0

Valentine Special: SMDT CHAPTER 4


Report

By Twin_Luna
[ MAYA’S POV ]
I don’t know what’s got into me kung bakit sa pangalawang pagkakataon napunta na naman ako sa isang kahiya-hiyang sitwasyon. Argh! What a day.
Ikaw ba namang, bigla mo nalang mamamalayang magigising ka sa isang hindi familiar na lugar at mapunta ka sa isang situation na hindi katanggap-tanggap dahil sa katangahan at pagiging naíve mo, dahil hindi mo kaagad napagtanto ang isang bagay na magdadala pala sa iyo sa isang kahihiyan. Sh*t!
Nang araw na nangyaring sa clinic ako ng school nila Shianna nagising pagkatapos mandilim ang aking paningin dahil sa isang bagay na napagtanto ko, ay agad-agad rin akong umalis kasama ang lukaret kong anak na naging puno’t dulo ng lahat ng naging katangahan ko. At hindi na lamang pinansin pa ang akmang pakikipag-usap pa sana ng binatang nagpakilalang guro ng anak ko na syang talagang sadya ko sana sa pagparoon. Ngunit dahil hindi ko kaagad sya nakilala at nalaman ang totoo, I felt betrayed kahit hindi naman nararapat dahil nga sa isang pagkakamali. At naunawaan ko ang lahat nang marinig kong mag-usap ang dalawa habang ako’y nakahiga parin sa clinic bed at nagpanggap na kasalukuyan paring walang malay. Pero ang totoo, naulinigan ko ng buo ang pinag-uusapan ng anak ko at nang new teacher nito kuno. At doon ko nga nalaman na nagsinungaling lang pala sa akin si Shia. Kuu, ang batang yun talaga nasobrahan na sa talino at nagawa naring mag-imbento ng kwento na puros naman kalokohan! *Sighed*
Ako tuloy ang napapahiya at nalalagay sa alanganin dahil sa kapilyahan at kalokohan nya. I hissed.
At para pagtakpan ang nadarama kong hiya, nagpanggap akong walang kaalam-alam, at pagkatapos magpasalamat sa binatang sya palang nagdala sa akin sa clinic, ay agad akong nagpaalam dahil narin sa sobrang pagkailang.
And everytime I remembered that incidence, hindi mapigilang mag-init ang aking pisngi at pumula ang aking mukha dahil sa pinaghalong hiya’t inis. Ehhh…!
“Nelson, here’s the order of Mr. Vegas for his wife. So, make it sure it won’t ruin the arrangement for the surprise. Got it?”
“Yes, Miss Maya!”
Tugon pa nito pagkatapos kong iabot sa kanya ang flower arrangement na nasa dalawang malaking basket na ako mismo ang nagdesign matching with one box of cake for the surprise birthday gift of Mr. Vegas for his wife, and one of my suki! Naisipan kasi ng matanda na icelebrate nila ang birthday ng wife nya na silang dalawa lamang in a romantic way. Ang sweet hindi ba? Sana all my forever! Hmp! Mahahanap ko rin yung akin noh. Nagkataon lang kasi na naging tanga ako pagdating sa pag-ibig sa unang pagkakataon at puso ang pinairal at hindi isip. Kaya I’ll make sure na sa pangalawang pagkakataon ay isip naman ang pagaganahin ko para hindi na palaging nasasaktan ang puso ko. Ahmp.
(Fast forward…)
*TING!*
“Welcome to Mayana’s Paradise Garden—*singhap* W-what can I help you, S-sir?”
That’s what I hear from Myra one of the saleslady, but I didn’t bother to look at them to find out who’s our customer at that time. Sa dami ba namang nagdadagsaan para bumili ng flowers sa shop namin, halos hindi ko na mamukhaan ang mga ito. At ang tauhan ko na lamang ang bahala sa pag-aasikaso sa kanila, kaya I decided to go back to my mini office nalang to make some calls to my house to check Shianna if how’s she doing right now. Grounded kasi ang isang ‘yon ngayon at pinagbawalan kong lumabas kahit kasalukuyan ngayong walang pasok o klase sa school. At dahil nga iyon sa mga ginawa nyang kalokohan nitong nagdaang araw. Hmp! Nakakaimbyerna naman talaga kasi ng ginawa ng lukaret na’yon. Kaya nga bahala sya dyang maburyo at tuluyang mainip na nasa bahay lamang at ginagawang mag-isa ang mga assignments and activities nya. At iyon nga ang parusa ko sa kanya. Pero hindi naman ako nababahala na basta na lamang maglalakwatsa o lalabas ng bahay nang mag-isa ang batang ‘yon, dahil kasama naman nito ang Mama2 nya na kararating lang galing ng probinsya kahapon.
Dahil hindi ito nagpasabing basta-basta na lamang uuwi, kaya nasorpresa talaga kami pagkagaling sa school. Kaya nagawa naming mag-ina na isantabi muna ang hindi pagpapansinan at hindi pagkakaunawaan dahil nga sa nangyari. Nakatikim na naman kasi sa akin ang lukaret ng sermon habang bumabyahe kami pauwi. And I’m so thankful at the same time dahil payapa akong makakapagtrabaho kinabukasan ng walang asungot na batang mangungulit sa akin sa shop. Dahil kailangan ko rin kasi syang dalhin palagi sa shop kapag walang pasok sa school, dahil wala naman kasi akong mapaghahabilinang mag-aalaga at titingin sa malikot at makulit na batang ‘yon. Mahirap narin kasing magtiwala sa panahon ngayon kaya hindi na ako kumuha pa ng yaya para sa anak ko kahit kaya ko naman silang swelduhan. Total kaya ko pa naman eh, kaya kung may pagkakataon ako na lamang ang gumagawa ng lahat. At para nga mabantayan ang bata dinadala ko na lamang sya sa tuwing papasok ako sa work. Ngunit dahil nariyan ngayon ang lola ko na kapatid ng nanay ng namayapa kong inang. Napanatag narin ulit ang loob ko dahil alam kong hindi mapapabayaan ang junakis kong yun. Kahit minsan naiinis rin ako dahil nagagawa parin ng matandang yun na i-spoil ang anak ko kahit pinagsasabihan ko na’t pinagbabawalan. Kaya yan tuloy lumalaki palagi ang ulo. Tss! But I have nothing to do with it, kundi ang magpasalamat nalang dahil alam kong mahal na mahal lamang nito ang apo nya sa tuhod mula sa kapatid nyang namayapa narin.
At pagkatapos ko ngang matawagan at kumustahin ang maglola, parang gusto ko pang mapasimangot dahil nalaman kong masayang-masaya pa ang loka-loka kong anak. Dahil imbes na puro reklamo nito ang maririnig ko buhat sa kabilang linya na madalas nitong gawin kapag naiiwan, puro masasayang halakhak at tawa lamang nito ang naririnig ko at nagagawa pa nitong ibida ang mga ginawa nilang activities ng kanyang Mama2. Na kesyo ganito ganyan. Nagbake pa raw sila nito pagkatapos nyang matapos ang mga lessons nya at kung anu-ano pa. Kitam, kapag dalawa lang silang maglola ang naiiwan sa bahay ay parang hindi na ako kailangan pa ng anak ko. Anebeyen nekeketampo nemen. Pabebeng naisaloob ko na lang pero charot lang!
Anyways, pinabayaan ko na lang dahil ikinaluwag rin yun ng aking dibdib. Sa kaalamang hindi nag-iisa at malungkot ang aking anak ay masaya’t kontento narin ako.
At matapos ngang makipagtelebabad sa aling maliit. Nagtungo kaagad ako sa labas para icheck ang mga ginagawa ng tauhan ko at para narin tulungan sila kung sakaling nangangailangan pa sila ng magaassist sa mga customer na hindi kaagad nila naaasikaso. And yes, hindi porket ikaw na ang boss ay hindi ka na lamang basta gagalaw at basta na lang mag-uutos ng kung anu-ano sa mga tauhan mo at mababa sayo. Ang totoong pagiging boss ay dapat magawa mong ipakita sa mga tauhan mo na very efficient ka at dedicated sa iyong trabaho para naman maging inspired rin sa pagtatrabaho ang mga empleyado mo. That’s how real entrepreneur works!
“Jelly, naubusan na ba tayo ng stuck ng blue roses? Bakit wala na akong makita rito?”
Pagtatanong ko sa isa kong crew na isa ring saleslady ng mapuna kong ubos na ang stuck na nakalagay sa isang estante.
“A-ah eh, Ma’am—”
“Miss Maya or Maya na lang hindi ba? We’re families here so don’t be too formal.”
Nakangiting paglilinaw ko pa nang balingan ko ito. At tanging napapakamot naman ito sa kanyang ulo na alanganin akong nginitian.
“Aheheh… k-kayo po, pasensya narin po at nakakaligtaan ko. Napakabait at napakabuti niyo po talaga, M-miss Maya. Hindi po kayo katulad ng ibang nagiging amo namin na palaging nakasigaw at basta na lamang utos ng utos. At talagang naiiba po kayo kasi ayaw na ayaw niyo pong inaadress namin kayo as our boss. Dahil pantay-pantay po ang turing ninyo sa amin.”
Nahihiya pang pahayag nito habang nakayuko. And I’m kinda flattered and so touched bcoz of what she said.
“Ito naman nambola pa. Pero sabi ko nga diba, magkakaibigan tayo rito. At hindi porket ako ang amo ninyo ay dapat niyo na akong galangin ng sobra at ipakitang nakatataas ako sa inyo. Ang gusto ko, kung anong ginagawa ng mga empleyado ko ay ganun din ako. So, anyways, h’wag na nga tayong magdrama rito.”
Natatawang pag-iiba ko na lamang sa topic dahil baka mapahaba lamang ang usapan at magkaiyakan pa ng wala sa oras. Sensitive pa naman ako masyado.
“Oo nga po pala Ma’am— ay este Miss Maya. Iyon pong natirang one dozen of blue roses ay pinakyaw nang lahat nung nahuling customer. At hindi po kayo maniniwala,”
Tila kinikilig...


pang sambit nito.
“Ang alin?”
Kunot noong pagtatanong ko dahil para itong sinilihan sa pwet dahil hindi ito mapakali at parang nagdidaydream pa. Aba naman lumalovelife narin ang ateng nyo.
“Heheheh… Secret! Itanong niyo na lang po kay Myra kasi sya po yung umasikaso dun sa gwapong customer na sya kamong bumili lahat ng blue roses.”
Anya pa habang iniisway-sway ang suot na skirt. Ano raw?
“G-gwapong lalaki? Uhm talaga, gwapo yun?!”
Paniniyak ko pa kunware.
“Talagang, talaga po! *Chuckled*”
At parang gusto ko itong batukan dahil sa sinabi nya. Dahil imbes na trabaho ang inuuna, panlalandi ang inaatupag. Mukhang nagkamali nga ata ako ng naging decision na maging friendly sa mga tauhan ko. Minsan kasi inaabuso rin nila. Hukhuk, pero echos lang yun!
“Well, I don’t care. Now go back to work.”
Saad ko nalang at tinalikuran ko na lamang ito na napapakamot na lang ulit sa kanyang ulo. Hindi rin nito marahil inaasahan ang naging sagot ko. Bahala sya dyang mahiwagaan.
At nang balingan ko naman si Myra, panay naman ang tingin nito sa labas at nagkakandahaba pa ang leeg nito sa pagdungaw roon. Kaya wala sa loob na lumapit ako rito at nakidungaw rin sa labas. (Ano kayang meron?)
“Anong tinitignan mo riyan, Myra?”
“Ay gwapong mabuhok! Susmaryusep naman Ma’am— este M-miss Maya. Hihih, a-ano hong ginagawa nyo? May kailangan po ba kayo?”
Patay malisya pang sambit nito pagkatapos mapatalon sa gulat dahil sa pagsulpot ko. My nose crinkled and my browse furrowed. And I also grimaced. What’s with her ba?
“Anong gwapong mabuhok pinagsasabi mo dyan?”
Bulalas ko pa.
“Bakit mabuhok ba talaga?”
Kunwa’y interesado ko pang tanong ng pabulong na ikinamilog naman ng mga mata nito.
“H-ho?”
Tanging nasambit nito na ikinailing ko na lamang.
(Fast forward…)
*Beep, beep!*
“Momma!”
Salubong sa akin ni Shianna pagkababa ko ng sasakyan, at agad ko rin itong niyakap at hinalikan.
“Where’s your Mama2? Nagbehave ka naman ba?”
“*frowned* of course naman po! Diba po tumawag kayo kanina?”
Nakalabing anya pa.
“’ba malay ko bang nagsisinungaling ka lang sa’kin kanina. Siguro kinulit mo na naman si Mama2 mo na mamasyal sa labas ano?”
Kunwa’y naghihinala ko pang saad. Pero umingos lang ito at napapadyak pa.
“*pout* si Momma talaga, tamang hinala na naman.”
Irap pa nito. Kuu, ang suplada talaga ng batang ‘to.
“’kay fine! Suko na’ko, c’mon let’s get inside at para hindi maghinala si Momma. Let me see your works. *Smirk*”
“*gulp* M-mom!”
Reklamo pa nito pero nauna na akong pumasok at sumalubong sa akin si Lola Cecilia na may tangang tray na may lamang meryenda.
“Kumusta po?”
Nagmano ako rito pagkatapos kong ilapag sa sofa ang dala kong shoulder bag.
“Kaawaan ka ng Diyos. Maayos naman ako Iha. Ikaw kamusta ang araw mo sa shop, hindi ka naman ba napagod?”
Tila concerned pang wika nito. Katouch naman. Ngayon lang kasi nito nagawang magtanong tungkol sa pagtatrabaho ko sa shop.
“Maayos naman po. Dahil yakang-yaka ko naman. Ahm, hindi naman po ba naging sakit sa ulo ng apo nyo?”
Pag-usisa ko pa.
“W-wala namang problema. Hindi naman ganoon kalikot ang anak mong ‘yan. Napakabibo nya lang talagang bata at napakatalino rin. Alam mo bang tinapos nya talaga lahat ng lessons nya? Kuu, belib na belib talaga ako sa apo kong ‘yan. Blah blah blah..”
Hindi ko na lamang pinakinggan ang iba pang mga papuri nito para sa anak ko dahil wala na iyong katapusan. Sana pala hindi ko na lamang itinanong. Isa rin yan sa dahilan kung bakit lumalaking brat ang junakis kong ‘yon. *Sighed*
Kinuha ko na lamang ang isang slice ng mocha cake na nasa platito at tumikim niyon. (Hmm.. my favorite!) Pero teka sobrang sarap naman nito.
“L-lola, kayo po bang nagbake nito? Nagsabi rin kasi sa’kin kanina si Shia na nagbake raw kayo pagkatapos nyang mag-aral. Sobrang sarap naman po ng pagkakaluto nito. Saka saan po ba kayo kumuha ng ingredients? Pagkaalam ko po kasi naubos na yung stuck natin.”
Sunod-sunod ko pang saad at pag-uusisa rito.
Napansin ko namang bahagya itong namutla at biglang lumikot ang mga mata.
“A-ah, nagdala ako iha. T-tama, kahapon bago ako pumunta rito dumaan muna ako sa moll at naggrociri.”
Naghihinalang mataman ko itong tiningnan dahil para itong nataranta sa kanyang isasagot. Hindi naman sana ako maghihinala na lumabas ang mga ito at doon bumili ng cake dahil nagbibake rin kami paminsan-minsan. Dahil isa nga ang cake sa package na binibenta namin kasama ng mga flowers. And yes complete set ang sinisale namin sa shop. At kadalasan umoorder rin kami ng mga kailangan like chocolates, balloons, stuffed toys and pastries. Basta sweets like cake, ganern.
“Did you—”
*Ding dong!*
Pareho kaming napatingin sa labas nang tumunog ang door bell. Akmang tutungo na ako sa pintuan nang unahan ako ni Shia na basta na lamang sumusulpot mula sa kung saan.
*Ding dong!*
“COMING!”
Matinis ang boses na sabi pa nito at patakbong lumapit sa pintuan saka nito binuksan.
“O-M-G— for me?!”
At nagpasway-sway pa ito na tila excited sa bumungad sa kanya. At nang lapitan ko ito, napamulagat ako nang masilayan ang mukha ng isa sa delivery boy namin sa shop.
“W-what are you doing here, Jef?”
Nagtatakang tanong ko pa.
“Ah m-miss Maya, delivery ho.”
Napapakamot sa ulong wika pa nito at ipinakita sa akin ang bouquet of blue Roses na may kasama pang stuffed toy. Kunot noong atubili ko itong inabot.
“P-para saan naman ‘to? K-kanino galing—”
“Hey, Mom. That’s mine!”
Bigla na lamang hinablot ni Shia ang stuffed toy na hawak pa ni Jef, at agad nitong niyapos iyon. Pero ano raw?
“Luh?! A-anong sayo yan? Hindi pa nga natin alam kong para kanino—”
“*Ehem* ah m-miss Maya—”
“Bakit?”
Muli akong tumingin kay Jef nang kunin nito ang atensyon ko.
“P-para sa inyo po talaga yan, y-yung blue Roses po. At para naman po sa a-anak niyo ang Teddy bear.”
Alanganin pang saad nito na ikinakunot lalo ng aking noo.
“What do you mean? K-kanino ba galing ang— no scratch that, sino pala ang sender—”
*Chuckled*
“Syempre po kay Teacher Gwapongpogi, nagpunta po kaya sya dito habang wala ka Momma. He also bring us a cake! Sobrang bait nya po hindi ba?”
At muli pa itong napahagikhik habang iniisway-sway ang hawak nitong stuffed toy at muli iyong niyakap. Pero dahil sa sinabi nya nagulantang ang buong pagkatao ko.
“WHAT?! B-but why?”
All I could say. Mabuti na lang nagawa kong hamigin ang aking sarili dahil muntikan na namang mandilim ang aking paningin dahil sa mga nalaman ko. Urgh! What is he really wants?
Siguro nga masyado lang akong naging assuming, pero kaya ba nagpaiwan ang assistant ko kanina na sya na lamang ang magsasara ng shop dahil may idedeliver pa pala sila? Maaga kasi kaming nagsara ngayon dahil biglang naging matumal ang pagpunta ng mga customer. Pero kung ang lalaking ‘yon nga ang pumunta kanina at nagpadeliver para sa amin.
What was his purpose by the way? Alam nya kayang doon ako nagtatrabaho? At para saan naman ang mga binigay nya? Peace offering? Oh baka naman kasi totoo talaga ang ginawa nitong panghaharass sa anak ko?
“Shianna Marie?! What’s the meaning of these?!”
Umuusok ang ilong na panunumbat ko rito.
“O-oh, opsy, my bad.”
Tinampal pa nito ang sariling bibig na alanganing ngumiti sa akin, saka ito humakbang ng paatras.
“Shianna—”
“Wahh..! Mama2, Momma gonna beat me!”
Kumaripas pa ito ng takbo habang akap-akap parin ang Teddy bear. Argh! What a silly little brat?!
“Ahm, M-miss— What again?!”
Asik ko pa sa kawawang delivery boy.
“P-papirma lang ho sana ako nito,”
Alumpihit naman nitong sabi na bahagya pang napaatras.
“For what?”
Naguguluhang usal ko rito.
“Ah eh, a-alam niyo na po yun.”
Nagkakamot sa batok na sambit nya pa habang inaabot sa akin ang isang slipped papers.
“Oh, kailangan pa ba nyan?”
Kunot noong tanong ko pa habang napapahawak sa aking baba. At tumango-tango lamang ito kaya hindi ko maiwasang mapasimangot. Pagkatapos kong pumirma nagpaalam narin ito at hindi ko na lamang din inusisa ang tungkol sa taong nagpadala ng bulaklak at stuffed toy. Dahil kung may mas nakakaalam man niyon, walang iba kundi ang lukaret na Shianna. Kuu, maiinterogate ko talaga yun nang wala sa oras. Humanda talaga sya, dahil talagang makakatikim nanaman sya sa akin ng walang katapusang sermunan. Psh.
Pero bago ako pumasok, pasimple ko munang inamoy-amoy ang pumpon ng bulaklak at hindi ko rin napigilang bahagyang mapangiti. Dahil aminin ko man o hindi, nakadama parin ako ng fondness dahil sa ginawa nyang pagbibigay ng flowers sa’kin at hindi ko na inisip pa kung para saan o anong dahilan pa man iyon.
End of Chapter 4 (Part 1)…


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.