2

Pinagtagpo pero hindi Itinadhana Pagpapatuloy ng Kabanata 11


Report

Title : Pinagtagpo pero hindi Itinadhana
Author : Miss J
Pagpapatuloy ng Kabanata 11
” Teka lang sandali ” mahina Kong saad sa kanyang tainga habang kakarampot na lakas ang aking ginawa para sya at itulak pakiramdam ko wala na syang paki alam pa , pakiramdam ko sobra syang nangulila na gawin ang mga bagay na ito ” Jay sandali lang muna ” ulit ko sa kanya at sa pasasalamat ko tumigil naman sya sa paghalik sa aking namumula ng leeg.
” Napaka tagal mo, pinasasabik mo ako masyado ” yun lang ang namutawi sa kanyang bibig at akoy kanyang hinila palabas ng banyo at ng andon na kami sa my paanan ng kanyang higaan ” Alam mo bang matagal kitang hinintay ilang buwan din , ni hindi ako lumandi o tumikhim ng iba kahit kailangan kailangan ko na kasi malayo...


ka , sabi ko sa sarili ko na mghihintay ako gang makarating ka at susulitin ko ang bawat minuto na kasama ka at makaniig ka ” mahaba nyang salaysay sa akin , Hindi ako makapagsalita wala akong maapuhap na sasabihin , kinakabahan ako at kinikilig… Kinuha nya ang aking mga braso at inilagay nya sa kanyang balikat ” Gusto ko sana sumabay maligo sayo pero ramdam Kong ayaw mo kaya don nalang ako naligo sa labas ” bulong nya sa akin at hinalikan nya ang ilalim ng aking tainga ” Bakit hindi ka kumikibo , hindi mo kailangan mahiya sa akin kung ano man itong gagawin natin natural lang siguro ito sa mga tao na nagmamahalan ”
” Mahal na mahal kita Jane, pangako papaligayahin kita at irerespeto sa lahat ng oras , sisiguraduhin Kong magiging panatag ka akin “


2 Comments

  1. subrang ganda ng kwentong ito sana may kabanata 12 pa gustong gusto ko mabasa yung kabatana 12 sana mapansin goodluck stay safe

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.