0

When a Single Mom meet the Hot CEO Continuation of Chapter 14


Report

David’s POV:
Hindi ko maipinta ang reaksyon ni Kate habang nakatitig ito sa akin.
Halata kasi sa itsura niya ang pagkagulat na tila hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.
Kaya malakas akong tumawa para iparating sa kanya na biro lang ‘yon.
Iniisip siguro nito na kaya kong gahasain siya.
Well, to be honest, I can’t do it to her.
Kung halik lang ang pag-uusapan, malamang gagawin at gagawin ko talaga ‘yan.
“Crazy.”, rinig kong sambit niya.
“At least, sayo lang naging baliw.”, pagbabanat kong sabi.
“Correction, kay Katrina.”, muli nitong bigkas dahilan para mapawi ang ngiti sa aking labi.
Gusto ko ng kalimutan si Katrina, pero bakit niya pa binabanggit ang pangalan ng dalaga.
Damn! I want to move-on.
“Don’t mention her name again.”, seryoso kong saad.
“Why? Dahil ba affected ka pa rin?”, pagtuturan ni Kate.
Hindi agad ako nakasagot dahil baka hindi niya magustuhan ang lumabas sa bibig ko.
“I know it. You’re affected, because you still love her.”, huling sabi niya at tinalikuran na ako.
Lumabas na rin siya ng office kaya naiwan akong mag-isa.
Aaminin ko, apektado pa rin ako.
Minahal ko ng husto si Katrina, at siya ang pinangarap kong makasama habang-buhay.
Pero sa tuwing nakikita at nakakasama ko si Kate, umiiba ang aking desisyon.
Kakaibang saya kasi ang dinudulot ng mag-ina sa akin, na halos hindi ko na naiisip pa ang ex-girlfriend ko.
And I admit na sa umpisa, ginagamit ko siya.
Pero kaninang umaga, narealize ko na hindi ko kayang mawala si Kate.
She’s now important to my life. So I don’t want to lose her.
At sa tingin ko, panahon na para kalimutan ko si Katrina. Nang sa gano’n, mabuksan ko na ulit ang puso ko para kay Kate.
___
Sa naisip kong ito ay mabilis akong naglakad para sundan ang babae sa baba.
Mahirap na, masyado pa namang fit ang suot nitong uniform, kaya baka matipuhan siya ng mga lalaki.
At hindi nga ako nagkamali, dahil pagkarating ko sa canteen, may kasama agad si Kate–at ‘yon ay walang iba kundi...


si Edward.
Napakuyom tuloy ako ng kamao nang lapitan ko sila.
Pero yung mata ko, umaapaw dito ang selos, dahil nakikita ko mismo kung gaano kasaya ang babae na kausap ang binata.
“Eating lunch together, while smiling. Ang ganda yata ng pinag-uusapan niyo. Baka pwede n’yong i-share?”, saad ko rito na may kainisan sa boses.
Napalingon silang dalawa sa gawi ko na kung saan nakatayo ako sa mismong likuran ni Kate.
“Nabanggit niya kasi sa akin na single mom siya. Kaya biniro ko, na baka pwede akong umapply bilang papa nung bata.”, wika ni Edward na animo’y proud na proud pa.
“Hindi mo na kailangan na umapply, dahil meron ng papa ang anak niya.”, turan ko sa lalaki.
“Gano’n ba? Sino ba ang taong ‘yon? Napakaswerte naman.”, ngiting sabi niya.
“Kaya nga maswerte ako. So back-off.”, mabilis na tugon ko.
“What?”, tanong nito na may pagtataka.
“Bro, mayaman kang tao. Kaya bago ka lumandi ng babae, bumili ka muna ng cotton buds.”, saad ko sa kanya na dinaan ko pa sa pamimikon.
“Tsk. Iniwan ka lang ng kapatid ko, naging ganyan ka na. Pati secretary mo, pinapatos mo.”, balik na turan ni Edward.
Yes, magkapatid nga sila ni Katrina.
And this is one of the reason, kung bakit pinapaiwas ko si Kate sa binata.
“Your sister is nothing to me, now.”, saad ko muli kasabay ng pagpatong ko ng kamay sa mesa.
“–And Kate is not just my secretary. But she’s also my lover.”, I said as I continue my words.
END OF CHAPTER 14
____
A/N: Hi Admins, I know that some of my stories ay merong mga bad words kaya nilalagyan ko ng “*”. At yung bad words po, parts lang po ‘yon ng stories kagaya nung pagmumura. Sana po hindi na ako maalis sa group na ‘to, kasi sayang po ng stories ko. And if ever na may nilabag man po ako, please tell me para alam ko ang reasons at malaman din ng readers kung bakit hindi ako makapag-update. Ayon lang po. Thank you.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.