0

When a Single Mom meet the Hot CEO Continuation of Chapter Two


Report

Continuation of Chapter Two (When a Single Mom meet the Hot CEO)
____
Kate’s POV:
“Oh, anong itsura ‘yan Kate? Ba’t parang hindi maipinta ang bibig mo?”, saad ng aming manager dito sa club.
Inis akong pumasok sa private room kaya yung atensyon ng mga babaeng nag-aayos, napunta sa akin.
“Nakakabwisit kasi yung naka-table ko Ma’am. Ayain ba naman ako na one night stand? Kaya ayon, iniwan ko.”, asar kong tugon at napasapo sa noo.
“Kate naman, ang gwapo-gwapo ng ka-table mo. At higit sa lahat, mayaman pa.”,
“–Tapos tinanggihan mo lang?”,
“–Para mo na ring tinakwil ang grasya na lumapit sayo.”, wika nito na animo’y sinesermonan ako.
“Ma’am, kailanman hindi ko ipagpapalit ang dignidad ko dahil lang sa pera.”,
“–May anak ako. At ayokong isipin ng anak ko na yung kinakain niya, galing sa maling paraan.”, magalang na saad ko sa Ginang.
“Hay naku, bahala ka. Sinasabihan lang kita, Kate.”,
“–Dahil sa panahon ngayon, mahirap na makahanap ng pera. Pero kung ‘yan ang desisyon mo, sige, hahayaan kita.”, tanging turan niya, kaya medyo gumaan ang loob ko.
Bumalik na ako sa dati kong trabaho, kung saan taga-serve lang ako ng inumin sa mga customer.
Dito ko binuhos ang oras ko, para sa gano’n, hindi na uminit ang ulo ko dahil sa mokong na ‘yon.
Kaso mukhang minamalas ako sa gabing ito, dahil bigla akong nakaramdam ng pagkahilo, dahilan para mahulog ko ang tray na aking dala.
“Ahm, s-sorry. H-hindi ko sinasadya.”, kinakabahan na sambit ko sa grupo ng mga lalaking nag-iinuman.
Natapunan ko kasi ang isang kasamahan nila, na medyo kakaiba ang datingan.
And I think, badtrip yata ang taong ito dahil halata ko sa kanyang reaksyon ang pagkagalit.
“Hindi ako tumatanggap ng sorry.”, wika nito kaya napayuko na lamang ako.
“Ah, a-ako na lang ang sasagot sa alak niyo Sir, bilang k-kabayaran.”, nauutal kong saad.
Pero yung ekspresyon ng mukha niya, walang pinagbago.
“Dilaan mo.”, bigkas nito at tinitigan ako sa mata.
“H-ho?”,
“Sabi ko, dilaan mo. Hubarin mo ang polo ko, tapos dilaan mo ang dibdib ko hanggang sa mawala ang lagkit.”, pag-uulit na sabi ng lalaki.
“P-pero–“,
“Mas mahal pa sa buhay mo, ang halaga ng damit ko....


Kaya kung ako sayo, dilaan mo na lang para matapos na.”, wika niya na animo’y nababasa ang nasa isip ko.
Napapikit ako ng mariin bago ako lumapit sa kanya.
Akma ko na sanang bubuksan ang butones nito, kaso may biglang pumigil sa akin na gawin ‘yon.
“Wala kang karapatan na utusan ng ganyan ang babae, pare.”,
“–Magkano ba ang polo mo ha?”, saad nito na tila may panghahamon sa boses.
“Tsk. Sino ka ba?”, turan ng binata at napatayo ito sa pagkakaupo.
“Hindi mo yata kilala ang binabangga mo. Kaya pag-isipan mo ng mabuti ang sasabihin mo.”, maangas na patuloy nito sa lalaking katabi ko.
Oo, ang lalaking katabi ko ngayon, ay si David!
Kaya nagtataka ako, kung bakit niya ako nagawang tulungan.
“Alam mo, sa tingin ko, ikaw ang dapat na mag-isip.”, ngising tugon ng binata.
This time, nagsitayuan na rin ang mga kasama ng taong nabuhusan ko.
Natatakot na ako dahil baka ang kasunod nito ay gulo.
Pero pang-iinsulto na tawa lamang ang ginawa ni David na tila hindi man lang nasindak.
“I guess, you need to talk to them, first.”, saad nito kasabay ng paglapit ng mga lalaking nasa bar.
Halos malaglag ang panga ko nang makita ko, kung gaano karami ang back-up ni David.
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinigit niya ang aking kamay palabas ng club.
“Anong bang problema mo ha?”, tanong ko sa binata.
“Wala ba sa vocabulary mo ang salitang ‘thank you’?”, bigkas niya na tila pinaparating sa akin na magpasalamat ako.
“Sa pagkakaalala ko, walang suntukan na naganap sa loob. Kaya walang rason para pasalamatan ka.”, mataray kong saad.
“You’re really different.”,
“–Ikaw lang yata ang hindi kumagat sa karismang dala ko.”,
“Karisma? Wow, saan banda ang karisma mo? Siguro nung pinanganak ka, nabagok ang ulo mo sa inidoro.”, labas sa ilong na turan ko at tinarayan siya.
Nakakawalang-gana kapag nakikita ko ang itsura niya!
_____
A/N: To the admin, lalagyan ko na lang po ng “*” ang mga vulgar words na gagamitin ko para hindi ako mareport. Sayang naman po kasi kung mareport ako. Maganda po kasi ang lesson na ‘to. And full of twist po ito. Thank you po and Godbless.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.