0

When a Single Mom meet the Hot CEO Chapter Two


Report

Chapter Two (When a Single Mom meet the Hot CEO)
____
Kate’s POV:
Sa daming tao na pwede maging customer dito sa club. Bakit siya pa?
Hindi naman sa choosy ako, pero parang gano’n na nga.
Hindi ko lang gusto ang ugali ng lalaking ‘to! At lalong hindi ko nagustuhan ang tabas ng dila niya kanina.
Ang kapal ng mukha para sabihan akong Manang?! Pwess ngayon, maglaway ka! Grrrr.
“You can sit beside me, honey.”, mapang-akit na turan niya sa akin na tila hindi ako nakilala.
And I just realized na ibang-iba pala ang awra ko ngayon dahil sa suot kong damit at makapal na make-up na tumatakip sa inosente kong mukha.
Then it’s good to know!
At least, magagawa ko s’yang paglaruan para makaganti sa pagtawag n’yang Manang.
So ‘yon, umupo ako sa tabi niya.
Hindi ko inalis ang ngiti kong nakakaakit.
“First time kong pumunta sa ganitong lugar. Buti na lang, hindi ako naturn-off sa mga babaeng nandito. And I’m glad to see you, Miss.”, panimula nitong wika.
“Share mo lang?”,
“–I mean, me too. Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. David.”, saad ko sa binata.
Napakagat ako ng aking labi at bahagya kong nilihis ang off-shoulder ko na suot ko.
Alam ko kasi na ito ang kahinaan ng mga lalaki.
“Shit. You look so perfect.”,
“–Anong pangalan mo?”, he asked me na hindi pa rin mawala ang titig niya sa collar bone ko.
“I’m Kate.”, simple kong turan at mahina kong pinisil ang pisngi nito.
“But you can call me, whatever you want.”, patuloy kong saad.
Pero laking gulat ko naman...


nang mabilis nitong kinabig ang likuran ko para mapalapit sa mukha niya.
“Hindi ko alam, pero gusto kitang makilala, Ms. Kate.”, mahinang sambit niya dahilan para maamoy ko ang hininga nito.
Hininga na sobrang bango at nakakaadik na amuyin.
But NO. A big NO.
Hindi dapat ako magpadala sa mga pakurap-kurap ng mata niya.
Dapat siya ang maakit sa akin at hindi ako.
“Pwede mo naman akong kilalanin eh.”,
“–I feel the same way also.”, tugon ko habang nakangisi ang labi.
“Then, let’s do one night stand.”, agad na saad ni David kaya awtomatikong napalayo ako sa kanya.
“What? Do you have a problem with that?”, kunot-noong bigkas nito na tila nagtataka siya kung bakit ganito ang naging reaksyon ko.
“I’m sorry. Pero hindi ako sanay sa ganyan.”, diretsa kong sagot.
Medyo natawa naman ito, kaya tinitigan ko na rin siya.
“I don’t believe you.”,
“–Nagtatrabaho ka sa club, at imposible na wala kang experience pagdating sa kama.”, he said.
Ewan ko ba, pero unti-unti kumulo ang aking dugo.
“Mr. David, ibahin mo ako sa mga babaeng nandito.”,
“–Yes, I’m working here. But it doesn’t mean na makukuha mo agad ang gusto mo.”, taas-kilay kong wika.
Muli kong hinigit ang kanyang polo palapit ulit sa mukha ko.
Konting pagitan na lang, magdadampi na ang labi namin.
“And next time, kung aayain mo ako, make sure, na hindi kaliitan ang dinadala mo, MANONG.”, madiin kong bigkas saka tumayo at iniwan siya.
Naging easy-to-get na ako noon sa maling lalaki, kaya natuto na ako.
At hindi ko na ‘yon uulitin pa.
____
To be continueee…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.