0

UNEXPECTED LOVE CHAPTER 5 – PAG AMIN


Report

UNEXPECTED LOVE 🖤
🏷️ CHAPTER 5: .•°PAG AMIN°•.
.•°❤️°•.Mae’s Pov;
Maaga akong nagising upang ipaghanda ng makakain si kuya Jc, kahit papano ay marunong naman akong magluto kahit matagal akong naging pagala-gala ay tanda ko pa ang mga itinuro sa akin ni mama. Saktong may karne ng manok at kompleto ang mga sahog na kinakailangan para sa adobo. Nagsaing narin ako at nag painit ng tubig upang makapagkape silang dalawa. Mabilis niyang natapus ang pagluluto at handa na ang lahat sa hapag-kainan, hinihintay niya na lamang ito na magising, nakakahiya naman kung gigisingin niya pa ito.
Di’nagtagal ay nakita ko din si kuya ngunit hindi ito galing sa kwarto niya kundi galing sa labas, mukhang kagagaling lang nito sa pagjajogging dahil basa ang buhok nito dahil sa pawis.
Natulala naman siya sa magandang pangangataw*n ng lalaki at biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Binaliwala niya ito at agad na inayang kumain ang binata ngunit pinauuna na siya nito dahil maliligo pa daw mona ito.
Nagugutom man ngunit nais niyang makasabay sa pagkain ang binata, mas gusto niyang kumakain na kasabay ito. Iyon lang ba? Bakit parang may kakaiba sa kanya, hindi niya pamilyar ang kakaibang kinikilos ng kanyang puso. Napabuga na lamang siya ng hangin sa kawalan dahil naalala na naman niyang muli ang pabor nahinihingi sa kanya ng dalagang si Patricia. Naaawa siya sa mga ito, subrang napakabait ng mga ito ngunit bakit ganito ang naging kanilang kapalaran. Ang sakit palang umibig, tanging bulaslas niya.
“Kamusta Kana Mae?” Tanong sakin ni Kuya na di’ ko man lang namalayan ang kanyang paglapit.
“Maayus naman po” Nakangiti kong sagot upang makumbinsi itong maayos ako kahit ang totoo ay kulang nalang pumutok ako na parang lubo sa subrang pagkalito sa samo’t saring nararamdaman ko ngayon.
“Good!, Kamusta naman kayo, i mean si Patricia? Pwedi na bang ibahay Mae?” Malapad na tanong nito sa kanya. Parang nadurog ang kanyang puso, talagang mahal nito ang dalaga pero paano kong malaman nito ang tunay na kalagayan ng nobya. Nasasaktan man sa nangyayari ay di’niya iyon pinahalata.
“Maayos naman po, mabait si Ate Pat, sabi pa nga niya pwedi daw ako bumisita sa kanila ano mang oras po kuya” nakangiting sagot kahit gustong gusto ko na sabihin dito na kailangang-kailangan siya ng kanyang nobya.
“Mab-, hindi nito natapus ang sasabihin ng biglang tumunog ang cellphone nito, suminyas ang binata na sandali mona na kanyang tinanguan.
“Mae, gusto mo ba sasama?”tanong sa akin ni kuya Jc habang mabilis na tinatapus nito ang pagkain.
“Saan po kuya?” Magalang niyang tanong.
“Sa bahay nila ate Patricia mo, di ko alam pinapapunta niya ako. Miss agad ako” tumatawa pa ito habang nakatingin sa kanya.
“Sa susunod na lang po, oras niyo na ninyong dalawa yan” pagtanggi niya, nakakahiya naman kung sasama pa siya mukhang sasabihin na ni Ate Patricia niya ang totoong kalagayan nito.
Agad na nagpaalam ang binata habang siya ay bigla na lamang napahiga sa sofa at iniisip ang mga nangyayari na kahit kailanman ay hindi niya inaasahan mangyayari sa kanyang buhay.
~ 🏡Patricia’s House 🏡~
.•°❤️°•.Patricia’s Pov;
“Good morning Hon”Bati sa akin ni Jc sabay hal*k sa aking pinge.
...


“Good morning too Hon, i miss you” saad ko dito ng nakangiti.
“I miss you too my princess, btw how are you?” Ngiting tanong nito sabay umunan sa mga hit* ko. Napangiti nalang ako sa ginawa niya, he really love na uunan sa hit* ko, minsan hinihim*s niya pa tiyan ko at pinagdadasal na mabuntis ako na ngayon ay nagkatotoo, bigla naman akong nalungkot dahil sa natupad nga ang kagustuhan namin pero hindi naman nito mararanasan ang magandang mundo.
Napansin naman ng binata na mukhang malungkot ang kanyang nobyo kaya tumayo ito at yinak*p at tinanong.
“Are you okay Hon? Why are you sad? May problema ba?” Alalang tanong nito sa kanya.
“Hon, pano kung mawala ako? Ano gagawin mo?” Malungkot na tanong ko sa kanya, ramdam ko naman bigla itong napalunok marahil ay kinabahan ito sa kanyang tanong.
“Bakit Hon? May lalake ka ba? Di’mo na ba ako mahal?” Langy* di ko alam kung malulungkot o maiin*s ako sa sinabi niya.
“No” tipid na sagot ko, kita ko naman ang pagkunot ng noo nito, mukhang naguguluhan na.
Nag aalangan man ngunit wala na akong ibang pagpipilian kundi ang sabihin ang totoo, bigla na lamang ito napaluhod habang umiiyak.
.•°❤️°•.Jc’s Pov;
Napaluhod na lamang ako sa iyak sa subrang sakit. Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Naging mabait naman kaming pareho.
Bakit ngayong magkakapamilya na sana siya ay maaga naman itong kukunin sa kanya. Hindi niya mapigilang umiyak sa harapan ng kanyang nobyo habang ang kanyang nobyo ay nakaluhod narin ito at umiiyak dahil sa sakit na pariho nilang nararamdaman.
“I am sorry Hon, I’m really sorry, ginawa na namin nila mom and dad ang lahat pero wala talaga, sorry i can’t save our baby” umiiyak na paghinga ng tawad nito sa kanya kahit wala naman itong ginawang mali.
“Shhh…wala kang kasalanan di natin to ginusto Hon” niyak*p ko ito at hinalikan sa lab*.
Pariho na kaming mahinahon ngunit hindi parin maalis ang sakit, ilang buwan nalang at mawawala na sa akin ang mag-ina ko.
“H-hon” tawag sakin ni Patricia sasagot na sana ako ng bigla itong umubo ganon na lang ang pagkaalarma ko ng makitang may dug* ang kanyang kamay na nagkalat pa ang ilan sa sahig.
“A-ate you ok? Wait t-tatawag ako ng emergency” kaba at takot ang kanyang nararamdaman tatayo na sana siya ng bigla siyang hinawakan sa kamay ng nobya at biglang nawalan ng ulirat ito.
Halos paliparin na ni Jc ang kotse sa bilis ng pagpapatakbo, wala na siyang pakialam kung may masagasa*n siya o kung ano pa man basta sa kanya ang mahalaga ay madala niya agad sa hospital ang pinakamamahal niyang nobya. Pagkarating sa Hospital ay agad namang inasikaso ng mga nurse at doctor ang dalaga na wala paring malay, dinala na ito sa ER para pag-aralan ang kalagayan ng kanyang nobya.
Napapikit na lamang siya at pinagdadasal na sana ay magkaroon ng milagro at alisin ang sakit ng nobya.
Habang si Mae ay subra ng nag-aalala gabi na ngunit wala parin ang Kuya Jc niya. Hindi niya alam bakit kinakabahan siya, natatakot siya baka ano na nangyari dito o baka masyado lamang siyang nag-iisip.

1

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.