
“Kate. I’m Kate.”, sambit ko sa lalaki.
“Nice name. If you don’t mind, pwede ba kitang ayain maglunch?”, pagtatanong niya.
“No. Hindi siya sasama sa’yo.”, singit na sabi ni David at siya na mismo ang sumagot sa tanong ng kaibigan niya.
“Pero bakit bro? Kakain lang naman kami ng lunch.”, turan nito na tila inaalam ang rason.
“Can you just stop asking?! At kung pumunta ka dito para landiin siya, mas mabuti pang umalis ka na lang.”, pagalit na wika niya.
“Bakit ba masyado kang pikon? Dahil ba, kamukha niya sa Katrina kaya mo siya pinagdadamot?”, pagsasaad muli ng binata.
“I said, stop asking and go out!”, bulyaw nito.
“Chill. Aalis na nga ohh.”, bigkas na lamang ni Edward.
“–But I just want to remind you na babalik pa si Katrina. Babalikan ka pa ng ex-girlfriend mo. So don’t fall inlove with that girl, dahil ikaw din ang mahihirapan.”, huling sabi ng binata bago tuluyang nilisan ang office ni David.
Bahagya namang kumirot ang puso ko nang marinig ko ‘yon.
Ang weird. Sobrang weird lang dahil medyo nasasaktan ako kapag si Katrina ang binabanggit nila.
©Binibining_Timoji


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.