0

The Loosing battle


Report

The Loosing battle
Author: Cloverdeffudil
Genre: romance, mystery
Username: Cloverdeffudil
PROLOGUE
‘meow~’
‘meow~’
Nahila ko ang unan sa kama pero imbes na malambot na bagay ang nakuha ko, ay isang matigas at malamig na bagay ang nahawakan ko.
‘meow~’
‘meow’
Nakamot ko ang tenga at muling bumalik sa pagtulog.
‘Ngeow!, Ngeow!’
“Aray!”
Napadaing ako sa sakit nang may naramdaman ako na parang bumagsak sa tyan ko, wala sa sarili akong napabangon sa kama habang kamot ang ulo, nang imulat ko ang mga mata ko ay duon ko lang narealized na sa sahig ako nakatulog katabi ang mga bote ng alak, gamit na sigarilyo at mga basura. Napatingin ako sa pusang nakapatong sa lap ko.
‘ngeow?’
“Were you trying to wake me up?”
Tanong ko kahit na alam kong hindi niya maiintindihan yung sinabi ko.
Humikab ako at napalingon sa bintana. Umaga na.
“Right magkikita nga pala kami Mr whatever”
Kinarga ko yung pusa at pinatong Ito sa sofa saka pumasok sa kuwarto. Maliligo na sana ko pero inuna ko pang hanapin yung phone ko. Hinanap ko yung phone sa buong kuwarto pero wala, muli akong lumabas at sinimulang halungkatin ang mga gamit sa sala pero wala parin, dahil sa mainit ang panahon ngayon, dumagdag pa yung mga basurang nakapalibot sa’ kin, ang dilim na kuwarto ko at hindi ko mahanap yung phone ko ay mas lalong umiinit ang pakiramdam ko. Umakto akong sisipain ang mga nagkalat na damit nang makita ko yung cellphone ko na natakpan ng damit. Huminga ko ng malalim upang tanggalin ang inis na nararamdaman bago kinuha ang cellphone. Bubuksan ko na sana yung phone nang makitang may malaking hiwa ang screen nito, pakiramdam ko ay nagmistula akong bato na unti-unting nagkakaroon ng crack.
“Ackkk! F*cking sh*t! I’m so broke, ikaw nalang ang pag-asa ko at nasira ka din?! Ba-bakit? B-bakit ka nasira? t*ngina naman!”
Sinubukan kong buksan yung phone pero hindi na ito bumukas kaya wala sa sarili kong nabato Ito.
‘meow~’
Tumingin ako sa pusa na mukhang humihingi ng kapatawaran.
“Sabi ko na nga ba ikaw lang ang kayang sumira ng gamit ko! Gusto mo bang pulutin sa kalye?!”
Pangsesermon ko pero kahit na anong sigaw ang gawin ko ay wala naman itong ibang sasabihin kundi ngeow na mas lalong ikinaiinis ko.
Napabuntong hininga nalang ako at matamlay na bumalik sa kuwarto upang maligo.
My name is najahrie Davess 16 years old, grade 10, mag-isang nakatira sa apartment, malayo sa pamilya at naghihintay nalang na hainan ng pera. Gustuhin ko mang magtrabaho pero ayaw akong payagan ni papa dahil mas gusto niyang magfocus ako sa pag-aaral kaya kahit ayuko siyang makita ay wala kong choice kundi lumapit sa kanya para humingi ng pera. Mahilig ako magbasa ng mga libro na may ibat-ibang genre, dahil dun ay pinangarap kong maging writer, naisip ko na kapag kumita ako run ay baka makawala ako sa kadenang nakatali sa paa ko at magawa kuna lahat ng gusto ko pero kahit anong gawin ko ay hindi parin ako nag-iimprove sa pagsusulat ng novel, it’s like a loosing battle.
Matapos kong maligo ay humarap ako sa salamin, hindi na’ ko nagtaka nang makita ang napakarami kong pasa sa mukha, well. . . . May nakasalubong lang naman akong mga gangster sa kanto kahapon habang nagpapaload, sinubukan ba naman akong bastusin kaya hindi ko napigilang mapaaway. Pumunta ako sa sala at ginamot yung mga pasa ko sa mukha at braso, pinaluputan ko ng benda yung braso at naglagay ng band aid sa ilong, matapos nun ay nagbihis ako, nagsuot ako ng jacket n itim at denim short, nagsuot narin ako ng mask para hindi makita yung mga sugat ko sa mukha.
“Okay time to go outside”
Walang buhay kong turan sa sarili, pero bago ko umalis at pinakain ko muna yung pusa kong si Barney.
Sumakay ako ng taxi papuntang mall pero bago yun ay nagwithdraw muna ko ng pera sa atm machine, nilagay ko yung password at hihintayin nalang na lumabas yung pera pero nagulat ako nang makitang invalid password yung lumabas. Muli kong nilagay yung password pero invalid password parin yung lumabas, uulitin ko pa sana nang maalala ko ang demunyong mukha ni dad, right. . . . He must be the one who change my password, gagawin niya talaga ang lahat para lumapit ako sa kanya. Walang sigla kong kinuha ang atm card at binulsa.
“Arggh t*ngina b*weset!”
Sa inis ko ay hindi ko napigilang sipain yung atm machine at agad na umalis na parang wala g nangyari, kapag nagtagal pa’ ko run ay baka tumawag na ng police yung mga taong nakakita sa ginawa ko. Pumasok ako sa mall at dumeretyo sa cellphone store. Nagtingin-tingin ako ng mga cellphone hanggang sa huminto ang tingin ko sa cellphone na kulay dark red, real me yung brand at 10,999 yung prize. Kinuha ko yung wallet ko sa bulsa at chineck yung natitira kong pera, 20k nalang yung pera ko at hindi ko magamit yung atm card ko, hindi ako magastos pero baka hindi ako abutin ng isang buwan, gosh I’m so poor.
“Ma’am may bibilhin po ba kayo?”
Napatingin ako sa sales lady na mataray na nakatingin sa’ kin, iniisip niya na ba na hindi ko afford bumili ng phone?
“Ahh I buy this one”
Aniya ko na tinuro yung cellphone na nakalagay sa salamin na lalagyanan.
Agad niya namang kinuha yun at pinatry sa’ kin. Chineck ko lang yung mga apps at agad na binalik sa kanya.
“Okay na, bibilhin ko”
“Okay so cash po ba o atm card?”
“Cash”
Agad niyang binalot yong phone, nagbayad muna ko bago kinuha yung paper bag. Agad akong umalis at tinungo ang pagkikitaan namin ni mr whatever, sa isang coffee shop kami nagkita, medyo may kalayuan at walang masyadong customer. Nilibot ko ang paningin pero mukhang late na naman siyang darating.
Umupo ako sa table na malapit sa glass window. Habang naghihintay ay binuksan ko yung paper bag at kinuha yung phone ko, nilabas ko na rin yung basag kong phone at tinanggal yung dalawa kong sim card at memory card saka nilipat sa bago kong phone. Nang mabuksan ko yung bago kong phone ay nakitang may message ako, agad ko yung binuksan at kumunot ang noo ko nang makita ang message ni Dad (mr whatever)
Dad: may meeting ako tomorrow kaya dumeretyo ka nalang sa bahay para nakapagdinner tayo as a family at wala kang allowance for 1 month dahil nakarating sa’ kin na nakipag-away ka, sana ay hindi na naulit yun.
7hrs ago
Wtf . . . . What am I suppose to do, let them harass me? At halos sa isang beses sa isang taon na nga lang kita nakikita, icacancel mo pa . . . . at balak mo’ kong pauwiin eh 4 hrs ang byahe papunta sa bahay mo, wala pa’ kong allowance tas gagastos pako ng pamasahe para lang...


mainis! Nakakainis!
Haist why does bad luck keep happening to me~ sumubsub ako sa mesa at umaktong maiiyak. Matapos kong mag emote ay tumayo ako upang umalis. Nung buksan ko ang pinto ay bigla nalang may matigas na bagay ang bumangga sa’ kin, nabitawan ko yung phone ko at napaupo sa sahig. Matalim ang mga mata kong napatingin sa lalaki na bakas sa mukha ang gulat pero agad ding napalitan ng masamang tingin, para kaming nagkokopetensya kung sino ang unang iiwas, siya na nga tong nakabangga siya pang may lakas ng loob magalit. Nahulog tuloy yu–
“Ack sh*t yung phone ko”
Wala sa sarili kong naibulong sa sarili, agad kong dinampot yung phone ko at umalis, masyado ng sira ang araw ko kaya mas lalo lang masisira ang araw ko kapag nakipag-away ako sa lalaking yun. Huminga ko ng malalim at naisipang icheck yung phone. Nakahinga ko ng maluwag nang makitang walang basag yung phone ko. Binulsa ko na yung phone at pumara ng taxi, another gastos na naman, bukas pasukan na at hindi ko alam kung kakayanin ko bang maglakad mula apartment papuntang school, mabubuhay pa kaya ko ng isang buwan? Kung puwede lang sana na pagkain lang ang gastusin ko pero may mga pangangailangan din ako na hindi kayang punan ng pagkain tulad ng alak at sigarilyo.
“Kuya bayad po”
Nag-abot ako ng 100 at hinintay yung barya ko.
“Ma’am, hindi pa po ba kayo aalis?”
Aniya niya nang mapansing hindi pa’ ko bumababa. Wag niyang sabihin na 100 na ang pamasahe ngayon.
“Kuya yung barya ko”
“Ahh ayy oo nga pala, pasensya na po ma’am, kala ko po keep the change kase yun po palaging sinasabi ng mga pasahe–”
“Kuya yung barya ko”
Pagputol ko sa sasabihin niya, agad niya namang inabot yung barya ko, bumaba ako at nagmadaling umakyat sa second floor at pumasok sa apartment ko. Sinalubong ako ng pusa kong si barney.
‘Meow~ meow~’
“Meow~”
Panggagaya ko. Kinarga ko yung pusa at pumasok sa kuwarto, pabagsak akong humiga sa kama at pinatong yung pusa sa lap ko saka naisipang muling icheck yung phone ko, binuksan ko yun at lumalim ang gitla ng noo nang makitang may password yung phone ko.
“Hu?”
Wala naman akong nilagay na password kanina ah,
“T*ngina . . . ”
I was too stunned to speak dahil ang dami ko ng iniisip tapos dumagdag pa yung password sa phone ko.
Sinet ko yung pangalan ko, pero invalid password yung lumabas, kung ano-anong pangalan na ang nilagay ko pero mali parin. Pinag-isipan kong mabuti kug may nilagay ba kong password kanina dahil madali akong makalimot pero kahit anong gawin ko ay wala kong maisip na puwedeng i password sa phone dahil hindi naman ako mahilig mag lagay ng password.
“Haist one two three four”
Sa inis ko ay naglagay nalang ako ng number na 1234, kahit na obvious namang hindi yun bubukas dahil sinong siraulo ang magpapasword ng ganun.
“Righ– weh? Pfft HAHAHAHAHAHA”
but it turns out na ako yung siraulo dahil bumukas yung phone ko sa password na 1234. Hindi ko napigilang mapahagalpak ng tawa pero napahinto ako nang makitang may wallpaper ng anime yung phone ko.
“Teka bagong bili yung phone ko kaya. . . . Don’t tell me . . . ”
Chineck ko yung kulay ng phone ko at ngayon ko lang narealized na kulay itim ito, may password at wallpaper, mukha ring luma na yung phone at vivo yung brand.
“Whose phone is this?”
Saglit akong natulala sa kisame hanggang sa nagpagulong-gulong sa inis.
“Ahhhhkkkk Sh*t! Bagong bili yung phone ko, kaninong phone to nakakainis! Bakit naman ang malas ko ngayong taon, I wanna die~”
Dumapa ako sa kama at paulit-ulit na sinuntok yung unan, napahinto lang ako nang dumunog yung phone. Now that I think about it, may nabangga akong lalaki kanina, malamang ay nagkapalitan kami ng phone. Kinuha yung phone at matagal na napatitig sa caller. Confirm, number ko yung tumatawag ngayon kaya malamang ay hawak niya yung phone ko ngayon, haist sinagot ko yung tawag at tinapat sa tenga.
“Hello?”
Aniya ko pero walang sumagot, naghintay pa’ ko ng mga isang minuto pero hindi parin siya sumasagot.
“Huy sumagot ka, gusto mo bang basagin ko tong phone mo ah?”
“Sege sirain mo pero akin na lang yung phone mo at isa pa puwede bang itapat mo yung phone ko sa mukha mo dahil video call to”
“Ah o-okay”
Haist stupid me. Hinarap ko yung mukha ko sa phone, nang makaharap ko siya ay hindi ko napigilang titigan ang bawat parte ng pagkatao niya, sleepy eyes, makapal at magulong buhok, matangos na ilong at medyo may kanipisang mga labi, nakasuot siya ng cap na nakabaligtad at white bid sized t shirt, maputi rin siya at bukod sa guwapo siya ay nakakainis ang pagmumukha niya.
“May ginawa ba’ kong mali sayo?”
Tanong niya nang mapansin niyang hindi maganda ang tingin ko.
Magsasalita na sana ko nang maalala kong may suot pa nga pala kong mask, muntik na’ kong maubusan ng hininga.
“Wala naman, may naaalala lang ako sayo”
Sagot ko. Kumunot ang noo ko nang makita ang gulat sa mga mata niya, wag niya sabihing tinamaan siya sa ganda ko
“Did you fall for me?”
Pangtetease ko. Nabalik lang siya sa katinuan nang makita ang ngisi sa labi ko, umiwas siya ng tingin at napahawak sa noo nito na parang hindi niya nagustohan yung inakto niya sa harap ko.
“Who fall for you HAHAHA, may naalala lang akong nakakainis na tao at kamukha mo siya, anyway, I really need my phone, puwede ba tayong magkita bukas?”
Sa dami ng sinabi niya ay yung una niyang sinabi lang talaga yung tumatak sa isip ko. Sinasabi niya bang hindi ako attractive tapos tumawa pa siya ng nakakainsulto, this guy is pissing me off, I shouldn’t involve myself to him.
“Yeah sure pero first day of class na bukas eh, puwede bang mag meet tayo ng 5am?”
“Tao ka pa ba?”
Kumuyom ang kamao ko at pinigilan ang sariling mainis pero kahit pigilan ko ay halata na sa mukha ko.
“Mukha ba’ kong alien?”
Balik kong tanong.
“Masyadong maaga yung 5am, hindi ko kayang gumising ng ganung oras, 5pm nalang”
“May pasok nga ako bukas”
“Siguro hindi ka tao? Walang matinong tao ang memeet ng ganung oras”
“Kung ganun pasensya na, napakabusy ko kase tao tuwing umaga at hindi ako natutulog sa gabi”
“Aba hindi ko na problema yun, may pasok din ako bukas, sa tingin mo ba ikaw lang ang may ginagawa tuwing umaga? At isa pa, kasalanan mo kung bakit nagkapalit tayo ng phone, kung tumitingin ka ba naman kase sa dinadaan–”
“Haist oo na, dami mong sinasabi, saan tayo magkikita?”
“Kung saan una tayong nagkita, okay lang ba”
“Yeah sure, bye”
Agad kong pinatay yung tawag at nagmadaling pumasok sa banyo dahil sa totoo lang, kanina pa’ ko natatae


Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.