0

WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 50


Report

SANDRA’s POV:
MAINIT ang ulo ko na umuwi sa mansion ni Derick. Pero nung nakita ko ang lalaki, I just act normal para hindi ito magtanong.
Ayoko kasi na pakialaman niya ang bawat kilos ko kaya ililihim ko ang ginawa sa akin ni David.
Hindi na ‘yon importante pa dahil hindi na ako magpapaapekto sa kanya.
“Sandra, kumain ka na ba?”, tanong ni Derick nang madaanan ko siya sa table na kumakain.
Nag-iisa ito na tila hinihintay talaga ang pag-uwi ko.
“Hindi pa.”, I replied.
Hindi naman talaga ako kumakain pa dahil nga sa pesteng restaurant na pinuntahan namin.
Ang daming nalalaman, may pa kiss scene pa para bumenta ang kainan nila.
Bwisit!
“Pinapagutom mo ang sarili mo, Sandra. Hays.”, bigkas nito na tila nadisappoint sa sinabi ko.
“I’m not hungry.”, pagsisinungaling ko. Kaso biglang kumalam ang aking sikmura dahilan para mapatawa si Derick.
Ganitong-ganito siya nung kami pa.
Mabait na tao ang lalaki at higit sa lahat maalalahanin lalo na kapag may sakit ako.
Ito ang ugali niya na nagustuhan ko kaya minahal ko siya.
“Come here, let’s eat.”, turan niya nang i-assisst ako papunta sa mesa.
Tiningnan ko naman ang ulam na nakahain at yung mga ayoko pa talaga ang pinaluto niya.
“Derick, alam mong hindi ako kumakain niyan. I hate that.”, mataray kong saad.
“I know Sandra. Pero katulad ng dati, magagalit ako kapag hindi ka kumain niyan.”, he said while pointing the vegetable.
“Teka nga, bakit mo ba ginagawa ‘to?”, I asked him.
Feeling ko kasi binabalikan niya ang tungkol sa amin para mahalin ko ulit siya.
“Nagbabakasakali lang ako, Sandra na baka maalala mo yung tayo. Kung paano tayo nagsimula at kung paano mo ako mahalin. Dahil gusto ko, maging tayo ulit.”, yukong sagot niya.
“Derick naman, bakit ba ang kulit mo? Hindi na nga pwede diba? Hindi na tayo pwede. Yung relasyon natin, hanggang doon na lang. So please, ‘wag mo ng ipagpilitan pa ang sarili mo sa akin. I don’t love you anymore.”, pagpaprangka ko.
Gumuhit ang malungkot na ngiti niya at kinuha ang phone sa table.
“Sorry, akala ko kasi, first love never dies, kaya–“,
“Stop it. Tigilan mo na ‘yang kahibangan mo. Kaya ka nasasaktan dahil masyado kang nag-ooverthink.”, muli kong sambit.
“Oo Sandra, overthink ako pagdating sayo. Pero sana ‘yang sinasabi mo, ma-apply mo sa sarili mo. Baka nga, malaman ko, bumalik ka na kay David.”, mapaklang saad niya.
Binuksan nito ang phone at pinakita ang isang post ng halikan.
Posted na pala ito sa restaurant na pinasukan namin.
“See? Kahit hindi mo ako kasama, alam ko na siya pa rin ang mahal mo. Konting galawan lang ni David, lumalambot ka agad. Paano mo makukuha ang hustisya ng anak natin kung palaging puso ang papairalin mo?”, wika niya na tila may panenermon na kasama.
Fuck!
“Hindi ko siya mahal. At ‘yang halik na ‘yon, wala ng malisya. I don’t love David!”, pagsisigaw ko.
Aalis na sana ako para tumungo sa taas, kaso hinawakan nito ang aking braso.
“Hanggang salita ka lang yata, Sandra. Gawin mo naman ang dapat. Sayang ng bago mong anyo kung hindi mo ito gagamitin.”, wika niya bago pinakawalan ang braso ko.
Hindi ko na siya maintindihan.
I know na concern siya sa akin pero hindi niya dapat sinasabi ang mga bagay na ganyan.
I can do whatever I want, may plano ako para kay David. Kaya hindi niya dapat pinangungunahan ang gusto kong mangyari.
Napasabunot tuloy ako ng buhok nang pumasok sa aking kwarto.
Bakit ba kasi pinagpipilitan niya pa ang sarili sa akin?
Oo, first love ko si Derick, pero malabo na ang pinapangarap niya.
Ang lahat sa amin, bangungot na ng nakaraan.
At ako ang nagpapatunay na yung first...


love, walang panama kapag ayaw mo na talaga.
DIET muna ako ngayong araw dahil ayoko munang makasama si Derick sa ibaba.
Kaya tanging cookies at juice lang ang kinain ko para sa gano’n hindi naman sumakit ang tiyan ko sa gutom.
I guess, kailangan kong umiwas ng konti sa binata dahil nasasaktan ko lang siya sa kinikilos ko.
Ang buong akala niya kasi may pag-asa pa rin kami sa kabila ng pagtulong nito.
Feeling ko tuloy, pilit na tulong ang ginawa niya para makuha ang loob ko.
Tsk. Bakit ba ganyan ang mga lalaki?
Dapat ba may kapalit ang bawat galaw nila?
“Inaantok tuloy ako.”, iling na bigkas ko.
Isinantabi ko ang cookies sa side table at humiga sa malambot na kama.
I stretched my arms para maalis ang pagod.
Wala naman akong ginawa ngayong araw, pero pakiramdam ko pagod na pagod ako.
Napagod ako dahil dalawang beses akong binastos ni David. Pero ang hindi ko malilimutan yung sinabi niya sa akin sa mall.
Masyadong demonyo ang pagkakabigkas ng lalaki na tila binabalakan ako ng masama.
Well, hindi ako magpapauto sa kanya.
Minsan ng nauto si Kate sa mga salitang binitawan niya kaya hindi ko na ‘yon uulitin pa kay Sandra.
Kung wais siya, mas magiging wais pa ako sa inaakala nito.
Ipipikit ko na sana ang aking mata kaso biglang tumunog ang cellphone mula sa maliit kong bag.
Napaka-wrong timing! Inaantok na, tsaka naman may tumawag.
Napabalikwas ako ng bangon at inabot ang bag para kunin ang phone.
Pero bumungad sa mata ko ang pangalan ni David.
Yes, siya ang tumatawag!
Ang kapal ng mukha niya para tumawag, matapos niya akong halikan at bastusin!
Wala na siya sa tamang pag-iisip!
“Kung tumawag ka dito para magpaliwanag, hindi ako maniniwala sayo. Kaya tigilan mo na ako. Dahil kahit anong sabihin mo, my answer is NO! A big NO! Hindi na ako makikipagpartner pa sayo.”, agad na wika ko.
Prinangka ko na siya para tuluyan na itong gumapang sa lupa.
This is what I want! Yung maghirap siya at makitang nagdudusa ang isang David.
“Miss Sandra, pakiusap, bigyan mo ako ng pagkakataon para–“,
Hindi ko na siya hinayaan na mag-explain pa kaya nagsalita na agad ako.
“Hindi kita boyfriend para bigyan ng pagkakataon. Sapat na siguro ang mga sinabi mo kanina para malaman ko ang totoo mong ugali. Bukod sa manyakis ka, halatang babaero ka. Nakakadiri kang tao. May asawa na, nagagawa pa ring tumuka sa iba.”, I said in a loud voice.
Kaso bigla ito naging kalmado na tila seryoso ang datingan.
“I mean it. Yung halik, sinadya ko ‘yon. Kasi gusto ko. Dahil ginusto ko.”, diretsang saad niya.
Napakagat-labi tuloy ako dahil naguguluhan ako sa inaasta ni David.
“Tumigil ka na dahil may boyfriend ako.”, madiin na bigkas ko.
Kaso patuloy siya sa pagsasalita.
Walang tigil ang salita nito na parang ayaw magpapigil.
Umiiba na rin ang boses ni David na animo’y lasing na ito.
Teka, mukhang umiinom yata siya ng alak dahil naririnig ko ang paglagok niya.
Ibang klase talaga ang taong ‘to!
“Alam mo, naisip ko na sana ikaw na lang si Kate. Na sana ikaw na lang ang asawa ko.”, wika niya sa akin.
Wala akong panahon para pakinggan ito kaya nilapag ko ang cellphone sa kama at humiga na ulit.
Salita siya ng salita habang ako, sinusubukan ko na matulog.
“Hindi pa kita gaanong kilala, pero malakas ang impact mo sa akin Sandra. Kung ano ang naramdaman ko kay Kate noon, gano’n din ang naramdaman ko nung makita ko ang tulad mo.”, pahayag nito dahilan para maantok ako.
Ito ang huling salita na narinig ko, bago ako dinalaw ng antok.
Kung sabagay, kahit naman marinig ko ‘yon, wala na akong pakialam.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.