23

Falling Into Him


Report

Chapter 1:

‘Kung sinunod mo kasi sana ako, hindi sana nangyari ‘to!’ Mom shouted. I can’t understand what they’re talking about.

‘Look! Hindi ko kasalanan ‘yon! Even you and I doesn’t expect that to happen, okay?!’ Dad retorted.

‘How about our daughter? What if they’ll target Iresh? Are you out of your mind, Arcelo?!’

Napalitan ng isang madilim ang paligid. Mga nagtataasang mga puno at halaman ang makikita. Mga huni ng ibon ang maririnig. N-nasaan ako?

‘Run, Arianne! Run!’

Ilang sandali pa ay may mga lalaking naka-itim ngayon ang papunta sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at tumakbo. Madilim ang paligid. Hindi ko alam kung saan tutungo.

Sa ‘di kalayuan ay natanaw ko ang isang batang lalaking nakatayo sa toktok ng bundok. Mabilis akong tumakbo paakyat subalit tila bumabagal ang aking pagtakbo.

‘Huli ka! Hahaha! Huwag ka ng tumakas pa!’ hinawakan ako ng isang lalaki. Nagpupumiglas ako. Pero hindi ako makawala dahil sa lakas nito. Mom! Dad! Help me! Pleaseeee….

“Arianne, gising. Nananaginip ka na naman.”

Nagising ako dahil sa alog ni mama. Tagaktak ang pawis kong napabangon. “Binabangungot ka na naman, ‘nak. Ayos ka lang ‘ba?” Tumango ako bilang sagot kay mama. “Ayos lang, ma. Anong oras na po ba?”

“Malapit na mag alas-shite. Mag-prepare ka na, hahanda ko lang ang agahan sa baba.” I nodded. Lumabas na si mama sa kwarto. Naihilamos ko ang kamay sa aking mukha. That dream again. It’s keep hunting me. But why? All I know wala naman akong maalala sa past ko. Hindi din ako naniniwala sa mga past life. I guess.

Mabilis kong iwinaksi sa isipan ang panaginip kong iyon. Kailangan ko ng mag handa dahil may klase pa ako ngayong araw. Tama! Iyon nalang muna ang isipin ko. Isa pa, it was just a dream. Panaginip lang iyon at hindi naman iyon totoo. So nevermind it, Arianne. Okay?

***

“Evolution is the process of change. This change started from the simple origin of life and led to the wide variety of plants, animals, and microorganisms found today.” Pagsasalita ko sa harap with matching lakad. Kasalukuyan akong nag-re-report ngayon sa harap ng pisara.

“Some changes are easily noticeable,” saad ko pa. Parang love lang yan madaling nalalaman pagnagbago. Nyayks! Saan ko naman nakuha yon? Psh!

“Other changes occur so slowly through time and are not easily noticed,” and blah blah blah. Ipinagpatuloy ko nalang ang pagre-report. After a one hour ay natapos nadin sa wakas. Shite! Wagas kasi ang professor namin magpa-report. Kakabwesit!

Agad ko namang niligpit ang mga gamit ko at inilagay sa locker. Grabee! Never kong in-expect na makakapag-aral ako sa isang sikat na private school sa buong pilipinas. Grabe lungs hindi pa ako sanay kahit na mag-iisang buwan na ako sa school na’to. Super duper adaptations and adjustment ang kinailangan ko pang gawin. Huhuhu hirap mag adjust.

“Arianne!” Napalingon ako sa sumigaw. It was Marvie.

“Arianne beshy! Si Marv oh sobra pa sa nagkamerong dalaw. Look grabi ginawa niya sa akin.” Parang batang nagsusumbong ang isang babae sa akin. It was Angela. Halos matawa ako ng makita ko ang mukha niya. “Pfft! A-anong nangyari sa mukha mo?” Natatawang tanong ko. Napanguso naman si Angela. Grabi! Pwede ng sabitan ng kaldero yung nguso niya.

“Grabi ka beshy ha! Tampo na ko sayo!” pagtatuntrums nito. Psh.

“Hahah bagay talaga yan sayo Angela. Nagmukha kang si Sadako. Hahaha” tawang tawa na komento ni Marvie. “Che! Layas. Di kita bati!” Pagtataray niya sabay kapit sa braso ko.

“Beshy Arianne, sama ka samin ha. Di natin isasama si Marvie. Mukha siyang si Samara,” saad niya pa. Napatawa nalang ako.

“Hoy hoy! Anong Hindi ako kasama? Baka nakakalimutan mo lugar namin ang pupuntahan natin.” Proud to be pang saad niya.

“Ay hala oo nga nakalimutan ko. Heheh peace lang Marv. Libre mo ba kami?” Nakangising tanong ni Angela.

“Hindi. Si Arianne lang ililibre ko.” Mataray na sagot ni Marvie. Muli na namang napa-pout si Angela. Hahah para tuloy syang pato.

“Hay naku! Puro kayo kalokohan. Ano na naman ba ang trip niyo? At saan na naman ba tayo pupunta?” Pagsisingit ko sa usapan nila. Grabi ang daldal nila pwamis (Promise)! “Basta!” Sabay nilang sabi saka ngumisi. Ano yon? Pinagpraktisan. Nagkatinginan naman ang dalawa. Tingin palang Parang alam ko na ‘to. Jusmiyo! Wag naman sana. Sabay silang humarap sa akin at ngumisi. Yung ngising nakakaloko. Shite! Sabi ko na nga ba may binabalak ang mga ito.

Agad nila akong hinawakan sa magkabilang kamay at hinila papuntang parking lot. Binuksan naman ni Angela ang pinto sa may passenger seat. “Sakay,” saad niya. Napataas naman ang kilay ko. “Where we’re going?” Takang tanong ko. “Basta! Sakay na.” Ma-awtoridad na sabi ni Angela. Grabi lungs! Nakakatakot siya pag nagseryoso. Mukha parin kasi siyang si Sadako. Sumakay nalang ako. Eh kung sumigaw kaya ako ng kidnapper? Jusmiyo! Mga kaibigan ko nga pala ang dalawang ‘to.

Agad namang sumakay si Angela sa shut gun seat at sa driver seat naman si Marvie.

“Mga loka, saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanila. “Sa lugar namin. Heheh, don’t worry pinaalam ka na namin kila tita at pumayag naman.” Nakangiting sabi ni Marvie habang nagmamaneho. Talaga lang ha, pumayag agad sa kanila si mama? Weh? Eh sa dati ko ngang school hindi naman niya ako agad agad pinapayagan kahit mga kaibigan ko pa ang magpaalam. Nakakapagpanibago lang. Haaysst! Namimiss ko na yung I.G. (Group of girls named Idiot Girls) tsk! Makatulog na nga lang, inaantok ako. Tsaka hindi naman nila ako ipapahamak may tiwala naman ako sa dalawang ‘to.

***

‘Clicked’

“psssh! Huwag kang maingay Sadako” 

‘Clicked’

“Hahah ang pangit niyang matulog beshy!” 

‘Clicked’

T-teka? Ano yun? Napagising ako sa flash na tumama sa mata ko. Pagmulat ko, bumungad sa harapan ko ang dalawa na may hawak na camera at ang mga loka-loka nakangiti lang at nag peace sign pa. Mabilis naman akong napabangon.

“Ouch!” Pisti! Ang sakit. Tumawa naman ang dalawa. Grabi sila nauntog na nga ako pinagtawanan pa. Ang totoo. Kaibigan ko ba sila? 

“Heheh ikaw naman kasi beh, ang lakas mo kasing humilik with matching tulo laway pa. Hahah” agad ko namang kinapa ang pisngi ko sa may gilid ng labi ko. Waaaah!! Kakahiya!

“Hahah! Joke lang. Ikaw naman kasi beshy, Alam mo ba yung kasabihan na magbiro ka na sa bagong gising huwag lang sa mga lalaking lasing.” Binatukan naman ni Marvie si Angela.

“Gaga! Mali yon.” Komento niya.
“Makapag gaga naman to. Heheh” Banat pa ni Angela.

“Oh sya tama na ang patalastas girls. Lika na gutom na ko.” Dagdag pa niya kaya bumaba na ako ng kotse at sumunod sa kanilang dalawa.

Pagpasok palang namin sa mansyon bumungad agad sa harapan namin ang mga nakahilirang mga maids. “Good afternoon young ladies!” Bati ng isa sa mga maids. Ngumiti naman si Marvie at tumango naman kaming dalawa...


ni Angela. Muli kaming naglakad papasok. Inilibot ko ang paningin ko sa buong mansyon. Grabee lungs! Ang ganda talaga. Parang kumikinang at naghuhugis puso na nga ang mga mata ko sa pagkamangha. Ang ganda ng mga classic designs. Para nga syang palasyo eh.

“Umupo muna kayo mga besh,” pag-aaya ni Marvie sa amin. Umupo naman kami. Aarte pa ba?

“Shems! Ang ganda pala ng bahay niyo Marvie.” Namamanghang komento ni Angela. “Oo naman, kasing ganda ko.” Ang hangin meeeeen, hahah kung sa bagay maganda naman talaga siya.

“Talaga Marvie?” Birong tanong ko. “Aba sympre! Maganda ako noh!” Taas noong sagot niya.
“Saan banda, aber?!” Binigyan ko siya ng nakakalokong ngiti.
“Mula ulo hanggang paa,” saad niya saka rumampa with posture pa.
“Ano? Mula ulo mukhang paa?” Sagot ko. Napahalakhak naman ng bonggang bongga si Angela.

“Hahah. Basag!” Napa-pout naman si Marvie. Hahah. Ang epic ng mukha niya. Lels!

“Di na ko makikipagtalo sayo Arianne. Talo muna ko.” Saad nito na mas lalong ikinatawa ko.

“Lagi naman eh, Sino ba kasi nagsabing makipag-talo ka pa sa’kin.” Biro ko pa. Bigla namang nagsidatingan ang mga maids na may dala-dalang pagkain. Shite! Otso, nuebe, diyes! Nagutom ako lalo. Si Angela naman, nagniningning ang mga mata sa pagkain. Isa din itong matakaw. Hahah. Masamang tanggihan ang grasya bahala ka.

“By the way, ipapakilala ko nga pala sa inyo mamaya yung pinsan ko. Mamaya nandito narin yon.” Napahinto naman sa pagkain si Angela.

“T-talaga?! Yung gwapo mong pinsan?” Nanlalaki ang mga mata ni Angela.

“Oh yeah girls.” Saad ni Marvie saka tumingin sa akin bago ngumisi. Napairap nalang ako. Kahit kailan talaga ang lakas ng pagkasaltik nito.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na muna kami sa kwarto ni Marvie. Sabi niya kasi doon nalang daw kami ni Angela. Hindi pa kasi naaayos yung guest room dahil pinapa-renovate pa nila. Pagkatapos kong maligo at magbihis ay nagpaalam na muna ako kina Marvie at Angela. I’m not prepared pero dahil isa silang dakilang baliw they prepared my things and clothes. Grabi lungs, hindi ko makeri (Ma-Care’y). By the way highway, gusto ko munang maglakad lakad sa labas ng mag-isa. Although na di ko pa kabisado ang lugar na to, ano naman ang use ng cellphone kung di ko tatawagan incase na maligaw ako. Tsk! Utak din guys.

Habang naglalakad , napansin kong nagdidilim na ang buong paligid. Napatingin ako sa wrist watch ko. Kanina pa pala ako naglalakad, 6:30 na pala tsk! Baka hinahanap na ko ng dalawa na’yon. Napagpasyahan ko nalang bumalik. Teka? Saan ba ako dumaan kanina? Aish! Ay wait tatawagan ko nalang nga sila. 

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at kinuha. I composed myself to dial Angela’s number pero may kung sino mang bwesit ang kumuha ng cellphone ko mula sa kamay ko. Agad akong napatingin sa kumuha non.

“Uy pare, may babae oh.” Sabi nung isang lalaki habang nakaturo sa akin. Napalingon naman yung iba.

“Aba, mukhang swerte tayo ngayon ah!” Sabi naman nung isang lalaki sabay nakipag-apir dun sa isa pa. Siraulo yata ‘tong mga to eh. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae?

“Hoy! Ibalik mo na nga yang phone ko.” Maangas kong sabi. Hinampas naman siya sa braso nung lalaking kasama niya.

“Aba pare, mukhang maangas yan ah!” Sabi nung lalaki pero hindi ko pinansin. Nagulat nalang ako ng bigla nitong hawakan ang braso ko kaya naman pabalya kong inalis yung kamay ng taong iyon.

“Bitawan mo ako.” I said, calmly. I tried to go back home pero bigla na namang may humatak sa braso ko. Aba’t bastos to ah! Isa nalang talaga uupakan ko na ‘tong kutong lupa na ‘to.

“Dito ka na nga muna sa amin—-” pagpupumilit pa nila.

“Sinabi ng ayaw ko nga!” This time ay sumigaw na ako. Pero laking gulat ko nang sigawan din ako ng isang lalaki.

“Ang kulit mo ha!” Hindi na ako nakapagtimpi pa at agad kong sinuntok sa mukha ang lalaking nagtangkang muling hawakan ako sa braso.
Huh! Ano akala nila sa akin? Walang binatbat? Aba! Pero nagulat ako nung sabay-sabay silang sumugod sa akin kaya wala akong choice kundi tumakbo. Luh! Lagpas 15 kaya sila. Takbo lang ako ng takbo hanggang hindi ko nalang namalayan na may nabunggo pala ako. Dahil sa lakas ng impact napatihaya ako sa semento ganun din yung lalaking nabunggo ko.

“Fuck! Tanga ka ba o sadyang bulag?” Wala na akong panahon na pakinggan pa yung mga checheburichi niya. Tumayo ako saka ko siya tinulungan tumayo.

“Damn! Wag mo nga akong hawakan.” Inis na sabi niya sakin nung akmang hahawakan ko na sya. Ay pusang INA naman oo! Tutulungan na nga ang Arte pa? Urgh! Tumayo nalang ako mag-isa matapos niya kong sungitan. Sayang gwapo pa naman. Yiiiieee, nu ba yan Arianne kinilig ka naman dyan.

“Ayon siya!” Nagulat nalang ako ng nasa may bandang likuran ko na pala yung mga lalaking humahabol sa akin. Kaya naman wala na akong naisip na paraan kundi ang magtago sa likod ng lalaking nabunggo ko.

“Hoy babae! Yari ka sa amin!” Sigaw nung lalaking nasuntok ko. Pero benilatan ko lang siya. Ano sya sinuswerte?

“What the? Ano bang ginagawa mo? Bitawan mo yung damit ko!” Inis na sabi nung lalaking pinagtaguan ko. Ses, gusto mo naman. Heheh. Joke lang.

Hindi ko sya pinansin. Ayoko nga , Baka Mamaya kung ano nalang ang gawin sa akin nung mga lalaking yun atleast nakalibre ako tsansing.

“Sasaktan niyo ako? Sige lagot kayo dito sa kasama kong lalaki. Kung hindi niyo lang alam serial killer ‘to sa lugar namin.” Sigaw ko sa mga asungot na humahabol sa akin. Halos matawa ako nung biglang nagkatinginan yung mga lalaki.

“What the hell! Ano bang sinasabi mo? Just get off your fvcking hand in my precious shirt!” Inis na sabi niya sa akin. Kanina ko pa napapansin na minumura niya ako.

“Makisakay ka nalang.” Bulong ko sa kanya. Mas lalo namang naging iritado ang mukha niya. Whahahaha! Do’yo’wori jojowain pa kita. Heheh.

“Hahah! Yan serial killer sa lugar niyo? Eh bata lang yan eh! Wala yang binatbat sa amin.” Sigaw muli nung lalaki. Kanina pa ‘to sigaw ng sigaw ah! Gandang upakan.

“What did you just say?” Inis na tanong nitong lalaking pinagtataguan ko. Ahohoho! Inis na siya.

“Aba pa English-english pa siya pare ah! Ang sabi namin bata ka lang! Wala kang binatbat samin! Kaya kung ako sayo ibigay mo na samin yung babae na yan at nang matapos na.” Akala ko mag-uusok yung ilong nitong lalaking ito pero mukhang nagkamali ako.

“Why don’t you try me first? Pagnatalo niyo ako sa inyo na siya. Pero pag ako nanalo okay lang ba na basagin ko yang pagmu-mukha niyo?” Halos mamangha ako sa sinabi nitong lalaking to. Di nga? Kaya niyang talunin yan? Waaaaaaaaaahhh!! Enebe! Bakit ako kinikilig. Yieeeeeeee..

A/N: Continue or not?


23 Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.