1

WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 44


Report

DAVID’s POV:
“BAKIT BA KASI ANG KULIT MO, KATRINA?”, malakas na sambit ko sa babae.
Inis na inis akong lumabas ng kompanya habang siya ay nakabuntot pa rin sa likod ko.
“Ano bang problema mo? Asawa mo na ako, David. Kaya kahit saan ka pumunta, dapat kasama ako.”, tugon nito na ikinainit lalo ng aking dugo.
Bagsak na bagsak na ang kompanya ko.
Hindi ko na alam kung paano ko ipapalago ito gaya ng dati.
“IKAW ANG PROBLEMA!”, pagduduro ko sa kanya.
Pinipigilan ko na ‘wag siyang saktan dahil hindi ko hilig ang manakit ng babae.
“Kasal lang tayo sa papel, Katrina. At hindi na kita mahal. So don’t take it seriously. Hindi ako masaya na asawa kita.”, muli kong saad.
“A-anong sabi mo?”, tanong niya sa akin.
“Hindi ko na uulitin pa. Siguro naman, ramdam mo na ‘yon.”, malamig na pahayag ko.
Sumakay na ako sa aking motor at pinaharurot na ito.
Wala akong pakialam kay Katrina.
I don’t love her anymore.
Napilitan akong pakasalan siya dahil nilamon ako ng lungkot simula nung mamatay si Kate.
Namatay siya, kasama ang anak namin sa tiyan niya. At hindi lang ‘yan, maging si Michael, patay na rin.
Hindi ko alam ang punot-dulo ng lahat.
Gulong-gulo ako.
Hanggang ngayon, hinahanap ko pa rin ang kasagutan sa nangyari.
Hindi kasi ako naniniwala na pinatay ni Kate ang sarili nito dahil lang sa namatay ang anak niya.
At yung tungkol kay Michael, aksidente raw ang dahilan kung bakit nawalan ito ng buhay.
DAMN! KASALANAN KO ANG LAHAT NG ‘TO!
Wala ako sa tabi nila.
At wala ako sa mga oras na ‘yon.
Mas inatupag ko ang kompanya kaysa sa pamilya ko.
Mas pinili kong ayusin ang problema sa kompanya kaysa protektahan sila.
TANGINA! ANG GAGO KO!
DAPAT HINDI AKO PUMAYAG NA PUMUNTA NG JAPAN SA ARAW NA ‘YON!
(FLASHBACK…)
“I’m sorry Honey, hindi yata ako makakauwi ngayong gabi. May kailangan akong puntahan. May meeting ako sa Cebu together with Mr. Xiao.”, pagsasaad ko kay Kate.
Ito ang paalam ko sa kanya.
Buong akala ko kasi sa Cebu ang meeting namin.
Kaso pagkarating ko do’n, nagkita kami ni Katrina.
May photoshoot daw siya sa lugar na ‘yon kaya nagtagpo ang landas namin.
“Mukhang nagmamadali ka, saan ba ang lakad mo, David?”, tanong nito sa akin.
“Meeting. Hinihintay ko si Mr. Xiao, dito kasi ang usapan namin.”, sagot ko naman habang tumitingin sa relo.
“Gano’n ba? Sige, goodluck.”, ngiting turan niya.
Hindi ko na siya inimik pa no’n, kaso muli siyang nagsalita.
“Ahm David? Can I have a favor? Pwede ko bang hiramin ang cellphone mo? Nalowbat kasi yung akin. At ilang oras na rin ako naghihintay sa manager ko. Naiinis na nga ako eh.”, bigkas niya kaya agad akong pumayag.
Pinahiram ko ang cellphone ko sa kanya at sakto naman na dumating ang Secretary ni Mr. Xiao.
Sabi nito, dumiretso raw sa japan ang Boss niya. At kailangan kong sumunod do’n dahil mahalagang meeting ang pag-uusapan namin.
Ayoko sanang pumunta, kaso naisip ko na malaking kliyente ang matanda.
Nawala sa isip ko ang cellphone na hiniram ni Katrina.
Naalala ko lang ‘yon nung nasa airport na ako.
And that time, umuwi...


na rin si Deo.
He’s my twin brother.
Bukod sa magkamukha kami, pati katawan at boses namin magkapareho.
I don’t consider him as my brother dahil hindi ko gusto ang ugali niya.
Mayabang siya at magaling umarte.
Halos kinukumpara kami ni Mom sa isat-isa. Magaling daw ito kumpara sa akin.
That’s the reason why I hate him.
“Hindi mo sinabi sa amin na pauwi ka na pala ng Pilipinas.”, saad ko sa binata.
“Bakit ko naman sasabihin sayo? Bukod sa wala akong oras, I love surprise.”, ngising sagot niya at tinapik ang braso ko.
“Eh ikaw? Saan ka pupunta? Mukhang paalis ka ng bansa ha?”, balik na saad nito.
“May mahalaga akong pupuntahan.”, bigkas ko sa lalaki.
Gustuhin ko man na kausapin pa siya, hindi ko na natuloy pa dahil tinawag na ang mga pasahero na papuntang Japan.
Kaya tuluyan na akong sumama sa Secretary ni Mr. Xiao. Habang si Deo, palabas na ng airport para umuwi yata sa bahay.
Hindi ko na ito inisip pa dahil alam kong hindi rin magtatagal ang binata.
Ganyan ang kapatid ko, madaling magsawa sa Pilipinas.
Kaso pagkarating ko ng Japan, marami akong inasikaso.
Hindi ko magawang i-contact o tawagan si Kate dahil minu-minuto ang meeting.
Dapat sana kay Mr. Xiao lang ako, pero umabot ito sa kahit sino.
Halos limang araw ako na sobrang busy at hindi nagkaroon ng oras para kausapin ang pamilya ko.
Kaya bago ako umuwi ng Pilipinas, binilhan ko pa si Kate ng mga dress na pwede niyang isuot paglumaki ang tiyan niya. Binilhan ko rin si Michael na paborito niyang tsokolate.
I was excited to see them that time.
Pero ang excitement na ‘yon, biglang napalitan ng lungkot.
Lungkot at dismaya nang malaman kong wala na raw si Kate.
I tried to asked all of my maids and guards, pero ang sinabi nilang lahat, naaksidente si Michael. At si Kate, nagpakamatay daw.
I don’t know the whole story.
Walang umaamin. Walang nagsasalita ng totoo.
Sa mga araw na lumipas, halos nababaliw ako.
Nagsasalitang mag-isa at umiiyak na mag-isa sa kwarto namin ni Kate.
Sa isang iglap, nawala ang pamilya ko.
Sa isang iglap, iniwan nila ako.
AT SOBRANG SAKIT NG SINAPIT KO!
Natutunan ko na rin humithit ng droga para maalis ang lungkot na bumabalot sa aking puso.
Kaya sa puntong iyon, si Katrina ang nakiramay sa akin.
Dinamayan niya ako sa sakit.
Siya rin ang panandaliang kaligayahan ko.
Sa isang araw, ilang beses ko siyang ginalaw.
Hanggang sa nagpakasal kaming dalawa.
Kinasal ako, hindi dahil gusto ko.
Sa halip, kinasal ako dahil nagmakaawa ang kapatid niya.
(END OF FLASHBACK)
At ngayon, lugmok na lugmok pa rin ang kompanya.
Nabawi ko na sana ito nung pumunta ako ng Japan.
Kaso nung namatay si Kate at ang mga anak ko, bigla ko itong napabayaan.
Kaya heto, naghahabol sa ibang tao para masalba ang kompanya ko.
_____
A/N:
Too busy today, madami akong hinahabol na deadline sa subjects ko. So please just wait for my update. Thank you!
Free lang po itong basahin dito sa group, kung hindi kayo makapaghintay, binibili po ang stories ko. Salamat po. Sana maintindihan niyo na busy ako sa school talaga.


One Comment

  1. yan pala nang yari…kidnapin mo na lng c kate/sandra david tpos sabihin mo sa kanya na twin brother mo yong pinasa na pic ni katrina sayo…hindi pala c david yon…..😢😢😢😢

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.