0

ANG AMAZONANG CUTE CHAPTER ONE POINT ONE


Report

“hoy manang, wag mong sabihing pupunta sa school ng ganian? ” tanong ni Jiro sa dalaga, naroon parin ang pagkairita sa itsura nya.
“what’s wrong? It’s cool isn’t it? ” nakangising saad ni Alexa habang ang mga braso nya ay nakatuon sa ibabaw ng upuan ni Jiro na parang isang lalake kung umasta.
“arrrgh..”napalukot ang Mukha ni Jiro sa paraan kung paano sya kausapin ng dalaga.
“Isa pa, 21 lang ako at isang taon lang ang tandan ko sayo Bata kaya hwag mo akonh tawaging manang.” nakangising saad na naman ni Alexa.
“B-bata? “kumikibot-kibot ang kilay ni Jiro dahil sa itinawag sa kanya ng dalaga. “Are you kidding me! Are you kidding me! “sigaw nito tsaka inis na pinreno ang kotse “you should call me Master not Jiro at lalong hindi Bata! ! ” hindi naitago ni Jiro ang pagkainis nya halos naglabasan na ang litid sa leeg nya.
Ipinasok ni Alexa ang hinliliit ng daliri nya sa tenga nya. “ang ingay mo, kalalaki mong tao e” angal pa nya tsaka nya hinipan ang dulo ng daliri pag tanggal nya dito.
“ang Dugyot mo…” halos maiyak si Jiro sa ginawa ni Alexa. Hindi kasi ito sanay sa mga ganung senaryo.bumaba ang paningin ni Jiro sa mga binti ni Alexa na naka dantay sa ibabaw ng harapan ng kotse. “babae ka ba talaga? ” nakangiwing aniya.
Ngumisi si Alexa at akmang mag aalis ng sinturon. ” oh anong gagawin mo? ” nanlalaki ang matang tanong ni Jiro.
“bubuksan ko ang pants ko para ipakita sayo ang laman sa loob, para ikaw na din ang humusga kung babae nga ba ko. ”
” Hindi ako makapaniwala na ganitong klase ng Personal Guard ang makukuha ni Daddy! ”
“Hwag kang spoiled kapag kasama mo ko dahil hindi ko kukunsintihin ang mga kalokohan mo, tatawagin kitang master sa loob lang ng pamamamahay mo. ” seryosong saad ni Alexa.
“Oo na, Oo na… Pero yang suot mo, kailangan mong palitan baka mag takbuhan ang mga kaklase ko kapag nakita ka nila. ” iniliko ni Jiro ang kotse nya papunta sa Mall.
‘ VIRGO MALL ‘
“Good morning master.” yumuko ang guard na nasa harap ng entrance door ng mall para mag bigay galang kay Jiro.
Samantalang si Alexa ay Prenteng naglalakad lang kasunod nya habang naka pasok sa bulsa ang parehong kamay nya.
“nagulat ka ba?” maangas na tanong ni Jiro ng lingunin nya si Alexa.
“Hindi, bago ko pumunta sa mansyon nyo ay alam ko nang may limang mall na pag aari ang pamilya nyo, anim na five Star hotels mga yate sa palawan at...


ilang beach ressort pero sa dami ng properties nyo ay hindi na ko naging interesado. ”
Napanguso si Jiro, kahit pa hindi intensyon ni Alexa na Yabangan sya ay ganon ang, dating para sa kanya.
Pumasok sila sa isang boutique. “Pumili ka ng damit na gusto mo pero siguraduhin mong hindi ako
mapapahiya sa mapipili mo. ” Saad ni Jiro tsaka naupo sa itim na sofa, pinag krus nya ang binti nya tsaka nag tingin ng mga magazine.
“Pwede na? ” lumabas si Alexa sa Fitting room suot ang luis vuitton na long sleeve na peach kapares ang slacks na katerno noon.
Hindi nawala kung paano pumorma si Alexa, naka pasok padin ang isang kamay nya sa bulsa.
“Tayo na. ” hindi pinahalata ni Jiro ang reaksyon nya. ‘maganda nga sya pero magaspang padin ang ugali nang amasonang yan.’
~
“Woah.. Si Jiro ba yan? ”
“hala parang walang pinag bago ang itsura nya”
“gwapo pa din! ”
Napangiti si Jiro sa ilang pamumuri ng mga Estudyante sa kanya, nilingon nya si Alexa pero parang wala itong paki alam sa kung ano ang nangyayari.
“pero sino yan? ”
“Ang ganda grabe. ”
“hala girlfriend nya yata yan eh. ”
“Ohy.. Long time no See.” bumungad ang mukha ng maitim at malaking lalaki nang pumasok si Jiro sa room nya. “sino sya ha? “nakangising tanong nya kay Jiro.
“a-ano.. Ah.. T-tumabi ka.. Dadaan ako. ” utal-utal na saad nya.
“oh.. Tumapang ka na? “nang iinsulto ang boses ng lalake.
‘Ano ba! wala ka bang gagawin? ‘ inis na bulong nya sa isip nya patungkol sa babae sa likod nya na abala sa pag iikot ng mata sa paligid.
“sumagot ka!” sigaw ng lalake, akmang dadakutin nito ang kuwelyo ng damit ni Jiro pero lumihis ito ng tapikin iyon ni Alexa.
“Hindi maaaring sumayad ang kamay mo sa taong ito.” hindi nag babanta ang boses nya tila nakikipag kwentuhan lang habang naka ngiti. “pasensya na.” aniya pa.
“Ah ganun! Eh di ikaw na lang! “sigaw ng lalake.
Kaagad na ginapangan ng kaba si Jiro para sa dalagang kasama nya dahil kilala nyang basagulero ang lalakeng iyon.
Simuntok nito sa mukha si Alexa pero hindi nakita ni Jiro kung paanong nangyari basta ang alam nya lang ay hindi nakatama ang lalake na kinatatakutan nya na ngayon ay nakadapa sa sahig.
Tinapakan ni Alexa ang likod nito. “hwag mo kong dadaanin sa yabang mo dahil mas mayabang ako…pumasok kana sa loob ” utos ni Alexa kay Jiro.
“Ah- – O-oo. ” gusto nyang ngumiti dahil sa tuwa. Ngayon ay wala na syang dapat katakutan dahil sa babaeng amasona.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.