0

VANESS

Report

Ang haba ng pila sa maliit na clinic na pinipilahan ni Vanness. Kanina ay nagkandaligaw-ligaw pa siya sa pagpunta sa Argens Maternity Clinic na ito na malapit sa nag-iisang mall sa bayan nila. Hindi nya kasi alam ito at di din ito dapat ang pupuntahan nya para nakapagpalaboratory test.
Nagpapasimple ng tingin ang mga naandon na mga buntis sa kaniya kaya nakakaramdam siya ng pagkaasiwa kasi kahit katabi nya ay nakikita nya sa gilid ng kaniyang mga mata na manakanaka ay tumititig sa kanya. Nahuli pa nya ito ng bigla siyang lumingon. Nginitian nya ito at agad namang gumanti. “Ilang buwan po tummy mo?” Tanong nito. Gusto nya sanang tumawa pero naisip nyang sakyan nalang ito. “2weeks po.” Sagot nya.
Maya-maya ay may tinawag ang number niya sa pila. Sa wakas.

Pagpasok nya sa maliit pero napakalinis at napakacute na kwarto ay naroon ang lalaking may katabaan, kulot ang buhok na mabuti na lamang at maputi ito. Pinaupo siya nito. Tinanong kung anong sadya nya, tinanong kung kelan ang hiling menstruation niya. Kailan daw siya huling nakipag! Napamulagat ang mata niya. Pero pinigilan niya ang sariling tumawa. Ganunpaman, naiintindihan niya ang ibig sabihin nito.
“Doc, wala pa po akong asawa”. Nahihiya niyang winika. Gusto niya kasing magpaliwanag na di siya magpaparenatal kundi magpapalaboratory lang siya dito kasi ang alam niya ay may sariling laboratory ito, napakahaba kasi ng pila sa laboratory na malapit sa palengke. Itong AMC lang ang malapit sa bayan.
“Ah, pasensya na miss. Ako kasi may asawa na eh. Sayang, baka sana kung noon pa tayo nagkakilala ay baka niligawan na kita.” Wika ng doctor na ito, di niya alam, parang nagpapatawa na seryoso na ewan.
Nebeyen! Sa isip-isip niya. Kanina pa siya napagkakamalang buntis doon sa pila. Pagdating dito kay doc, ganun na naman.
“Di po ako buntis doc!” Sa wakas ay nasabi niya din.
“Ay, bakit ka nandito, miss? Maternity clinic to eh.”
“Opo nga po, doc. Nandito po ako kasi makikiusap sana ako na kung pwede ay makapagpalaboratory test ako dito kasi ang haba haba po ng pila sa Beco Laboratory Expert. Nasabi po kasi sa akin ng kapitbahay namin na may laboratory sa Argens kaya ako nandito.”Mahabang paliwanag.
“A, ok! Ok! Totoong tumatanggap kami dati ng mga magpapatest, pero kung di mo napansin, doon kanina sa pagpasok mo ay may nakalagay na reminder na nalipat sa kabilang building ang tanggapan ng mga clients para sa pagapalab test. Teka, sandali.” At may tinawagan ito sa awditibo.
“Inaalam ninyo muna sana kung anong status ng pasyente, heto o, may napunta sa tin na dapat ay sa kabila”.
Medyo napahiya si Vaness, kasalanan niya rin, masyadong wala sa sarili kanina. Dapat napansin niya na na siya lang ang nag-iisang di buntis don.
Sabagay, may nakita naman kasi siyang mga maliliit ang tiyan sa labas kanina… meron pa nga siyang kasama sa labas kanina na maglola, 10 years old lang ang kasamang apo, magpapaultrasound daw? Narinig niyang sabi ng matanda ay nirerequire diumano na ipacheck sa obgyne ang apo niya para sa pagpapaayos ng birth certificate nito kasi nakalagay sa sertipiko na lalaki ito at kailangan nilang ipabago.
Naisip isip niya nga kanina, ganun pala pag nagkamali ng gender sa birth certificate.

Pagkababa ng telepono ay kinuha nito ang form na sa pagkakaalam niya ay ito yung sinulatan kanina ng attendant sa bungad ng clinic habang tinatanong ang mga info niya. Pumasok ang babaeng attendant at kinuha ang papel na hawak ng doctor na nakaipit sa holder at sinenyasan siyang sumama dito.
Agad naman siyang tumalima. Sinundan lamang niya ito at pagdating sa isang room ay ito na ang kusang nagbukas nito at pinapasok siya. May lalaking nakatayo dito habang may kausap sa cellphone, nakatingin sa labas, nakalagay ang kanang kamay sa bulsa nito. “Tawagan nalang kita mamaya, ok?” Wika nito sa kausap nang makita si Vaness.
Hala ang pogi niya! Tili niya sa isip pero di siya nagpahalata at kunwa ay tumitingin siya sa halaman para di nito mahalatang kinikilig siya. Pinaupo siya nito at halos sabay na sabay silang umupo na aakalain mong prinaktis nila ito.
Binasa nito ang form na dala ng attendant pagpasok nila.
Maya-maya ay may kinuha na itong tray na may laman na mga gamit na alam na alam niya ang isa don kung anong gamit pero di niya alam ang pangalan. Yun yung parang napakaliit na kutsara na ikukudlit sa dulo ng daliri at para kumuha ng kunting dugo pero masakit. Kahit 20 anyos na siya, takot na takot siya sa mga ito lalong lalo na sa ineksyon. Hay naku!
Medyo pumanatag siya nang ang una nitong kinuha ay ang pang BP nito.
Yumuyuko siya para pigilin ang sarili sa halohalong nararamdaman sa kaharap na kung titimbangin ay lamang na lamang ang kilig kaysa takot sa kasunod na pagkuha ng dugo sa kanya nito. Di tuloy niya nakita kung paano siya tinitigan ng nurse na lalaki na medyo napapangiti pa sa kakyutan ni Vaness. Nilagay nito ang device sa tenga. “Kuhanan muna kita ng BP.” Sabi.
Hala🤭 hahawakan siyempre ang kamay niya😅
Segi!segi! Sigaw ng puso niya pero di pa din siya nagpahalata. At hayun na! Hinawakan na nga ang kamay niya at kinakapa ang pulso niya sa braso. Ang lambot ng kamay niya.Ang linis ng kuko!Ang bango bango pa😅
Medo matagal bago mahanap ang pintig ng pulso niya na nagustuhan niya naman. Ano ka ba, girl! Saway niya sa sarili. Huminahon ka naman! Baka may girlfriend o asawa na iyan.
Don siya nalungkot.
Naramdaman niya ang paghigpit ng pang BP sa braso niya habang pinapump ng nurse ito. 80/90.
Iyon ang nilagay sa form niya. Naitanong nya sa isip, normal kaya dugo niya? Nahihiya siyang magtanong kaya mamaya sa isip niya ay igogoogle niya to😅
Maya-maya ay kinuha naman nito ang pangkudlit sa dugo. Ayan na! Siguradong aaray siya nito.
Hinawakan ang dulo ng daliri niya. Mukha siyang hihimatayin tuwing hahawakan siya nito. Pinisil nito ang dulo ng daliri niya sabay kudlit. Lumabas ang dugo sa kamay niya na agad namang hilagay sa isang spectrum. Nilagyan ng bulak na may alcohol at binalutan ng masking tape ang sugat niyà. “Sorry!” Nakangiting wika ng lalaki na nahuli niyang ngumingiti sa kanya. Ang lambing naman ng boses nito. Nginitian nya din ito.
“Paantay nalang ng result, miss Vaness.” Wika nito.
“Opo!” Sa wakas ay narinig nito ang boses niya.

Umalis ito saglit, dala ang maliit na tube na kanina ay pinaglagyan ng kunting dugo niya na may nakalagay na apelyido niya.
Naiwan siya saglit sa kwartong iyon. Napatingin siya sa lamesa ng lalaki at nakita ang mga picture doon. Pumukaw ang atensyon nya sa larawan nito na may kasamang batang lalaki. Kamukha nito. Medyo may kurot siyang naramdaman. Di pala siya dapat kinikilig dito.

Ayan! Pahiya ka no? Sermon niya sa sarili.

CHAPTER 2

Excited siyang balikan ang test result niya kinabukasan hindi lamang para makompleto ang requirements niya sa pag-apply ng trabaho kundi para makita ang nurse kahapon. Inuulit ulit niya sa isip ang napakalambing na boses nito nang magsabing “sorry!”.
Pinili niya ang di masyadong hapit na mossgreen tshirt, medyo kupasing maong pants, white na rubber shoes. Nakalugay ang lagpas balikat na buhok na laging napagkakamalan ni Thess bestfriend nya na pinarebond daw niya. Tinatawanan niya lang lagi ito kasi alam namang wala siyang budget sa mga ganun. Ang totoo ay masipag lang talaga siyang alagaan ang buhok sa pamamagitan ng laging pagbrush.
Oo nga pala, kailangan niyang magmadali kasi baka makita na naman siya nitong aalis ay sasama na naman ito sa kaniya😅😅 Ewan nya pero feeling niya ay ayaw niyang nalaman nito ang bago niyang kinakikiligang nurse. Dumaan siya sa gawing kanan ng bahay ng tiyahin na siya niyang kinalakihang bahay mula nang maulila siya.
Guminhawa ang pakiramdam niya nang makaalis na di siya nakita ng bff niya.

Pagdating sa AMC ay saglit na sinulyapan ang sarili sa salamin ng maliit na pharmacy ng mismong clinic. Confident na pumasok at kumuha ng number para pumila. Itinanong nya dito kung dito pa rin ba kukunin ang labtest niya o sa kabilang building. Sinabi nitong dito nalang daw ipapoforward sa kanila.Pagkakuha ng tarheta ay akmang aatras siya para humarap sa direksyon papuntang upuan nang biglang maapakan ang paa ng isang lalaki na sumalo din sa kaniya nang muntik na siyang matumba. Kapwa halos mawalan nang panimbang ang dalawa na buti na lamang at nakahawak ang lalaki sa isang tubo na malapit sa kinatatayuan nila. Hiyang-hiyang nagsorry si Vaness sa lalaki na walang iba kundi ang may nakasulat na Mc Brian C. Blanzer!
Pulang-pula ang mestisahing mukha ng dalaga, pero sobrang lundag naman ang puso niya at nasabi sa isip na ang swerte niya naman kasi ito yung dahilan kaya siya excited na kunin ang result na kanina lang ay iniisip niya na baka di niya ito makita, kasi baka iba ang magbibigay ng result at hindi ito. Ayaw niyang tumili pero ang puso’isip niya ay abot hanggang pitong bundok ang sigaw😅😅😅.

“Ok ka lang ba, miss Vaness?” Nakangiting usisa nito na lingid sa kaniya ay cute na cute ang tingin nito sa dalaga.
Binawi niya ang sarili dito at sorry nang sorry, sabay kuha ng wipes sa maliit niyang bag at akmang yumuko at pupunasan ang sapatos ng nurse pero yumuko din ito para pigilan siya dahilan para magkauntog ang mga ulo nila, magkasabay na humawak sa kanikanilang noo at di napigilang tumawa, kinuha sa kamay niya ang wipes at ito na mismo ang nagpunas ng sapatos.
Ang humble naman ng lalaking to. Kung iba iba ay matutuwa pa na punasan ng babae ang sapatos na nadumihan. Kasalanan ni Vaness pero hindi ito nagalit. Inalalayan pa siya sa pag-upo sa waiting area. Hay! Sana di ito panaginip. Mariing kinurot niya ang sarili at naramdaman ang sakit kaya sigurado siyang totoo ang lahat ng ito. Minsan pa siyang nilingon at nginitian nito.
“Ang pogi naman ng nurse na yon”. Nakangiting wika ng katabi niyang babae na tingin niya ay tinutudyo lang siya pero halatang kinikilig.
“Bagay kayo, miss”. Dagdag pa nito. Naalarma naman siya baka may makarinig. Kaya para tumigil ito ay sinabi niyang may asawa na yata ang nurse at kinuwento niya ang picture nito sa table na may hawak na batang lalaki.
Natigil ang usapan ng dalawa nang tawagin ang mga bilang na hawak nila. Magkaiba sila ng room na pinuntahan. Habang dumadaan sa maliit na pasilyo ay naidalangin niya ulit na sana makita niya ulit si Mc Brian. Ngunit pagkabigay sa kaniya ng attendant ng result ay di niya na nakita ang crush. Pumunta pa siya ng CR kunwari para madaanan ang room nito kahapon ngunit nakita niyang maraming nakapila dito. Umasa siya na pagbalik niya galing CR ay makita siya nito sa window glass subalit bigo ulit siya kasi may kausap itong pasyente.
Kahit malungkot siyang umuwi ay may ligaya pa rin siyang naramdaman pag naaalala niya ang eksena kanina. Para sa kaniya ay sulit na sulit ang pagod niya.

CHAPTER 3

Di alam ni Vaness kung bakit may kaba siyang nararamdaman habang papauwi ng bahay. Di niya maipaliwanag kung bakit ganun ang pakiramdam niya habang binabagtas ang maliit na daan tungo sa bahay ng tiyahin na nagpalaki sa kaniya.
Gayun na lamang ang pagkasiphayo niya nang malamang inatake pala ng tiyahin sa puso at isinugod pala ito sa pampublikong ospital sa lugar nila. Dali-daling sumakay ang dalaga sa isang di-pasaherong jeep para mapuntahan ang tiyahin na dinala ng asawa nito. Bitbit niya ang ilang damit ng tiya at nagdala na rin siya ng pagkain.

Ang bilis naman ng pangyayari. Kanina lang ay masaya pa ang Tita Gia niya habang papunta ng trabaho daw ika nito pero bakit bigla nalang itong inatake.
Nastroke ang tiyahin niya. At ayun sa doctor ay kailangan nito ng magbabantay lagi kapag nakauwi na. Di niya makausap ang tiyahin. Nakatulala lang ito. Maganda pa rin at maaliwalas ang mukha nito kahit nasa kama ng ospital. Wala itong anak kaya siya ang tinuturing nitong tunay na supling kahit di nagmula sa kaniya.
Ang asawa naman nito ay di niya kapanatagan ng loob. Asiwa siya sa tiyuhin dangat laging kung makatitig ay akala mo nanghuhubad. Ni ayaw niyang makausap ito kasi lagi niyang naaalala ang kwento ng nanay ng kaibigan niyang si Thes na pag ang lalaki ay mariin kung tumingin na parang ngumingiti ang mata pero di ang bibig ay may pagnanasa ito sa babaeng tinititigan nito. Ayaw niyang magbigay ng kahulugan o maghusga sa asawa ng tiyuhin pero di niya alam kung bakit takot pa rin siya.

Dahil sa nangyari sa tiyahin ay mapipilitan talaga siyang magtrabaho na nito at saka na niya tatapusin ang kursong kakasimula palang niya. Business Administration ang pinapakuha sa kaniya ng tiya Gia niya dahil sa mahilig ito sa negosyo.
Iwinaksi niya sa isip ang kinakikiligang nurse.
Sa panahon ngayon ay kailangan niyang maging mas lalong seryoso sa buhay.

CHAPTER 4

Kahit di nakakapagsalita ng maayos ang tiyahin ay nagpaalam pa rin siya dito ng maayos. Naluluha siya habang nagpapaalam at siguradong mamimiss niya ang tiyahin na. Nakiusap siya kay Thes na kung pwede ay dalaw dalawin naman nila ni Sherwin na kababata nila na bff din ang turing nila.
“Saan ka ba kasi nag-aapply ng trabaho?, Bakit kailangan pang malayo sa atin?” Malungkot na usisa ni Sherwin. Niyakap ito ni Vaness at ginulo ang buhok. Gusto ko don sa Maynila kasi itutuloy ko ang kursong nasimulan ko na, habang nagtatrabaho ako. Alam ko mahihirapan ako pero kakayanin sa abot ng makakaya.” Seryosong pahayag ng dalaga.
“Hmmm, baka naman magpapaasawa ka na pagdating mo don?” Tudyo ni Thes.
Nagtawanan sila pero nahinto nang lumabas galing kusina ang tiyuhin. Nagkatinginan sila at agad agad ding naghiwahiwalay.

Tinulungan siya ng mga kaibigan sa pag empake. Isasama si Vaness ng pinsan niyang si Aivee at pansamantala daw silang makikipanuluyan sa bahay ng amo nito sa Maynila. Kinakabahan siya pero kailangan niyang magpakatatag. Panahon ngayon ng positibong kaisipan at di kaduwagan.

CHAPTER 5

Malayong malayo sa inaasahan ni Vaness ang kaniyang naratnan sa Maynila. Matapos silang patuluyin sa napakalaking bahay na iyon ay nawala kinabukasan si Aivee. Hindi nito sinabi kung saan pupunta basta nakalagay sa sulat nito na kung pwede ay siya na muna ang magsisilbi sa amo nitong mag-asawa.Ibig sabihin ay katulong siya dito? Kahit mahirap lang sila ay di naman niya naranasan ang magpaalila. Sinabi din nito na wag siyang mag-alala at mababait ang mga amo niya at di katulong angmagiging turing ng mga ito sa kaniya gaya ng kung anong turing sa pinsan niyang ito. Hundred percent daw. Kahit kaninong kasambahay na napunta sa kanila ay pamilya ang turing ng mga ito.
Masamang masama ang loob ng dalaga lalo na nang mabasa ang hulihang bahagi ng sulat.
Napamulagat siya at agad agad tiningnan ang wallet niya! Bwisit na babaeng yun! Naiiyak na sabi niya. Nilimas lahat ng pera niya😰😰😰

Nagulantang siya nang makarinig ng sigaw ng binatilyo sa labas ng kwarto.
“Ate Aivee! Asan na ba ang pants kong pinariready ko sayo kagabi?! Ate Aivee!!!, Ate Ai…”
Natigilan ito nang makita si Vaness at napakunot-noo.
“A, wala siya rito.” Di niya alam pero yun ang agad namutawi sa bibig.
“Nasan ba siya? At sino ka?” Supladong winika nito.

Naaalala niya, kagabi ay mommy lang nito ang nakakita at nakakilala sa kaniya matapos na ipakilala siya ni Aivee.
“Son, she’s ate Aivees cousin. She will take all ate Aivee’s chores here in our house. You must be kind to her.” Biglang sagot ng isang magandang ginang buhat sa kaliwang bahagi ng kwarto. Gulat na gulat siya sa sinabi nito. Ibig sabihin ay alam nito na umalis ang pinsan niya, pero alam kaya nito na hindi ito nagpaalam sa kaniya na aalis? At alam kaya ng amo na ito na di siya sinabihan ng pinsan niya na dito pala siya magtatarabaho at hindi sa pabrika na siya niyang aapplayan?

Napakunot-noo ulit ang binatilyo.
“Whatever! Can you please find my pants now!” Malakas na utos nito sa kaniya. Nakatingin naman siya sa mommy nito para magpaliwanag ng sitwasyon o mag usisa sa kung ano ba itong nangyayari. Subalit inutusan na din siya nitong kumilos na. Agad-agad na tumalima si Vaness.
Kailangan nya munang harapin ngayon ng buong puso itong mangyayari sa kaniya. Pero di maalis-alis ang galit at tampo niya sa pinsan…
Sana manlang sinabihan siya agad na ganito pala muna ang magiging trabaho niya. Di siya makakaalis sa bahay na ito dangan at pinagnakawan siya ng mismong pinsan niya!
Iniisip nalang niya na mabuti naman at nagpaalam pa sa sulat na umalis siya at kinuha ang pera niya.
Saan naman kaya ito pumunta? Loka-loka!!! Galit na sambit niya sa isip para sa pinsan niya.

CHAPTER 6

Kahahanap lang niya ng pants na hinahanap ni Luke ay heto na ang isang napakacute na batang lumabas ng isa lang kwarto yakap yakap ang isang brown teddybear. Magulo ang buhok pero mukhang ang bango-bango? Akala niya ay sisigawan din siya nito gaya ng kuya pero nagkamali siya, napakasweet ng ngiti nito sa kaniya. Nahawa siya sa bata na lubhang kinahihiligan naman niya talaga ang mga kagaya nito. Naaalala niya pa nga na nagtatakbuhan sa kaniya ang mga bata doon tuwing hapon para makipagkwentuhan sa kaniya.

Nag ‘hi’ siya rito at ginantihan naman siya nito.

“Vaness, pakipainumin mo ng gatas si Lyka ha? ” Wika ng among babae na mukhang nagmamadali palabas, nakashade, mataas na heel shoes, maikling palda at ¾ sleeves blouse. Ang ganda! Buong paghanga niya sa isip.
“Bye-bye mom!” Malungkot na paalam ng bata sa mommy nito. Nabakas ni Vaness ang lungkot ng bata dito, kitang kita niyang mukhang naluluha ito habang tinitingnan ang mommy.

Bumalik ito sa kwarto. Saglit namang natigilan si Vaness bago naalalang ipaghanda ng almusal ang batang malungkot.

Bitbit niya ang tray papasok sa kwarto ni Lyka, nilagyan niya ito ng sandwich baka sakaling magustuhan. Di niya alam ang mga ganitong gawain, ginaya niya nalang sa kung ano ang gusto niya tuwing umaga sa kanila.
Pagpasok niya ay naglalaro ang bata, sinusuklayan ang buhok ng isang barbie doll, kaharap ang iba pang mga teddy bears.

“Hello, bunso, dinalhan kita ng food.”
Nginitian lang siya nito pero di pinansin ang dala niya.
Ilang segundo ang dumaan habang tinititigan niya ang magandang bata bago niya naisip na lalamig na ang gatas.

“Drink ka na ng milk mo, bunso.” Malambing niyang wika. Pero di pa rin ito tumalima. Nagkunwa siyang kausap ang isa sa mga teddy bears na kaharap ng bata.
Paipit ang boses na kunwari sumasagot sa kaniya ang stuff toy.

“Gushto kho po neng getes!” Pakenkoy nyang sabi. Napahagikhik si Lyka sa itsura ng dalaga.

“Ake den!” Kunwari ay sagot naman ng isa pero si Vaness pa rin ang nagsasalita. Tawa ng tawa ang magandang bata. Hanggang sa uminom na ito ng gatas at kinain ang kalahati ng sandwich. Umayaw na ito.
Nakipaglaro siya sa bata. Sinuklayan niya ito, pinulbuhan at pinalitan ang damit.

Nasa ganung ayos sila ng bata nang parang naramdaman niyang may tumitingin sa kanila. Napaigtad siya sa sobrang gulat. Di siya nagkakamali ng naramdaman, nakakunot ang noo ng isang lalaki sa labas ng kwarto, kung di lang ito medyo mababa at medyo may edad ay napagkamalan niya sanang si Mc Brian? Biglang sikdo ang dibdib niya. Ano ba yan? Kinakalimutan niya na nga ang taong iyon… bakit may kamukha ito. Hinulaan niya sa isip na ito yata ang ama ng bata. Niyakap ni Vaness si Lyka dahil medyo natakot siya pero nang makita ng bata ang ama ay biglang bitaw ito sa dalaga at tumakbong pasalubong dito.

“Daddy! I missed you!” Bakas sa mukha at boses ng bata ang sobrang pagkasabik sa ama. Buong higpit na niyakap niya din ito.

CHAPTER 7

Nagulat si Vaness nang marinig niyang nagsisigawan ang mag-asawa sa labas ng kwartong kinaroroonan niya. Hala! Grabe palang mag-away ang mga ito.
“Ang tagal-tagal na non! Akala ko ba napatawad mo na ako!” Sigaw ng lalaki.
“Oo! Pinatawad na kita pero di ibig sabihin ay buo na ang tiwala ko sa yo! Di ko pa rin malimutan ang ginawa ninyo!” Sigaw naman ng amo niyang babae.
“E, bakit pa pala ako umuwi dito, wala naman na palang tiwala sa akin ang isa rito!” Boses ng lalaki.
“Hoy, Reggie! Wala na akong pakialam kung mambabae ka at kung ilan ang gusto mo, wag mo rin akong pakialaman sa mga lakad ko!” Sigaw na naman ng babae.
“Lyda, nagbago na ako. Patawarin mo na ako. Kung pwede lang na ilipat ko dito ang trabaho ko, dito na ako. Para makita mong di na ako gaya ng dati!” Medyo malumanay na winika ng lalaki.
“Hay naku! Bahala ka kung dito o doon, basta ang sinasabi ko wag mo akong bawalan sa mga lakad ko!” Mariing wika din ng babae.
“Anong klaseng magulang tayo sa mga anak kung ganyan tayo?” Mahina na namang sabi ni Reggie.

Nakakalungkot naman ang pamilya nila. Sana kung ano man ang problema nila, maayos na sana.
Dahan dahang lumabas si Vaness sa kwarto niya para mag-asikaso ng mga dapat asikasuhin. Yan nga! Wag makinig sa usapan ng iba! Medyo natatawang pinagagalitan ang sarili.

Nakita niyang umalis ang among babae. Lumabas naman sa kwarto ang asawa nito. Tingin niya ay matino naman. Kamukhang kamukha niya talaga si Bryan. Nahuli siyang tumitingin dito. Medyo napahiya ang dalaga. Pero bumawi siya.

“A, sir, ipagtitimpla ko po kayo ng kape?” Medyo nahihiyang tanong niya. Tumango ito habang nakakunot-noong tumititig sa kaniya.

Ano ba yan? Parang ayoko nalang magtimpla ng kape. Kakaasiwa kasi. Sana makaalis na siya sa bahay na ito. Hindi naman ito dapat ang papasukan niya eh. Ni hindi sumagi sa isip niya na manilbihan kasi di naman siya nakaranas ng ganito.

Dinala niya sa kinaroroonan ng amo ang kape. Inilapag niya sa center table. Ang lalaki ay tahimik na nakasalikop ang isang palad sa kamao. Nag-iisip. Nakatingin sa malayo. Napansin nitong di pa siya umaalis. Tinignan siya nito at waring tinatanong siya. Atubiling nagbadya siyang aalis na kahit naghihintay pa sana siya na baka may iutos ito.

CHAPTER 8

Naaalala na naman niya si Bryan. Lalo na ang katagang “sorry!” nito. Napapangiti siya habang iniisip ito. Kumusta na kaya siya. At ang anak niya? Tumigil ka na nga Vaness! Saway niya sa isip.

Tumigil ang pagmumuni-muni niya nang marinig na pinangangaralan ng among lalaki ang panganay nitong si Luke. Biglang pumasok si Lyka sa kwarto niya.

“Ate, Aivee! I’m hungry po!” Malambing na wika nito.
Napangiti siya. Naisip niya, nasanay siguro itong si Aivee ang kasama kaya pati siya tinawag sa pangalan ng pinsan niya.

“Ok, what food is you want to, baby?” Habang inaayos niya ang damit ng bata na medyo naka upside down ang laylayan.

Dinala niya sa kusina ang bata at doon ipinaghanda ng pagkain ito.
“You’re so mabait po. Unlike Ate Aivee.” Biglang sabi nito sa kaniya habang nagbabati ng itlog.
“Really?!” Natutuwang usisa niya.
“Mom, hates ate Aivee before. She shouted her once because Ate Aivee hugs dad that morning.”z
Medyo madaldal pala ito. Akala niya tahimik lang ang bata. Bakit nasabi ito ng paslit? Napaisip siya, hindi kaya totoo ang mga sinabi nito? Hindi kaya ang pag-aaway ng mga amo niya ay dahil sa pinsan niya? Naku! Baka wala nang tiwala si mam Lyda sa kagaya niya. Dapat kahit walang malisya ay wag na wag siyang masyadong malapit sa amo niyang lalaki baka mapagkamalan siyang kagaya ni Aivee.
“You are ate Aivee’s cousin. Baka naman kagaya ka din niya?” Biglang sabat ni Luke na di niya namalayang papalapit sa kanila. Sunod-sunod na iling ang naisagot niya dito.

“Ofcourse not, Sir Luke. I respect them po specially mam Lyda.” Di niya napigilan. Gusto niya na talagang sabihin dito na di siya dapat dito magtatrabaho… na niloko lang siya ng pjnsan niya.

“Actually, I will not be here in long time po. Pag bumalik na si Ate Aivee ay aalis na din po ako dito.” Sabi niya sa binatilyo.

“No! I dont like that ate Aivee.” Tanggi agad ni Lyka.
“She’s not ate Aivee!” Saway ni Luke kay Lyka.
“My name is Vaness, bunso.” Pagtutuwid ng dalaga sa bata.

Iniba ni Vaness ang usapan. Ipinaghanda niya din ng pagkain si Luke pero tumanggi ito. Kaya na daw niya ang sarili na ipaghanda ng pagkain.
Gusto niya ding ipaghanda si sir Reggie pero naisip niyang di niya alam ang gusto nito.
Bahala nga sila.

Naiwan siya sa kusina at nililinis ang konting hugasin.

Di niya namalayang lumapit si Reggie sa may tapat ng lagayan ng drinks para magtimpla ng kape. Nakita niya ito.
“A, sir, ako na po magtimpla ng kape niyo.” Nahihiyang offer niya.
Tumigil ito at di tumitingin sa kaniya na sumagot
“Ok! Pakidala nalang sa sala, please.”
“Ok po!” Medyo nabawasan ang asiwa.
Paalis na ito nang naisipang magtanong sa kaniya.
“Ano ulit ang pangalan mo, neng?”
Nyek! Neng?
“A, Vaness po, sir Reggie.” Tipid ang ngiting sagot niya. Tumango ito.

Naabutan niyang malungkot na naman ang amo. Nakatingin sa malayo. Hindi ba ito papasok? Paano kaya ang trabaho nito? At bakit parang two days niya nang di nakikita si mam Lyda niya?
Nakaramdam siya ng awa sa mag-aama. Tingin niya walang pakialam ang among babae rito.

CHAPTER 9

Naglalaro sila ni Lyka habang pinapaliguan niya ito. Masayang-masaya ang bata. Si Luke ay nasa kwarto, at naririnig niya kanina na nanonood ito ng movies. Si sir Reggie ay umalis kanina na malungkot ang mukha.

Matapos niyang silbihan ang mga anak ng amo ng pinsan niya na sa kasamaang palad ay amo niya na din ay naisipan niyang magpahinga saglit.
Kagabi tumawag sina Thes at Sherwin sa kaniya. Naikwento nya na ang nangyari. Gigil na gigil ang dalwa niyang bff sa pinsan niyang si Aivee.
Napapabuntong hininga siya ng sunod-sunod nang marinig niyang may tumigil na taxi sa tapat ng bahay. Sinilip niya ito. Si mam Lyda! Ngayon lang umuwi? Ano bang paki nya? Sita niya sa sarili.

May dala-dala itong pasalubong sa mga anak.
Hindi ito pinansin ng panganay.
Pero ang bunso ay yumakap agad sa mommy. Ginantihan din ito ng ina. Akala ni Vaness ay magtatagal ito pero maya-maya ay lumabas na naman ito ng bahay at may dala-dalang maliit na trollee bag. Mukhang matatagalan ito bago bumalik o baka naman hindi na. Hindi man lang ba ito magpapaalam sa mga anak at kay sir Reggie?

Ano ba yan? Kinakabahan na siya sa nangyayaring ito. Sino kaya ang magbibigay ng sweldo sa kaniya rito? At may sweldo kaya siya rito? Loko talagang pinsan niya! Naiiyak na siya. Di niya pwedeng iwanan ang mga bata rito. Lalo na si Lyka. Maigiigi nalang si Luke at kayang alagaan ang sarili.
Balak pa naman sana niya na pag binigyan siya ng sahod ay magpapaalam na siyang aalis. Tingin niya di ito mangyayari ang mga gusto niya. Paano na kaya ang pag-aaral niya sa susunod na taon?

Kinagabihan, dumating si sir Reggie at may dala-dala itong mga stuffs na di niya tiyak kung ano.

“Umuwi ba si mam Lyda mo?” Usisa nito agad sa kaniya.
“Opo, sir. Pero umalis po agad si mam.” Nag-aalangan siyang sumagot pero naisip niyang di siya sinungaling na tao kaya tama lang ang tinuran nya.

Nakita niyang nagtagis ang mga bagang nito. At naaninag niya ang galit sa mata ng lalaki. Dumiretso ito tungong sala at naupo. Sapo ang mukha.
“Iniwan niya na talaga kami.” Malungkot ang mukha nito. Di niya tiyak kung siya ang kausap o sarili nito.
Ipinagtimpla niya ito ng kape.
Pagbalik niya ay di niya alam kung bakit parang gustong-gusto niya itong aluin. Parang gusto niyang sabihing magpakatatag po kayo para nalang sa mga anak ninyo.
Wala naman siyang karapatan dahil utusan lang siya dito.

Saglit siyang nagtungo sa kusina para ipaghanda ng makakain ang amo pero pagbalik niya ay nakahiga na ito sa couch. Nakabaluktot ang mga paa. Sina Lyka at Luke ay natutulog na.

Saglit niyang pinagmasdan ang among lalaki. May parang pumintig sa puso niya na di niya mawari. Ipinilig niya ang ulo para kalimutan ang anomang iniisip niya.

Sa huli bago siya nagtungo sa kwarto niya ay naisipan niyang alisin ang sapatos ng amo.
Maingat na tinaggal niya ito pati medyas.
Pinagmasdan ni Vaness saglit ang mukha ng amo na natatakpan ng braso ang mga mata. Pinahiran niya ang pawis na mukha nito nang buong ingat at umalis nang marahan. Wala siyang kamalay-malay na gising pala si Reggie at nakikita ang maamo niyang mukha.

Saglit na sinilip ni Vaness ang bunsong alaga. Nakita niyang parang umiiyak ito.
Nilapitan niya at ginigising ang nananaginip na musmos. Niyakap niya ito at inalo pero walang tigil sa pag-iyak. Maya-maya ay sumuka ang bata. Saktong papasok din si Reggie na nagising dahil sa narinig na pagduwal ng bunso. Dali-dali itong pumasok at kinarga si Lyka. Ang init ng bata.

Nagmadaling kinuha ng dalaga ang thermometer at nilagay sa bibig ng bata. 37.6!
Kumuha din siya ng kool fever para ilagay sa noo habang hawak ito ng ama. Manakanaka ay nasasagi ng kamay niya ang braso ng amo subalit di ito pinapansin ng dalaga.
Pinainom niya ng paracetamol si Lyka na pinayagan naman ng amo ng tanungin niya.

Maya maya ay humupa ang init ng katawan ng bata. Nakayakap pa rin ito sa ama.
“A, sir ako nalang po ang magbabantay kay bunso. Magpahinga na po kayo, sir.” Pagmamagandang-loob ng dalaga.
“Maraming salamat, Vaness. Di ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka rito. Buti alam mo ang mag-asikaso ng maysakit.” Humahangang turan nito sa kaniya.
Hindi niya alam ang isasagot.

Nagkakwentuhan silang dalawa. Habang nakaupo siya sa isang bangko at si Reggie ay nakasalampak sa sahig katabi ng kama ni Lyka.
Matagal silang nakapagkwentuhan ng amo. Ang gaan ng pakiramdam ni Vaness.
Halos puro sa di magandang pagsasama nilang mag-asawa ang napag-usapan..Buong tiyaga naman siyang nakinig dito na akala mo ay matagal na silang magkaibigan. Nalaman niyang nahuli daw sila ng isang babaeng kayakap niya pero di binanggit kung sino. Pero nahuhulaan niya. Tama kayang iniisip niya na si Aivee ang tinutukoy nito?
Sabagay kasi maganda ang pinsan niya. Kagaya niya ay ulila din ito sa magulang. Pero mataas mangarap ang ate Aivee kaysa kanya. Kahit di pa ito tapos ay nangangarap ding tulad niya na magigng titled balang araw.

Naikwento nya din sa amo ang dahilan kung bakit siya napunta sa bahay na ito. Umiiba ang ekspresyon nito sa mukha tuwing mababanggit niya ang pangalan ni Aivee subalit ayaw niyang mag-usisa at manghimasok. Hihintayin niyang ito mismo ang magkwento.

Naramdaman niyang parang nabawasan ang lungkot ng amo habang kakwentuhan niya ito.

Hindi nila namalayang alas dos na pala ng madaling araw. Nakatulog si Vaness sa may lamesa, si Reggie naman ay sa sahig nakaupo habang tulog nakasandal sa kama ng anak.

CHAPTER 10

Natuwa si Vaness nang makitang umokey na ang alagang bunso. Naglalaro ito at ng ama. Si Luke naman ay nandon din naglalaro ng Cellphone. Dala-dala ni Vaness ang inihandang almusal sa mag-aama na kung tanawin mo ay aakalaing isa silang masayang pamilya.

Napansin niyang di na masyadong hinahanap ng magkapatid ang mommy. Malamang ay dahil nasanay na silang paalis alis ito gaya ng sinabi ni Sir Reggie sa kaniya kagabi.

“Please, eat with us, ate Vaness!” Masayang anyaya ni Lyka. Atubiling nagpalipat lipat ang tingin niya kay Luke at sa ama nito na nakangiti sa kaniya.
“No, baby. Later na ako kakain ha? May tatapusin lang ako sa kusina. Sir Luke, sir Reggie, kain na po kayo.” Malambing na wika niya.

“Oo nga naman Vaness, eat with us na.” Nakangiting sabi ni Reggie subalit nag excuse talaga siya nang makitang nakasimangot si Luke. Baka naiisip nito na kagaya siya ni Aivee.

“Susunod nalang po ako, sir, baby, sorry ha?”
At agad na nagtungo sa kusina.

Habang pinupunasan niya ang lababo ay naluluha siya. Nalulungkot siya sa nangyaring ito sa kaniya pero pakiramdam niya naman ay may dhilan kung bakit siya napunta rito. Naiisip niyang kawawa ang mag-aama na ito. Pero di naman niya tungkulin ito. At bakit siya?

Nabulabog ang pagmumuni-muni niya nang marinig si Lyka na sumigaw.
“Tito Bryan!”
“Tito Bryan!”
Magkasabay na sigaw ng magkapatid.
“O, bro!” Narinig niyang sabi naman ni sir Reggie.
“Kasama mo pala si Just!”

Ewan kung bakit sumikdo ang puso niya sa narinig na pangalan. Napamulagat siya dahil parang kilalang kilala niya ang boses nito. Oh, no!

Saglit na sumilip siya sa gilid ng ref para makita at matiyak kung sino ito. Napamulagat ang mga mata niya. Mc Bryan! Kasama ang isang batang lalaki na halos bata lang hata ng isang taon kaysa kay Lyka. Ito yung nakita niya sa picture sa mesa nito don sa Argens.
Natataranta siya. Medyo nanliliit ang tingin sa sarili. Malalaman nito na isa siyang katulong.
Sabagay baka di naman siya nito matandaan. Sa dami ng pasyente nito don sa Montalban, baka naman di na siya maalala nito. Ang liit naman ng mundo!
Naku! Naku! At marami pang naku!

Napaigtad pa siya nang di niya namalayang pumasok si Reggie sa kinaroroonan niya.

“Ness, meron pa bang pagkain diyan? Dumating kasi ang kapatid ko, pakidalhan mo naman don at ipapakilala din kita sa kaniya.” Paulit ulit na parang nag iecho sa isip niya ang huling sinabi ng amo.
Napansin marahil siya na iba ang ekspresyon niya kaya saglit na tumigil ito at lumapit sa kaniya. Hindi niya inaasahang sasalatin nito ang noo niya. Inakala sigurong maysakit siya kaya niya ginawa yun sa kaniya. Uminit ang mukha niya sa ginawa ng amo. Sobrang hiya niya. Hinawakan din nito ang kamay niya na parang alalang-alala.

“Naku! Napagod ka na yata sa min. Pasensya ka na, Ness ha? Pagkatapos nito ay magpahinga ka na rin muna ha?” Nag-aalalang wika nito sa kaniya.
Tinanggal ng dalaga ang kung anong parang bumabara sa lalamunan niya. Medyo naasiwa siya sa ginawa ng amo pero parang may kiliti siyang naramdaman.

“O-okey lang p-po ako, s-sir. Di po ako pag…”
Yun ang akala niya. Bigla nalang siyang nawalan ng panimbang at malay.

Nataranta naman si Reggie at agad nasalo ang tila nauupos na kandila niyang katawan. Bumigay na pala ang sarili sa pagod.
Hindi na alam ni Vaness kung ano ang kasunod na nangyari. Bago tuluyang mawalan ng ulirat ay naipagpasalamat pa niyang nangyari sa kaniya dahil di niya alam kung pano makakaharap si Bryan na akala niya naman ay big deal sa kaniya, gayong di nman sila gaanong magkakilala.
Hindi na niya nakitang napasugod din sina Bryan, Luke, Lyka at ang batang si Just.

CHAPTER 11

Pakiramdam niya ay medyo natagalan siyang nakalatag sa kama niya. Masakit sa ilong ang naamoy niya na naging dahilan para magising siya.
Bago siya nagmulat ng mga mata ay naalala niya ang dumating kanina lalo na ang paghawak ni Reggie sa kamay niya. Naisip niyang saka na siya magmumulat at papakinggan niya muna ang usapan ng mga tao sa paligid niya.
“Pano, siya napunta rito, bro?” Narinig niyang usisa ni Bryan.
Napakunot-noo naman si Reggie.

“Panong di mapunta? Kilala mo ba siya?”
“A, ibig kong sabihin, bakit di na si Aivee ang andito?”

Medyo nakahinga ang dalaga.

Akala niya nakikilala siya nito. Si ate Aivee pala ang dahilan ng pagtatanong nito.

Buti naman.

Medyo napaigtad siya nang may humawak sa kamay niya at pinisil ang pagitan ng hinlalaki at hintuturo niya. Masakit. Napangiwi siya.
“Its, ok, its ok!” Saka lang niya natiyak kung sino ang may gawa-walang iba kundi si Bryan. Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya. Pero kaagad bumangon nang maalalang di siya amo dito kundi utusan.
“No, no, take your rest, Vaness.” Wika nito.
Hala! Kilala nga siya!

Napakunot-noo na naman si Reggie. Kilala nga ito marahil ng kapatid. At ano itong parang naaaninag niya sa mukha ng amo? Parang selos? Nyek! Assuming naman masyado, girl! Sita niya sa sarili.

“She needs rest, kuya Reggie.” Sabi nito pero sa kaniya nakatingin na heto na naman ang mga tingin na kagaya ng una niya itong makita.
Pero siguro naman ay di nito binigyan ng pansin o isipin kung pano sila nagkakilala sa AMC.

“Ang swerte naman ng pagpunta ko rito, may napakagandang pasyente ako.” Waring nambobolang turan nito. Biglang namula ang mukha ng dalaga. At nabigla siya nang haplusin nito ang buo niyang mukha. Huling-huli niyang nagtiimbagang si sir Reggie niya.
Pumikit na lamang ang dalaga at nagkunwaring natutulog na ulit.

CHAPTER 12

Isang mahinang ugoy ang gumising kay Vaness na nakatulog pala ulit dahil marahil nga sa pagod niya. Di kasi siya sanay sa maraming trabaho. Alam niya ang nga gawaing bahay na itinuro ng tiyahin pero never pa siyang nakipanilbihan gaya dito. Naramdaman niya na ngayon ang sakit ng likod niya. Sikmura niyang parang may masakit dahil siguro sa lamig.
Pagmulat niya ay si sir Reggie ang gumigising sa kaniya, may dala itong umuusok pa na sabaw. Nilagay sa mesita sa tabi niya.
“Humigop ka ng sabaw. Tingin ko talaga napagod ka rito. Hula ko ay baguhan ka sa mga gawain. Pasensya ka na ha?” Nag-aalalang sabi nito.

“Naku, wala po to sir. Maya-maya po ay ipagluluto ko na po kayo. Ok na ok na po ako.” Masiglang sagot niya sa amo.
Napansin niya ang titig nito sa kaniya na di niya maarok. Umiwas ng tingin ang dalaga.
Ayaw niyang bigyan ng malisya ito kasi baka mapahiya lang siya.
Bumangon siya para ipakitang ayos na ang kalagayan niya. Kinapa ng paa niya ang bakya niya. Medyo nawalan siya ng panimbang at nasalo ni Reggie ang kamay niya. Umiwas naman siyang madikit ang katawan niya sa amo.
“Sorry po, sir!” Nahihiyang wika niya.
“Ok lang. Be careful ha?” At inalalayan siya nitong umupo sa gilid ng kama.
Ano ba ito? Ang bait naman ng amo niyang ito. Kung iba-iba, hahayaan lang siya sa tabi kahit mamatay sa sakit.
Ang totoo ay kunting pagod lang naman ito para sa kaniya. Di na kailangang asikasuhin siya ng ganitong level.

Siya namang pagpasok ni Bryan. Kitang-kita nito ang lag-alalay ni Reggie kay Vaness.

Tumikhim ito at lumapit kay Vaness.
“Magaling na ba ang pasyente ko?” Waring nagpapapansing tanong nito sa kaniya.
Ang sweet naman ng ngiti nito.
Nagulat pareho sina Reggie at Vaness sa ginawa nito. Walang sabi-sabing humawak sa kamay ng dalaga at humalik sa noo nito.
“Na-miss kita ng sobra,Miss Vaness.” Hindi na nakaiwas ang dalaga at biglang bigla siya sa ginawa nito. Awtomatikong lumipat ang mata niya sa mukha ni Reggie na umibang umiba ang ekspresyon sa ginawa ng kapatid sa dalaga.

Ewan niya ba kung bakit parang gustong-gusto niyang magpaliwanag sa amo na wala silang relasyon ni Bryan.
At ano naman kaya? Ano naman kung sakaling meron?

IEwan nang ewan siya sa sarili niya.
Hinila ng dalaga ang kamay niyang hawak ni Bryan at nag-excuse.

Iniwanan niya ang dalawa at nagtungo na siya sa kusina.
Naabutan niyang kumakain na sina Lyka, Luke at Just.
“Sorry, di ko kayo naipaghanda. Babawi nalang ako ha?” Malambing na sabi niya sa mga bata.

Nakita niyang may inaayos si Justin na sirang toy truck. Nilapitan niya ito at tinulungan. Saglit lang at ok na agad. Tuwang-tuwa ang bata.

Kinuwentuhan niya saglit ang mga ito at aliw na aliw sa kaniya.

“Do you have another story, ate Vaness?” Malambing na tanong ni Lyka.
Napangiti siya.
“Later, baby. I have lots of things to finish. ”
“Promise?”
“I promise!”

At iniwan niya na ito. Ang totoo ay medyo mabigat ang pakiramdam niya sa ulo niya.
Medyo lumiit siya kaysa dati ngayon.
Nilinis niya ang mga kalat sa kusina. Nandon ang sachet...


ng noodles na marahil ay un ang niluto sa kanya ni sir Reggie. Napangiti siya ng maluwang nang maalala ang pag-alaga ni sir Reggie niya. Di rin mapagkit-pagkit sa isip niya ang ginawang paghalik sa noo niya ng kapatid nito.
Naweirduhan siya.
Ano ba tong mga nangyayari sa bahay na to?

Nasa ganun siyang pagmumuni-muni nang may magsalita sa likuran niya. Si Bryan.

“Sabi ni kuya masarap ka daw magtimpla ng kape, baka nman pwedeng makatikim ng ipinagmamalaki niya.” Parang nagbibinatang lambing nito sa kaniya. Ha? Pinag-uusapan ba siya ng mga ito? Pero natuwa siya nang malamang nasarapan sa timpla niya si sir Reggie.
“A, ok po, sir Bryan. Ihahatid ko nalang po sa sala, sir.” Nahihiyang sagot niya rito.
Napatawa ito na titig na titig sa kaniya. Pinisil ang ilong niya. Ewan kung bakit awtomatikong napatingin siya sa pinto ng kusina na parang nag-aalala siyang makita sila ni sir Reggie. Parang ayaw niya. Di niya maexplain kung bakit may ganun siyang pakiramdam.
Ang totoo ay naiinis na talaga siya sa sarili niya kasi parang nahulog siya sa isang masalimuot na sitwasyon ng buhay. Sa probinsya ay makapagkwentuhan lang sila ng dalawa niyang bff habang nagmimeryenda ay buong buo na ang araw niya. Sa bahay naman na to parang ang isang oras ay puno na ng isang pelikula.

“Ang cute mo talaga.” Di mapigilang sabi nito sa kaniya.
Tipid na ngiti lang ang binigay niya rito at nagpatuloy sa paghanda ng request nito.
Ayaw paawat ng lalaki sa kakapapansin.

“Kausapin mo naman ako, please! Di mo ba ako naaalala? Bakit nga pala, ay teka? Bakit di lumaki ang tummy mo? Nakunan ka ba?” Biglang seryuso ito.

Di niya napigilang tumawa.
“Sir Bryan, di naman po ako nabuntis.”
“Ow?”
“Bakit ka nagpunta sa AMC? Di ba ikaw yung nagpatest.” Lumuwang ang ngiti nito na parang may nasisilip na pag-asa.
“Kumuha lang po ako ng lab test para sa pagpasok sa trabaho dito sa Maynila. Magwoworking student sana ako, kaso dito ako iniwan ni ate Aivee. Di ko na alam kung nasan na siya.” Bigla siyang nalungkot nang maalala na naman ang sitwasyon niya.
Ikinuwento na ng dalaga ang nangyari lalo na ang ginawang pagkuha ni ate Aivee ng pera niya.

“Well, mas ok naman na dito lang pala kita makikita. Inabangan kitang bumalik sa clinic para sana makilala ka. Alam mo na.” Nagpapacute na wika nito.

May pagkaplayboy naman pala ito. Nyek! Turn offed naman siya. Crush pa naman sana niya ito.

At ngayon? Baka naman si sir Reggie na ang crush mo? Tanong niya sa sarili. Eh! Kadiri ka girl! Naiisip niya. May mga sabit na yata ang mga crushes niya.

Sa dining table na nagkape ang kausap at nagpatuloy sa pagkwentuhan.
“Ibig mong sabihin, dalaga ka pa? Baka naman may boyfriend na?”
Ayaw niyang sagutin ito pero ang kulit kaya sinabi niyang wala. Umaliwalas ang mukha ng binata.

CHAPTER 13

Dinalhan niya ng kape ang sir Reggie niya sa sala. Umiwas siya sa daanan ni Bryan. Parang lumiit ang mundo niya. Naabutan niyang abala si sir Reggie sa pag-aaral ng mga papel na nasa folder. Inilapag niya ang kape sa may center table.
“Sir, may ipag-uutos pa po ba kayo?” Magalang na tanong ni Vaness.
“A, basahin mo nga ito, Ness kung pwede. Baka naiintindihan mo itong nasa papel na ito.”
Medyo yumuko siya para tingnan kahit wala naman siyang idea kung anoman iyun.
Sinenyasan siyang maupo sa tabi nito. Atubiling umupo siya. Medyo alangang katabi ang amo pero masunurin siya kaya umupo siya at binasa ang nandon. Medyo nagulat siya sa nabasa.
Napalingon siya sa amo at napatitig.
Tama kaya ang pagkaintindi niya? Ididissolved ang share ng isang tao na ang ngalan ay Reggie S. Blanzer. Dahil daw sa nakalagay sa baba na mga bankruptcy at unsuccessful contracts.
Parang ayaw niyang magkomento at wala kasi siyang alam pa sa mga ganitong field.
Hinihilot ni Reggie ang noo at nakatingin sa kaniya na waring napapasaklolo.
Parang nag-aalangan pero di niya napigilang kunin ang kamay ng amo at hawakan ng mahigpit dahil sa pakiramdam niya ay sasabog na ang pakiramdam ng Amo. Biglang yakap ito sa kaniya at humagulhol. Animo’y bata na nagpapasaklolo sa ina. Hinaplos haplos niya ang likod nito.
“Sir…” walang halos masabi kundi ito lang ang namutawi sa bibig ng dalaga.

Maya-maya ay inayos nila ang mga sarili.
Nakita sila ni Bryan sa kaninang ayos nila.

“What happened, kuya Reg?” Di na ito nag-abalang tingnan si Vanessa. Pakiramdam ng dalaga ay wala siya sa harap ng mga ito sa pag ignore sa kaniya ng nurse.

“Tama si Lyda, bro. I can’t manage my own business without her. Isa akong inutil. Walang alam sa pagpapatakbo ng pinundar niya. I’m nothing but a dependent man to her wife. Kaya niya siguro ako iniwan.” Buong pait na turan nito.

“That’s because its not what you like, kuya. Just like me. Ayoko din sa medicine field. Pinagbigyan ko lang si mama when she’s living. Pero ngayon mas naiisip ko nang ituloy ang pagmimilitary. Baka sa ngayon ay kailangan mo sigurong magkaroon ng sariling business kaysa ipagpatuloy mo ang pakikisosyo dyan sa mas malalaki at nauna nang negosyante sa yo.”

Narinig pa ni Vaness ang iba pang usapan ng dalawa.
Minsan niya lang sinilip ang mga mukha ng magkapatid. Si Reggie ay parang batang natalo sa laro. Si Bryan naman ay mukhang tigasin pero mapagmalasakit sa kapatid.

Nakakita si Vaness ng mga kasangkapan sa paggawa ng tinapay. Biglang sumagi sa isip niya ang itinuro ng mama ni Thes sa kanilang tatlong magkakaibigan. Bigla niyang naalala ang tiyahin. Kumusta na kaya ang tiya Gia niya.
Habang ginagawa niya ang mga sangkap sa paggawa ng spanish bread ay nagring ang cellphone niya. Sumigla ang pakiramdam niya nang makitang si Sherwin ang tumatawag.
“Oy, win! Kumusta!”
“Heto, ayos lang. Andito kami kay tita Gia. Nakakapagsalita na siya. Bumubuti na ang lagay niya.”
“Mabuti naman. Pwedeng pakausap?”
Maya-maya ay ang tiyahin na ang nagsasalita. Medyo hirap sa pagbigkas ito.
Sinabi ng tiyahin na alam na nito ang ginawa ni Aivee sa kaniya. Sinabi ding pagtiyagaan niya muna kung saan siya ngayon, na kesyo magpakabait muna siya at hindi naman siya mamamalagi dito kung saan siya.
Naluluha siyanhg sumang-ayon sa tiyahin. Miss na miss niya na ito.

CHAPTER 14

“Hmmmm!!! Smell so yummy!”napapalatak na takbo ng magkapatid at pinsan papalapit kay Vaness nang maamoy ang niluluto niyang spanish bread. Pati si Luke ay parang gutom na gutom na humihingi ng niluto niyang tinapay. Sinna Sir Reggie at Bryan ay napasugod din sa kinaroroonan nila. Sobrang saya ng dalaga nang matikman ng mga ito ang niluto niya at nag-agawan pa ang mga ito. Nagtatawanan silang lahat lalo na nang malaglag ang kinakain ni Bryan.
“Ubos na ba, mommy?” Parang batang nagtanong pa sa kaniya.
Hala. Baliw ito haha! Sa isip ay napapatawa siya sa pagtawag sa kaniya ni Bryan.

“A, ok po. Magluluto pa po ako ulit sir Bryan.”

“Baka pwedeng tumulong sa ‘yo?, Ok lang ba, mommy?” Boluntaryo nito.
Naaasiwa talaga siya sa pagtawag nito kaya napatanong siya
“Sir, bakit naman po, mommy ang tawag ninyo sa kin?” Di mapigilang usisa.

Napangiti ito.
“Syempre, pinapraktis ko na kasi yan ang itatawag ko sa ‘yo pag tayo na.” Walang kaabog-abog na turan nito.
Nabitiwan ng dalaga ang hawak na panghalo ng harina.

Biglang sabat naman si sir Reggie.
“Naku, bro! Huli ka na. May nagmamay-ari na kay Ness.” Seryosong sabi nito sa kapatid na tumitingin sa kaniya na waring pinakikiusapan siyang sang-ayunan ito.
“Kuya, kung sino man ang nagmamay-ari kay mommy ko, sorry siya. Aagawin ko siya.” Nakatitig kay Vaness na sagot nito kay Reggie. Ewan kung seryoso o ewan nga.
Medyo tumahimik ang tatlo.
Nagpatuloy sa paggawa ang mga ito na kalaunan ay nakisali na rin sina Luke, Lyka at Just.Tama nga ang pinsan niya, ngayon pakiramdam niya ay parte siya ng pamilya dito dahil sa magandang pakikitungo ng mga ito.

Nagkalat lang ang mga bata. Ang laking trabaho nito.
Kung siya lang sana ay hindi ganito kakalat ang trabaho pero masaya siya kasi para silang mga elementary children na naglalaro😅.

Biglang sumagi sa isip ni Vaness ang ideya habang minamasdan niya ang harap ng bahay ng amo niya. Dali-dali siyang pumunta sa may kwarto ng amo na ngayon ay kapanatagan na niya ng loob. Di na siya gaanong nahihiya dito.

Nagtataka si Reggie at kinatok siya ni Vaness sa kwarto niya. Mukhang excited ito at lumapit sa kaniya. Kinuha ang kamay niya at hinila palabas ng kwarto. Di naman makatanggi ang lalaki at napasunod sa dalaga.
“Teka, be careful!” Natatawang wika nito.
Sa terrace nila sila nakarating.

Nakita ni Bryan ang dalawa sa terrace na nag-uusap. Lumapit siya sa mga ito. Parang gusto niyang magselos. Dapat ay paalis na siya bukas pero nang napapalapit ang loob niya kay Vaness.
Hangang hanga siya sa babaeng ito.
Gusto niyang magtapat ng seryoso rito.

CHAPTER 15
“That is so clever idea, Ness!” Namimilog ang matang humahanga si Reggie sa sinabi ni Vaness sa kaniya.
“Maganda ang naiisip mo. Pwede nating simulan the day after tomorrow.”
“Opo, sir. Kunting ayos lang yang maliit na waiting shade ninyo at makakapagsimula ng maliit na bakery. Sa simula ay mahirap siguro pero makakapag-adjust din po kayo. Tutulong po ako sir. Wag po kayong mag-alala. Kung mawala man sa inyo ang kompanya ay magsimula po tayo ng maliit niyo pong negosyo. Napansin ko din na wala pang bakery dito banda sir.” Nakangiting pahayag ng dalaga.
Halos maluha-luha ang lalaki sa napakaganda at nakakabuhay ng loob na ideya ng dalaga. Di napigilang yakapin niya ito ng mahigpit at buong pasasalamat.
“Thank you! Thank you!” Buong pusong pasasalamat nito.

Tumikhim muna si Bryan bago tuluyang lumapit sa dalawa. Gaya ng dati ay dirediretso ito kay Vaness at humalik sa noo nito.
Medyo tumigas ang mukha ni Reggie.
May dala-dalang bulaklak ito na pinitas lang sigurado sa labas. Nang makita niya ang pagbago ng anyo ni Reggie ay dinaan nalang ng dalaga sa biro ang mga ito.

“Sir Bryan naman po,wag kayong pafall😅😅 remember, katulong lang ako dito. At gusto kong tulungan si sir Reggie para makapagsimula ng sariling business. Bakit naman po may paflower flower pa kayo?” Natatawang birong dalaga.

“Kahit ano ka pa at sino ka pa, wala akong paki. Ang importante mahal kita at gusto kitang tulungan kung ano man ang tulong na maitutulong mo sa kuya ko, ok? .” Walang kambyo kambyong sabi nito na lalong nagpadilim ng mukha ng kuya.

Umalis na bigla si Reggie at iniwanan ang dalawa.
Nagpaalam na din agad si Vaness kay Bryan. Naiwan itong nakatiimbagang. Lalaki din siya kaya ramdam niya kung ano ang nararamdaman ng kuya niya kay Vaness. Pero naisip niya, mas lamang siya dito kasi wala siyang sabit. Ang kuya niya may pamilya na. Siya naman ay bachelor. Nagmagandang loob na siya sa kuya na alagaan si Just na anak nito kay Aivee. Si Aivee na habol nang habol sa kaniya. Inaamin niya, attracted siya dati kay Aivee. Pero nang minsang nagkaroon ng party sa bahay na ito ng kuya Reggie niya ay nakita niyang magkayakap ang dalawa sa isang guest room ng bahay na iyon. Nagmakaawa sa kaniya si Aivee na sinasabing di nila sinadya ang nangyari. Nandiri siya sa ginawa nito. Pinag-aral niya si Aivee at isang taon na lamang at matatapos na nito ang kursong nursing. Hindi siya mapagmataas na tao dahil yun ang tinuro ng mga magulang nila sa kanila nang nabubuhay pa ang mga ito. Nagbunga ang ginawa nila Reggie at Aivee. Inako niya ang anak nina Reggie at Aivee na kaniya. Pero di na niya kayang mahalin ang babae. Si ate Lyda naman na asawa nito ay tuluyang nasaktan nang makitang magkayakap ulit ang dalawa sa may kusina. Lalong bumigat ang kasalanan ng mga ito sa knila.
Pinaglalaruan yata sila ng tadhana.
Nawala na si Aivee, heto na naman si Vaness na pinsan nito. At mukhang pareho silang may gusto ng kuya niya rito.

CHAPTER 16

Biglang lumubo ang isang panaderya sa loob lamang ng tatlong buwan na pagsisimula nina Reggie, Vaness at Mc Bryan. Di nila sukat akalaing ang ideya palang ito ng dalaga ang makakapag-ahon sa kanila sa kahirapan at pagkalugi. Kung dati-rati ay kumikita ang kanilang tinapay ng 10k a day, lalong nadagadagan ito nang makahanap sila ng mas mababang bilihan ng mga produkto.
Nag-enjoy sila sa negosyong naging patok sa lugar nila. Tuwang-tuwa naman ang tiyahin ni Vaness nang mabalitaan ang nangyaring ito sa kaniya. Napadalhan na niya ng tatlong beses ang tiyahin mula sa kinikita niya rito.

Halos ginagabi na siya sa pag-aasikaso ng panaderyang ito ni Sir Reggie.

Isang gabi ay niyaya siya ni Bryan na makipagkwentuhan sa terrace. Pinagbigyan naman niya ito. Tumigil na ito sa pagtatrabaho sa clinic at di pa rin nito itinutuloy ang pagtitraining. Batid niyang siya ang dahilan kaya ayaw nitong umalis.

“Seryuso ako, mommy.” Mahina pero may diing wika ni Bryan sa kaniya. Hindi niya na talaga masaway saway ito sa pagtawag sa kaniya ng mommy.
“Kahit pinipigilan ko naman, pero gusto talagang kumawala ng puso ko. Mahal ka talaga nito.”
Pilit na ngumingiti sa kaniya ang kaharap at mukhang pinag-aaralan ang mukha niya.
Ramdam niya din na mahal siya nito at naninjwala naman siya. Ang bait bait din nito sa kaniya. Nang minsang masugatan siya ng pagbukas ng lata ng gatas, agad agad na ginamot siya nito. Hinalikan pa ang kamay niya. Isang beses non ay tinalian pa ang buhok niya. Ang sweet sweet nito sa kaniya.
Pero bakit parang may mga ibig sabihin ang tingin ni sir Reggie sa kaniya. Parang ayaw nito ang mga ginagawa ni Bryan sa kniya. Mukhang nagsiselos ito. Wala namang sinasabi?
Sabagay, ano bang pakialam niya rito? May asawa na kaya si sir Reggie, at ito naman si Sir Bryan ay binata. Alam na niyang di anak nito si Just dahil naikwento na nito sa kaniya.

Naisip niya, di pa siya handang makipagrelasyon.
Tatapusin niya muna ang pag-aaral. Ayaw niyang pabigat sa magiging asawa niya balang araw. Gusto niya ay ipagmalaki din siya ng kung sino man ang magiging kapalaran niya.

Pero ngayon, tinitimbang timbang niya ang sarili.
Si Sir Bryan ang higit na nagpapakita ng pagmamahal sa kaniya. At si sir Reggie, hanggang tingin at selos lang. Baka matulad lang siya kay mam Lyda, hindi naipaglaban. Kaya iniwan kasi di kayang manindigan sa pamilya.
Hay, nagiging Judgmental yata siya.

Namalayan nalang niyang unti-unting lumalapit ang mukha ni Bryan sa kaniya. Nasamyo ng dalaga ang mabangong perfume nitong panlalaki.
Waring nahuhulaan niya ang gagawin nito. Gusto niyang umiwas pero parang may kung anong nagpapamanhid ng kaniyang katawan at di siya makakilos. Napamulagat ang mga mata ng dalaga nang lumapat ang labi ni Bryan sa bibig niya. Napapikit siya. Parang boltaboltaheng kuryente ang dumaloy sa mga ugat niya nang first time na may gumawa nito sa kaniya. Madami siyang manliligaw sa kanila pero ni isa ay wala siyang sinagot. Pati anak ng kapitan nila ay patay na patay sa kaniya pero binasted niya lang ito.

Napaatras siya. Pinigilan ang sarili. Ang kislap naman sa mata ng binata ay napakaliwanag. Ngiting-ngiti ito sa kaniya. Sobrang ligaya nito.
“First kiss?” Maang na paninigurado niya sa dalaga. Umiwas siya sa titig nito.Paano kaya nito nahulaan na wala pang nakakahalik sa kaniya? Ayaw niyang sagutin ito. Nabigla pa siya nang yakapin siya nito ng mahigpit. “I love you, sobra! Mamahalin kita ng sobra-sobra!”
Ramdam na ramdam niya ang mapagrespetong pagmamahal nito. Narealized niya tuloy ng sandaling iyon na mahal niya na din yata ang lalaki. Saglit na nakalimutan niya si Reggie.
Ginantihan niya ito ng yakap na lalong ikinatuwa ni Bryan. Maluha-luha pa ito sa ginawa niya. Finally, alam niya, mahal na din siya ni Vaness.

CHAPTER 17

Nasa labas sila ng bahay sa bakuran at pinagmamasdan nila ang mga bituin. Naglatag ng sapin si Bryan sa damuhan at inihiga niya sa braso niya ang girlfriend niya. Masayang nagkukwentuhan ang dalawa. Nangangarap.
Punong-puno ng pagmamahal. Sinabi niyang gusto niyang makapagtapos muna at nangako naman ang lalaki na tutulungan siya nito.
Nakiusap siya na sana ay igalang muna siya at lilimitahan muna nila ang lambingan kahit ganun na nag estado nila. Palibhasa ay mahal na mahal siya nito ay lahat ng sasabihin ay inaayunan ng lalaki.
“Good night!” Paalam ni Vaness habang papasok siya ng kwarto niya.
“Wala bang kiss jan, mommy?” Malambing na request nito.

“Ano ba yan? Baka makita tayo ng mga bata at ni sir!” Tumatangging sagot nito.
“Segi na mommy, please!” Nagpapacute na pilit nito.
“Segi na nga, segi na at umalis ka na” natatawang pinagbiyan niya ito.
Pagkatapos ay pumasok na rin ito sa kwarto nito.

Nakahiga na ang dalaga ay pakiramdam niya nakalutang siya. Napapangiti at di makapaniwalang may boyfriend na siya at ang crush niya pa dati. Napahawak siya sa labi niyang kanikanina lang ay malambing na hinalikan ni Bryan. Ang higit niyang ikinatatakot ay kung ano ba ang magiging kasunod ng kiss na yun? Kahit naman wala pa siyang karanasan ay alam niya na ayun sa mga napapanood niya na…

Hindi niya maituloy ang iniisip niya. Basta ang alam niya masaya siya.
Tuluyan na siyang walang pakialam sa sir Reggie niya.

Nagulantang siya nang marinig na may mahinang katok sa pintuan niya pero naisip niyang magkunwaring natutulog na.
Pero ayaw tumigil ng katok. Narinig niyang boses ito ni sir Reggie.
Binuksan niya ang pinto pero nagulat siya nang bigla siyang yakapin nito ng sobrang higpit. Hindi siya makakilos.
Halos matihaya siya sa bigat nito. Pinipilit niyang itayo ito pati sarili. Naamoy niya ito, amoy alak!

Inaalis niya ang mga braso nitong nakayakap sa kaniya. Pero ang higpit ng yakap nito.
Pilit siyang kumakawala. Pero napakalakas nito.
Tinititigan siya at parang nkikiusap ang mga mata.
“S-sir! P-pleases, b-bitawan n-nyo po ak-ko!” Mahinang wika niya.
“Mahal kita, Ness! Ikaw ang nagbigay ng pag-asa sa kin. Pinalakas mo ako. Akala ko babagsak na talaga ako. Pero ang swerte ko nang dumating ka.
Pasensya na, di ko talaga mapigilang mahalin ka.” Mahabang pagtatapat nito.

“Sir, lasing po kayo, bukas nalang po tayo mag-usap, please. Matulog nalang po kayo, sir.” Pagsusumamo ng dalaga. Pero di ito tumitigil sa pagyakap sa kaniya,akmang hahalikan pa siya nito pero buong lakas niyang isinalya ito at mabilis na lumabas ng kwarto niya at iniwan si Reggie.

Gustong-gusto niyang magpasaklolo sa nobyo pero ayaw niyang mag-away ang mga ito. Naisip niyang kalimutan nalang ito at baka dala lang ng kalasingan kaya nasabi ito sa kaniya ng amo.

Doon siya natulog sa guest room na nasa kaliwang wings ng terrace. Sinigurado niyang nadouble lock ang pinto nito bago nahiga. Hindi na siya nakatulog hanggang alas kwatro ng madaling araw.

CHAPTER 18

Naabutan niyang kumakatok si Bryan sa kwarto niya. Takang-taka ito kung saan siya galing nang makita siyang lumabas hindi sa kwarto niya. Naisip nyang saka nalang niya sasabihin ang nangyari. May bitbit itong kape at pandesal. Napangiti siya sa sobrang pagkathoughtful nito.
Hinalikan siya nito sa noo at nagbadyang ayain siya papasok ng kwarto niya pero naisip niyang pangit pag doon. Baka pag isipan sila ng di maganda ng mga bata pagnakita sila sa kwarto. Lalo na ni Luke at ni sir Reggie.
“Tara! Don tayo sa dining table.” Nakangiting aya niya rito.
Kitang-kita ang pagtagis ng bagang ni Reggie sa di kalayuan nang makitang magkahawak kamay ang dalawa.
May itinatago ang dalawang ito sa isip niya.

Pormal na inaya ni Vaness ng kape si Reggie nang dumating ito sa kusina kahit medyo natrauma siya sa nangyari kagabi. Tahimik lang itong umupo. Hindi mawala wala sa isip ng dalaga ang ginawa nito sa kaniya kagabi. Gusto niya itong sumbatan pero ayaw na ayaw niyang gumawa ng eksena.

Saglit na iwinaksi niya sa isipan iyun at nagpatuloy na sila sa pagpapatakbo ng panaderya.
Nang umalis saglit si Bryan para kunin ang cellphone sa kwarto ay dali daling lumapit si Reggie kay Vaness at humawak sa kamay niya.
Naalarma naman ang dalaga baka maabutan sila ni Bryan.

“Totoo yung mga sinabi ko kagabi, Ness.” Waring magmamakaawang napauunawa ito.
“S-sir, may p-pamilya na po k-kayo!” Pilit na inaagaw niya ang kamay niya rito na agad namang binitawan nito.
“Alam ko, aayusin ko ito, Ness. Basta sa ngayon ay gusto ko lang talagang sabihin ang nararamdaman ko sa yo. Ikaw ang nagturo sa akin para mahalin ka.” Nagmamakaawa na naman ang mga mata.

Tumikhim si Bryan sa likuran nito.
“Mukhang seryuso ang usapan ninyo ng kuya ko, mommy.” Maluwang na ngiting sabi nito
Bakas na bakas sa mukha ni Bryan ang pagkapanalo sa laro. Biglang kinabahan si Vaness. Hindi pa yata siya handang malaman ng amo na sila na ng kapatid nito. Mabilis siyang dumako sa may tagiliran ng nobyo at mahinang kinurot ito. Nagets naman ng lalaki ang ibig niyang ipakahulugan.

Matapos ubusin ang kape ay nauna nang magpaalam si Reggie patungong Tindahan. Biglang yapos naman si Bryan sa likuran ng nobya.
“Miss na miss kita agad! Ilang oras lang kitang di nakasama.” totoong pahayag nito.
Ginantihan naman ito ng dalaga pero saglit lang at umalis agad ito sa pagkakayakap.
Nagtataka man ay naintindihan siya nito. Ipinaliwanag pa rin niya na di pa siya sanay. Isang matamis na halik ang iginawad ni Bryan sa noo niya. Masayang-masaya pa rin ito.

CHAPTER 19

Sa sobrang ligaya ng nararamdaman ni Vaness ng mga sandaling iyun ay pakanta-kanta siya sa CR na malapit sa kusina.
Wala siyang kamalay-malay na nakikinig pala ang nobyo niya na natigilan sa labas ng pinto nang marinig ang napakalamyos na boses ng babaeng walang iba kundi ang pinakamamahal niya. Naragdagan na naman ang paghanga niya rito. Infairness, mukhang panlaban ang boses nito.
I want to spend my lifetime loving you,
If that is all in life I ever do.
Aaa…yaheyahayhayeahhhh ahhhh…
ooohhhh ohhh ohhhhh ♩

Ngiting-ngiti ang binata habang inihahanda ang almusal nila kasama ng tatlong bata. Hindi na namalayang medyo matagal tagal na ring ganito ang set-up.

Paglabas ni Vaness ng CR ay agad na bumalik nang makitang naroon na si Bryan at ang mga bata sa dining table. Nahihiya siya kasi nakashort lang siya. Naiwan niya ang leggings sa kwarto niya kasi di niya naman alam na magsisipuntahan na ang mga ito sa kusina. Kung bakit kasi sira ang shower don sa kwarto niya. Kinatok siya ni Bryan. Inusisa kung bakit siya bumalik sa loob. Nahihiya pa siya pero wala siyang choice.
Di niya alam ang itatawag dito.
Kinatok siya ulit nito.
“Ah, nakalimutan ko kasi yung leggings ko sa kwarto.” Napapangiwing sagot niya rito.
“Teka, kukunin ko ha?”
Hay, ang bait naman ng bf niya. Hanggang ngayon ay di pa rin siya makapaniwalang silang sila na nga ba? Oo nga eh!

“Ang ganda pala ng boses mo, mommy! Nakakainlove!” sabi nito habang inaabot ang leggings niya. Nyek! Nakakahiya. Naririnig pala siyang kumakanta sa labas ng CR… ene be yen!

Masayang nagkainan sila nang dumating si Reggie. Seryuso itong nakatingin sa kanila lalo na sa kaniya.
“Can I talk to you, Ness?” nagtatanong pero medyo matigas ang boses nito.
Napatingin siya kay Bryan. Di pa rin alam nito na sila na. Di niya matiyak kung tutol ang nobyo o payag.
“Can I talk to you, only you?” ulit nito.
Kahit tumatanggi ang kalooban ay humihingi ng pahintulot ang mga mata niya sa bf at tinanguan naman siya nito. Sumama siya sa terrace kung saan ay dito naging sila ni Bryan.

Mag-iisang oras silang nag-uusap ni Reggie. SI Bryan naman ay naghintay sa sala, manaka-naka ay sumisilip sa dalawang nag-uusap. Medyo naiinip na siya at gusto na niyang makasama ang nobya, bakit ang tagal naman nilang mag-usap at medyo seryuso ang mga ito.
Nakita niyang nakatingin ang nobya niya sa kuya niya. Maya-maya ay niyakap siya nito at gumanti naman ang nobya niya. Gustong-gusto niyang sugurin ang mga ito at hablutin ang girlfriend pero nagpakahinahon siya. Pilit niyang inuunawa ang mga ito pero mukhang di ok ang pakiramdam niya. Biglang sumagi sa isip niya ang ginawa ni Aivee at ng kuya niya.
Ang sakit naman. Bakit kailangang magyakapan pa sila? Hindi kaya napilitan lang ang nobya na sagutin siya? Baka nman ang kuya talaga niya ang mahal nito?
Ayaw na niyang masaktan.
Pero mahal niya si Vaness. Kung iba ang mahal nito at hindi siya ay palalayain niya ito. Lalayo nalang siya at kakayaning kalimutan ito.
Inabot pa ng kalahating oras ang paghihintay ni Bryan sa may sala. Nag-uusap pa rin ang dalawa at umiiyak ang kuya niya. Ang nobya naman niya ay di niya makita ang mukha kung umiiyak din ba o hindi. Napapikit na naman si Bryan nang minsan pang nagyakap ang dalawa.

Ayaw na niya.
Lalayo na siya.

CHAPTER 20

Akmang tatalikod na si Bryan nang marinig ang boses ni Aivee na paparating. Napakaganda pa rin nito. Halos di niya makilala dahil sa nagmukha itong model sa suot nito.
Nakita niyang parang iiwas ito nang makita siya pero huli na ito.
Tumikhim siya.
“Buti andito ka na!” matabang na sabi ni Bryan.
Naluluha ito habang lumalapit sa ex nito.
Walang maramdamang excitement si Bryan sa pagdating nito.
Lumabas si Just patungo sa kinikilalang ama na si Bryan. Agad na nakaramdam ng sigla si Aivee. Lalapitan niya sana ang bata pero natakot ito sa kaniya.
“Hello, Just!, I have something for you.” malambing na naluluhang sabi nito sa bata. Subalit tumakbo ito pabalik ng kwarto.
Lumapit nalang si Aivee ay Bryan at buong higpit na yumakap dito.

Siyang paglabas naman ni Vaness at napaatras sa nakitang may ubod ng sexyng babae na yumayakap sa nobyo niya. Maging si Reggie ay nagulat din sa nakita. Pilit na inaalis ni Bryan ang sarili sa pagkakayakap sa babae hanggang sa tuluyan na itong nakawala rito.
Tinitigan siya ni Bryan at walang bakas ang mukha na tumalikod nang di manlang nagsasabi sa kaniya.
Paglingon ng babae sa kinaroroonan nila ay nabigla din ito.
Agad na lumapit ito kay Vaness at niyakap siya nito. Ang kapal ng mukha!
Gusto niyang sumbatan ito sa panloloko nito pero di siya makapagsalita. Pumiksi siya para makaalis sa pagyakap nito.

“Sorry talaga, insan. Kailangan ko kasing umalis talaga. Magbabayad ako sa mga atraso ko sa ‘yo.
Hindi ko naman talaga kailangan ang pera mo nang kunin ito. Nandon lang ang mga pera mo sa ibabaw ng tokador natatakpan ng isang standing picture frame Naisip ko kasi baka umalis ka dito, walang aalalay kay ate Lyda .” humihinging despensa nito na umiiwas ng tingin kay Reggie. Bigla niyang naalala, di pala niya nalilinis ang part na yun ng kwarto dahil mataas ito.
“Panatag ang loob ko na iniwan kita dito kasi alam kong mababait sila ate Lyda. Kung maalala mo, hindi naman maid’s quarter room ang tulugan kundi isa sa mga guest rooms.
Oo nga naman.

Napag-alaman niyang natanggap ito sa modelling ng isang brand ng pabango at ayaw niyang ipaalam agad dahil gusto niyang sorpresahin si Bryan. Napaawang ang bibig niya. Si Bryan? Bakit si Bryan? Akala ko ba wala na sila.
Nakaramdam ng di maganda sa puso si Vaness. Kaya niyang pagpasensyahan ang pinsan. Ang totoo napag-isip-isip niya din na kung hindi dahil sa pinsan niya ay di niya makikilala ng lubos ang nobyo. Pero teka, nasaan na si Bryan? Bakit nawala ito sa paningin niya.

Inentertain niya ang pinsan, ipinaghanda niya pa ito ng meryenda. Maya-maya ay nakita niyang umaalis ang nobyo nang di na naman nagpapaalam sa kanila. Tumitig lang ito sa kaniya at umalis. Masakit ang tingin nito sa kaniya. Hindi naman nito tiningnan si ate Aivee.
Gustong-gusto niyang habulin ito, pero nakaramdam siya ng tampo rito.

Matapos na magkausap ang magpinsan ay nagpaalam na ito na aalis na.
“Ako din, gusto ko nang umalis dito.” Malungkot na sabi niya.
Tuwang-tuwa ang ate Aivee sa nangyaring pag-unlad ng business ng sir Reggie niya.
“Paano kaya si sir Reggie? Naisipang itanong ni Aivee sa kaniya.
“Ok na sila ni mam Lyda, ang totoo ay pauwi na si mam sa makalawa. May inasikaso pala ito at ayaw na niyang ipaalam kay sir Reggie. Malaking business ang pinuntahan ng babaeng amo.At dahil sa gusto nitong leksyunin ang asawa ay umalis ito nang di nagpapaalam.

Mahal pa rin pala ng sir Reggie niya ang mam Lyda. Ito yung napag-usapan nila kanina na halos tumagal ng mahigit isa’t kalahating oras.
Parang hinahaplos ang puso niya kanina habang nagtatapat ito sa kaniya. Anito, di naman niya alam kung bakit napamahal daw siya kay sir Reggie, siguro dahil sa pag-aasikaso niya. Pero narealized naman daw nito na mahal siya, ibang klaseng pagmamahal. At wala nman itong balak na itali sa kaniya. Ginusto lang daw talaga niyang magtapat. Sabi nito, wag daw siyang kalilimutan. Puro tango lang ang tugon niya rito. Nang umiiyak ito kanina at niyakap siya, kahit naaasiwa man ay ginantihan niya ito at tinapik-tapik sa likod gaya ng ginagawa sa kaniya ng tiya Gia niya pag umiiyak siya. Nagpasalamat pa ito sa huli nag makumbinsi niyang ayusin nila ni mam Lyda ang pamilya nila. Para maging maayos ang paglaki ng mgakapatid na Luke at Lyka. Inihingi na rin ni sir Reggie ng sorry ang ginawa niya noong isang gabing nalasing siya.

CHAPTER 21

Gustong-gusto na niyang magtampo sa nobyo. Buong maghapon itong di niya nakikita. Hindi siya makapagtrabaho nang maayos. Palagay niya ay nanghihina siya. Bakit naman ganun?
Dahil ba kay ate Aivee? Hindi kaya mahal pa rin nito ang pinsan niya, at ayaw lang nitong magtapat sa kaniya baka masaktan siya. Hindi niya alam pero lungkot na lungkot siya.
Bryan….

Bulong ng isip niya.

Lumipas pa ang dalawang araw.
Dumating na si Mam Lyda. Tuwang-tuwang sinalubong ito ng mag-aama. Masayang-masaya si Vaness sa nakitang nangyayari sa mag-anak na ito. Nalagpasan na ang pagsubok sa kanila.
Laking pasasalamat ni Lyda sa ginawang pagtulong ni Vaness sa mag-aama niya.
Nagdiwang ang mag-anak.
Nagdiwang sila.
Siya naman, waring naulila.
Nagdaos ng munting kasiyahan sa bahay ng mga Branzes.
Nagrequest pa silang magkantahan at doon natuklasan ng mga amo ang napakagandang boses ng dalaga na kinakanta ang lumang awitin ni Tina Arena. Nagduet sila ni sir Reggie. Maya-maya ay ipinasa na ni Vaness ang microphone kay ate Lyda niya para ipatapos ang kanta. Baka kasi pag tumagal pa siya sa pagkanta ay tuluyan nang tumulo ang luha niya.

Sa labas ng gate ay naroon si Bryan na hindi itinuloy ang pagpasok nang marinig ang duet ng kuya Reggie at Vaness. Lalong nadagdagan ang selos niya at nagdududang may feelings ang mga ito sa isa’t isa. Di na narinig ng binata na hindi na boses ni Vaness ang dumugtong sa awit.

Ang araw na wala si Bryan ay naging linggo, naging buwan. Isinama na nito si Just na lubhang napalapit sa kaniya.
Si ate Aivee naman ay patungo nang Korea.
Si Bryan kaya?
Puro Bryan ang laman ng isip at puso niya.

Hanggang sa di na niya kinaya. Nagpaalam na siya sa mag-asawa. Sinabi niyang doon na niya ipagpapatuloy ang pag-aaral niya. Naisip din niyang magtayo din siya ng maliit na pagawaan ng tinapay sa bahay ng tiyahin para makaraos. Angdami niyang natutunan sa bahay na ito.

Pinuntahan niya isang gabi bago umalis kinabukasan saglit ang terrace kung saan sila laging nag-uusap ni Bryan. Di na niya napigil na lumuha. Ganito pala ang magmahal? Masasaktan ka pala ng sobra-sobra? Sa isip ay tanong niya. Nagulat siya nang magsalita sa di kalayuan ang lalaki. Sumikdo ang puso niya.

Bryan! Nananaginip ba siya? Totoo ang nakikita niya. ANg nobyo nya nga. Bakit parang galit ito? Pinigilan niyang yakapin ito dahil sa nakikita niyang bakas na galit sa itsura nito.

“Masakit ba?” nang-uuyam ang tono nito.
Di niya maintindihan ang sinasabi nito.

Hindi siya makasagot.
“Malaya kang mamili. ANg magmahal naman ay nagpaparaya.” Dagdag nito sabay alis.
Tuluyan na siyang napahagulhol sa kamay pero impit at ayaw iparinig.

Ang daya-daya mo, Bryan! Sa isip ay sigaw niya.
Anong ksalanan ko? Bakit mo ako ginaganito?
Pinaglaruan mo lang yata ako.
Baka dahil sa ganito lang ako?
Isang hamak na utusan?

CHAPTER 22

Mabilis ang mga lakad ng mga paang nasusuotan ng puting rubber shoes, white stockings at hanggang tuhod na uniporme, bitbit ang tray ng mga gamot patungong ward. Maganda at sexy.
Lahat ng naroong tao sa ospital na kinaroroonan ni Vaness ay napapatingin sa maamo niyang mukha. Napagdesisyunan niyang lumusong nalang sa medisina nang sabihin ng tiyahin na siya nalang ang bahalang magpasya kung ano talaga ang kursong kukunin niya, tutal siya naman ang magpapaaral sa sarili niya. At heto, matapos ang limang taon ay natapos niya din ang gustong-gusto niyang career na bumagay sa itsura niya.
Inabala n iya ang sarili sa pagpapatakbo ng panaderya habang nag-aaral. Natatanging siya lang ang dalaga sa knilang lugar na may sariling pinagkakakitaan habang nagpapaaral. Karamihan ay scholar at nagpapart time job hindi kagaya niyang hawak ang oras niya. Pilit niyang kinalimutan ang naging nobyo, pero kalaunan ay nasanay na siyang iniisip ito pero di na gaanong masakit.
Naiisip pa rin niya, siguro may asawa na ito. Minsan nga ay sinubukan niyang hanapin ito sa fb pero ibang tao ang lumalabas sa screen niya. Pati fb ni ate Aivee , sir Reggie at mam Lyda ay sinubukan nyang ibrowse pero kapwa nakaprivate ang mga friends list ng mga ito.
Dalaga na si Lyka. SI Luke naman ay graduating na sa kursong engineering.
Minsan ay nagchat sa kaniya si Sir Reggie. Kinumusta siya. Natuwa naman ang dalaga. Akala niya makakachat niya ng matagal pero hanggang thumbs up lang ito nang sabihin niyang ok lang siya. Bakit kaya ganun? Ayaw niya ng emoji na thumbs up. Ni hindi siya gumagamit nito sa sinumang nakakachat niya. Mas gusto niya ay heart kahit kanino. Feeling kasi niya ay mapagmataas ang thumbs up.
Ewan nya lang sa iba.

Natapos ang pagmumuni-muni niya nang mahulog ang sphygmomanometer niya na kanina ay bitbit lang niya. Yumuko siya para pulutin ito pero naunahan siya ng isang pamilyar na kamay na kinakapa niya sa isip kung sino ang nagmamay-ari nito.
Lumakas ang kaba niya. Dahan-dahang iniangat ang mukha habang tumatayo at nang mapagsino ang kaharap ay bigla siyang hinimatay.
Nasalo naman agad siya ng lalaki at isinugod sa ER. Pati ang mga kasama ng walang iba kundi si Bryan na sina Reggie, Lyda, Luke at Lyka ay nagsisunod sa kinaroroonan nila.

Masakit sa ilong nag nagpagising ng diwa ni Vaness at pinipilit sinuhin kung sinusino ang naririnig niyang nag-uusap usap. Nananaginip ba siya?
“Gising na yata ang bestfriend namin!” narinig niyang wika ni Thes na gaya niya ay isa na ring nurse. Naulinigan nya ring nandon si Sherwin na tapos na rin sa Radtec. At ang higit na nagpapabilis ng tibok ng puso niya ay ang kung sinong may hawak sa kamay niya habang hinahalikan ito. Naramdaman din niyang may pumapatak sa kamay niya na mainit na likido. Umiiyak ba ang may hawak ng kamay niya? Dahan-dahang iminulat niya ang mga mata niya at tuloy-tuloy na umagos ang luha nang mapagsino ang may hawak ng dalawa niyang kamay. Medyo humpak ang pisngi nito. Nadagdagan ng taon ang itsura nito, nagmatured na kesa dati. Suot ang isang polo shirt na puti, faded na maong at brown shoes na bumagay rito, nakasuot din ng mamahaling relo. Kinukuha niya ang kamay niya habang inililibot ang paningin. Lumapit si Lyka sa kaniya at yumakap pati na si Luke. Maging si Lyda at sir Reggie.

“Bakit ako nandito?” DI maalalang usisa niya.
Napangiti si Bryan sa kaniya na muling humawak sa kamay niya at halos ayaw nang bitiwan. Sina Sherwin at Thes naman ay nagkakatinginan na parang nanunudyo ang mga tingin.
“Hay, naku Frenny! Buti nalang nasalo ka ni sir Bryan.”Kinikilig na wika nito.

“Nawalan ka ng malay kanina. Sabi ni doc ay bumaba ang hemoglobin mo. Nakakalimutan mo yata ang vitamins mo eh.” Sabat naman ni Sherwin na nakangisi at kumikindat sa kaniya habang nginunguso si Bryan.

At ang lalaking ito, bwisit na ito! Miss na miss niya ito. Kung di lang maraming tao ay yayakapin niya na ang bwisit na ito!”

“Mommy, sorry talaga!” nagmamakaawa ang mga mata habang di binibitawan ang kaniyang mga kamay.
Hinihila niya ang kamay niya dahil sa nahihiya siya sa mga nandon.

Pero di na napigilan ni Bryan ang sarili at mahigpit na niyakap siya nito. Hinayaan na lamang niya ito sa ginagawa nito.
“Pwede ba tayong magsimula ulit? Kahit ligawan kita ulit ok lang, basta tanggapin mo lang ako.” Nagmamakaawang pakiusap nito.

Ipinaliwanag ni sir Reggie kung bakit nawala ang kapatid na parang bula.

CHAPTER 23

Ang napakaganda mong tinig habang kinakanta yung narinig kong kinanta mo sa CR ang parang nag-aanyaya sa akin na pumasok sa gate. Pero nang marinig ko ang boses ni kuya na kaduet mo pala ay siyang pumigil sa akin na pumasok ng gate. Dahilan para umalis ako. Pero bumalik ulit ako kinabuksasan ng gabi. Halos panawan ako ng pag-asa nang makita pa kitang umiiyak sa terrace nong huli mo akong nakita. Pumunta ako don para sana maimagine kitang kasama roon, di ko inexpect na naroon ka din. Akala ko umiiyak ka dahil bumalik si ate Lyda at mahal mo na si Kuya Reggie. Ang sakit sakit na makitang kayakap ng mahal mo ang ibang lalaki. Noong mag-usap kayo ni kuya Reggie nang mahigit isa’t kalahating oras sa terrace, nakita ko kayong dalawang beses na nagyakap. Ang tanga ko lang talaga at nagpadala ako sa selos. Hindi manlang kita pinakinggan. Hindi manlang kita inusisa. Inisip ko pa na hayaan ka nalang kung sino talaga ang mahal mo. Umalis ako sa bahay nila kuya. Kung saan saan ako nagpunta para kalimutan ka. Nawalan ng direksyon ang buhay ko. Ni wala akong mga dalang ID’s, o kung anong papel kaya nang kinakailangan kong mabuhay ay nag apply akong utility sa ospital. Nang umpisa ay sobrang hirap. Naranasan ko kung gaano kababa ang tingin ng karamihan ng tao sa mga utility. May isa pang mainit ang dugo sa akin na lalaking nurse doon. Makautos at makalait sa akin, wagas.
Pero di nagtagal at natuklasan nila kung sino taga at ano ako. Nalaman ng head doctor doon na isa pala akong nurse dahil sa nakita nilang bilis kong kumilos at mabigyan ng lunas ang mga pasyente.
Biglang taas ang tingin ng mga nandon sa akin. Inenterview ako at sinabi ko na. Pinaasikaso sa akin ang mga papel ko para kuhanin na nila akong nurse. Napag-isip isip ko, kailangan kong magpakatibay kahit wala ka na,ang babaeng biglang nagbigay direksyon sa akin at naging daan para mangarap ako.
Pag-uwi ko kina kuya para makuha ang mga documents ko ay iniisip kong nandon ka. Lalo akong nagtaka kung bakit masayang masaya na si kuya at ate Lyda na nagkabalikan na pala. Tinanong ko kung nasan ka. Sinabi nilang umalis ka na. Nagulat sila nang malamang tayo na pala noon nang bago pa ako umalis doon. Agad na sinabi ni kuya na walang namamagitan sa inyo.” Sunod-sunod na daloy ng luha ang umaagos sa pisngi ni Bryan. SIya naman ay napahilig nan sa balikat nito. Maligayang-maligaya si Vaness habang kasama ang lalaking unang-una niyang minahal at mamahalin niya na habang buhay.

Magarbong kasalan ang kasunod na nangyari matapos magkaayos ang dalawa.
Magkasamang hinarap ang di alam na mangyayari pa, ang mahalaga ay magkasama na sila. Pagkakataong akala nila ay di na dadating sa kanila.

WAKAS


Leave a Reply

Your email address will not be published.