0

*2U* Chapter 19


Report

(Tanya POV)
+naalimpungatan ako sa sinag ng araw galing sa balkonahe, dahan dahan akong bumangon, napansin kong may damit na sa paanan ko kasama ang isang sulat. Sulat pala ni aling Teresita, nagpaalam na mamamalengke sya saglit. Tiningnan ko ang oras sa phone ko pero dead battery na nga pala ko kagabi pa. Sa tingin ko naman around 8-9 am pa lang. Wala padin si Nathan, medyo nag aalala nako, kinuha ko ang mga damit at pantalon at plain tshirt sa kama at naligo saglit, pagkatapos ay nagsuklay, habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin may napansin ako sa reflection sa likod, isang picture na nakapatong sa mini desk sa gilid ng kama kaya lumapit ako at family picture pala to. Kung di ako nagkakamali, si Nathan to at ang mommy and daddy nya, kung step brother sya ni Syto, sino dito ang magulang rin ni Syto? Halos mabitawan ko to ng may biglang kumatok sa baba, bumilis na naman ang kaba ko, katok lang to ng katok kaya dahan dahan kong bumaba, siguro si Manang na to, o kaya si Nathan, teka pano kung hindi sila, bubuksan ko ba? Natatakot akong magsalita. Nanginginig na naman ako.
Nathan- Manang Teresita?
+ at ng marinig ko ang boses na yun, mabilis pa sa segundong binuksan ko ang pinto at agad syang niyakap ng mahigpit. Nagulat sya pero niyakap na lang din nyako. Ng bumitaw nako hinila nyako agad pa loob.
Tanya- bat ngayun ka lang? Nag alala ako sayo.
Nathan- sorry hindi kasi ako agad pwedeng sumunod baka masundan ako at maghinala kaya nagpalipas muna ako ng gabi sa hotel.
Tanya- ano ba kasi talagang nangyayare? bakit moko pinapunta dito.
Nathan- ano ka ba, bat di mo pa nahalata, may masamang binabalak sayo si Cris pati ang Lucas na yon kagabi kaya itinakas na agad kita.
Tanya- anong ibig mong sabihin?
Nathan- ibinigay kang parang laruan ni Cris sa Lucas na yun. Kapalit ng shares.
+ napabuntong hininga na lang ako sa galit ng sabihin nya yun.
Tanya- hindi pa sya nakuntento! So ibig sabihin wala tayo sa Valencia?
Nathan- Oo, nasa Cagayan tayo ngayun. kaya makinig ka sakin, wag kang aalis ng bahay nato, itatago kita dito at walang nakaka alam na may tinutuluyan ako dito.
Tanya- teka sandali, pano yung mga gamit–
Nathan- wag mo na isipin yon, bibilhan kita ng bago, basta mangako ka sakin na hindi ka aalis dito. Napakalaking kasalanan na yung pumayag akong idamay ka sa gulong to, ito na lang ang magagawa ko para makabawi
Tanya- wala ka naman kasalanan eh, desisyon ko rin na sumama.
+ natahimik na lang kami pareho. Ilang araw na ang lumipas at tinupad nga ni Nathan ang mga sinabi nya, ako naman hindi umaalis dito, araw araw syang bumabalik kila Cris para hindi sya pag hinalaan. Tuwing gabi naman umuuwi sya rito, naikwento narin ni Manang lahat sakin, na binili nya ang bahay nato at kinuha syang katulong nito 3 months ago. Humanga ako sa naging plano nyang yun. Alam kong hindi parin tumitigil si Cris sa paghahanap sakin. Kaya lahat ng sabihin ni Nathan ginagawa ko. Alas 10 ng umaga ng maabutan ko si manang na may ginagawa sa likod bahay..
Tanya- Manang? Anong ginagawa nyo?
Teresita- ahh, eto nag uukit ng mga brand sa gitara.
Tanya- po? Marunong po kayo nyan?
Teresita- oo naman, dalaga pako nun nung natuto ako, kaya ngayun pag may nakita kang ukit na tulad nito, alalahanin mo, ako ang umukit non.
Tanya- nakakatuwa naman po. May pinagkaka abalahan pala kayong ganan.
Teresita- kumikita kasi ako dito, alam mo ba kung saan saan nakakarating ang mga ginagawa kong ito.
Tanya- talaga po?
Teresita- oo naman. Halika, o sige tuturuan kita, kapalit nun, pwede mong ukitin ang kahit na anong gusto mo pagkatapos kung makailan ka, ganun din ang sweldong ibibigay ko sayo.
Tanya- naku hindi ko tatanggihan yan manang. Pano ba yan.
+ tinuruan nga nya ako at hindi naman sya ganun kahirap dahil may mga sapat na gamit naman, naalala ko tuloy si Syto sa mga gitara nato, sana okay na sya. Tulad ng sabi ni Manang pede kong iukit ang kahit na anong gusto ko. Kaya iniukit ko ang itsura ng balisong ni Syto, naaalala ko kasi kung ilang beses nyang tinutok sakin yun haha, pagkatapos sa tabi nito ay ang itsura ng singsing na pinagmulan ng lahat ng gulong to. At sa totoo lng nakakarami nako hahaha, natigil lang ako ng dumating si Nathan, sinalubong ko sya ng malawak na ngiti. Ganun din sya.
Nathan- kamusta naman ang araw ng hostage ko?
+ sinapok ko sya sa tyan.
Tanya- hostage ka dyan. bat ang aga mo pala ngayun.
Nathan- wala sa mood si Cris kaya maaga ako napauwe, wag ka mag alala wala silang ka ide ideya na kasama kita.
+ napangiti naman ako.
Nathan- mukang busy kayo ni Manang ah.
Tanya- ahh, nagpaturo kasi ako ng ginagawa nya eh, tsaka sabi ni manang may sweldo ako.
Nathan- ganun ba? Mabuti na yan kesa wala kang magawa.
Tanya- teka ano ba yang mga dala mo?
Nathan- itong isa mga damit. Ito namang isa beer at pork para may maiinom tayo mamaya.
Teresita- at may lulutuin na naman ako.
Nathan- si manang talaga.
Teresita- biro lang, wag kayo magpapakalasing ha.
Nathan- manang hindi naman nakakalasing ang beer.
Teresita- hay naku alak padin yan.
Tanya- hahaha, teka muna pala bakit ba bili ka ng bili ng mga panlakad na damit nato? Eh hindi ko naman masusuot yan dahil di naman ako nalabas.
Nathan- problema ba yun? Edi suutin mo dito sa loob ng bahay.
Tanya- ano ka ba, wala rin naman makakakita nyan dapat yung mga pambahahay na lang o kaya wag na, saglit lang naman labhan yung mga damit na una mo nang binili para sakin eh
Nathan- anong walang makakakita? Andyan si Manang. Ako din.
Teresita- aysus, di ka pa nasanay sakin na paulit ulit lang ang damit.
Nathan- haha eh manang favorite nyo kasi yan.
Tanya- hahahaha, sya sige na, pero tama nato ha, ang dami dami na eh, tapos libre pakain ka pa sakin dito.
Nathan- ewan ko sayo. Kaya lutuin na ntain tong pork, manang kami na bahala okay.
+ nag sa imula na kaming magluto. 7 pm nasa balkonahe kaming dalawa habang umiinom ng beer at kumakain.
Nathan- alam mo, wag mo nako pigilan na bilhan ka ng mga damit mo, kasi kapag natapos na to at makakabalik ka na, masusuot mo na yan lagi, tsaka maaalala mong galing sakin.
Tanya- ano bang mga sinasabi mo? Alam mo, okay lang sakin kahit ganto, hanggat walang napapahamak.
Nathan- wala ka bang tiwala sakin.
Tanya- syempre meron, pero wag mong ipilit ang bagay bagay, alam kong ibinubuwis mo na rin ng buhay mo ngayun dahil sakin.
Nathan- hmm. Para sakin mas mahalaga ang buhay mo ngayun. Sya nga pala sinunod mo ba yung utos ko na wag mong bubuksan ng phone mo?
Tanya- oo naman.
Nathan- o eto ang bagong phone, yan ang gamitin mo para tawagan ako at si manang pag may kaylangan ka.
Tanya- Nathan wag na.
Nathan- wag ka makulit, besides kaylangan mo talaga yan kasi kaylangan kita bantayan, pano pag may emergency?
Tanya- haysss sige na nga.
+ nagkwentuhan nalang kaming dalawa at tawa sya ng tawa, salamat naman at napapatawa ko sya sa kabila ng mga nangyayareng ito.
Tanya- Nathan? Pwede magtanong?
Nathan- m?
Tanya- uhmmm, bakit ba galit na galit ka sa kapatid mo?
+ bigla syang natahimik at tumingin na lang sa malayo.
Tanya- uhm, sorry, hindi ko naman sinasadyang itanong, naisip ko lang kasi, wag ka mag alala, hindi ko na ulit—-
Nathan- kasi pinatay nya si Tatay.
+ halos malaglag ang panga ko, hindi parin sya tumitingin sakin.
Nathan- naging kabet ng tatay namin ng nanay ko, bata pa kami nun, ni hindi ko nga sya nakikita. Hanggang sa malaman ko na lang na patay na si tatay at sya nga daw ng pumatay, simula...


nun nawala na sya, hinanap namin sya pero ni bakas nya wala kaming nakita. Hanggang sa mamatay narin ang nanay nya sa sakit. Nung nagka edad edad nako, hinanap ko sya, tapos nakita ko sya sakay ng isang kotseng mamahalin, kilalang kilala ko ang muka nya. Simula nun, nagsikap ako, para sa muling pagkikita namin, ipapamuka ko sa kanya kung gano sya kababa. Isa ako sa costumer sa bar na tinutugtugan nila nung sugudin at habulin kayo nila Cris, kaya nakipag sabwatan ko sa kanya. Hanggang sa umabot na nga dto.
+ halata sa boses nya na sobrang nahihirapan sya.
Nathan- sana kinompronta ko na lang sya. Sana ako na lang ang humarap sa kanya. Hindi ka na sana nadadamay ngayun.
+ hindi ko alam kung anong sasabihin ko o kung anong gagawin ko.
Nathan- sa totoo lang napapagod nadin ako sa ginagawa ko, nangyayare lahat ng to dahil pinairal ko ang galit.
+ hindi parin sya tumitingin sakin. Dahan dahan kong hinawakan ang kamay nya kaya napatingin sya sakin.
Tanya- una sa lahat, naiintindihan kita, sa huli naman mas pinili mo parin ang tama, yun ang mahalaga.
+ nginitian ko sya kaya ngumiti na lang din sya sakin, ipinatong ko ang ulo nya sa balikat ko. Ito na lang nagawa kong paraan para icomfort sya. Pagkatapos naming maubos ang inumin ay nagpahinga na kami, bumaba na sya para matulog sa sofa. Si manang naman tulog narin. Sa totoo lang di ko magawang makatulog dahil sa nalaman ko, na ni minsan hindi nasabi sakin ni Syto, kaya pala ganun na lang nyako tratuhin nung una, naiiyak ako hindi dahil nagawa nya ang bagay na ganun. Kundi naiisip ko kung gano sya nahirapan at nangulila ng magawa nya yun. Alam kong hindi nya sinasadya yun, kilala ko si Syto, hindi sya gumagawa ng mga bagay bagay na walang dahilan. At sa mga oras nato, sobrang sakit sa dibdib dahil naaalala ko sya, ano kayang lagay nya? Ano kayang ginagawa nya? Naiisip pa kaya nyako? Hinahanap nya bako? Sobrang namimiss na kita Syto!
(Syto POV)
+ 10 am na at lalabas muna ako ng hotel para sana mamasyal, kung pwede lang ikutin ko tong buong mindanao eh, bumaba ako ng hotel at pumara ng taxi.
Syto- kuya, dalhin mo naman ko sa mga pwedeng pasyalan dito.
Driver- Market place po sana, total tourist kayo matutuwa kayo sa mga produkto namin dito.
Syto- sige kuya, dun na lang.
+Habang nasa byahe, naglagay ako ng earphones at tumulala lang sa labas, uubusin ko lahat ng oras ko para mamasyal. Mga ilang minuto pa nga ay naroon na agad kami, nagbayad nako at bumaba.
Driver- Sir, kung gusto nyo ng service, pwede rin ako, marami po akong alam na lugar na pwede nyong pasyalan dito. Presyong kaibigan narin po.
Syto- ganun ba? O sige.
Driver- eto po contact ko, tawagan nyo lang po ako pag tapos na kayo mag libot dito.
Syto- sige, salamat.
+ umalis na muna si kuya. Marami rami rin ang tao dito ah. Sooo, san ako magsisimula? Simple lang suot ko black na jacket at plain white sa loob, rubber plus pantalon. Nakakita ako ng mga CD player sa banda roon kaya lumapit ako. Grabe sobrang dami. Nakakahanga pa kasi mga 80’s band, marami akong collection nito sa company.
Syto- kuya, magkano to?
Manong- 50 lang boss
Syto- ahhh
Manong- pli ka na.
+ kasalukuyan akong namimili ng mapadpad ang mata ko sa mga gitara sa gilid. Napangiti ako kaya lumapit ako. Grabe ang tagal ko ng di nahahawakan ang gitara ko, kinuha ko ang isa, susubukan ko sana ng may napansin ako sa likod nito. Parang tumigil ang mundo ko. Mga ilang segundo pa ay lumapit ako sa tindero.
Syto- kuya, pwede magtanong?
Manong- ano yun?
Syto- san nang gagaling ang supply nyo ng gitara?
Manong- ahhh, sa lumang palengke lang mga 15 minutes na byahe, andun ka na. Tapos hanapin mo yung Golden hands store, sa kanila nagmumula ang stocks namin, hindi ko lang alam kung sila narin ang gumagawa sa ngayun.
Syto- sige sige salamat!
+ dali dali kong tinawagan yung driver, sana tama ako ng kutob, ng makita ko ang nakaukit na yon sa gitara. maya maya nandyan na sya agad.
Syto- manong, sa lumang bayan daw? Dalhin moko dun.
Driver- okay sir.
+ ewan ko pero iba yung kaba ko. Di ako mapakali after 15 mins, nakarating kami sa sinasabi nilang lumang bayan.
(Tanya POV)
Teresita- Tanya? Sigurado ka ba na tamang isinama kita dito sa bayan? Pano kung may makaki—
Tanya- Manang, wag kayo mag alala, dito lang ako sa loob ng store nyo, di ako lalabas, gusto ko lang kasi na makalabas, mag iingat naman po ako eh.
Teresita- naku, pag nalaman talaga to ni Nathan lagot tayo dun.
Tanya- haha manang ako bahala okay?
Teresita- sya sige, dito ka lang sa loob pag may titingin ng gitara tawagin moko agad.
Tanya- yes maaamm!!
Teresita- hay naku bata ka.
+ and yes haha lumabas ako, naiinip na kasi ako, tsaka total malayo naman kami sa Valencia, wala naman siguro makaka kilala sakin dito. Buti na lang may cellphone ako haha tapos may mga laro na, tulad ng candy crush!!! Haysss….mga ilang minuto nagulat ako dahil may pumasok sa pinto kaya tumayo agad ako at tinawag si manang, dyusko para akong batang bantay dito haha. Pumunta naman agad si Manang. Ako naman nagpunta sa sulok, baka kasi makita ako tas makilala pala ako haha.
Manang- Magandang araw, pili lang kayo.
+biglang may tumunog na cellphone, dun ata sa costumer.
– ha? Sigurado ka ba? Sige pabalik nako.
+narinig ko na lang na lumabas na. eh? Bilis naman, hindi man lang pumili ng gita—!!!
Teresita- hm? Sayang naman kala ko bibili na.
Tanya- Manang!!!!!
Teresita- (nagulat) oh! Nakakagulat ka naman, ano ba yon?
+ tumayo ako agad.
Tanya- asan na?
Teresita- ang alin?
Tanya- yung costumer.
Teresita- ano ka ba ayun lumabas na.
+ nagmadali akong tumakbo palabas.
Teresita- Tanya! San ka pupunta? Tanya!
+ hindi ako pwedeng magkamali sa boses na yun. Kahit gano katagal ko ng hindi naririnig yun, alam kong si Syto yun! Paglabas ko nagpalinga linga ako. Asan na? Asan na sya? Tumakbo pa ko sa banda malayo layo baka sakaling abutan ko, pero wala. Sigurado akong sya yun!!! Sya yun!!!!
(Syto POV)
+ nagmadali akong lumabas ng store ng tawagan ako ni Jim. Sumunod sya dito at may mahalaga raw syang sasabihin. Pagbalik ko, agad agad akong pumasok at nasa lobby nga sya inaantay ako sa bench.
Jim- Syto!
Syto- totoo ba yung sinabi mo?
Jim- hindi ako pwedeng magkamali, sumunod agad ako nung malaman namin.
Syto- sabihin mo sakin lahat.
Jim- Nakuha sa Dash cam ng isa pang naka park na kotse ng employee natin sa company ang pagdukot kay Tanya. Si Chris ang kumuha sa kanya!
+ nag apoy na naman ako sa galit! Napaka hayop talaga nun!
Jim- pero hindi lang yun.
Syto- anong hindi lang yun?
Jim- Kasabwat nila si Nathan.
+ nagulat ako pero may halong naguguluhan.
Syto- panong?
Jim- hindi ko pa alam ang dahilan, pero hindi nagsisinungaling ang dash cam na napanuod namin, isa si Nathan sa kumuha kay Tanya. Kapag nahanap natin sya malaki ang tyansa na alam nya kung nasan si Tanya.
+ tikom na tikom na ang mga kamao ko, kung alam ko lang matagal ko na syang pinalayo dun, oras na makita ko sya, papatayin ko ang hayop na yun, lalo ka na Chris!!!
Jim- at alam mo ba ang dahilan kung bat sumunod pako dito?
+ napatingin ako sa kanya.
Jim- kaylangan mo ng kasama.
Syto- ha?
Jim- nasa tamang lugar ka, na trace namin si Nathan, nandito sya sa Mindanao. ang huling location, sa Valencia City.
+ di ko alam ang mararamdaman ko, tuwa ba o galit, naglahok lahok na, pero isa lang ang naiisip ko, kaylangan ko syang hanapin, kung nandito lang sya malaki ang tyansa na nandito rin si Tanya.
Itutuloy……


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.