0

Until We Meet Again CHAPTER 5


Report

Until We Meet Again🌼
Author: Scrappy writer
Genre: romance
CHAPTER 5
Kailangan ko na pumunta sa pictorial.
Mabuti nalang sa Mall ang concept ng gagawing commercial ng aming brand ng powdered milk..
Malapit na ako sa kinaroonan ng mga batang talents at kay lean narining ko rin ang mga sinabi ng bata tungkol sa mommy nila kailangan daw matulog ng maraming marami dahil pagod sa work.
Kawawa naman pala ang mommy ng mga bata ito sa isip ko.
Siguro single mom pero bakit tila guilty ako sa naririnig ko sa bata.
Tapos sa daddy nila na patay na.parang may kumurot sa puso ng marinig iyon.
Naka talikod ito sakin kaya diko pa makita ang mukha ng dalawang talents na kambal na nakuha.
Parang hinihala ang mga paa ko na bilisan ang paglalakad para makita ang mukha ng kambal.
Hi!!! Bati sakin ng batang babae ng makalapit ako pati si Lean nakisabay din parang bata.
Samantalang nakatalikod ang batang lalaki at abala sa paglalaro ng di remote na toy car.
Napakabilis ng tibok ng puso ng makita ang batang babae dito napako saglit ang aking mata.
Kulay abo ang mata at nakikita ko ang histura ni Ashlin sa bata.
Saglit kung pinikit ang aking mata.
Baka dinadaya lang ako ng nakikita ko.
Pero pag dilat ko ng mata itong batang lalaki naman ang nakita ko.Maslalo akong kinabahan pagkakita ko sa batang lalaki
Nag Hi din agad sakin ang bata.
Napaka friendly ng mga batang ito.napangiti ako
Tinignan ko si Lean dahil may similarity din sila ng batang babae.
Tapos binaling ko ang aking atensyon sa batang lalaki na nakatayo sa harap ko.
Nakatingin din ang batang babae sakin.
“Look kuya that guy!while pointing her index finger to me.
Lapit ka sa kanya kuya utos ng batang babae sa batang laki.
Sumunod naman sa utos bigla ang batang lalaki habang sinusundan ko ng tinggin. Lumapit ang batang lalaki magkatabi kami nakatayo paharap sa batang babae samantalang si Lean ay abala sa gadget niya..
Parang na amaze ang batang babae sa nakita habang katabi ko ang batang lalaki.
Tito lean look.Kuya and that guy.
maliit palang si kuya tapos iyong face nila same pati ang nose at shape ng lips nila right tito lean?sambit ng bata habang nakaturo ang ang maliit na index finger samin.habang nakatayo kami pareho ng sinsabi niyang kuya.
Tinignan ko ang bata pinantayan ko ang batang lalaki medyo niluhod ko sa tiles ang isa kung tuhod para lalo kung ma justify na totoo ang sinasabi ng batang babae saming dalawa na magka look alike kami.
Kanina pa ako nagtatanong sa sarili ko bakit kamukha ko ang batang lalaki noong maliit pa ako.
Nagkabiruan kami bigla ni lean.
Baka anak mo yan Kenneth.biro ni lean
Medyo kinabahan ako sa sinabi ni lean na anak ko ang batang ito.Hindi magandang biro lean sagot ko.
Napatingin din ako sa batang babae at kay Lean.
Baka anak mo rin yang batang babae.ganti ko kay lean.
Napailing si lean No! kenneth, hindi ko pa naitatanim ang lahi ko..nakatawang wika ni Lean kay kenneth.
Naglakad si lean papalapit kay sa batang babae.Habang nagsasalita.
Malabo na anak ko yan dahil pareho ang surname namin baka kamagaanak ko ang mother ng little cute girl nato sabay kurut sa pisngi ni Kate Ashlin.
Ouch! tito..reklamo ni Kate Ashlin
Napalakas yata nangngigil na kasi siya sa bata kanina dahil mamula mula ang biligon nitong pisngi.
Dito na ako lalong kinabahan kaya tinanong ko ang mga bata dahil ang pagkaalam ko kambal ang talents.
Tinanong ko ang pangalan nila pareho.
Tapos ang daddy nila di nila kilala.
Ang sakit sa puso marinig na di nila kilala ang Ama.
Sunod ay sumagot ang batang babae kung ano ang pangalan ng mommy nila.
Habang nagsasalita ang batang babae parang nakikita ko si Ashlin sa kanya kaya lalo pang kumabog ang aking dibdib.
Ashlin Sia Nuñez walang ka gatol gatol na bigkas ng batang babae sa pangalan ng mommy.
Halos mabingi ako ng sinabi ng batang babae ang pangalan ng mommy nila.Nakakabingi din ang malakas na kabog ng aking dibdib at halos pagpawisan ako dahil sa tensyon na naramdaman ko ngayon.
May sasabihin pa sana ito parang address at number ng mommy nila kaso lang tinakpan ng batang lalaki ang bibig ng kapatid kaya tumigil ito sa pag sasalita.
Stop Kate Ashlin galit na saway ng batang lalaki.Remember what mommy told us.
Natutup din ng batang babae ang bibig naalala siguro ang bilin ng mommy nila.
Im sorry kuya.mahina nitong pinitik ang munting labi
Natuwa ako sa gesture ng bata sa ginawa niya sarili.
Madaldal si kate Ashlin compare kay Ken Ashlin.Parang ako lang tahimik.
Parang paulit ulit kung naririnig ang boses ni Kate Ashlin sa binibigkas ang pangalan ng mommy niya.
Hindi ako makapaniwala.
Sinisingil na ba ako ng pagkakataon?
Dahil sa danami dami ng talents na pwede! bakit sila pa?.
Lalo pa yatang lumaki ang kasalanan ko kay Ashlin hindi ako pwedeng magka mali.
Ako ang ama ng mga batang ito.
Kahit hindi ko na ipa DNA ang mga bata I can feel it. Lalo pa sa batang lalaki na halos...


kuha niya lahat ng features ko at iyong tinatawag na lukso ng dugo iyon ang nararamdaman ko ngayon.
Diko mapigilan ang aking sarili na yakapin ang dalawang bata.
Diko halos maipaliwanag ang nanaramdaman ko ngayon dahil sa mga bata.
Mix emotion ang nararamdaman ko may kaba na may halong excitement,nalulungkot dahil diko manlang nasubaybayan habang lumalaki ang aking anak.
Hiya dahil wala manlang silang nakuhang suporta galing sa sakin ni isang kusing.
Bigla yata nabago ang disesyon ko ng makita ang anak ko kay Ashlin gusto ko ng bumawi sa mag ina ko.But how?naguguluhan pa ako.
I need to do something para naman kahit paano ay bawasan ang kasalanan ko kay Ashlin at sa mga anak ko.
Parang gustong kong kastiguhin ngayon ang aking sarili dahil sa katangahan at mali kong disesyon na bigla nalang iwan si Ashlin.Kahit balitaan man lang sa nangyari sakin noon.
Nagtaka man ang kambal pero hiyaan nalang ako sa ginawa kong pagyakap sa kanila.
Sana mapatawad ako agad ng mommy niyo para makabawi ako sa inyo.mahina kung usal.
Is there something wrong? Tanong ni Kate sa kanya.habang yakap ko ang kambal
Nothing’s wrong baby.tangi ko sa dalawang bata.Ang sarap sa pakiramdam habang yakap ko ang kambal pakiramdam ko kay yakap ko na din si Ashlin sa mga oras na ito.parang ayaw ko ng matapos ang pagyakap ko sa kambal.Parang gusto nalang sila yakapin at makasama ng buong maghapon parang napunan ang aking puso pagkayakap ko sa mga bata.
Kumalas ako sa pagkakayakap sa dalawa.
Masayang masaya ako dahil kayo ang naging talent namin.matamis kong nginitian ang kambal.
So pwede ko ba kayong ipasyal mamaya pagkatapos ng pictorial.
Iyon lang ang tanggi kung nasabi sa mga anak ko,. Lalo yata akong mahihirapan na harapin si Ahslin.
Lalo pa’t meron pala kaming anak at iniwan ko lang siya bigla.Kahit makibalita ay di diko ginawa.
Para akong pinarurusahan ngayon dahil sa ginawa ko kanya.
Sana mabigyan niya pa ako ng second chance bulong ng aking isipan habang nag pictorial kami at ng mga bata kasama si Leandro
Diko naman sila pwedeng biglain lalo pa’t ang alam nila ay patay na ang daddy nila diko rin masisi si Ahslin.
“It’s all my fault,and I admit it.
Pero masakit sa part ko na kahit pangalan ko manlang ay di niya binanggit sa mga bata at sabihing patay na ako.napatiimbagang si kenneth sa isiping iyon
Ngayon palang kini claim ko na ako ang daddy ng mga bata I’m 100 percent sure.giit ko sa sarili.
Pinagkait ni Ashlin na ipakilala ako sa anak namin kaya sigurado na ipagkakait niya din sakin ang mga bata.
Pero hindi ako papayag I will do everything para mapalapit sakin ang mga anak ko at maiparanas sa kanila ang marangyang buhay that’s my final decision.
Pagkatapos ng pictorial ay agad na tumakbo ang kambal patungo sa dalawang babae na nakahalo sa mga nanood ng pictorial.
Sabay nilang hinila ang kamay patungo sa kinaroonan namin.
Tita ninang sabi nung guy sabay turo sakin ni Kate Ashlin.
Mamamasyal daw muna tayo.
Ngitian ko ang sinabihan ng bata ng tita ninang
Ng makalapit ang mga ito ay pormal akong nag pakilala “Kenneth Chaviz Esgeurra”.sabay lahad ng kamay
sa dalawang babaeng kasama ng kambal.
Nice to meet you sir Kenneth paunang wika ni Susan.
Si Susan talaga ang malakas ang loob saming dalawa.
Sumunod din ako sa pakikipagkamay.
Cyril lopez Almodiel.pakilala ko.
Diba ikaw iyong binigyan ko ng invitation sa exhibit sa art gallery ko kanina.Wika ni kenneth kay Cyril
Yes sir ako yun ang ganda ng mga house design niyo sir Esguerra
Mabuti naman at naalala mo pa dagdag niya.halos kiligin naman siya sa sinabi ni kenneth dahil naalala pa siya.
Masyadong pormal ang Sir! Miss Cyril.
Tawagin mo nalang akong Kenneth dahil kaibigan mo pala ang mommy ng kambal.
Ituring mo na din akong kaibigan para di tayo magkailangan pormal niyang wika.
Ok kenneth.sagot agad ni Cryril
Naku!Ashlin kung nandito kalang sigurado akong kiligin ka din ngayon dahil sa mga kaharap namin ngayon ni Susan.
Tinaasan ko lang ng kilay si Leandro habang naka tinggin sa akin na halatang kinikilig.
Shall we go now. si Kenneth
Tara aya ko ulit sa mga bata pati sa mga kasama nito.Pati kay lean
Don’t worry libre ko sky is the limit.wika ni kenneth.
Na excite kami pareho ni Susan pati ang mga bata.
Eto lang yata si leandro ang hindi excited sa libre na sky is the limit first time namin ito.
Hindi maipinta ang mukha ni leandro kasing pangit ng pangalan niya may pa lean lean pa leandro naman pala ang bantot pang matanda.wika ni Cyril sa sarili.Namana niya yata sa tatay ang pangalan niya.natatawa ako sa naisip ko sa kalaking kasabay namin mamasyal.
Anong akala niya samin PG.kung makatingin kala niya wala kaming datong…
Sarap batukan ng leandro na to diko lang siya maabot dahil medyo kulang din ako sa height matangkad lang ako ng ilang inches kay Susan.Takong lang mataas sakin.
Hindi ba pwedeng excited lang kami dahil ngayon lang kami masaya dahil may nanlibre dahil ako lagi ang nanlilibre wika ni Cyril sa sarili.habang maghawak kamay sila ni Susan nakasunod sila sa dalawang lalaki na akay din ang kambal.


Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.