2

Valentine Special: SMDT CHAPTER 4: Continuation.


Report

By Twin_Luna
..
“Oh Iha, anong nangyari? Bakit para kang binagsakan ng buwan at nakasambakol yang mukha mo—”
“Why did you lie? At nagawa pa po kayong kasabwatin ng lukaret na batang yun,”
Kunwa’y nagtatampo ko pang panunumbat rito.
“A-ano bang sinasabi mo? At bakit— nevermind na lang po.”
Pagputol ko na lamang sa sinasabi nito at agad ibinigay rito ang bouquet bago magtungo sa kwarto. Walang second floor ang bahay namin kaya walang taas.
“Patapon na lang po nyan sa basurahan.”
Walang ganang utos ko pa rito.
“Ha? At bakit naman? Kuu, kagandang bulaklak nito, hindi ka ba nanghihihayang Iha? Ay teka kanino ba ito galing at gusto mong itapon ko nalang?”
Pag-uusisa pa nito na may halong pagtataka. Kaya tinatamad na muli ko itong tiningnan.
“Hays! L-lagay niyo na lang po pala sa vase. At hwag na ho kayong magtanong pa kung kanino galing dahil alam kong alam niyo na ho ang sagot.”
Kunwa’y bagot ko pang saad saka ako nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa aking silid. At kahit bungalow style ang bahay namin may kanya-kanya parin naman kaming silid na ginagamit dahil tatlo ang kwartong mayroon ang naturang bahay na binili ko ng hulog-hulogan at ginamit ko ang naipon ko galing sa pagtatrabaho ko sa shop. Lumipat na kasi kami ng location kaya hindi na ako roon nakatira sa dating apartment ko na nirerentahan na up and down at malaking bahay. Dahil alam kong mananariwa lamang ang mga masasaya at masasakit na sandali namin ng dating boyfriend kong naging Ama ng anak ko. Kung hindi ako aalis sa lugar na’yon at maari nya rin kaming masundan na ayaw ko na sanang mangyari pa dahil masaya na ako sa buhay ko ngayon kahit dalawa lamang kami ni Shia.
Pero kung sakali mang muli kaming pagtagpuin ng tadhana…
Handa naman akong harapin sya at ipakilala sa kanya ang naging anak namin. Dahil alam kong may karapatan parin naman sya sa bata, dahil bali-baliktarin man ang mundo… He’s still the father of my child.
Ngunit kung mapunta naman sa puntong gusto nyang kunin ang anak ko sa’kin. Aba! Magkamatayan man hindi ko ibibigay sa kanya ang bata noh! Sobra-sobra kaya ang pagpapakahirap ko riyan mailabas lamang at maisilang sa mundong ‘to. *Pout*
*Tok, tok!*
“*Sigh* pasok, bukas yan!”
Sagot ko nalang at nanatiling nakapikit habang nakahilata sa sarili kong kama. Napagod ako sa pag-iisip kaya hindi ko na muna kinompronta ang anak ko, instead nagpahinga na lamang ako sandali.
“Iha, ito na nga pala ang flowers oh, at saka iha nakita mo na ba itong card? Itatapon ko na sana, kaso baka kako kailangan mo pang—”
“Ho?! Ano hong card at para saan?”
Nagtataka kong usal at bigla rin akong napabangon. Ngunit hindi ko naiwasang mapangiwi nang bigla akong mahilo kaya nasapo ko ang aking sintido nang balingan ko ng tingin si Lola.
“Ayos ka lang ba Iha? May masakit ba sayo?”
Dali-dali naman itong lumapit sa akin at sandaling inilapag ang vase na kinalalagyan ng blue Roses sa bedside table at dinaluhan ako.
“*Gulp* O-okay lang po. Ano ho palang card ang tinutukoy nyo ‘la?”
“Iyon ba? Ito oh, hindi mo ba ito nakita?”
Sabay abot sa akin nito ng isang maliit na nakatuping card. And it’s a greeting card.
“Alam mo Iha hindi ako maalam sa Inglis kaya hindi ko maunawaan ang nakasaad riyan.” Anya pa. Kaya binuksan ko na lamang ang naturang card at binasa ang nakasaad roon…
To: Pretty woman in the orange dressed
Hello there! I just want to apologise for what happened yesterday and even I really didn’t do anything against your child’s will. I want to say sorry if you misenterprit about my fondness for your girl. Your child’s kinda charming and smart, that’s why..
Anyway, I’m looking forward to meet you again, just don’t forget about the field trip! Oh, btw b4 I 4got.. Hope you like the flowers! Shia told me that you really loved blue Roses, so don’t get mad at her if I asked her about it. Have a nice day! 😉
From: Teacher Gwapongpogi
Pinakatitigan ko pa iyon at ilang beses pinasadahan ng tingin at binasa ng ilang ulit. Pero nanatiling blangko ang aking isip.
“Bakit Iha, ano bang nakasaad sa sulat? Saka matanong kita Iha.. yung nakalagay bang teacher Gwapongpogi riyan sa card eh yung guro kako na pumunta rito kanina— hala bakit ko ba nasabi yun,”
Sabay tutop sa bibig nito. Kaya nanlalaki ang mga matang tiningnan ko ito.
“So, h-he really did come here?”
Napapalunok na pagkompirma ko pa, pero umiwas lamang ito ng tingin sa akin.
“A-ano bang pinagsasabi mo Iha? N-naku hwag mo nang pansinin yung sinabi ko, wala yun!”
Pagkaila pa nito kaya sinimangutan ko na lamang ito.
“Deny pa-more Lola. Ang isda huling-huli na ho sa sarili niyong bibig. *Rolled eyes* besides nasabi na ho sa akin ni Shia. Tss! Kung hindi pa nadulas ang isang yun hindi ko pa malalaman.”
Irap ko pa sa kawalan. Pero dahil sa ginawa ko lalong kumirot ang aking sintido. (Ouchy!)
“Ah heheh… g-ganoon ba apo?”
Napapakamot pa sa ulong usal nito.
(Psh! Talagang kinareer ng talipandas na’yon ang pagiging teacher Gwapongpogi nya ah.)
At sandali ding naningkit ang mga mata ko nang maalala ang pagkilanlan nito sa akin.
(Pretty woman in the orange dressed?! Whattaeff?!)
Kinabukasan, ang planong komprontahin si Shia tungkol sa pagdalaw ng binatang teacher nito at sa pagpapadala nito ng bulaklak at stuffed toy ay hindi ko na lamang itinuloy dahil wala rin namang saysay kung pagsabihan ko pa ito. Kaya hihintayin ko na lamang na muli kaming magkita ng lalaki kung may pagkakataon man. At ipinabahala ko na lamang sa stay out naming driver ang paghahatid kay Shia sa school, at dahil hindi ko narin naman na inungkat ang tungkol sa nangyari kahapon, tumahimik nalang din ang maglola. At tinanggap ko na lang din ang nangyari dahil nagawa rin namang magapologise ng anak ko sa akin lalo na dahil sa pagsisinungaling nito. Kaya kahit papaano, magaan parin ang loob ko nang magsimula sa trabaho ng araw na’yon.
*TING!*
(A/N; Tunog ng chime yan, ‘kay?)
“Welcome to Mayana’s Paradise Garden. Ano po ang atin Mareng suki? Marami po kaming bago ngayon, at fresh na fresh pa po from Baguio!”
Masiglang pambungad pa ni Jelly sa pagpasok ng isang customer na nakahat and sunglasses pa at sobrang nagmamayabang ang kanyang postura. (Wow, pang miss universe lang ang peg ng ateng nyo!)
“Hmp! Talaga lang ha..”
Ismid pa nito saka ito nagtanggal ng suot na sunglasses.
“At pwede ba, hwag mo akong tawaging Mare? Dahil unang-una sa lahat hindi tayo magKUMARE, and most of all.. hindi mo ako S-U-K-I. Hmp! It’s my first time to come here kaya, duh! *Rolled eyes**flipped hair*”
Aba ang taray naman nang baklang ‘to! Pero ano raw?
Nang sulyapan ko si Jelly, katulad ko ay napapanganga na lamang din ito at tila gulat na gulat din dahil hindi nito inaasahan iyon. At nang mapasulyap rin ako sa taong ‘yon, doon ko napatunayang echoserang froglet pala talaga ang isang ‘to; In short, bakla, baklush, beky, binabae and so on. Just name it!
Halata naman kasi sa boses na pilit lamang pinapaliit para lang magmukhang sexy pakingggan. Pero ang lola niyo kahit ano yatang pilit ay barakong-barako parin. But infairness ha.. beauty naman...


ang kanyang feslak! Halata nga lang din yung muscles. Pfft— ano ba yan nagiging laitera narin tayo nito eh. Ay ako lang pala!
Kidding aside! Pero pramis hindi naman po ako against sa mga tulad nila eh. Dahil aminin, karamihan sa mga nagiging baklang anak ngayon ay mas may silbi pa kaysa sa mga batugang lalaki riyan sa tabi-tabi na puro laklak lang at babae ang inaatupag. Mas maaasahan pa kasi ang tulad nila.
(A/N; kaya nga nakakaramdam rin ako ng awa sa mga tulad nilang nabibigo sa pag-ibig at nagagawa silang perahan at lokohin lamang ng ibang lalaki. Kaya sa mga nagbabasa nito na pumapatol sa mga bakla— matuto nyo rin sanang PAHALAGAHAN ang mga tulad nila kahit hindi nyo magawang seryosohin. ECHOS LUNGS! ✌️ Pero totoo walang halong biro. 😁) Okay back to the story!
“Ah, eh.. g-ganoon ho ba? S-sorry po kung ganun.”
Tila napapahiyang yumuko na lamang ang dalaga at hindi malaman kung iaassist pa ba nito ang mahaderang bakla dahil sa mga sinabi nito. Kaya nagpresinta na lamang ako na ako na lang ang aasikaso sa kailangan ng customer namin.
“Jelly, you can go now. Ako nang bahala rito,”
Saka ko ito nginitian to assure her that everything’s fine.
“S-sure po kayo ma’am— I mean, M-miss Maya?”
Tila alanganin pa itong sumunod, kaya bahagya ko itong tinapik sa balikat. And then ako na ang humarap sa panauhin pagkaalis nya. At nang tingnan ko ang baklang yun ay busy lamang ito sa pagtingin-tingin sa mga flowers at halamang nakadisplay sa mga estante. Kaya bahagya akong tumikhim para kunin ang atensyon nito.
“Ehem! What can I help you now—”
“Pwede ba mamaya ka na mang-isturbo? Tatawagin nalang kita kapag may kailangan ako. Can’t you see, I’m busy— oh my, and who you naman?!”
Tila gulat na gulat pang anya nang mapansing hindi na si Jelly ang kaharap nito kundi ang magandang si ako. Ano ka ngayon? Gulat na gulat ka siguro kasi nakakita ka ng isang mas diyosa pa sayo! *Flipped hair* Pero echos lang ‘yon.
“Hello, by the way I’m the owner. My name’s Mayana, Maya for short!”
Kailangan nakasmile parin. Always remember.. customer’s always right! Hmp! Telegelengheh?
“Pfft— r-really? What a funny name! Are you a bird? Oh well, by the way who cares!”
Saka ako nito tiningnan mula paa hanggang ulo at pabalik. Kaya napahalukipkip na lamang ako dahil sa ginawa nito at napasimangot narin dahil sa sinabi nito.
“I know right! But still, I’m beautiful that’s all matters and make me better. *Flipped hair*” kala mo ikaw lang ha. Hmp! Baklang ‘to.
At halos ako naman ang gustong matawa dahil sa naging reaksyon nito.
“Hmm.. w-well, you’re really indeed a beauty.”
Tila nag-iisip pang usal nito habang nakacross arm pa. Pero mas ikakagulat ko pa pala ang susunod nitong gagawin.
“Oh my, wahh..! Idol na kita gurl,”
At hindi ko pa inaasahan ang pagdamba nito sa akin ng yakap at agad pa itong kumawit sa braso ko na animoy tuko. Woah! What just happened?!
“What’s your secret behind your beauty, pretty gurl? Can you tell me, para magawa ko ring ipaayos yung saken. Hihih..”
T-teka ano raw?
Tila natuod naman ako sa aking kinatatayuan at hindi ko na maapuhap pa ang dapat kong sabihin. Dahil bigla na lamang akong napipi’t nabingi sa bilis ng pangyayari.
“W-WHAT?!”
Mulagat na tangi kong naibulalas.
(Fast forward…)
At iyon nga, pagkatapos magsungit ng baklang ateng nyo ay bigla-bigla na lamang itong naging feeling close sa akin. Pero ‘yaan niyo na, pinakyaw nya naman na kasi ang halos lahat ng tinda naming bulaklak at halaman para daw sa bagong patayo nyang Mansyon! Aba ang taray, yayamanin ang lola niyo eh. Halata naman kasi sa postura. (Hmp! Hindi ako naiinggit ‘kay?)
At iyon nga, bago ito umalis nanghingi lamang ito ng tips sa akin kung paano pa RAW sya lalong maging BEAUTY. Harujusko! Iba na talaga pagdiyosa, kinaiinggitan na! Napatampal ako sa aking noo.
And that’s one of his/her condition para lang bumili sya ng paninda namin. Kaya pinagbigyan ko na. Kasi kahit ano namang gawin nya di na magbabago ang feslak nya noh! Pero joke lang yun. Beauty narin naman na sya eh. Nabubulag lamang siguro sya ng insecurities and Inferiority conflicts nya kaya wala syang believe sa kanyang sarili.
Lesson learned: kung gusto nating pahalagahan tayo at galangin ng iba, matuto rin tayong mahalin at tanggapin ang ating mga sarili. Hindi naman kasi kawalan para sa iba kung magawa man nating baguhin ang ating sarili o hindi.
Kahit hindi ka man nila matanggap nariyan naman si God na syang tanging tatanggap sayo maging ano at sino ka man, as long as you trusted Him.
Anyways, so, ayon nga. Pagkatapos makipagechosan kay binibining marikit— seriously?! ‘yon talaga ang name nya? And yes true mga besh. His/her name’s Marikit De ocampo. Taray! Edi sya na ang maganda. Hmp!
(Fast forward…)
“Momma, don’t forget that our field trip will be held the day after tomorrow. And it’s in the ocean park! *Clapping* I’m really excited to see some sharks! Yey! My classmate told me that they’re really scary, bcoz they were a meat-eater— yikes! Is it true, Momma?”
Shianna said with so much amazement.
“True about what?”
Baling ko rito dahil kasalukuyan ako ngayong naghuhugas ng pinagkainan namin, samantalang nakapangalumbaba naman si Shia sa counter habang nakaharap sa direksyon ko. At katunayan, kanina pa ito daldal ng daldal at ito lamang ang halos nagsasalita at tanging nakikinig lamang ako. Dahil nga abala ako sa aking ginagawang paglilinis dito sa lababo halos hindi ko narin nauunawaan ang mga pinagsasabi nito.
“About shark being a meat-eater? Duh! I think you’re not listening, Mom!”
Sambakol ang mukha nito nang tunghayan ko kaya naiiling na lamang akong tinapos ang aking ginagawa bago ko ito harapin.
“Well, what do you think? Besides halos lahat naman ng uri ng isda ay kumakain ng kapwa nila isda eh. So, you really can considered it as a meat-eater.”
Paliwanag ko pa habang nagpupunas ng aking mga kamay.
“No Mom, you’re wrong! Bcoz sharks were also considered as a man-eater. I read a lot about them, so it’s really scary to encountered one of them. Bcoz they’re going to eat your flesh! Roar!”
At umacting pa ito na parang aatake sa nakakatakot na anyo kaya hindi ko na lamang napigilang matawa rito. No doubt about her being a smart kid bcoz she learned so much. At kahit hindi ko ito tinuturuan ng tungkol sa ibang bagay at halos hindi ko narin ito natutukan ay hindi iyon naging hadlang para matuto sya sa sarili niyang sikap. And I’m really so proud of my daughter!
“So, you say so.. and bcoz sharks are scary, here comes the Mommy shark. Grrr!”
“Wahh..! Help! Momma shark gonna eat baby shark, ahh..!”
At nagtatakbo na ito palabas ng kusina kaya hinabol ko ito at nang maabutan ay pinagkikiliti ko ito ng walang katapusan. Pero ilang sandali pa…
“MGA APO, ANO BANG GINAGAWA NINYO RIYAN? BAKIT ANG IINGAY NINYO? MAGPATULOG NGA KAYO, INAANTOK YUNG MATANDA EH. KUU, KAYO TALAGA!”
At agad naman kaming napahinto sa pagkukulitan at kapwa nagkatinginan sa isa’t-isa.
“O-oh, Grandma shark is awake!”
We said in unison. At wala kaming ibang ginawa kundi ang maghagikhikan na lamang.
End of Chapter 4 (Part 2)…


2 Comments

  1. Definitely believe that which you stated. Your favorite justification appeared to be on the internet the simplest thing to be aware of. I say to you, I certainly get annoyed while people think about worries that they plainly dont know about. You managed to hit the nail upon the top and also defined out the whole thing without having side-effects , people could take a signal. Will probably be back to get more. Thanks!

    https://xmc.pl

  2. Thank you for that smart critique. Me & my neighbour were preparing to do some research about that. We acquired a beneficial book on that matter from our local library and most books exactly where not as influensive as your info. I am incredibly glad to see these details which I was searching for a long time.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.