0

THAT NERDY GUY IS NOW MY BOSS KABANATA 3


Report

MICAH’S PUNTO DE VISTA
AAMININ kong sa mga oras na ito, kinakabahan ako. Tungkol ba saan ang paguusapan namin bakit dito pa sa motel niya kami gustong kausapin?
“Micah? Micah, oy!” kalabit sa’kin ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, siya si Annie. Isa sa mga katrabaho ko sa restaurant. Mabait at inosente si Annie kumpara sa ibang kaworkmates ko.
“Uy, pinapapunta ka din ba ni Sir Ruise dito?” Tanong ko sa kaniya.
“Ah Oo, hindi ko nga alam ang lugar na ‘toh eh. Buti na lang alam ni manong driver hehe,”
“Alam mo ba…ang dahilan kumbakit tayo gustong kausapin ni Sir?,” Ako
“Uhm hindi eh. Sabi niya malalaman daw natin kapag pumunta tayo. Hayy, may date sana nga ako eh, kaso alam mo na, mas mahalaga yung trabaho kesa jowa, hehe char.,”
Napangiti ako dahil sa tinuran niya. Sa restu kasi hindi kami madalas naguusap. Nagcocomunicate lang kami kapag merong order o merong itatanong. Pero ngayon, kung makipag-usap kami sa isa’t isang para kaming matagal nang magkaibigan at magkakilala.
“MO..TEL,” inosenteng basa ni annie dahilan para mapalingon ako. “Jan ba tayo papasok?” tanong niya sakin.
“O-oo,”
“Ahhhhh okay, sige pasok na tayo,” yaya nya sakin na agad ko namang pinigilan
“Sandali!,”.
“Hmm bakit?,”
“Wag na kaya tayong pumasok?,” Sabi ko sa kaniya.
“Huh, bakit naman? Baka mapagalitan tayo ni Sir, Micah, or worst baka tanggalan tayo ng trabaho,” aniya
“Pero..kasi…ano–”hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita na siya.
“I’m sorry Micah. Kung gusto mong umuwi, mauna ka na. Natatakot kasi akong mawalan ng trabaho eh,..” malungkot na sabi niya sakin.
“Sige pasok na ako,”
Hahayaan ko na sana siyang pumasok magisa pero..
“Sandale Annie!” Sumigaw ako
“Sasama ako,” kinakabahan man pero buo na ang desisyon ko. Sasamahan ko si Annie.
Aish. Bahala na kung anong mangyare…

“Akala ko di na kayo darating eh. Sige sige, upo kayo,” bati samin ni Sir Ruise pagdating namin sa isang room.
Sabi ng babaeng naghatid samin dito sa kwarto, meeting room daw ang tawag dito.
“Tara Micah,” yaya sakin ni Annie na maupo.
Nakaupo lang kami sa sahig tapos may maliit na table sa harapan namin. May mga pagkain ng nakalapag. Pero wala doon ang atensyon ko kundi kay Sir Ruise mismo.
“Bakit niyo po ba kami pinapunta dito?” Tanong ko sa kaniya.
“Mamaya na natin pagusapan yan. Kumain muna kayo,” nakangiting sabi niya.
“Talaga po? Para samin toh?” Inosenteng sabi ni Annie.
Kukuha na sana siya ng pagkain pero pinigilan ko . “Kumain na po kami sa labas, diba Annie,”
“E-eh?” Pinandilatan ko siyang ng mata kaya sa huli, “Oo pala hehe busog pa pala ako hehe, ” sabi niya.
Hinarap ko si Sir Ruise at inulit ang tanong ko kanina.
“Malalaman niyo rin mamaya, wag kayong excited, ” aniya
Tsked, dami pang sinasabi.
“Tara na Annie,” higit ko sa kamay niya sabay tayo.
“Huh?”...


Aniya
“MICAH!” sir Ruise.
“Kung wala ho kayong sasabihin, aalis na ho kami,” Malamig na sabi ko.
“Oo na, oo na sasabihin ko na. Maupo na kayong dalawa,” Sir Ruise
Tsked.
“Micah~” pakiusap sakin ni Annie. Wala na akong ibang nagawa kundi bumalik sa pagkakaupo at bumuntong-hininga.
“Tungkol ito sa trabaho niyo,” panimula ni Sir. Parang nabuhayan yata ako dahil sa sinabi niya. Nagkatinginan pa kami ni Annie.
“Napagisip isip ko na gawin na kayong regular employee sa restu,”
“Talaga ho?!,” Masayang sabi ng kasama ko. Maging ako masaya din sa narinig.
“Pero..” dugtong ni Sir Ruise.
Bakit may pero?
Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil merong pumasok na isang matandang lalaki sa loob ng kwarto.
“Kumpare!,” Bati ni Sir Ruise sa matanda.
Nagkatinginan kami ni Annie. Akala namin kaming tatlo lang ang maghaharapan?
“Annie, Micah, kumapre ko si Mr. Tan. Mr Tan mga empleyado ko,” Pagpapakilala niya samin.
“Hello po,” bati ni Annie.
Tiningnan ako nang tatlo dahil hindi ako kumibo. Wala akong balak na batiin siya.
“Pwede na ho ba kaming umalis?, May date po kasi ni Annie eh,” dahilan ko.
“Huh, may jowa ka?”
Sinamaan ko nang tingin si Annie dahil sa tanong niya. Tsked, walang pakisama.
“Meron,” nasabi ko na lang.
“Teka sandali! Uminom muna kayong dalawa. Sayang naman yung dala ni Mr.Tan kung hindi niyo matitikman, at isa pwede natin i-celebrate ang pagiging regular employee niyo, diba?” Alok ni Mr. Ruise samin.
“Maraming salamat na lang ho, pero hindi na kailangan. Mauna na po kami, ” paalam ko.
Nasa harap na kami ng pintuan nang bigla nila kaming harangan.
“Micah,” mahigpit na hawak sakin ni Annie.
“Mr. Ruise,” matalim na sabi ko sa kaniya.
“Mamaya na kayo umalis Micah. Mageenjoy pa tayo eh, tsked. Kung ayaw niyong mawalan ng trabaho, pwes sundin niyo ang sinabi ko,” sabay hawak niya saking braso.
“MICAH! AAAH!” sigaw ng kasama kong si Annie dahil hinapit na siya papalapit nung matandang si Mr. Tan.
Sh8t!
” Wag ka ng pumalag Micah,” Sir Ruise.
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa’t tinuhod ko na ang gitna ng hita niya dahilan para maluhod siya sa sobrang sakit.
Kinagat din ni Annie ang kamay ni Mr. Tan dahilan para makawala siya. Sabay kaming lumabas ng kwarto pero biglang hinila ni Mr. Ruise ang buhok ko. F*ck!
Nakatakas si Annie pero naiwan ako. Sh8t.

ANDRIUS’ PUNTO DE VISTA
“Anong sabe mo? Motel?,” Gulat kong tanong sa’king sekretarya na si Gio.
“Oo sir, nakita ko pong pumasok si Miss Salvador sa loob ng Motel. May kasama po siyang isang babae,”
“Give me the address, pupuntahan ko. Now!,” galit na anas ko saka binaba ang telepono
TSKED! Masyado mong pinapainit ang ulo ko Miss Salvador!
Hindi pa ngayon ang tamang oras para magkita tayo, pero dahil sa ginawa mo, mapapasubo ako! Tsked,
TO BE CONTINUE…
Magkikita na kaya ang dalawa? Well, abangan sa susunod na kabanata! Salamat sa pagbabasa!


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.